E P P MGA HAKBANG SA PAGGAWA NG COMPOST/BASKET COMPOSTING SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS

Similar documents
GRADE VI GAMIT NG GRID

E P P TALAAN NG GASTOS AT KINITA SA PAGHAHALAMANG ORNAMENTAL SELF INSTRUCTIONAL MATERIALS

GABAY SA PAG GAMIT NG ADMIN CONSOLE (ADMIN CONSOLE QUICK GUIDE)

H E K A S I PAGBABAGO SA PANAHANAN SA PANAHON NG ESPANYOL SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools

Music. Talaan ng mga Gawain. (Unang Kwarter) Department of Education June 2016

H E K A S I NORTH ARROW COMPASS ROSE LOKASYON NG PILIPINAS SELF INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools

I-reboot ang Iyong X1 TV Box

Ika-13 Aralin IYONG KA- UGNAYAN SA IBA" ~ Kinakailangang ibigin, igalang at sundin natin sila.

H E K A S I BUWIS, KABALIKAT NG BANSA SA KAUNLARAN SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS

Tagalog NATIONAL STANDARDS. sa pagbabasa, pagsusulat at matematika. Gaano kahusay ang aking anak sa paaralan?

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

H E K A S I EDUKASYON: SAAN PATUTUNGO SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools

Zangle Parent Connect Gabay sa Tagagamit. Paaralang Pampurok ng Anchorage

H E K A S I KABABAIHAN SA PANAHON NG IKATLONG REPUBLIKA SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools

H E K A S I EDUKASYON NG MGA UNANG PILIPINO, NAIIBA BA? SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools

Ang aklat na ito ay inilimbag ng WWF-Philippines para sa proyekto ng Coral Triangle Support Partnership sa tulong ng USAID.

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

Impormasyon tungkol sa Pamumuhay sa Iba't-ibang Wika

Mga Nalalapit na Pagbabago sa Santa Clara Family Health Plan Cal MediConnect Plan (Medicare-Medicaid Plan) 2018 na Listahan ng Gamot

Ika-14 na Aralin. Pag-aralan ayon sa mga tuntunin nasa pasimula ng unang aralin. 1. Ang Cristiano ba ang may-ari ng kanyang sariling buhay?

H E K A S I MAGKATULAD NA PAGPAPAHALAGA: BATAYAN NG PAMBANSANG PAGKAKAISA SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS

Oops... Ingat sa Lansangan

Tungkol Saan ang Modyul na ito?

Republic of the Philippines Department of Education Negros Island Region DIVISION OF SILAY CITY City of Silay

Chapter 6 Tagalog Verbs

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

PART A. LINGGUHANG ISKEDYUL SA TRABAHO

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

H E K A S I PAMAMAHALA NG MGA UNANG PILIPINO SELF INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools

GRADE VI LIKAS NA YAMAN AY GAMITIN: BATAS AY DAPAT SUNDIN

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

GRADE IV REHIYON VI KANLURANG VISAYAS

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Kaya Ko, Kaya Mo. pagpapanatili ng. Buhay na Lupa. Paggawa ng Compost at Iba Pang Organikong Pamamaraan na Subok ng Magsasaka

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

H E K A S I PANGKABUHAYAN SA PANAHON NG HAPONES SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Ano-ano Ang Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Third Quarter 2018 Social Weather Survey: Pinoys maintain anti-chinese stance on West Philippine Sea issue

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

KABAYARAN SA PAGTAPON NG BASURA PAG-PUPULONG NG RESIDENTE BAYAN NG HIGASHIURA

Nang Matuto Ka at Magising

Alamat ng Kawayan. Anthony Pascua SAILN, Tier III

H E K A S I ANG EDUKASYON SA PANAHON NG ESPAÑOL SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools

Pagsasanay sa Filipino

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

EDUKASYON SA PAGPAPAHALAGA I

Nutri-bingo! Gabay para sa game master o facilitators. Ano ang nutri-bingo?

BANGHAY ARALIN sa ARALING PANLIPUNAN 3 IKATLONG MARKAHAN - Isinulat ni Cecelia G. Buta, MTB Regional Trainer, Region XI

Iyong patnubay sa kalayaang pampananalapi

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

SCFHP Cal MediConnect Plan (Medicare-Medicaid Plan) 2019 Listahan ng Matibay na Kagamitang Medikal (Listahan ng Durable Medical Equipment o DME)

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

Halimbawa ng talumpati tungkol sa edukasyon Elastrator self castration Explicit movies on amazon 2017 Fidio porno abg perawan indo yg dapat di tonton

MAY KAAGAPAY KA NA BA?

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Sibika Baitang 2 Ikatlong Markahan

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Mga katanungang madalas itanong(q&a) tungkol sa Electronic Notification System ng Kawanihan ng Imigrasyon

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

GABAY SA PAG-AALAGA NG PALAKIHING BABOY

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Education for Better Work. (Edukasyon para sa Mas Magandang Trabaho) SELF-RELIANCE

para sa lahat na ginawa Mo. Sa Pangalan ni Jesus Cristo inaasahan namin ang Iyong mga pagpapala. Amen. Kayo ay makakaupo na.

Technology Responsible Use Guidelines (Mga Alituntunin sa Responsableng Paggamit ng Teknolohiya)

Ang Makisig at Hangal na Hari

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

DEPED COPY. S i n i n g. Kagamitan ng Mag-aaral

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

Paghahanda para sa Kadakilaan

Fear God October 24, 2010 By Derick Parfan Scripture: Luke 12:4-7

Starting and Growing My Business. (Pagsisimula at Pagpapalago ng Aking Negosyo) SELF-RELIANCE

Kapag Ang Mga Bata Ay Nagsasalita Ng Higit Sa Isang Wika

International Correspondence Institute PHILIPPINE NATIONAL OFFICE P.O. Box 1084, Manila. Unang Aralin hanggang 3

EDUKASYON SA PAGPAPAHALAGA IV Yunit I Modyul Blg. 1

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang Matutuhan Mo sa Modyul na Ito?

H E K A S I EDUKASYON SA PANAHON NG EDSA REVOLUTION HANGGAN SA KASALUKUYAN SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools

God s Electing Love (Mal. 1:1-5)

H E K A S I KAHALAGAHAN NG BATAS SA PAG-UUGNAY NG MGA UNANG PILIPINO SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools

Ang Bautismo: Pakikipag-isa kay Cristo sa Kamatayan at Bagong Buhay (Unang Bahagi)

Pagsasanay ng mga guro sa programa ng K to 12 Baitang 8

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Pamagat ng Pag-aaral (o IRB Approval Number kung maaaring labagin ng pamagat ng pag-aaral ang privacy ng subject):

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

ROBERT B. POLLOCK ELEMENTARY SCHOOL 2875 Welsh Road Philadelphia, PA

KJ~ NG DIYOS ILILIGTAS. International Correspondence Institute. ARALiN 7. Tungkol sa Diyos - Ang Ating Pag-aralan

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

AWIT 16:2-3 SINO ANG NAKIKINABANG SA MABUBUTI NATING GAWA? NI REV RODNEY KLEYN

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

PalayCheck. Key Check 5. Sapat na sustansya sa panahon ng pagsusuwi hanggang paglilihi at pamumulaklak.

Kanser sa Balat. Skin Cancer / Tagalog Copyright 2017 Hospital Authority. All rights reserved

Obey God s Will October 31, 2010 By Derick Parfan Scripture: Matthew 7:21-27

MODYUL SA PAGKATUTO. Pangkalahatang Ideya

Transcription:

Modified In-School Off-School Approach Modules (MISOSA) Distance Education for Elementary Schools SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS E P P 5 MGA HAKBANG SA PAGGAWA NG COMPOST/BASKET COMPOSTING Department of Education BUREAU OF ELEMENTARY EDUCATION 2nd Floor Bonifacio Building DepEd Complex, Meralco Avenue Pasig City

Revised 2010 by the Learning Resource Management and Development System (LRMDS), DepEd - Division of Negros Occidental under the Strengthening the Implementation of Basic Education in Selected Provinces in the Visayas (STRIVE). Section 9 of Presidential Decree No. 49 provides: No copyright shall subsist in any work of the Government of the Republic of the Philippines. However, prior approval of the government agency or office wherein the work is created shall be necessary for exploitation of such work for profit. This material was originally produced by the Bureau of Elementary Education of the Department of Education, Republic of the Philippines. This edition has been revised with permission for online distribution through the Learning Resource Management Development System (LRMDS) Portal (http://lrmds.deped.gov.ph/) under Project STRIVE for BESRA, a project supported by AusAID.

GRADE V MGA HAKBANG SA PAGGAWA NG COMPOST/ BASKET COMPOSTING ALAMIN MO Alam mo ba na sa paghahalaman, kailangan ang abono upang maging mataba at malago ang mga halaman? Ito ay maaaring kunin sa natural na kapaligiran. Sa pamamagitan ng composting ang mga sariwa o nabubulok na mga basura tulad ng dahon ay maaaring gawing abono. Tinatawag itong organikong abono. Ito ay nakapagpapaunlad sa kalidad o uri ng lupang pagtatanman. Sa modyul na ito, tatalakayin natin at matututuhan mo ang wastong pamamaraan sa paggawa ng compost. PAGBALIK-ARALAN MO Bago tayo magpatuloy sa ating aralin sa modyul na ito, balikan natin ang natutunan sa pag-aalaga ng lupa sa pamamagitan nitong mga bugtong. Ako y isang uri ng pataba, Upang mapagyaman ang lupa, Nagdudulot ako sustansyang kailangan, Na galling sa nabubulok na bagay. Ano ako? Ako y dapat idagdag sa halaman, Kung mabagal ang paglaki Maaari ako y ikalat sa paligid Isabog sa pagitan ng halaman O ihalo sa tubig at idilig Ano ako? 1

PAG-ARALAN MO Basahin ang panayam ng mga bata at intindihin ang nilalaman nito. Ang leksyon ng mga bata ay tungkol sa composting. Naisipan nilang kapanayamin si Mang Isko, isang magsasaka sa kanilang lugar. Mga Bata: Magandang umaga po, Mang Isko. Mang Isko: Magandang umaga. Ano ba ang maipaglilingkod ko sa inyo? Mga Bata: Kami po ay nagpunta rito upang alamin kung paano ang paggawa ng compost. Ito po kasi ay leksyon naming ngayon. Mang Isko: Alam ninyo mga bata, bagamat may mga komersyal na pataba na maaaring mabili sa iba t-ibang tindahan. Kaya lang ang paggamit ng compost ay higit na iminumungkahi lalo na kung ang lugar ay may malawak na bakuran. Halina kayo sa likod ng bahay ko at ipakikita ko sa inyo ang paggawa ng compost. Gagawa tayo ng hukay dito sa isang bahagi ng bakuran at dito natin itatapon ang mga nabubulok na kalat upang maging pataba pagkalipas ng ilang buwan. Ito ay tinatawag na compost pit. Tulong-tulong tayong gumawa para matutunan ninyo sa pamamagitan ng sumusunod na mga hakbang. Ang Paggawa ng Compost Pit 1. Pumili ng angkop na lugar. a. patag at tuyo ang lupa b. may kalayuan sa bahay c. malayo sa tubig tulad ng ilog, sapa at iba pa. 2

2. Gumawa ng hukay sa lupa nang may limang metro ang lalim at dalawang metro ang lapad. Patagin ang loob ng hukay at hayaang makabilad sa araw upang hindi mabuhay ang anumang uri ng mikrobyo. 3. Tipunin ang mga nabubulok na kalat gaya ng tuyong damo, dahon mga balat ng prutas at iba pa. Ilatag ito nang pantay sa ilalim ng hukay hanggang umabot ng 30 sentimetro ang taas. Haluan ng 1 hanggang 2 kilo ng abono urea ang inilagay na basura sa hukay. 3

4. Patungan ito ng mga dumi ng hayop hanggang umabot ng 15 sentimetro ang kapal at lagyan muli ng lupa, abo o apog. Gawain ito ng paulit-ulit hanggang mapuno ang hukay 5. Panatilihing mamasa-masa ang hukay sa pamamagitan ng pagdilig araw-araw. Tiyakin hindi ito babahain kung panahon nanamn ng tagulan, makabubuting takpan ang ibabaw ng hukay ng ilang piraso ng dahon ng saging upang hindi bahain. 4

6. Pumili ng ilang piraso ng kawayang wala nang buko at may butas sa gilid. Itusok ito sa nagawang compost pit upang makapasok ang hangin at maging mabilis ang pagkabulok ng mga basura. 7. Bunutin ang mga itinusok na kawayan pagkalipas ng tatlong linggo. Haluing mabuti ang mga pinagsama-samang kalat at lupa. Pagkalipas ng dalawang buwang o higit pa ay maaari na itong gamiting pataba ayon sa mabilis na pagkakabulok ng mga basurang ginamit. Mga bata: Hay! Nakapapagod pala gumawa ng compost pit pero enjoy po naman. Maraming salamat po Mang Isko, halimbawa wala kang sapat na lugar upang gumawa ng hukay, pwede pa rin ba kami makagawa ng sariling pataba? 5

Mang Isko: Oo naman, Ito y sa pamamagitan ng basket composting. Isang paraan din ito ng pagpapabulok ng mga basura pero sa sisidlan naman hindi sa hukay. Halina kayo, ipakikita ko sa inyo. Ito ang mga paraan sa paggawa ng basket composting. 1. Pumili ng sisidlan na yari sa kahoy o yero na sapat ang laki at haba. May isang metro ang lalim 2. Ikalat nang pantay ang mga pinagpatung-patong na tuyong dahon. dayami, pinagbalatan ng gulay at prutas, dumi ng mga hayop at lupa tulad ng compost pit hanggang mapuno ang sisidlan. 6

3. Diligan ang laman ng sisidlan at lagyan ng pasingawang kawayan upang mabulok kaagad ang basura. 4. Takpan ng dahon ng saging o lagyan ng bubong ang sisidlan upang hindi ito pamahayan ng langaw at iba pang peste. 7

5. Alisin ang mga pasingawang kawayan at haluin ang laman ng sisidlan upang magsama ang lupa at nabubulok na mga bagay pagkalipas ng isang buwan. Mga Bata: Ang galing mo po, Mang Isko. Kailan naman po namin pwedeng gamitin ito? Mang Isko: Maaari nang gamiting pataba ang laman ng sisidlan pagkalipas ng dalawang buwan o mahigit. Mga Bata: Maraming salamat po. Mang Isko. Ang dami naming natutunan sa mga ginawa nating compost pit at basket composting. Mang Isko: Walang anuman mga bata. Pagkatapos mabasa ang panayam, anu-ano ang mga hakbang sa paggawa ng basket composting. Ano ang iyong natutuhan? 8

SUBUKIN MO Subukin natin ang natutunan mo sa modyul na ito. Isulat ang sagot sa kuwadernong sagutan. A. Tumingin ka sa paligid ng inyong bahay. Aling lugar ang pwede mong gamitin sa paggawa ng organikong pataba. 1. compost 2. basket composting B. Ipaliwanag kung bakit iyon ang napili mong gagawin? C. Sa napili mo paano ang wastong paraan ng paghahanda nito? TANDAAN MO Ang compost ay isang uri ng pataba mula sa mga tuyong damo-dahon, balat ng prutas at gulay, at mga dumi ng hayop na ipinabubulok sa isang hukay sa isang malawak na lugar samantalang ang basket composting ay pagbubulok ng basura sa isang sisidlan. ISAPUSO MO Basahin ang mga sumusunod na pamantayan sa paggawa ng compost/ basket. Iguhit ang mukhang masaya kung nasisiyahan ka o angkop na gawin at mukhang malungkot kung kung hindi kanais-nais. 1. Ihanda ang mga mahahalagang materyales na gagamitin. 2. Mag-iingat sa paggamit ng matatalas at matutulis na kagamitan upang hindi masugatan. 3. itapon ang mga kasangkapan sa ilog pagkatapos. 4. linisin ang lugar at katawan pagkatapos ng gawain. 5. magsigawan habang gumagawa. 9

GAWIN MO Isaisip uli ang mga natutunang mga paraan sa paggawa ng compost pit at basket composting 1. Gumawa ng compost pit sa bakuran niyo o sa likod ng inyong bahay sa tulong ng iyong mga kasambahay. 2. Hikayatin mo ang iyong kapitbahay gumawa ng basket composting at ipaliwanag ang kahalagahan nito. PAGTATAYA Tignan natin uli ang galing mo sa pag-intindi nitong modyul. Basahin ang sitwasyon at suriing mabuti kung ano ang magandang gawin. 1. Nakikita mong maraming basura sa paligid ninyo. Ikinakalat lang ito ng mga kapitbahay mo kung saan-saan at ang iba naman ay nakita mong sinusunog ito. Pulungin mo sila sa pahintulot ng kapitan at ipaliwanag ang benepisyong makukuha kung ang basurang nabubulok ay hindi susunungin. 2. Kapanayanim mo rin ang isang kakilalang naghahalaman sa pulong na ito. Tanungin ang uri ng patabang ginagamit gayundin ang kabutihang dulot nito sa mga alagang pananim. Isulat ng patalata ang kinalabasan ng pakikipagpanayam. Salamat kaibigan, at natapos mo ang mga gawain sa modyul na ito. Maaari mo ng gawin ang susunod na modyul. Binabati kita! 10