H E K A S I BUWIS, KABALIKAT NG BANSA SA KAUNLARAN SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS

Similar documents
GRADE VI GAMIT NG GRID

H E K A S I KABABAIHAN SA PANAHON NG IKATLONG REPUBLIKA SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools

H E K A S I MAGKATULAD NA PAGPAPAHALAGA: BATAYAN NG PAMBANSANG PAGKAKAISA SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS

H E K A S I EDUKASYON: SAAN PATUTUNGO SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools

H E K A S I TAPAT NA PAGLILINGKOD: NAGBUBUKLOD SA MGA PILIPINO SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS

Ika-13 Aralin IYONG KA- UGNAYAN SA IBA" ~ Kinakailangang ibigin, igalang at sundin natin sila.

H E K A S I PAGBABAGO SA PANAHANAN SA PANAHON NG ESPANYOL SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools

E P P TALAAN NG GASTOS AT KINITA SA PAGHAHALAMANG ORNAMENTAL SELF INSTRUCTIONAL MATERIALS

H E K A S I EDUKASYON NG MGA UNANG PILIPINO, NAIIBA BA? SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools

Tagalog NATIONAL STANDARDS. sa pagbabasa, pagsusulat at matematika. Gaano kahusay ang aking anak sa paaralan?

H E K A S I NORTH ARROW COMPASS ROSE LOKASYON NG PILIPINAS SELF INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools

Oops... Ingat sa Lansangan

Impormasyon tungkol sa Pamumuhay sa Iba't-ibang Wika

H E K A S I PAMAMAHALA NG MGA UNANG PILIPINO SELF INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools

H E K A S I PANGKABUHAYAN SA PANAHON NG HAPONES SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools

I-reboot ang Iyong X1 TV Box

H E K A S I ANG EDUKASYON SA PANAHON NG ESPAÑOL SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools

Republic of the Philippines Department of Education Negros Island Region DIVISION OF SILAY CITY City of Silay

E P P MGA HAKBANG SA PAGGAWA NG COMPOST/BASKET COMPOSTING SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS

GRADE IV REHIYON VI KANLURANG VISAYAS

Halimbawa ng talumpati tungkol sa edukasyon Elastrator self castration Explicit movies on amazon 2017 Fidio porno abg perawan indo yg dapat di tonton

Music. Talaan ng mga Gawain. (Unang Kwarter) Department of Education June 2016

GRADE VI PAUNLARIN ANG EDUKASYON, KALUSUGAN AT TEKNOLOHIYA

GABAY SA PAG GAMIT NG ADMIN CONSOLE (ADMIN CONSOLE QUICK GUIDE)

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Sibika Baitang 2 Ikatlong Markahan

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

GRADE V Mga Programa ng mga Pangulo matapos ang People Power 1

H E K A S I EDUKASYON SA PANAHON NG EDSA REVOLUTION HANGGAN SA KASALUKUYAN SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools

H E K A S I KAHALAGAHAN NG BATAS SA PAG-UUGNAY NG MGA UNANG PILIPINO SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools

Zangle Parent Connect Gabay sa Tagagamit. Paaralang Pampurok ng Anchorage

(Effective Alternative Secondary Education)

EDUKASYON SA PAGPAPAHALAGA II Yunit II Modyul Blg. 1

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

Aplikasyon para sa Segurong Pangkalusugan (Health Insurance)

EDUKASYON SA PAGPAPAHALAGA I

PART A. LINGGUHANG ISKEDYUL SA TRABAHO

H E K A S I MGA BATAS SA PAGPAPAUNLAD NG ATING KULTURA SELF INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

2010 Gabay sa Pagbibigay Kahulugan

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

SCFHP Cal MediConnect Plan (Medicare-Medicaid Plan) 2019 Listahan ng Matibay na Kagamitang Medikal (Listahan ng Durable Medical Equipment o DME)

Pondong Ipinagkatiwala para sa Inyong Anak (Your Child s Trust Fund) Mga Madalas na Katanungan

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Iyong patnubay sa kalayaang pampananalapi

EDUKASYON SA PAGPAPAHALAGA IV Yunit I Modyul Blg. 1

From left, Dingdong Dantes, Jennylyn Mercado, Dennis Trillo, Lovi Poe, Alden Richards and Betong Sumaya.

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

Pagsasanay sa Filipino

Gabay para sa mga Lider

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

H E K A S I TOPOGRAPIYA NG BANSA: YAMAN NG BANSA ANYONG TUBIG SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS

ROBERT B. POLLOCK ELEMENTARY SCHOOL 2875 Welsh Road Philadelphia, PA

Pamagat ng Pag-aaral (o IRB Approval Number kung maaaring labagin ng pamagat ng pag-aaral ang privacy ng subject):

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

Mga Nalalapit na Pagbabago sa Santa Clara Family Health Plan Cal MediConnect Plan (Medicare-Medicaid Plan) 2018 na Listahan ng Gamot

Education for Better Work. (Edukasyon para sa Mas Magandang Trabaho) SELF-RELIANCE

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

Balita Mula sa Kumamoto Bar Association

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Ika-14 na Aralin. Pag-aralan ayon sa mga tuntunin nasa pasimula ng unang aralin. 1. Ang Cristiano ba ang may-ari ng kanyang sariling buhay?

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Ako at ang Ating Watawat

International Correspondence Institute PHILIPPINE NATIONAL OFFICE P.O. Box 1084, Manila. Unang Aralin hanggang 3

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Stake Audit Committee

Third Quarter 2018 Social Weather Survey: Pinoys maintain anti-chinese stance on West Philippine Sea issue

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Edukasyon sa Pagpapakatao

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Mahal na Punong Guro, Guro o Kasama sa Trabaho

GRADE VI LIKAS NA YAMAN AY GAMITIN: BATAS AY DAPAT SUNDIN

Ang Pangprobinsiyang Kard ng Ulat (Report Card) ng Manitoba. Impormasyon para sa. Mga Magulang

TAGALOG. PATNUBAY SA PAG AARAl NG. «an

Sino ba talaga si Jesus? Ano ang tunay na Cristiano?

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Ang Makisig at Hangal na Hari

Sino ba talaga si Jesus? Ano ang tunay na Cristiano?

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

ANG AMING MGA GAWAIN. Gawaing Bahay. Gawaing Pampamayanan

AWIT 16:2-3 SINO ANG NAKIKINABANG SA MABUBUTI NATING GAWA? NI REV RODNEY KLEYN

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

m~öäáäá=åö=fåóçåö=rå~åö _~Ü~ó=ë~=`~å~Ç~ Ano ang Kinakailangang Malaman ng Bagong Dating

Fear God October 24, 2010 By Derick Parfan Scripture: Luke 12:4-7

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

Edukasyon sa Pagpapakatao

Our Father in Heaven. Series: Prayer Rocks the World. By Derick Parfan. July 5, Matthew 6:9-13 (ESV) 1

Ikapu at mga Handog-ayuno

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Advance Directive - ALASKA

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

GRADE IV MGA BATAS SA PAGPAPAUNLAD NG KULTURA

BANGHAY ARALIN sa ARALING PANLIPUNAN 3 IKATLONG MARKAHAN - Isinulat ni Cecelia G. Buta, MTB Regional Trainer, Region XI

Transcription:

Modified In-School Off-School Approach Modules (MISOSA) Distance Education for Elementary Schools SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS H E K A S I 6 BUWIS, KABALIKAT NG BANSA SA KAUNLARAN Department of Education BUREAU OF ELEMENTARY EDUCATION 2nd Floor Bonifacio Building DepEd Complex, Meralco Avenue Pasig City

Revised 2010 by the Learning Resource Management and Development System (LRMDS), DepEd - Division of Negros Occidental under the Strengthening the Implementation of Basic Education in Selected Provinces in the Visayas (STRIVE). Section 9 of Presidential Decree No. 49 provides: No copyright shall subsist in any work of the Government of the Republic of the Philippines. However, prior approval of the government agency or office wherein the work is created shall be necessary for exploitation of such work for profit. This material was originally produced by the Bureau of Elementary Education of the Department of Education, Republic of the Philippines. This edition has been revised with permission for online distribution through the Learning Resource Management Development System (LRMDS) Portal (http://lrmds.deped.gov.ph/) under Project STRIVE for BESRA, a project supported by AusAID.

GRADE VI BUWIS, KABALIKAT NG BANSA SA KAUNLARAN ALAMIN MO Suriin ang larawan. Anu-ano ang mga pangangailangan ng tao ang ipinakikita sa larawan? Ang anumang bagay o proyekto na gagawin ng tao ay kadalasan nangangailangan ng salapi o pondo. Maisasagawa at matatapos lang ang gawain kung may sapat na salap o pondo. Gayun din ang pamahalaan. Matutugunan nito ang ating pangangailangan kung may sapat na pondo. Sa palagay mo paano matutugunan ng pamahalaan ang ating mga pangangailangan? 1

Sa modyul na ito ay matututunan mo, ang mga sumusunod: Pinanggagalingan ng kita ng pamahalaan Kahalagahan ng pagbabayad ng buwis sa takdang panahon. Game ka na ba? PAGBALIK-ARALAN MO Lagyan ng angkop na salita ang bawat patlang upang mabuo ang talataan. Pumili ng tamang salita sa kahon. Isulat sa kuwaderno ang tamang sagot. panggastos pangtustos pagpataw pagkakakitaan pagtataguyod pagpapahiram Sa 1. ng kapakanan ng mga mamamayan, ang pamahalaan ay may mga isinagawang hakbang upang may 2.. Isa na rito ang 3. ng buwis sa mga naghahanapbuhay. Ito ay ginagamit ng pamahalaan sa 4. pangangailangan ng bansa. Ang 5. naman ng pamahalaan ay naayon sa badyet ng bansa. PAG-ARALAN MO Basahin ang comic strip # 1 Nang lumabas sa klase sina Jun, Bing, Tina at Mark, pinag-usapan nila ang kanilang leksyon sa klase tungkol sa kung saan ginagamit ng pamahalaan ang buwis. 2

Nagbabayad na ba ng buwis ang papa mo? Oo, palagi ko silang kinukulit sinasabi ko sa kanila na ito ay kailangan ng pamahalaan sa pagpapagawa ng paaralan, tulay, ospital, daan at iba pa. Sabi ko nga sa mga magulang ko na maging matapat sa pagbabayad ng buwis, dahil malaki ang mawawala sa bayan. Ito ang natutunan namin sa aming klase Talaga namang dapat tayong maging matapat upang ang bansa ay umunlad. Sa bawat pisong buwis na ibinabayad, ang bayan ang nakikinabang. 3

Basahin: Comic Strip # 2 Pakikipanayam ng isang T.V. host sa Direktor ng Rentas Internas at Meyor ng isang lungsod. Magandang umaga sa inyong lahat. Narito tayo sa programang Ating Alamin ang ating panauhin Direktor ng Rentas, Direktor ng Adwana at Meyor ng isang lungsod. Ating alamin ngayon saan naggaling ang kita ng pamahalaan. Una nating tanungin si Meyor. Magandang umaga po. Meyor! Nais po namin malaman sa inyo kung saan nanggaling ang kita ng pamahalaan Alam mo Mae, ang mga pinanggalingan ng kita ng pamahalaan ay mula sa sahod, mga buwis sa mga bahay, kalakal, langis puwesto sa palengke. Samakatuwid po, meyor maraming pinanggalingan ang kita ng pamahalaan. Oo, may buwis din ibinabayad sa mga ari-arian tulad ng bahay at lupa. 4

Kayo naman director Jose ng Rentas Internas saan naman kaya nangangalap ng kita ng pamahalaan? Sa buwis na ibinabayad sa mga kalakal na inaangkat sa ibang bansa tulad ng tela, bakal at iba pa. Kayo naman Direktor Carlos ng Adwana. Saan po galing ang buwis o pondo ng pamahalaan. Nagbabayad din ng buwis ang mga taong may hanapbuhay tulad ng guro, doctor abogado at iba pa. Ang mga negosyo tulad ng restoran, hotels at iba pang negosyo ay nagbabayad din ng buwis. Saglit nating putulin ang ating panayam para sa isang patalastas. 5

Ako po ay si G. Cruz ng Kawanihan na ng Rentas Internas. Malapit naman po ang takdang panahon ng pagbabayad ng buwis. Lagi po nating isaisip na tungkulin ng isang mabuting mamamayan ang pagbabayad ng buwis sa takdang panahon. Saan ginagamit ng pamahalaan ang buwis? Tungkulin ba ang pagbabayad ng buwis? Bakit kailangang maging matapat sa pagbabayad ng buwis? Sa gulang mo, paano ka makatutulong sa pagbabayad ng buwis? Basahin ang tula para sa iyong karagdagang kaalaman: Ang Buwis Ang buwis ang buhay ng pamayanan na dapat bayaran ng mamamayan. Mahirap, mayaman ito y kailangan para sa kaunlaran ng ating bayan. Dito kinukuha ang lahat ng bagay Suweldo ng guro, kalsada at tulay mga mesa, upuan at paaralan. Lahat ng kasangkapan sa pagamutan, ang lahat ng ito y pinagkakagastusan. Sa buwis na ibinabayad ng taong bayan Kaya huwag manghinawa mga kaibigan Buwis ay bayaran, huwag iwasan. Batay sa tula: Ano ang buwis? Saan ginagamit ang buwis? Ano ang maaring mangyari kung hindi magbabayad ng buwis ang mga tao? 6

PAGSANAYAN MO Iguhit kung tama ang nakasaad sa pangungusap at kung hindi. 1. Magbayad ng buwis sa takdang panahon. 2. Ang ibinabayad na buwis ay para sa kaunlaran. 3. Ipagwalang-bahala ang pagbabayad ng buwis. 4. Buwis ay bayaran, huwag iwasan. 5. Ang pagbabayad ng buwis ay tugon sa pangangailangan ng bayan. TANDAAN MO Ang buwis ay salaping nalikom ng pamahalaan sa mga tao, ari-arian at kumikita sa paghahanapbuhay. Kailangan ang matapat na pagbabayad ng buwis upang maitaguyod ng pamahalaan ang kapakanan ng mga tao at kabutihan ng bansa. ISAPUSO MO Ayon sa iyong napag-aralan, isa ka sa nabigyan ng pamahalaan ng libreng edukasyon mula sa nalikom na buwis. Paano mo ito pahahalagahan? 7

GAWIN MO Basahin at unawain ang nilalaman ng tseklist sa ibaba. Lagyan ng ( ) ang hanay ng iyong sagot. Sumasang-ayon ka ba na ang buwis ay.. Lubos Di-gaano Di-tiyak Hindi 1. nakatutustos sa pag-aaral ng mga bata? 2. nakatutulong sa pagpapagawa ng paaralan, daan at tulay? 3. pambayad sa sahod ng mga kawani ng pamahalaan? 4. nakapangangalaga sa kapayapaan at kaayusan? 5. nakatutulong sa mga tao sa oras ng kalamidad? PAGTATAYA Iguhit ang kung epekto ng matapat at maayos na pagbabayad ng buwis at kung hindi. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno. 1. Naibibigay sa oras ang suweldo ng mga kawani ng pamahalaan. 2. Natitigil ang pagpapagawa ng mga kalsada at tulay. 3. Nakapagpapatayo ng irigasyon para sa magsasaka. 4. Nakabibili ng kagamitan ng mga ospital. 5. Natitigil ang panustos sa pangangailangan ng hukbong sandatahan. 8

PAGPAPAYAMANG GAWAIN Ibigay ang iyong opinyon kung dapat bang magtaas ng buwis na binabayaran ang mga mamamayan. Isulat sa iyong kuwaderno. Binabati kita at matagumpay mong natapos ang modyul na ito! Maaari mo na ngayong simulan ang susunod na modyul. 9