Dementia. DEMENTIA / Tagalog Copyright 2016 Hospital Authority. All rights reserved 1

Similar documents
Tagalog NATIONAL STANDARDS. sa pagbabasa, pagsusulat at matematika. Gaano kahusay ang aking anak sa paaralan?

Kanser sa Prostata. Prostate Cancer / Tagalog Copyright 2017 Hospital Authority. All rights reserved

Depresyon. Depression / Tagalog Copyright 2018 Hospital Authority. All rights reserved 1

Talamak na Paghina ng Bato

Kanser sa Suso. Breast Cancer / Tagalog Copyright 2017 Hospital Authority. All rights reserved

Sakit sa Ugat ng Puso

Ika-13 Aralin IYONG KA- UGNAYAN SA IBA" ~ Kinakailangang ibigin, igalang at sundin natin sila.

Kanser sa Cervix. Cervical Cancer / Tagalog Copyright 2017 Hospital Authority. All rights reserved

Kanser sa Balat. Skin Cancer / Tagalog Copyright 2017 Hospital Authority. All rights reserved

Maaaring magdusa ang sinuman mula sa glaucoma. Gayunman, mas mataas ang panganib sa mga mas matandang tao.

Mga Nalalapit na Pagbabago sa Santa Clara Family Health Plan Cal MediConnect Plan (Medicare-Medicaid Plan) 2018 na Listahan ng Gamot

Kanser sa Sikmura. Stomach Cancer / Tagalog Copyright 2018 Hospital Authority. All rights reserved 1

Ika-14 na Aralin. Pag-aralan ayon sa mga tuntunin nasa pasimula ng unang aralin. 1. Ang Cristiano ba ang may-ari ng kanyang sariling buhay?

Nanganganib ba ako sa Hepatitis B?

I-reboot ang Iyong X1 TV Box

SCFHP Cal MediConnect Plan (Medicare-Medicaid Plan) 2019 Listahan ng Matibay na Kagamitang Medikal (Listahan ng Durable Medical Equipment o DME)

Kapag Ang Mga Bata Ay Nagsasalita Ng Higit Sa Isang Wika

Nutri-bingo! Gabay para sa game master o facilitators. Ano ang nutri-bingo?

Zangle Parent Connect Gabay sa Tagagamit. Paaralang Pampurok ng Anchorage

Impormasyon tungkol sa Pamumuhay sa Iba't-ibang Wika

Health TALK. Magagawa mong mag-quit. Sumali sa Great American Smokeout. ANG SUSI SA MAGANDANG BUHAY AY ISANG MAHUSAY NA plano

Toolkit para sa Advance Directive. Ang pinakamahalaga sa iyo

PART A. LINGGUHANG ISKEDYUL SA TRABAHO

Pamagat ng Pag-aaral (o IRB Approval Number kung maaaring labagin ng pamagat ng pag-aaral ang privacy ng subject):

GABAY SA PAG GAMIT NG ADMIN CONSOLE (ADMIN CONSOLE QUICK GUIDE)

Advance Directive - ALASKA

Gabay Sa Genetiko at Kalusugan

2010 Gabay sa Pagbibigay Kahulugan

Music. Talaan ng mga Gawain. (Unang Kwarter) Department of Education June 2016

Ang Pangprobinsiyang Kard ng Ulat (Report Card) ng Manitoba. Impormasyon para sa. Mga Magulang

Pagsasanay sa Filipino

H E K A S I KABABAIHAN SA PANAHON NG IKATLONG REPUBLIKA SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

TAGALOG. 0 hanggang 4 na taon MATUTO SA BAHAY

Sibika Baitang 2 Ikatlong Markahan

Tamang uri ng pamumuhay

PROBLEMADONG Isang Gabay Para SA Mga Pamilya PAGSUSUGAL

Chapter 6 Tagalog Verbs

Republic of the Philippines Department of Education Negros Island Region DIVISION OF SILAY CITY City of Silay

EDUKASYON SA PAGPAPAHALAGA IV Yunit I Modyul Blg. 1

PAGSISIWALAT, PAGKAPRIBADO AT PAGIGING MAGULANG

Ang Makisig at Hangal na Hari

Aplikasyon para sa Segurong Pangkalusugan (Health Insurance)

Iyong patnubay sa kalayaang pampananalapi

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Positibong Pagtatasa ng Pag-uugali at Pagpaplano sa mga Paaralan: Fact Sheet

SUUNTO GUIDING STAR PAG-IINGAT AT WARRANTY

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Direktoryo ng Provider at Parmasya

SafetyNet: Tag-sibol 2017 Artikulo ng Tagasuporta: Pwede mong mapigilan ang pagkabuwal

Kagawaran ng Pampublikong Kalusugan ng San Francisco (DPH) Kabuuang Pabatid ng HIPAA sa Karapatan ng Pagkapribado Epektibong Petsa: May 19, 2015

Paano Gagamitin ang Iyong Medical Reimbursement Account

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

Iba pang mga wika at format

TAGALOG Online na Buklet ng Impormasyon ng Magulang Smarter Balanced Assessments at Hawai i State Science Assessments

Mga Account ng mga Pasyente/Daanan ng Pasyente MANUAL NG MGA PATAKARAN

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Matataas na mga Hiwatig para sa mga Magulang

Third Quarter 2018 Social Weather Survey: Pinoys maintain anti-chinese stance on West Philippine Sea issue

Halimbawa ng talumpati tungkol sa edukasyon Elastrator self castration Explicit movies on amazon 2017 Fidio porno abg perawan indo yg dapat di tonton

2014 NATIONAL POISON PREVENTION WEEK. Heavy metals?

Ang Karapatan Ng Mga Bingi Na Lumaking Bilingwal

Plano tungkol sa mga bata at tulong para sa pag-aalaga ng mga bata sa Yokohama (Pansamantalang Pangalan) Plano [Pansamantala]

Kabanata 3. Sa kabanatang ito: 32 Ang Sistemang Medikal. Ang Sistemang Medikal Mga importanteng serbisyong pangkalusugan...

International Correspondence Institute PHILIPPINE NATIONAL OFFICE P.O. Box 1084, Manila. Unang Aralin hanggang 3

Ang Pagbabasa at Pagsusulat kasama ang Iyong Anak

Health TALK. Naarawan BUNTIS? Ano ang ibig sabihin ng bilang ng SPF sa sunscreen ANG SUSI SA MAGANDANG BUHAY AY ISANG MAHUSAY NA PLANO

Buod ng mga Benepisyo Anthem Blue Cross Cal MediConnect Plan (Medicare-Medicaid Plan)

Sino ang Maaaring Sumali sa Isang MediConnect Health Plan (Planong Pangkalusugan ng Cal MediConnect)

Pagiging Magulang mga pagpapasiya

EDUKASYON SA PAGPAPAHALAGA I

Estado ng Alaska Kagawaran ng Mga Serbisyong Pang- Kalusugan at Panlipunan

GRADE VI GAMIT NG GRID

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Atlantic Health System

Pag-unawa sa Pamamaraan ng Pagtasa, Karapatan, at Pang-isahang Programa sa Edukasyon ng Maryland

Health TALK. Iyong UHC. ALAM MO BA? Mahigit sa 9 sa 10 bata ang mayroong bakuna para sa tigdas (measles), beke (mumps) at rubella.

Ang Inyong Anak ay Naglalaro... Tumutuklas Natututo

Ota City Board of Education

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Sustainable (Maaaring Mapangalagaan) na Pangingisda

Programa sa Bawas na Pamasaheng Pang May-Kapansanang, May Larawang Card ng Pagkakakilanlan

PAG-AALAGA SA MATANDA 101 ISANG DULUGANG GABAY PARA SA MGA CAREGIVER

PROBLEMADONG Ang mga Isyu, ang mga Pagpipilian PAGSUSUGAL

Minamahal na Pasyente at Pamilya:

2018 Aplikasyon para sa Neighbourhood Small Grants

Paano Gagamitin ang Iyong Medical Reimbursement Account

1. Ano ang teknolohiyang pantulong (assistive technology) sa espesyal na edukasyon?

Pondong Ipinagkatiwala para sa Inyong Anak (Your Child s Trust Fund) Mga Madalas na Katanungan

UNANG SEMESTRENG SILABUS SA FILIPINO PAGBASA AT PAGSUURI NG IBA T-IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK

Pananaw ng mga kalalakihan sa Konsepto ng Seenzone Laput, Jethro Bullecer, Ma. Fatima

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Gabay ng Magulang Paghahanda para sa Operasyon/Procedure ng Iyong Anak A Parent s Guide Preparing for Your Child s Surgery/Procedure (Tagalog)

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Gabay para sa mga Lider

0 hanggang 3 buwan- Ang Paggawa ng Kaibhan

Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga konsepto sa pananagutang pansarili, pamilya,

Paano Gagamitin ang Iyong Medical Reimbursement Account

Holy Name Medical Center Patakaran Ukol sa Tulong Pampinansyal Epektibo Mula: 1/1/2016. Pahayag Ukol sa Patakaran

DLA in EPP/ Computer 6 Third Quarter

Transcription:

Dementia Nakaakit ng pansin kamakailan lamang ang dementia dahil kay Prof. Charles Kao, ang nagwagi ng Nobel Prize para sa pisika at ang ama ng fibre optics, na nagdurusa rin mula sa dementia. Ang sakit na Alzheimer, ang pinakakaraniwang uri ng dementia, ang nananagot sa mahigit sa 70% ng mga pasyenteng may dementia. Ang katandaan ay hindi kinakailangang humantong sa dementia. Gayunman, ang mga matatanda ay nasa mas mataas na panganib na makuha ang sakit. Sa Hong Kong, tinatayang 5 sa 8 mula sa bawat 100 tao na may higit sa 65 taong gulang ang may dementia. Higit pa rito, mayroong 20-30% ng tao na higit sa 80 taong gulang ang may dementia na may iba t-ibang lawak. Bagama t walang gamot para sa dementia sa kasalukuyan, mapapanatili ng mga taong may dementia ang paggana ng kanilang utak at mapapabagal ang pag-urong sa pamamagitan ng mga gamot kung maagang natuklasan ang kanilang mga sintomas. Dahil ang mga taong may dementia ay mawawalan ng memorya nang unti-unti hanggang sa malimutan na rin nila ang sarili nilang pangalan, lubha silang nahihirapan sa pag-aalaga sa kanilang mga sarili. Kailangan nila ng tulong at pag-aalaga mula sa mga miyembro ng pamilya upang magkasamang makayanan ang sakit. Espesyal na pasasalamat kay Dr. K H LAU, Associate Consultant, Departamento ng Psychiatry, Ospital ni Queen Mary sa pagsusuri ng impormasyon sa pahinang ito.) Copyright 2016 Hospital Authority. All rights reserved 1

1. Ano ang Dementia? Ang dementia ay isang uri ng sakit sa utak. Unti-unting namamatay ang mga selula ng utak habang tumatanda ang tao. Gayunman, mabilis na namamatay ang mga selula ng utak ng mga taong may dementia at uurong ang kanilang mga utak, na nagiging sanhi ng matinding pagkasira ng paggana ng utak. Hindi lang magiging makakalimutin ang mga pasyenteng may dementia, subalit magkakaroon din ng problema sa pag-unawa, wika, pagkatuto, pagkakalkula at paghusga. Maaari ding magbago ang kanilang mga personalidad at asal. Mayroong tatlong pangunahing kategorya ng dementia: Ang Alzheimer s disease (AD) ang pinakakaraniwang uri ng dementia. Ang mga sanhi ng AD ay hindi pa alam at ang pag-urong ay sumusulong. Ang vascular dementia ay sinisimulan ng mga stroke at mga problemang cerebro-vascular na nagiging sanhi ng pinsala sa utak. Maaaring dagling mangyari at mabilis ang pag-urong. 20% ng mga pasyenteng may dementia ang nasa kategoryang ito. Ang iba pang mga uri ng dementia ay maaaring sanhi ng depresyon, kakulangan sa nutrisyon, hypothyroidism at pagkalason sa gamot. Sa mga kasong ito, mapapaginhawa ng mga pasyente ang kanilang kondisyon sa pamamagitan ng mga gamot. Ang ilang dementia ay maaaring sanhi ng iba pang sakit tulad ng sakit na Parkinson at AIDS, atbp. Copyright 2016 Hospital Authority. All rights reserved 2

2. Anu-ano ang mga panganib na kadahilanan ng Dementia? Edad: Pangkalahatang nangyayari ang dementia sa mga taong higit sa 65 taong gulang. Ang panganib ng dementia ay makabuluhang tumataas sa pagtanda. Kasaysayan ng pamilya: Ang mga taong may kasaysayan ng dementia ang pamilya ay nasa mas malaking panganib na magkaroon nito. Kasarian: Mas karaniwan ang dementia sa mga kababaihan, ito ay bahagya dahil mas matagal na nabubuhay ang mga babae. Uri ng pamumuhay: Ang mga taong may mataas na presyon ng dugo, mataas na antas ng kolesterol o diabetes, atbp., ay nasa mataas na panganib ng pagkakaroon ng dementia kung hindi sila gagawa ng mga hakbang upang makontrol ang kanilang mga kondisyon. Pagpapahinang kognitibo: Ang mga taong may pagpapahinang kognitibo dahil sa iba t-ibang uri ng sakit o iba pang dahilan ay nasa mataas na panganib na magkaroon ng dementia sa mga kinalaunang taon. Antas ng edukasyon: Ipinakita ng mga pag-aaral na ang mga taong may mas mababang antas ng edukasyon ay may mas mataas na panganib na magkaroon ng dementia. Maaaring ito ay dahil ang mga taong may mataas na pinag-aralan ay mas maraming ehersisyong mental, na nangangalaga sa utak mula sa pag-urong. 3. Paano iwasan ang Dementia? Walang alam na paraan upang maiwasan ang sakit na Alzheimer. Gayunman, makakatulong ang mga sumusunod na hakbang na mabawasan ang mga panganib ng pagkakaroon ng sakit at mapapabagal ang pag-urong ng utak sa mga matatanda: - Panatilihing aktibo ang pag-iisip Ang mga aktibidad na nagpapasigla ng pag-iisip, gaya ng pagbabasa at paglalaro ng chess, ay maaaring mapangalagaan ka mula sa dementia o pataasin ang iyong kakayahan na makaya ang mga pagbabagong iniuugnay sa dementia. Mukhang ang paglalaro ng mahjong ay isang aktibidad na nagpapasigla ng pag-iisip. Gayunman, kung naglalaro ka na ng mahjong magmula noong bata ka pa, ito ay naging likas na sa halip na isang ehersisyo sa pag-iisip at maaaring hindi maging epektibo sa Copyright 2016 Hospital Authority. All rights reserved 3

pagpigil ng dementia. - Panatilihin ang malusog na diyeta Mapapanatili ng balanseng diyeta ang malusog na daluyan ng dugo, mapapababa ang pagkakataon ng mataas na presyon ng dugo at mataas na antas ng kolesterol, at sa gayon ay mapapababa ang panganib ng vascular dementia. Ipinakita ng mga pag-aaral na ang diyeta na may kaunting karne ngunit mayaman sa isda, gulay, at langis ng oliba ay maaaring lubos na makabawas sa panganib ng dementia. - Magkaroon ng sapat na bitamina B12, C at E Maaaring humantong sa dementia ang kakulangan sa bitamina B12. Kung hindi ka kumakain ng maraming isda, karne, itlog o gatas, dapat kang magkaroon ng suplemento ng bitamina B12. Ang bitamina C at E ay mga antioxidant na maaaring pangalagaan ang mga neuron at mga daluyan ng dugo upang maiwasan ang dementia. - Mag-ehersisyo nang regular Bukod sa pagpapanatiling aktibo ng pag-iisip, makakatulong din ang regular na ehersisyo upang mabawasan ang panganib ng dementia. - Iwasan ang malabis na paninigarilyo at alkohol Ihinto ang mga masasamang gawi na ito upang maiwasan ang pagkasira ng mga daluyan ng dugo at iba pang bahagi ng katawan. Copyright 2016 Hospital Authority. All rights reserved 4

4. Anu-ano ang mga sanhi ng Dementia? Hindi pa natutukoy ang mga pinagbabatayang sanhi ng dementia. Ipinakita ng mga pag-aaral na dalawang uri ng pagbabago ng selula ng utak ang karaniwan sa mga taong may dementia. Kabilang dito ang mga plaque (mga kumpol ng normal na hindi makasasamang protina na tinatawag na beta-amyloid) at mga buhul-buhol (mahiblang buhul-buhol na binubuo ng isang abnormal na protina na tinatawag na protinang tau). Pareho silang maaaring humantong sa pagkamatay ng selula ng utak. However, the causes for these conditions are still unknown at present. Gayunman, hindi pa alam sa kasalukuyan ang mga sanhi ng mga kondisyong ito. Bukod dito, maaaring mangyari ang dementia kapag ang mga daluyan ng dugo sa utak ay napinsala, alinman sa mapasak o mapatid na pipigil sa dugo upang maitustos ito sa utak. Maaaring hindi makilala ng mga taong may banayad na stroke (maliit ang laki o pansamantala) na ang kanilang mga daluyan ng dugo at mga selula ng utak ay may pinsala na at tumaas na ang panganib ng dementia. Ang ilang dementia, tulad ng mga sanhi ng kakulangan sa bitamina B12 dahil sa pagiging walang karne sa matagal na panahon, ay maaaring mabaligtad sa paggamot. 5. Anu-ano ang mga sintomas ng Dementia Sa pangkalahatan tayo ay naniniwala na ang memorya ay nababawasan sa pagtanda; kaya ang dementia ay maaaring hindi nakikilala sa mga unang yugto ng sakit. Kung may nakita kang miyembro ng pamilya o kaibigan na may dalawa sa mga sumusunod na sintomas, subukan mong kaagad na dalhin siya sa doktor upang magpatingin. Kung kinakailangan, isasangguni siya ng doktor sa isang espesyalista para sa karagdagan pang pagsusuri. Kabilang sa mga sintomas ng dementia ang: Panandaliang pagkawala ng memorya at madalas na pagkalimot sa mga usapan o appointment na nakakaapekto sa pang-araw-araw na aktibidad o kakayahang gumawa Kahirapan sa pagsasagawa ng mga karaniwang gawain Mga problema sa wika, kahirapang makipag-usap sa iba Hindi mahusay na paghusga Pagkataranta sa oras at lugar. Pagkalito tungkol sa oras, petsa o lugar Copyright 2016 Hospital Authority. All rights reserved 5

Mga problema sa pag-iisip at pagkalkula Mga pagbabago sa kalooban at asal Pagkawala ng pagkukusa Pagkawaglit ng mga ari-arian Mga pagbabago ng katauhan Copyright 2016 Hospital Authority. All rights reserved 6

6. Paano natutuklasan at nada-diagnose ang Dementia? Upang ihiwalay ang posibilidad ng ibang kondisyon na maaaring sanhi ng katulad na sintomas, magsasagawa ang mga doktor ng ilang pagsusuri upang ma-diagnose ang dementia sa ibabaw ng isang detalyadong pagkuha ng kasaysayan at pagsusuri ng kalagayan ng isipan. Mga pagsusuri ng dugo: upang makatulong na maihiwalay ang iba pang sakit gaya ng hypothyroidism o kakulangan sa bitamina B12, atbp. Pagsusuri ng pag-uugali at pagsusulit na kognitibo: Ilang naka-istrukturang pagsusulit na sumusukat sa memorya at kakayahan ng pag-iisip upang malaman kung mayroong dementia. MRI (magnetic resonance imaging) scan: Gumagamit ito ng magnetic field at mga radio wave upang lumikha ng detalyadong larawan ng utak upang makatulong na matukoy ang anumang laki at pagbabagong istruktural ng utak at iba pang problema gaya ng nabuong dugo o mga bukol sa utak. PET (Positron emission tomography) scan: Isang uri ito ng pagsusuri ng larawan na makakatuklas ng mga abnormalidad ng beta-amyloid sa utak. Nakapaloob dito ang pag-iiniksyon ng kaunting dami ng sangkap na radioactive (isang taga-sinag) sa ugat. Naglalakbay ang taga-sinag patungo sa utak upang matuklasan ang beta-amyloid. Tumutulong ito sa pagsusuri ng kalubhaan ng kondisyon at ang pagtugon ng pasyente sa mga gamot. 7. Anu-ano ang mga paggamot para sa Dementia? Sa kasalukuyan ay walang tiyak na lunas para sa dementia. Gayunman, mayroong dalawang uri ng gamot na makakatulong na maantala ang pagkamatay ng selula ng utak at pabagalin ang paghinang kognitibo. Mga cholinesterase inhibitor Kabilang sa mga gamot na ito ang donepezil, rivastigmine at galantamine. Gumagana sila sa pamamagitan ng pagpapataas sa mga antas ng isang uri ng neurotransmitter na sangkot sa paggana ng utak. Tila sila ay pinakakapaki-pakinabang sa tao sa panimula hanggang sa katamtamang yugto ng dementia. Maaaring kabilang sa mga pangalawang epekto ang pagtatae, pagkahilo at pagsusuka. Memantine Pinangangalagaan nito ang mga selula ng utak laban sa abnormal na Copyright 2016 Hospital Authority. All rights reserved 7

aktibidad ng glutamate, isa pang uri ng neurotransmitter na sangkot sa paggana ng utak. Pinaniniwalaan na ang mga mataas na antas ng glutamate ay maaaring maging sanhi ng pinsala sa mga selula ng utak. Tumutulong ang memantine upang mapabagal ang pag-urong ng dementia para sa mga taong may katamtaman o malubhang uri sa pamamagitan ng pagkontrol sa aktibidad ng glutamate. Kung minsan maaaring ireseta ng doktor ang memantine kasama ng isang cholinesterase inhibitor upang makakuha ng mas mahusay na resulta. Kabilang sa mga pangalawang epekto ang pagkahilo at pagkabalisa. Maaari ding ireseta ng mga doktor ang mga gamot upang makatulong na mapabuti ang mga sintomas gaya ng hindi pagkatulog, pagkabalisa, depresyon, guniguni at kahibangan, atbp. Bukod dito, mayroong iba pang hindi gamot na therapy na maaaring epektibo para sa mga taong may dementia. Kabilang dito ang pag-angkop sa katotohanan, pagsasanay na kognitibo, pagpapasigla ng maraming pandamdam, mga therapy sa pangkaisipan at pag-uugali. Maaari nilang mapabuti ang kalooban at asal ng mga pasyente, mapahusay ang nalalabi nilang mga tungkulin at kasanayan at matulungan silang mapanatili ang kalayaan sa pang-araw-araw na buhay. Copyright 2016 Hospital Authority. All rights reserved 8

8. Anu-ano ang mga komplikasyon ng Dementia? Ang mga taong may dementia ay madurusa mula sa unti-unting pag-urong ng kognitibong paggana, memorya, pag-iisip at mga abilidad sa wika. Sa huli hindi nila magagawang alagaan ang kanilang mga sarili at sa wakas ay magiging lubos na umaasa at nakaratay rin. Nagkakaiba sila sa mga uri ng problema na kanilang nararanasan at sa bilis ng pag-urong ng kanilang kakayahan. Pangkalahatang inuuri ang mga katangian ng dementia sa tatlong yugto. Maaaring magtagal ang unang yugto nang humigit-kumulang sa 3 taon at ang katamtamang yugto ay tumatagal ng karagdagan pang 3 taon. Kabilang sa mga sintomas sa katamtamang yugto ang: Mabagal na pagtugon Bumabang kakayahang analitikal Malubhang pagkawala ng memorya, pagiging hindi makayanang maalagaan ang sarili at umaasa sa iba Mga problema sa pagtatamo ng bagong kaalaman at mga kasanayan Mga problema sa wika Pagiging emosyonal, pagkabalisa at mga problemang psychiatric tulad ng mga guniguni o kahibangan Pagala-gala sa mga kalye, pagiging nalilito tungkol sa araw at gabi Ang mga taong may malubhang dementia ay maaaring: Hindi makaunawa o makapagsalita Hindi makilala ang mga miyembro ng pamilya Hindi makagawa ng mga pangunahing aktibidad ng pang-araw-araw na pamumuhay gaya ng pagkain at paliligo Mawalan ng kontrol sa pagdumi at pag-ihi Mahirapan sa paglunok, paglakad o maging nakaratay 9. Paano alagaan ang mga taong may Dementia? Kailangan ng mga pasyenteng may dementia ang tulong at pangangalaga mula sa kanilang miyembro ng pamilya. Gagabayan ng pangkat na medikal ang mga miyembro ng pamilya sa pag-aalaga ng mga pasyente. Mayroong mga grupo ng mga pasyente at organisasyong pangkawanggawa na nagbibigay ng mga kurso ng pagsasanay para sa mga miyembro ng pamilya. Narito ang ilang mga tip sa Copyright 2016 Hospital Authority. All rights reserved 9

pag-aalaga ng mga taong may dementia: (A) Pang-araw-araw na pangangalaga Magtakda ng isang talaorasan upang maiwasan ng pasyente ang malito tungkol sa mga bagay-bagay dahil sa pagkawala ng memorya. Halimbawa, ayusin ang oras ng pagkain at iskedyul ng aktibidad. Subukang iwasan ang mga mabigat na aktibidad sa gabi. Pumili ng mga bagay na gusto ng pasyente, tulad ng mga damit at pagkain. Tulungan ang pasyente na panatilihin ang kalinisan ng katawan at maging malinis. Himukin siyang gumawa ng mga simpleng bagay tulad ng pagbibihis at pagsisipilyo. Tulungan lamang siya kung kinakailangang. Pumili ng damit na mabilis na maisusuot ng pasyente nang mag-isa, gaya ng mga damit na kaunti ang butones. Maglagay ng mga karatula sa mga kabinet o kahon upang mabilis niyang makuha ang mga bagay-bagay. (B) Kapaligiran Gumamit ng malaki at malinaw na mga palatandaan upang matulungan ang pasyente na malaman ang lugar at oras, gaya ng malalaking orasan at malalaking kalendaryo. Maglagay ng ilawan sa bahay o sa tabi ng kama, upang hindi siya mabalisa kapag nagising siya sa hatinggabi. Maiiwasan din nito ang siya ay madapa. Subukang huwag palitan ang kapaligirang pantahanan, lalo na ang paliguan, palikuran at kusina. Huwag lumipat ng bahay, dahil magiging sanhi ng pagkalito at takot ang bagong kapaligiran. (C) Mga pamamaraan ng pakikipag-usap Kausapin nang marahan ang pasyente. Gumamit ng maiikli at direktang pangungusap. Magsabi lang ng isang paksa sa isang pangungusap. Huwag itong gawing magulo. Magtanong ng mga simpleng tanong. Hayaang sumagot ang pasyente ng oo o hindi. Bigyan siya ng sapat na oras upang mag-isip tungkol sa sagot. Ulitin ang tanong kapag nakalimutan niya ito. Kung hindi siya kaagad na makasagot, maging matiyaga at himukin siya na ipahayag ang kanyang mga opinyon at damdamin. Kung hindi pa rin niya masagot, huwag siyang pilitin. Subukang muli sa susunod na pagkakataon. Gumamit ng mga kilos ng katawan. Tumingin sa mata kung nagsasalita ka o nakikinig sa pasyente. Magbigay ng tugon gaya ng pagtango ng iyong ulo. Copyright 2016 Hospital Authority. All rights reserved 10

(D)Others (D) Iba pa Kapag tumatangging sumali ang pasyente sa mga aktibidad, huwag siyang pilitin. Kung gusto mong gumawa ang pasyente ng mga bagay na hindi pa siya pamilyar o pumunta sa mga kakaibang lugar, bigyan siya ng sapat na oras upang maka-angkop sa bagong kapaligiran, o samahan siya hanggang maging pamilyar siya dito. Ang pagbibigay ng pangangalaga sa isang taong may dementia ay pisikal at emosyonal na mahirap. Kapag hindi ka na nakikilala ng miyembro ng iyong pamilya at hindi na maalala ang mga panahong ginugol na magkasama, ikaw ay talagang nababagabag. Habang natutunan mo kung paano siya alagaan, maaari kang sumali sa isang pangkat ng suporta, ibahagi ang iyong mga nararamdaman at karanasan sa iba at magkasamang makayanan ang mga hamon. Copyright 2016 Hospital Authority. All rights reserved 11