Pag-alalay sa Pag-aaral ng inyong Anak sa pamamagitan ng Pagtatasa, Pagsusuri at Pag-uulat

Similar documents
Tagalog NATIONAL STANDARDS. sa pagbabasa, pagsusulat at matematika. Gaano kahusay ang aking anak sa paaralan?

Zangle Parent Connect Gabay sa Tagagamit. Paaralang Pampurok ng Anchorage

2010 Gabay sa Pagbibigay Kahulugan

Ang Pangprobinsiyang Kard ng Ulat (Report Card) ng Manitoba. Impormasyon para sa. Mga Magulang

Ika-13 Aralin IYONG KA- UGNAYAN SA IBA" ~ Kinakailangang ibigin, igalang at sundin natin sila.

Mga Nalalapit na Pagbabago sa Santa Clara Family Health Plan Cal MediConnect Plan (Medicare-Medicaid Plan) 2018 na Listahan ng Gamot

Halimbawa ng talumpati tungkol sa edukasyon Elastrator self castration Explicit movies on amazon 2017 Fidio porno abg perawan indo yg dapat di tonton

GABAY SA PAG GAMIT NG ADMIN CONSOLE (ADMIN CONSOLE QUICK GUIDE)

Pantay na Pagk ak ataon sa mga Ex tr acur r icular na Gawain par a sa mga Estudyanteng may K apansanan Mayo 2014, Paglalathala #CM45.

I-reboot ang Iyong X1 TV Box

Bayshore Elementary School District Local Control Accountability Plan Year 1 Summary

Edisyong Pang-edukasyon

PART A. LINGGUHANG ISKEDYUL SA TRABAHO

Nutri-bingo! Gabay para sa game master o facilitators. Ano ang nutri-bingo?

Impormasyon tungkol sa Pamumuhay sa Iba't-ibang Wika

Pamagat ng Pag-aaral (o IRB Approval Number kung maaaring labagin ng pamagat ng pag-aaral ang privacy ng subject):

Pag-unawa sa Pamamaraan ng Pagtasa, Karapatan, at Pang-isahang Programa sa Edukasyon ng Maryland

Plano tungkol sa mga bata at tulong para sa pag-aalaga ng mga bata sa Yokohama (Pansamantalang Pangalan) Plano [Pansamantala]

2018 Aplikasyon para sa Neighbourhood Small Grants

Technology Responsible Use Guidelines (Mga Alituntunin sa Responsableng Paggamit ng Teknolohiya)

EPEKTO SA PAGGAMIT NG SOCIAL NETWORKING SITE SA PAGKATUTO NG ASIGNATURANG FILIPINO. by: Laurince Pantaleon

ANG PAG-SETUP NG ISANG SISTEMA NG PAGBABAYAD NG SUWELDO

Positibong Pagtatasa ng Pag-uugali at Pagpaplano sa mga Paaralan: Fact Sheet

Ika-14 na Aralin. Pag-aralan ayon sa mga tuntunin nasa pasimula ng unang aralin. 1. Ang Cristiano ba ang may-ari ng kanyang sariling buhay?

Isang Patnubay para sa Mga Baguhang Mag-aaral sa Junior High ng Edmonton Catholic Schools

Chapter 6 Tagalog Verbs

Stake Audit Committee

Third Quarter 2018 Social Weather Survey: Pinoys maintain anti-chinese stance on West Philippine Sea issue

Gabay para sa mga Lider

GRADE VI GAMIT NG GRID

Music. Talaan ng mga Gawain. (Unang Kwarter) Department of Education June 2016

Dapat ninyong makumpleto ang form na ito ng pagpaparehistro nang hindi lalampas sa Martes, Hunyo 12, 2018, sa ganap na 5:00 PM, Pacific.

H E K A S I EDUKASYON: SAAN PATUTUNGO SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools

TAGALOG Online na Buklet ng Impormasyon ng Magulang Smarter Balanced Assessments at Hawai i State Science Assessments

Kard sa Pag-ulat ng Pananagutan ng Paaralan Iniulat para sa Pasukang

Kapag Ang Mga Bata Ay Nagsasalita Ng Higit Sa Isang Wika

Mga katanungang madalas itanong(q&a) tungkol sa Electronic Notification System ng Kawanihan ng Imigrasyon

Hulyo 2016, Lat # Tagalog. Sistema ng proteksyon at pagtataguyod ng California Walang Bayad (800)

H E K A S I KABABAIHAN SA PANAHON NG IKATLONG REPUBLIKA SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools

School Year (Akademikong Taon) English. learner. Gabay ng Programa ng. English Learner Program Guide 1

Ota City Board of Education

English. learner. Gabay ng Programa ng School Year (Akademikong Taon) SFUSD Multilingual Pathways Department

Anchorage School District MAHALAGANG MGA KARAPATAN PARA SA MGA MAGULANG NA MAY KINALAMAN SA MGA SURVEY SA ESTUDYANTE

HF Markets Ltd HOTFOREX PHILIPPINES CONTEST

Tungkol Saan ang Modyul na ito?

UNANG SEMESTRENG SILABUS SA FILIPINO PAGBASA AT PAGSUURI NG IBA T-IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK

SCFHP Cal MediConnect Plan (Medicare-Medicaid Plan) 2019 Listahan ng Matibay na Kagamitang Medikal (Listahan ng Durable Medical Equipment o DME)

Ang Inyong Anak ay Naglalaro... Tumutuklas Natututo

Mga Pananggalang na Pamamaraan Mga Karapatan ng Magulang

Pondong Ipinagkatiwala para sa Inyong Anak (Your Child s Trust Fund) Mga Madalas na Katanungan

Pagsasanay sa Filipino

Ang Pagbabasa at Pagsusulat kasama ang Iyong Anak

Ang Makisig at Hangal na Hari

Mahal na Punong Guro, Guro o Kasama sa Trabaho

BUOD ng Consolidated Plan ng ESSA ng Washington

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Estado ng Alaska Kagawaran ng Mga Serbisyong Pang- Kalusugan at Panlipunan

BADYET 2018 NAGTATRABAHO PARA SA IYO

Talaan ng Mga Nilalaman

3.1 Paano ito Gumagana 3.2 Resolusyon sa Hindi Pagkakaunawaan 3.3 Insentibo sa Paglutas ng Hindi Pagkakaunawaan

1. Ano ang teknolohiyang pantulong (assistive technology) sa espesyal na edukasyon?

UNITED STATES DISTRICT COURT NORTHERN DISTRICT OF CALIFORNIA HUKUMAN NG DISTRITO NG ESTADO NG CALIFORNIA HILAGANG DISTRITO NG CALIFORNIA

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

San Francisco Unified School District

Iyong patnubay sa kalayaang pampananalapi

Pagbubuntis, Panganganak, Pagpapalaki ng Anak at Edukasyon

Isang Guide para sa Naturalisasyon

GABAY NG PROGRAMA NG ENGLISH

NEWS. Kasalukuyan hanggang Dis. 31, Ene. 1, 2018 hanggang Dis. 31, Mga Kategorya ng Pinakamababang Sahod

GABAY NG GURO. Populasyon at Pag- unlad, Sekswalidad at Mapanagutang Pagmamagulang (Population and Development, Sexuality and Responsible Parenthood)

Republic of the Philippines Department of Education Negros Island Region DIVISION OF SILAY CITY City of Silay

Nanganganib ba ako sa Hepatitis B?

Aplikasyon para sa Segurong Pangkalusugan (Health Insurance)

Angela Gauthier, Director of Education Ann Andrachuk, Chair of the Board FILIPINO

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Sibika Baitang 2 Ikatlong Markahan

m~öäáäá=åö=fåóçåö=rå~åö _~Ü~ó=ë~=`~å~Ç~ Ano ang Kinakailangang Malaman ng Bagong Dating

Pagsasanay ng mga guro sa programa ng K to 12 Baitang 8

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

K to 12 BASIC EDUCATION CURRICULUM SENIOR HIGH SCHOOL APPLIED TRACK SUBJECT

Rehistrasyon Dagdagan ang nalalaman sa 350 S. Oak Harbor St., Oak Harbor, WA

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

International Correspondence Institute PHILIPPINE NATIONAL OFFICE P.O. Box 1084, Manila. Unang Aralin hanggang 3

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Atlantic Health System

Kung mayroon kayong mga katanungan tungkol sa Paunawang ito, mangyaring makipagugnayan

Plano na mga Serbisyo para sa Suporta ng Bata/Pag-papalaki ng Bata sa Lungsod ng Yokohama. [Pinaikling Salin] Tagalog

MISYONG PAHAYAG. Isang masagana at inklusibong Canada na nakabatay sa tagumpay ng bawat indibidwal.

Sensus ng Magulang 2017 Ang Iyong Boses ay Mahalaga!

MAG-AARAL NG INGLES PUNONG PLANO

Matataas na mga Hiwatig para sa mga Magulang

TAGALOG. PATNUBAY SA PAG AARAl NG. «an

aklat biblia ang mga LECTIO DIVINA PARA SA AKING PAMILYANG MGA PAGPAPAHALAGA PARA SA AKING PAMILYANG MAY MAGANDANG UGALI CLARET PUBLISHING GROUP

PAGSISIWALAT, PAGKAPRIBADO AT PAGIGING MAGULANG

Republic of the Philippines Department of Education DepEd Complex, Meralco Avenue Pasig City. K to 12 Curriculum Guide ARALING PANLIPUNAN.

Ang Karapatan Ng Mga Bingi Na Lumaking Bilingwal

Orihinal na Epektibong Petsa: Pahina Enero 2006 Huling Petsa ng. Numero ng Patakaran (Policy Number)

Pamamahala sa Social Security Mahalagang Impormasyon

Ang Bautismo: Pakikipag-isa kay Cristo sa Kamatayan at Bagong Buhay (Unang Bahagi)

Pamamatnubay na Palakad sa Paaralan para sa mga Magulang na Baguhan

Transcription:

Pag-alalay sa Pag-aaral ng inyong Anak sa pamamagitan ng Pagtatasa, Pagsusuri at Pag-uulat Ang layunin ng pagtatasa at pagsusuri ay ang mapabuti ang pag-aaral ng mag-aaral abutin ang bawat mag-aarál Tagalog

2 Ang mga mag-aaral sa Ontario ay mag-uuwi ng bago at pinabuting provincial report cards (mga panlalawigang report kard) simula sa pampaaralang taon 2010-2011. Ang mga pagbabagong ito ay bahagi ng Growing Success (Tagumpay sa Paglago), ang napabagong patakaran ng gobyerno sa pagtatasa, pagsusuri at pag-uulat ng narating ng mag-aaral. Ano ang aking tungkulin bilang magulang? Alam namin na kayo, bilang magulang o tagapag-alaga, ay mahalagang mga kaakibat sa edukasyon ng inyong anak at ang mga bata ay mas mahusay sa paaralan kung ang kanilang mga magulang ay kasangkot. Alam namin na nais ninyo ng malinaw, makabuluhan at naiintindihang impormasyon tungkol sa lagay ng inyong anak sa paaralan. Alam namin na nais ninyong regular na makarinig mula sa guro ng inyong anak sa loob ng pampaaralang taon. Itong patakaran --- kasama ang bago nitong mga report kard --- ay makakatulong na mangyari iyon. Ano ang iba para sa mga mag-aaral sa elementarya? Simula ngayong pampaaralang taon, ang mga mag-aaral sa elementarya sa mga Gradong 1 hanggang 8 ay mag-uuwi ng bagong fall progress report card (report kard ng pag-unlad sa taglagas) at dalawang iniwastong provincial report cards (mga panlalawigang report kard), isa sa panahon ng taglamig at isa sa katapusan ng pampaaralang taon. Ang bagong fall progress report card (report kard ng pag-unlad sa taglagas): naghihimok ng maaga at patuloy na komunikasyon sa pagitan ninyo at ng guro ng inyong anak ipinapaalam sa inyo kung gaano kahusay ang inyong anak sa pagbuo ng mga kasanayan sa pag-aaral at mga gawi sa pagtratrabaho na alam namin ay kinakailangan para sa tagumpay patuloy na nag-uulat sa lahat ng akademikong asignatura --- tulad ng language (wika), math (matematika), social studies (sibika), science and technology (siyensya at teknolohiya) --- ngunit sa halip na magbigay ng grado o marka, sasabihin nito kung gaano kahusay umuunlad ang inyong anak: napakabuti, mabuti o mayroong kahirapan higit na ipinapakita ang mga kalakasan at mga bagay na dapat ipagbuti bago tapusin ang mga pagsusuri kabilang ang mga komentaryong isinapersonal, malinaw at makabuluhan mula sa guro ng inyong anak.

3 Ang pinagbuting elementary provincial report card (panlalawigang report kard sa elementarya): binibigyang diin din at nagbibigay ng mga halimbawa ng mga kasanayan sa pag-aaral at mga gawi sa pagtratrabaho na kinakailangan mayroong sapat na ispasiyo para sa mga guro na magdagdag ng makabuluhan, malinaw at isinapersonal na mga komentaryo upang inyong maintindihan kung paano umuunlad ang inyong anak gumagamit ng mga letrang grado para sa mga Gradong 1-6 at mga markang bahagdan para sa mga Gradong 7-8 upang malinaw ninyong maintindihan kung gaano kahusay ang lagay ng inyong anak nagbibigay ng mga mungkahi kung paano ninyo masusuportahan ang pagaaral ng inyong anak sa bahay. Kailan iuuwi ng aking anak ang mga elementary provincial report cards (mga panlalawigang report kard sa elementarya) na ito? Mayroong tatlong pormal at kinakailangang panahon ng pag-uulat para sa mga grado sa elementarya. 1. Ang bagong fall progress report card (report kard ng pag-unlad sa taglagas) ay ibibigay sa pagitan ng Oktubre 20 at Nobyembre 20. 2. Ang unang provincial report card (panlalawigang report kard) ay ibibigay sa pagitan ng Enero 20 at Pebrero 20. 3. Ang ikalawang provincial report card (panlalawigang report kard) ay ibibigay sa katapusan ng pampaaralang taon. Ang eksaktong mga petsa ay itinatakda ng mga indibidwal na konseho ng paaralan. Nagbago ba ang secondary provincial report cards (mga panlalawigang report kard sa sekondarya)? Oo. Ang mga pagbabago sa secondary provincial report cards (mga panlalawigang report kard sa sekondarya) ay kinabibilangan ng: mas mayroong diin, kabilang ang mga halimbawa ng mga kasanayan sa pag-aaral at mga gawi sa pagtratrabaho [tignan ang paningit] karagdagang impormasyon tungkol sa iba't-ibang mga antas ng pagtatapos at kung paano ito tumutugma sa mga markang bahagdan mga komentaryo ng guro na personal, malinaw at makabuluhan. Kinakailangang mga Kasanayan sa Pag-aaral at mga gawi sa Pagtratrabaho Mayroong anim na mga gawi sa pagtratrabaho na ngayon ay binibigyang diin sa buong Gradong 1 hanggang 12 sa lahat ng mga report kard sa Ontario: Responsibilidad Organisasyon Malayang Gawain Pakikipagtulungan Pagkukusa Regulasyon sa sarili

4 Ministry of Education Elementary Progress Report Card Date: [Board logo] Student: OEN: Days Absent: Total Days Absent: Grade: Teacher: Times Late: Total Times Late: Board: Address: School: Address: Principal: [Space for Board Information] Telephone: 1 Bukas na espasyo na maaring baguhin ng ayon sa sariling gamit ng bawat konseho ng paaralan. Kabilang ang paglalahad ng pananaw ng konseho, misyon o mga layuning pang-edukasyon sa mga iba't-ibang uri ng impormasyon na maaring idagdag. Responsibility Learning Skills and Work Habits Fulfils responsibilities and commitments within the learning environment. Completes and submits class work, homework, and assignments according to agreed-upon timelines. Takes responsibility for and manages own behaviour. Organization Devises and follows a plan and process for completing work and tasks. Establishes priorities and manages time to complete tasks and achieve goals. Identifies, gathers, evaluates, and uses information, technology, and resources to complete tasks. Independent Work Independently monitors, assesses, and revises plans to complete tasks and meet goals. Uses class time appropriately to complete tasks. Follows instructions with minimal supervision. Collaboration Accepts various roles and an equitable share of work in a group. Responds positively to the ideas, opinions, values, and traditions of others. Builds healthy peer-to-peer relationships in person and through personal and media-assisted interactions. Works with others to resolve conflicts and build consensus to achieve group goals. Shares information, resources, and expertise, and promotes critical thinking to solve problems and make decisions. Initiative Looks for and acts on new ideas and opportunities for learning. Demonstrates the capacity for innovation and a willingness to take risks. Demonstrates curiosity and interest in learning. Approaches new tasks with a positive attitude. Recognizes and advocates appropriately for the rights of self and others. Self-Regulation Sets own individual goals and monitors progress towards achieving them. Seeks clarification or assistance when needed. Assesses and reflects critically on own strengths, needs, and interests. Identifies learning opportunities, choices, and strategies to meet personal needs and achieve goals. Perseveres and makes an effort when responding to challenges. E Excellent G Good S Satisfactory N Needs Improvement Strengths/Next Steps for Improvement 3 Mga Kalakasan/Mga Susunod na Hakbang para sa Pagpapabuti: Ang mga guro ay magdadagdag ng personal at madaling intindihin na mga komentaryo na tumatalakay sa pag-unlad ng mag-aaral sa anim na kasanayan at mga gawi sa pagtratrabaho. 83-0465E (2010/01) Queen's Printer for Ontario, 2010 Grades 1 6 Page 1 of 2 2 Kulumna kung saan ang mga guro ay magdadagdag ng letrang simbolo upang iulat ang pag-unlad ng mag-aaral sa anim na kasanayan sa pag-aaral at mga gawi sa pagtratrabaho: E - excellent (napakahusay) G - good (mahusay) S - satisfactory (maimis) N - needs improvement (nangangailangan ng pagpapabuti)

5 Student: ESL/ELD Achievement is based on expectations modified from the curriculum expectations for the grade to support English language learning needs. OEN: Grade: IEP Individual Education Plan NA No instruction for subject/strand Subjects Progressing With Difficulty Progressing Well Progressing Very Well Strengths/Next Steps for Improvement Language Reading, Writing, Oral Communication, Media Literacy ESL/ELD IEP NA French ESL/ELD IEP NA Core Immersion Extended Native Language ESL/ELD IEP NA Mathematics Science and Technology Social Studies Health and Physical Education The Arts Health Education Physical Education Dance Drama Music Visual Arts 5 Mga Kalakasan/Mga Susunod na Hakbang para sa Pagpapabuti: Komentaryo ng guro tungkol sa kung paano umuunlad ang magaaral sa hinaharap tungo sa pagtugon sa mga ekspektasyon ng kurikulum ng mga asignatura, pagkilala sa mga signipikong kalakasan, mga bagay na may kahirapan at mga susunod na hakbang para sa pagpapabuti. To Parents/Guardians and Students: This copy of the progress report card should be retained for reference. The original or an exact copy has been placed in the student s Ontario Student Record (OSR) folder and will be retained for five years after the student leaves school. Teacher s Signature X Principal s Signature X [Space Designated for Board] 6 Bukas na espasyo na maaring baguhin ng ayon sa sariling gamit ng bawat konseho ng paaralan. Mga halimbawa ng impormasyon/mga gamit ay kinabibilangan ng pagbibigay ng karagdagang mga komentaryo, paghiling ng isang pakikipanayam sa magaaral o magulang, pagbabalangkas ng mga susunod na hakbangin, pagbabahagi ng impormasyon tungkol sa mga gawain sa paaralan. 83-0465E (2010/01) Queen's Printer for Ontario, 2010 Grades 1 6 Page 2 of 2 4 Mga kolumna kung saan mamarkahan ng mga guro ang isa sa mga kahon upang iulat kung ang mag-aaral ay umuunlad ng may kahirapan, mahusay o napakahusay sa isang partikular na asignatura, halimbawa ay math (matematika), science (siyensya), social studies (sibika), language (wika), health and physical education (kalusugan at pisikal na edukasyon).

6 Kailan iuuwi ng mga mag-aaral sa sekondarya ang mga panlalawigang report kard? Tulad sa nakaraan, ang mga semestrong paaralan ay magpapa-uwi ng mga report kard dalawang beses bawat semestro. Ang mga hindi-semestrong paaralan ay magbibigay ng report kard tatlong beses bawat taon. Ang eksaktong mga petsa ay itinatakda ng mga indibidwal na konseho ng paaralan. Madali bang maiintindihan ang mga komentaryo ng mga guro? Oo. Lahat ng bagong mga report kard ay mayroong malawak na mga espasyo para sa mga guro upang madagdagan nila ng mga komentaryo tungkol sa kung ano-ano ang nalalaman ng inyong anak at ang kaya niyang gawin. Maari nilang gamitin ang espasyo upang ilarawan ang mga kalakasan at susunod na mga hakbang para sa pagpapabuti at pati na rin para maidagdag ang kanilang sariling obserbasyon at personal na komentaryo. Makakarinig ba ako mula sa guro ng aking anak sa ibang pagkakataon? Kayo ay dapat na regular na makarinig mula sa guro ng inyong anak sa loob ng pampaaralang taon. Bukod sa mga report kard, ang ibang mga uri ng komunikasyon ay kinabibilangan ng mga pagpupulong ng magulang-guro o magulang-mag-aaral-guro, mga pakikipanayam, mga tawag sa telepono, mga tseklist at impormal na pag-uulat. Paano napagpapasiyahan ng mga guro ang mga grado ng aking anak? Tinitignan ng mga guro ang mga takdang-aralin, mga pagsusulit, mga eksaminasyon, mga demonstrasyon at mga proyekto para sa katibayan na natututunan ng inyong anak ang kurikulum. Ang pagkakatuto na ito ay nangangahulugan ng mas higit sa pagkakaalam ng mga katotohanan. Kinakailangan din ng mga mag-aaral na maipakita na naiinitindihan nila ang kanilang pinag-aaralan sa pamamagitan ng pakikipag-komunikasyon at paggamit ng kanilang natutunan. Kailangan din nilang ipakita ang kritikal na pag-iisip at mga kasanayan sa paglutas ng problema. Ang lahat ng mga gawain ay sinusuri ng may espesyal na pansin sa kalidad ng gawain sa katapusan ng yunit na pinag-aralan, termino o semestro. Hindi lang basta simpleng kinakalkula ng mga guro ang mga pamantungan. At sa pagtingin sa mga pagsusulit o mga takdang-aralin, kinakausap din nila at inoobserbahan ang inyong anak sa silid-aralan upang makakuha ng mas maraming impormasyon na posible bago gumawa ng desisyon sa pinal na grado. Para saan ginagamit ang takdang-aralin? Ang patuloy na takdang-aralin ay ginagamit upang bumuo ng mga kasanayan sa pag-aaral at organisasyon, pagsamahin ang mga kaalaman at maghanda para sa susunod na klase. Ito ay nakakatulong din sa pagbuo ng matibay na mga kasanayan sa pag-aaral at pagtratrabaho, na naipapakita sa provincial report card (panlalawigang report kard).

7 Ano ang ibig sabihin ng R sa provincial report card (panlalawigang report kard) ng aking anak sa mga Gradong 1 hanggang 8? Ang ibig sabihin ng R ay malawak na pamamagitan ang kinakailangan sapagka't ang mga kailangang kasanayan at kaalaman sa asignatura ay hindi natugunan. Mahalaga na makipag-tulungan sa guro ng inyong anak upang makabuo ng mga estratehiya upang masuportahan ang inyong anak sa pagkakaroon ng kinakailangang kaalaman at mga kasanayan. Ano ang ibig sabihin ng I sa provincial report card (panlalawigang report kard) ng aking anak sa mga Gradong 1 hanggang 10? Ang ibig sabihin ng I ay walang sapat na impormasyon ang guro upang makapagbigay ng grado o marka. Ito ay maaring mangyari, halimbawa, kung ang inyong anak ay kamakailan lamang lumipat ng paaralan o nagkaroon ng sakit sa mahabang panahon. Mayroon bang mga kahihinatnan ang pandaraya o pamamlahiyo? Oo. Malinaw na sinasaad ng napagbagong patakaran sa pagsusuri na ang mga magaaral ay responsable para sa kanilang sariling gawain. Maaring magkaroon ng mga kahihinatnan, na maaring kabilangan ng pagtanggap ng zero (sero), para sa pandaraya, pamamlahiyo o hindi pagkumpleto ng gawain. Tanungin ang inyong konseho ng paaralan tungkol sa patakaran sa pandaraya o pamamlahiyo. Mayroon bang mga kahihinatnan ang hindi pagkumpleto ng gawain o pagsusumite ng gawain ng huli? Ang inyong anak ay responsable sa pagpapakita ng kaniyang natutunan o natapos sa loob ng panahon na ibinigay ng kaniyang guro. Ang patakaran ng Ontario ay mayroong nakalistang mga estratehiya na magagamit ng mga guro upang parehong mapigilan at matugunan ang huli at hindi nagawang mga takdang-aralin. Ang mga opsyon ay nasasaklawan mula sa peer tutoring (pagtuturo ng kauri) at pagbibigay ng time-management lessons (mga leksiyon sa pamamahala ng oras) hanggang sa malawak na pagplaplano ng paaralan ng higit na malaking mga takdang-aralin. Sa lahat ng mga grado, kung ang inyong anak ay laging walang takdang-aralin o nagpapasa ng gawain ng huli, ito ay maaaring lumabas sa Learning Skills and Work Habits (Mga Kasanayan sa Pag-aaral at mga Gawi sa Pagtratrabaho) na bahagi ng report kard. Ang mga mag-aaral sa mga Gradong 7 hanggang 12 ay maaari ring mabawasan ng puntos. Magtanong sa inyong paaralan tungkol sa kanilang patakaran sa huli o hindi nabibigay na mga takdang-aralin.

8 Nagbago ba ang mga pamantayan ng edukasyon sa Ontario? Hindi. Malinaw na pinapakita ng kurikulum sa Ontario kung ano ang dapat malaman at magawa ng mga mag-aaral sa lahat ng mga asignatura at mga kurso. Ang bawat mag-aaral ay tinatasa at sinusuri laban sa parehong mataas na mga pamantayan ng lalawigan. Bakit binibigyan ng mas tangos at mas diin ang mga kasanayan sa pag-aaral at mga gawi sa pagtratrabaho? Ipinapakita ng saliksik na kailangan matutunan ng mga mag-aaral ang higit sa mga katotohanan lamang kung nais nilang magtagumpay sa postsecondary education (edukasyon pagtapos ng sekondarya) at sa mundo ng trabaho. Natututunan din ng mga mag-aaral sa Ontario ang pagkakaroon ng pagkukusa, paggawa ng mag-isa, magtiwala sa sarili at gumawa sa loob ng isang pangkat. Itinuturo ng mga paaralan ang kritikal na pag-iisip at mga kasanayan sa paglutas ng problema upang mabigyan ang inyong anak ng abilidad na samsamin ang bawat oportunidad para sa mga trabaho at paglago sa makabagong kaalaman sa ekonomiya. Bakit ipinakilala ng gobyerno ang bagong patakaran sa pagtatasa, pagsusuri at pag-uulat? Ang layunin ng pagtatasa, pagsusuri at pag-uulat ay upang mapabuti ang pag-aaral ng mag-aaral. Ang mga bagong daan ay nagbibigay sa mga tagapagturo ng mga bagong hamon at mga bagong oportunidad para mapakinabangan ng mga mag-aaral. Sumasalamin sa bagong kaalaman na ito, pinapagbago at nililinaw ng Growing Success (Tagumpay sa Paglago) ang pinaka-mahusay na mga gawi at mga pamamaraan na ginagamit ng mga guro upang makalikom at makapag-bahagi ng mga impormasyon sa mga magulang at mga mag-aaral. Pangunahing Mga Prinsipyo Ang mga guro sa Ontario ay gumagamit ng mga pamamaraan ng pagtatasa at pagsusuri na: patas, maliwanag at karampatan sumusuporta sa lahat ng mga mag-aaral maingat na pinaplano malinaw na naipaliwanag sa mga mag-aaral at mga magulang sa simula ng pampaaralang taon patuloy at iba-iba, at nagbibigay ng maramihang oportunidad para sa mga mag-aaral upang ipakita ang kanilang natututunan kabilang ang katugunan na malinaw, makabuluhan at napapanahon tumutulong sa mga mag-aaral na maging malayang mag-aaral. Para sa karagdagang impormasyon, at upang makita ang kabuuan ng Growing Success (Tagumpay sa Paglago), bisitahin ang websayt ng Ministro ng Edukasyon (Ministry of Education) sa ontario.ca/eduparents. Printed on recycled paper ISBN 978-1-4435-4335-4 (Print) ISBN 978-1-4435-4336-1 (PDF) Queen s Printer for Ontario, 2010