Tugon sa mga Hinaing at Mithiin ng Bayan Para sa Pagbabago at Pag-unlad ng Mamamayan Nobyembre 5, 2015

Similar documents
Ika-13 Aralin IYONG KA- UGNAYAN SA IBA" ~ Kinakailangang ibigin, igalang at sundin natin sila.

Halimbawa ng talumpati tungkol sa edukasyon Elastrator self castration Explicit movies on amazon 2017 Fidio porno abg perawan indo yg dapat di tonton

Tagalog NATIONAL STANDARDS. sa pagbabasa, pagsusulat at matematika. Gaano kahusay ang aking anak sa paaralan?

Mga Nalalapit na Pagbabago sa Santa Clara Family Health Plan Cal MediConnect Plan (Medicare-Medicaid Plan) 2018 na Listahan ng Gamot

BADYET 2018 NAGTATRABAHO PARA SA IYO

Impormasyon tungkol sa Pamumuhay sa Iba't-ibang Wika

H E K A S I KABABAIHAN SA PANAHON NG IKATLONG REPUBLIKA SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools

Ayos na Gamot sa Abot-kayang Presyo -- Ang Tunay na Sigaw ng Sambayanan!

POINTERS FOR REVIEW ARALING PANLIPUNAN - GRADE 1 Unang Markahan

Music. Talaan ng mga Gawain. (Unang Kwarter) Department of Education June 2016

(Effective Alternative Secondary Education)

SCFHP Cal MediConnect Plan (Medicare-Medicaid Plan) 2019 Listahan ng Matibay na Kagamitang Medikal (Listahan ng Durable Medical Equipment o DME)

Third Quarter 2018 Social Weather Survey: Pinoys maintain anti-chinese stance on West Philippine Sea issue

GRADE VI GAMIT NG GRID

ANG PAG-SETUP NG ISANG SISTEMA NG PAGBABAYAD NG SUWELDO

Zangle Parent Connect Gabay sa Tagagamit. Paaralang Pampurok ng Anchorage

H E K A S I BUWIS, KABALIKAT NG BANSA SA KAUNLARAN SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS

Ang Bagong Sistema ng mga Karapatang Pantao ng Ontario

ARALING PANLIPUNAN 10 MGA KONTEMPORARYONG ISYU

Mahal na Punong Guro, Guro o Kasama sa Trabaho

PART A. LINGGUHANG ISKEDYUL SA TRABAHO

Hinggil sa Karapatan ng mga Katutubo at Kahalagahan ng Pagsalin ng Katutubong Kaalaman at Kultura

GABAY SA PAG GAMIT NG ADMIN CONSOLE (ADMIN CONSOLE QUICK GUIDE)

ANG MISYON ANG AMING MGA KLIYENTE AY MGA TAONG MAY KAPINSALAAN

Atlantic Health System

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Plano tungkol sa mga bata at tulong para sa pag-aalaga ng mga bata sa Yokohama (Pansamantalang Pangalan) Plano [Pansamantala]

GRADE VI PAUNLARIN ANG EDUKASYON, KALUSUGAN AT TEKNOLOHIYA

Positibong Pagtatasa ng Pag-uugali at Pagpaplano sa mga Paaralan: Fact Sheet

POINTERS FOR REVIEW ARALING PANLIPUNAN - GRADE 1 Ikalawang Markahan

PAGSISIWALAT SA PAARALAN AT DAYCARE

Gender Policy para sa Pampamayana ng Radyo. Ika-8 ng Marso 2008

H E K A S I TAPAT NA PAGLILINGKOD: NAGBUBUKLOD SA MGA PILIPINO SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS

GRADE VI SAMAHANG PANREHIYON AT PANDAIGDIG NA KASAPI NG PILIPINAS

Estado ng Alaska Kagawaran ng Mga Serbisyong Pang- Kalusugan at Panlipunan

Santa Clara Valley Transportation Authority (VTA) Title VI

1. Ano ang teknolohiyang pantulong (assistive technology) sa espesyal na edukasyon?

GRADE V Mga Programa ng mga Pangulo matapos ang People Power 1

Holy Name Medical Center Patakaran Ukol sa Tulong Pampinansyal Epektibo Mula: 1/1/2016. Pahayag Ukol sa Patakaran

Hulyo 2016, Lat # Tagalog. Sistema ng proteksyon at pagtataguyod ng California Walang Bayad (800)

I-reboot ang Iyong X1 TV Box

Pantay na Pagk ak ataon sa mga Ex tr acur r icular na Gawain par a sa mga Estudyanteng may K apansanan Mayo 2014, Paglalathala #CM45.

MISYONG PAHAYAG. Isang masagana at inklusibong Canada na nakabatay sa tagumpay ng bawat indibidwal.

aklat biblia ang mga LECTIO DIVINA PARA SA AKING PAMILYANG MGA PAGPAPAHALAGA PARA SA AKING PAMILYANG MAY MAGANDANG UGALI CLARET PUBLISHING GROUP

Ang Proyektong Integrasyon ng mga Imigrante sa San Francisco

Pang-aabusong Sekswal sa Kulungan: Isang Pandaigdigang Krisis sa Karapatang Pantao

TABLE OF CONTENTS. By Farah Sevilla. Ni Emmanuel Drewery. Editorial Board NYMIA PIMENTEL-SIMBULAN DR. P.H. SONNY MELENCIO GINA DELA CRUZ

Plano na mga Serbisyo para sa Suporta ng Bata/Pag-papalaki ng Bata sa Lungsod ng Yokohama. [Pinaikling Salin] Tagalog

Pamagat ng Pag-aaral (o IRB Approval Number kung maaaring labagin ng pamagat ng pag-aaral ang privacy ng subject):

Nutri-bingo! Gabay para sa game master o facilitators. Ano ang nutri-bingo?

1. Ano ang nasa likod ng paglago ng GDP?

Sibika Baitang 2 Ikatlong Markahan

POINTERS FOR REVIEW ARALING PANLIPUNAN - GRADE 1 Ikatlong Markahan

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Pagbubuntis, Panganganak, Pagpapalaki ng Anak at Edukasyon

Minamahal na Pasyente at Pamilya:

Ang Pangprobinsiyang Kard ng Ulat (Report Card) ng Manitoba. Impormasyon para sa. Mga Magulang

Sustainable (Maaaring Mapangalagaan) na Pangingisda

Orihinal na Epektibong Petsa: Pahina Enero 2006 Huling Petsa ng. Numero ng Patakaran (Policy Number)

PANIMULA. Ang maging isang babae o lalaki ay isang mahalagang kaganapan para sa tao sa mundo.

Ang Kasaysayan at Araling Panlipunan sa K to 12 Curriculum. Lorina Y. Calingasan

NEWS. Kasalukuyan hanggang Dis. 31, Ene. 1, 2018 hanggang Dis. 31, Mga Kategorya ng Pinakamababang Sahod

STK GLOBAL PAYMENTS DECEMBER 2017 WHITEPAPER TGL OFFICIAL WHITEPAPER:

KILOS na, KAS! Pangkalahatang Programa para sa Kolehiyo ng Agham at Sining, UP Manila. Carl Marc Lazaro Ramota Oktubre 2015

Sinusuportahang Pagtatrabaho sa pamamagitan ng DOR: Fact Sheet ng Pagkanararapat at Nasasaklawan ng mga Serbisyo

Balita Mula sa Kumamoto Bar Association

ANG GOBYERNONG GMA AT ANG MGA SUNDALONG BATA. MAPAIT man sa panlasa lalo na sa mga

FARMERS ASSOCIATION FOR RURAL UPLIFTMENT

PANGKALAHATANG ABISO SA PRIVACY NG PERSONAL NA IMPORMASYON NG EMPLEYADO

Praymer sa Fiscal Crisis ng Rehimeng US-Arroyo. Inihanda ng Kilusang Mayo Uno (KMU) 5 September 2004

(Effective Alternative Secondary Education)

Toolkit para sa Advance Directive. Ang pinakamahalaga sa iyo

Ika-14 na Aralin. Pag-aralan ayon sa mga tuntunin nasa pasimula ng unang aralin. 1. Ang Cristiano ba ang may-ari ng kanyang sariling buhay?

(Effective Alternative Secondary Education) ARALING PANLIPUNAN MODYUL 22 ANG POPULASYON NG DAIGDIG

PATAKARAN SA PAG-UUGALI AT

PETSANG MAY BISA: 01/01/2016 PETSA NANG NIREBISA: 06/27/2017. Financial Assistance Policy (Patakaran para sa Pinansiyal na Tulong)

Sino ang Maaaring Sumali sa Isang MediConnect Health Plan (Planong Pangkalusugan ng Cal MediConnect)

Opisina ng Pagtatanggol para sa Saykayatrikong Pasyente

H E K A S I EDUKASYON: SAAN PATUTUNGO SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools

BUOD ng Consolidated Plan ng ESSA ng Washington

kalagayan at karapatan ng kababaihan: CEDAW primer CEDAW convention on the elimination of all forms of discrimination against women NCRFW UNIFEM CIDA

Saligang Batas ng Migrante International

Huling taon na ni Pangulong Benigno

Pamamatnubay na Palakad sa Paaralan para sa mga Magulang na Baguhan

AWIT 16:2-3 SINO ANG NAKIKINABANG SA MABUBUTI NATING GAWA? NI REV RODNEY KLEYN

Walang kasingsahol ang krisis ng edukasyon sa ilalim ng rehimeng US-Aquino

Pondong Ipinagkatiwala para sa Inyong Anak (Your Child s Trust Fund) Mga Madalas na Katanungan

Republic of the Philippines Department of Education Negros Island Region DIVISION OF SILAY CITY City of Silay

Kagawaran ng Pampublikong Kalusugan ng San Francisco (DPH) Kabuuang Pabatid ng HIPAA sa Karapatan ng Pagkapribado Epektibong Petsa: May 19, 2015

H E K A S I MAGKATULAD NA PAGPAPAHALAGA: BATAYAN NG PAMBANSANG PAGKAKAISA SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS

SUUNTO GUIDING STAR PAG-IINGAT AT WARRANTY

DLA in EPP/ Computer 6 Third Quarter

H E K A S I PANGKABUHAYAN SA PANAHON NG HAPONES SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools

Technology Responsible Use Guidelines (Mga Alituntunin sa Responsableng Paggamit ng Teknolohiya)

Republic of the Philippines Department of Education DepEd Complex, Meralco Avenue Pasig City. K to 12 Curriculum Guide ARALING PANLIPUNAN.

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga konsepto sa pananagutang pansarili, pamilya,

GABAY NG GURO. Populasyon at Pag- unlad, Sekswalidad at Mapanagutang Pagmamagulang (Population and Development, Sexuality and Responsible Parenthood)

Patnubay para sa Dayuhang Manggagawa

Transcription:

Tugon sa mga Hinaing at Mithiin ng Bayan Para sa Pagbabago at Pag-unlad ng Mamamayan Nobyembre 5, 2015 Nadarama at naririnig namin ang malawakang reklamo laban sa laganap na kahirapan, inhustisyang panlipunan, mga gawi ng gobyernong makasarili, at pagyurak sa pambansang soberanya. Nakatalaga kami sa pagtugon sa mga hinaing, hindi para sa dayuhan at iilan, kundi para mapagsilbihan ang kapakanan ng mamamayan na walang maiiwang tao at walang maiiwang lugar sa Pilipinas, kung saan ang bawat Pilipino ay pare-parehong magkakaroon nang ganap at produktibong buhay; pamumuhay na may dignidad; at pagkakataong magkaisip at tumanda sa bayang maunlad, mapayapa at ligtas. Para mangyari ito, kailangan ang sumusunod na malawig na istratehiya: (1) ang pagsugpo sa kahirapan sa pamamagitan nang pagsulong ng ingklusibong pag-unlad (o tinatawag na inclusive growth); (2) isang pamahalaang bukas, tapat, walang bahid ng korupsyon, at gumagalang sa karapatang pantao; at (3) ang pagbabalangkas ng isang kultura ng kahusayan tungo sa kakayahang makipagtagisan sa larangang pandaigdig, o global competitiveness. Sa tatlong nabanggit, ang pinaka-importante ay ang pagsugpo sa kahirapan at pagsulong ng ingklusibong pag-unlad, kung saan ang bawat Pilipino ay may pagkakataong umangat at makinabang sa pagyaman at pag-unlad ng bansa. Kailangang pagtuunan ng atensyon ang mga programa, patakaran at sektor na hindi nabibigyan ng karampatang pansin at napakahalaga sa pag-unlad ng mamamayan: 1. Isulong ang industriyalisasyon ng bansa para lumikha ng sapat na trabaho Gawing prayuridad ang programa para sa industriyalisasyon. Suportahan at palakasin ang mga lokal na industriya upang makapagbigay ng sapat na dami at kalidad ng trabaho at mapaunlad ang ekonomya. Bumuo at paramihin ang mga produktong de kalidad, pero abot-kaya ng ating mga mamimili. Suportahan ang mga micro, small and medium enterprises. Himukin ang malalaking negosyante na mamuhunan sa pagtatayo ng mga lokal na industriya. Pag dumami ang "Made in the Philippines," dadami rin ang trabahong lokal, at mababawasan ang bilang ng mga nangingibang-bansa para maghanapbuhay. Maaari itong gawin nang walang pagpapabaya sa natural na yaman ng ating kalikasan. Pagtulungan natin, pampubliko at pribadong sektor, ang pagpapaunlad ng magkakaugnay na industriya ng bakal, petrokemikal at enerhiya, paggawa ng

pagkain, mga appliances at iba pang produktong pangkonsumo, traktora, agricultural implements, industrial instruments, paggawa ng mga bahay, gusali, tulay, mga sasakyan, computer at iba pang imprastruktura. Ang hindi kaya ng pribadong sektor, pupunan ng isang government-led at government-supported industrialization at information technology plan, kung saan ang tunay na makikinabang ay taong-bayan, at hindi service providers, dahil magiging mas mura, mas mahusay at mas mabilis ang serbisyo ng mga telcos. Pagsilbihin ang pagmimina ayon sa pangangailangan ng bansa at mga lokal na industriya. Humakbang para mabawasan ang pagluluwas o exportation ng mga raw mineral materials; ang processing ng mga nasabing raw mineral materials ay dito na gawin sa loob ng bansa para lumikha ng dagdag na halaga at trabaho. Gumawa ng mga patakaran para ang dayuhang pautang at pamumuhunan ay makatulong sa industriyalisasyon ng bansa. Kailangang magkaroon ng sistemang makatarungan para sa lahat, tungo sa pagpapaunlad ng sistema ng mass transit. 2. Tugunan ang problema sa lupa at payabungin ang sektor ng agrikultura Kailangan ng higit pang suporta ang mga magsasaka. Para matugunan ang kanilang mga hinaing, marapat na pag-aralan kung paano mapabuti ang pagsasagawa ng programa sa reporma sa lupa. Pagsikapan din na matulungan ang agrarian reform beneficiaries na umunlad ang kanilang pagsasaka. Pitumpung porsyento ng populasyon ay pamilyang magsasaka at mangingisda. Tulungan ang mga magsasaka at mangingisda sa pagtatayo ng mga kooperatiba, pagsasaayos ng teknolohiya, mekanikasyon, pampinansyal na serbisyo, at pagsasaayos ng farm-to-market na transportasyon ng kanilang gamit at produkto. Protektahan ang pook pangisdaan ng mga maliliit na mangingisda. At igalang ang karapatan ng mga katutubo sa lupaing ninuno. 3. Pagtuunan ng pansin ang pagtataas ng sahod at pagpapalakas ng seguridad sa trabaho Dapat pagtuunan ng pansin kung sapat pa ang sweldo at benepisyo ng bawat manggagawa at lingkod-bayan. Mahirap magtrabaho at manilbihan kung nagugutom ang iyong pamilya. Karapatan ng isang trabahador ang marangal at legal na pagkakakitaan. Isabay sa pag-unlad ng industriya ang pag-unlad ng buhay ng manggagawa. Ang disenteng trabaho, nakabubuhay na sahod, maayos na benepisyo, ligtas na mga pagawaan ay marapat na responsibilidad ng gobyerno at ng pribadong sektor. Sikaping maibigay ang makabuluhang dagdag, kung hindi man kaya ang P125 arawang umento sa sahod. Ipasa ang panukalang itaas ang sweldo ng mga guro at ipatupad ang sweldo ng mga nars sa P25,000 at makabuluhang dagdag sa sweldo ng lahat ng kawani ng pamahalaan. Itaas ng P2,000 ang SSS pension. Palakasin ang seguridad sa trabaho. Ipagbawal ang malaganap na kontraktwalisasyon ng paggawa.

Malaking porsyento ng budget ng bawat pamilya ay napupunta sa pambayad sa kuryente. Kailangang gumawa ng mga hakbang at maghanap ng paraan para maibaba ang singil sa kuryente, tubig at presyo ng bigas at iba pang pangunahing bilihin. Kaugnay nito, rerebyuhin ang patakaran ng liberalisasyon, pribatisasyon at deregulasyon. Isa na tayo sa may pinaka-mataas na buwis sa buong mundo. Dapat itong pagsikapang mapababa, para matugunan ang hinaing ng mga manggagawa at empleyado na bawasan ang napakalaking income tax. Kaugnay ng pagbababa ng buwis, kailangan itong suklian ng tama at walang dayang pagbabayad, pagkat nasa tamang pagbabayad ng buwis nakasalalay ang agaran at de-kalidad ng serbisyo ng inyong pamahalaan. 4. Palawakin ang sistema ng pampublikong edukasyon, kalusugan at pabahay Palakihin ang badyet at paghusayin ang sistema ng edukasyon para mapalawak ang bilang ng nakakapag-aral at maitaas ang kalidad ng edukasyon sa lahat ng antas. Punuan ang malalaking kakapusan sa mga guro, textbooks, silidaralan at pasilidad. Wala tayong gagawing budget cut sa State Colleges and Universities. Kung kinakailangan ibaling ang badyet mula sa ibang pinaglalaanan, gawin natin, dahil kailangang ayusin ang lahat ng silid-aralan, mag-"digital" at tapusin ang lahat ng kakulangan o backlog. Sikapin din na palawakin ang ating scholarship programs at pagtibayin ang lalo pang "study now pay later programs. Tulungan din nating makapag-internship at trabaho ang mga college students para habang nag-aaral kumikita na sila at kapag nagtapos, ay mayroon nang work experience. Ang kalusugan ng bawat isa ay mahalaga. Hindi dapat mabangkarote ang pamilya ng may-sakit, hindi rin sila dapat mamili kung sila ba y kakain o bibili ng gamot para sa may sakit na mahal sa buhay. Dagdagan at palakasin ang mga ospital pampubliko. Tiyakin na may mga health center sa lahat ng komunidad at may sapat na dami ng gamot, doktor, nurse at midwife. Dapat rebyuhin ang patakaran ng komersyalisasyon at pribatisasyon ng mga pampublikong ospital. Ang serbisyong pangkalusugan ay hindi pribilehiyo ng may pera kundi isang karapatang dapat ibinibigay sa bawat miyembro ng lipunan. Ipatupad nang lubusan ang batas para sa Child Nutrition na may feeding programs sa lahat ng pampublikong paaralan at day care center sa Pilipinas. Panahon nang magkaroon ng Standard Lunch Program sa lahat ng pampublikong paaralan. Magpatupad ng subsidized mass housing program para sa mahihirap. Isagawa ang on-site, near site at in-city relocation at housing settlement. 5. Itaguyod at protektahan ang karapatang pantao ng lahat Igalang ang mga karapatang pantao. Ang patakaran: zero tolerance sa mga paglabag sa karapatang pantao. Hindi pahihintulutan ang extra-judicial killings, enforced disappearances at pagsasampa ng mga gawa-gawang kaso. Dapat

panagutin ang mga opisyal na lumabag sa mga karapatang pantao. Gumawa ng mga hakbang para mapalaya ang mga nakulong dahil sa gawa-gawang kasong kriminal. Masugid na protektahan ang mga OFWs at iba pang migranteng Pilipino laban sa pangingikil ng estado at pang-aabuso ng kanilang employer. Bigyan natin ng sapat na legal, financial at iba pang angkop na tulong ang mga in-distress na migranteng Pilipino. Kahiya-hiyang reyalidad ang nababalitang tanim-bala na paraan ng pangingikil sa ating mga airport sa kasalukuyan; dapat itong matigil at parusahan ang dapat maparusahang nagtatanim ng pekeng ebidensiya. Salungatin ang pang-aapi at diskriminasyon sa mamayang Moro at mga katutubo, sa mga kababaihan, sa lesbians, gays, bisexuals at transgenders, at sa mga may kapansanan. Bigyan ng natatanging pagkalinga ang mga matatanda at bata at nasalanta ng kalamidad. Durugin ang mga sindikato ng droga, kidnap-for-ransom, human trafficking at illegal gambling at iba pa. 6. Ituloy at lubusin ang usapang pangkapayapaan sa lahat Patuloy nating isusulong ang usaping pangkapayapaan sa lahat ng lumalaban sa gobyerno. Dapat nang matigil ang pagpatay ng Pilipino sa kapwa upang mapabilis ang pagpaparating ng tunay na kaunlaran sa bawat sulok ng bansa. Ang insidenteng tulad ng sa Mamasapano ay hindi na dapat maulit. Sikaping gawin kung ano ang nararapat upang maipagpatuloy at matapos ang nauntol na usaping pangkapayapaan sa pagitan ng gobyerno at CPP-NPA- NDF. Isulong ang peace process sa MILF hangang maipasa at maipatupad ang katanggap-tanggap na batas na magtitiyak sa karapatan sa sariling pagpapasya ng Bangsa Moro. 7. Pangalagaan ang kalikasan at kalingain ang mga nasalanta ng kalamidad Isang nagsusumigaw na katotohanan ang climate change. Hindi ito issue ng mayaman lamang, dahil ang mahirap na nasa marurupok na tirahan at bahaing lugar ang unang naapektuhan nito. Pangalagaan ang kalikasan at kalusugan ng mga tao laban sa mapangwasak na pagmimina, walang patumanggang pagto-troso at quarrying at iba pang mapanirang aktibidad. Itatag ang kumprehensibong sistema ng paghahanda, pagbabawas ng peligro at pagtugon sa mga e pekto ng climate change, sa kalamidad ng bagyo, baha, lindol, tagtuyot upang mailigtas ang buhay at kabuhayan ng ating mga kababayan, katulad nang isang hiwalay na Emergency Management Department na nakatutok sa national pre paredness at geo-mapping na kaugnay ng climate change.

Kalingain ang laksa-laksang biktima ng kalamidad gaya ng sa Yolanda, Ruby, Senyang, Pablo at Lando. Tiyaking ang lahat na ambag na tulong ay makarating sa kanila nang walang bahid-pulitika, at hindi mananakaw ng kung sino. 8. Itaguyod ang nagsasariling patakarang at mapayapang ugnayang panlabas Patayuin sa sariling mga paa ang ating ekonomya, de pensang pambansa at ugnayang panlabas. Isulong ang nagsasariling patakaran panlabas at mapayapang ugnayang sa ibang bansa nang walang kinikilingan, US, China o sinumang dayuhang kapangyarihan. Ipaglaban ang West Philippine Sea, ang ating teritoryo at exclusive economic zones. Isulong ang lahat ng options laban sa pang-angkin ng China sa West Philippine Sea at malutas sa mapayapang paraan ang sigalutan sa naturang karagatan nang hindi nagiging palaasa sa dayuhan. Rebyuhin pang muli at pag-aralan ang mga kasunduang pang-ekonomya, pampulitika at pangmilitar sa ibang bansa tungo sa pagwawasto ng mga kasunduan o aspeto nito na makaisang panig, mapanlamang at disbentahe sa mga Pilipino. Dapat mutwal ang pakinabang at hindi lumalabag sa pambansang soberanya at Saligang Batas. 9. Itatag ang gubyernong bukas at tapat sa tao Itatag ang isang gobyernong bukas at tapat sa paninilbihan sa bayan, lumalaban sa korupsyon at may mataas na respeto sa mga karapatang pantao. Gawing bukas ang pintuan ng gobyerno para maaring makilahok sa pagpapalakad ng bansa ang taong bayan. Bigyan ng prayuridad sa badyet ng gubyerno ang edukasyon, kalusugan, pabahay, at iba pang saligang- serbisyo na magpapaunlad sa lokal na industriya at agrikultura. Panagutin ang tiwaling mga upisyal, kamag-anak, kaibigan o kalaban. I-empower ang mga maralita at karaniwang tao. Palakasin ang partisipasyon at bigyan ng papalaking representasyon ang mga mahihirap at aping mga sektor sa gubyerno at lipunan. Ipasa at ipatupad ang panukalang batas para sa freedom of information, anti-dynasty, abolition of pork barrel at amyendahan ang party list system para maging eksklusibo sa tunay na marginalized sectors. Makinig sa hinaing ng bayan! Sama-sama, tahakin, salubungin natin ang bagong umaga! Grace Poe Chiz Escudero