KILOS na, KAS! Pangkalahatang Programa para sa Kolehiyo ng Agham at Sining, UP Manila. Carl Marc Lazaro Ramota Oktubre 2015

Similar documents
Tagalog NATIONAL STANDARDS. sa pagbabasa, pagsusulat at matematika. Gaano kahusay ang aking anak sa paaralan?

Zangle Parent Connect Gabay sa Tagagamit. Paaralang Pampurok ng Anchorage

MISYONG PAHAYAG. Isang masagana at inklusibong Canada na nakabatay sa tagumpay ng bawat indibidwal.

Halimbawa ng talumpati tungkol sa edukasyon Elastrator self castration Explicit movies on amazon 2017 Fidio porno abg perawan indo yg dapat di tonton

ULIRANG GURO SA FILIPINO 2017 NG KOMISYON SA WIKANG FILIPI

POINTERS FOR REVIEW ARALING PANLIPUNAN - GRADE 1 Unang Markahan

Ika-13 Aralin IYONG KA- UGNAYAN SA IBA" ~ Kinakailangang ibigin, igalang at sundin natin sila.

POINTERS FOR REVIEW ARALING PANLIPUNAN - GRADE 1 Ikalawang Markahan

GABAY SA PAG GAMIT NG ADMIN CONSOLE (ADMIN CONSOLE QUICK GUIDE)

Ang Pangprobinsiyang Kard ng Ulat (Report Card) ng Manitoba. Impormasyon para sa. Mga Magulang

Bayshore Elementary School District Local Control Accountability Plan Year 1 Summary

Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga konsepto sa pananagutang pansarili, pamilya,

H E K A S I KABABAIHAN SA PANAHON NG IKATLONG REPUBLIKA SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools

2010 Gabay sa Pagbibigay Kahulugan

Gender Policy para sa Pampamayana ng Radyo. Ika-8 ng Marso 2008

Pondong Ipinagkatiwala para sa Inyong Anak (Your Child s Trust Fund) Mga Madalas na Katanungan

Pantay na Pagk ak ataon sa mga Ex tr acur r icular na Gawain par a sa mga Estudyanteng may K apansanan Mayo 2014, Paglalathala #CM45.

HF Markets Ltd HOTFOREX PHILIPPINES CONTEST

UNANG SEMESTRENG SILABUS SA FILIPINO PAGBASA AT PAGSUURI NG IBA T-IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK

ARALING PANLIPUNAN 10 MGA KONTEMPORARYONG ISYU

BUOD ng Consolidated Plan ng ESSA ng Washington

K to 12 BASIC EDUCATION CURRICULUM SENIOR HIGH SCHOOL APPLIED TRACK SUBJECT

Impormasyon tungkol sa Pamumuhay sa Iba't-ibang Wika

Orihinal na Epektibong Petsa: Pahina Enero 2006 Huling Petsa ng. Numero ng Patakaran (Policy Number)

Stake Audit Committee

SUUNTO GUIDING STAR PAG-IINGAT AT WARRANTY

Positibong Pagtatasa ng Pag-uugali at Pagpaplano sa mga Paaralan: Fact Sheet

Plano tungkol sa mga bata at tulong para sa pag-aalaga ng mga bata sa Yokohama (Pansamantalang Pangalan) Plano [Pansamantala]

English. learner. Gabay ng Programa ng School Year (Akademikong Taon) SFUSD Multilingual Pathways Department

Pag-unawa sa Pamamaraan ng Pagtasa, Karapatan, at Pang-isahang Programa sa Edukasyon ng Maryland

Mga Pananggalang na Pamamaraan Mga Karapatan ng Magulang

Dapat ninyong makumpleto ang form na ito ng pagpaparehistro nang hindi lalampas sa Martes, Hunyo 12, 2018, sa ganap na 5:00 PM, Pacific.

EPEKTO SA PAGGAMIT NG SOCIAL NETWORKING SITE SA PAGKATUTO NG ASIGNATURANG FILIPINO. by: Laurince Pantaleon

Ota City Board of Education

PART A. LINGGUHANG ISKEDYUL SA TRABAHO

Republic of the Philippines Department of Education Negros Island Region DIVISION OF SILAY CITY City of Silay

ISANG GABAY SA NG BALANGKAS NG KOMPETENSIYA NG PAGKAKAWANGGAWA SINUSUPORTAHAN ANG NAGKAKAWANGGAWA UPANG EPEKTIBONG MAKAPAGTRABAHO

Technology Responsible Use Guidelines (Mga Alituntunin sa Responsableng Paggamit ng Teknolohiya)

Talaan ng Mga Nilalaman

Kard sa Pag-ulat ng Pananagutan ng Paaralan Iniulat para sa Pasukang

School Year (Akademikong Taon) English. learner. Gabay ng Programa ng. English Learner Program Guide 1

Nutri-bingo! Gabay para sa game master o facilitators. Ano ang nutri-bingo?

GRADE VI GAMIT NG GRID

NEWS. Kasalukuyan hanggang Dis. 31, Ene. 1, 2018 hanggang Dis. 31, Mga Kategorya ng Pinakamababang Sahod

Pamagat ng Polisiya: Pangangalagang Kawanggawa at Pinansyal na Tulong

Edisyong Pang-edukasyon

LOMA LINDA UNIVERSITY BEHAVIORAL MEDICINE CENTER PATAKARAN SA PAGPAPATAKBO

Republic of the Philippines Department of Education DepEd Complex, Meralco Avenue Pasig City. K to 12 Curriculum Guide ARALING PANLIPUNAN.

Makabayang Pedagohiya sa Pagpapatupad ng OBTEC (Outcomes-Based Curriculum) Filipino sa Pamantasang Normal ng Pilipinas-Maynila

PATAKARAN AT PAMAMARAAN NG PAMAMAHALA NG DIGNITY HEALTH

Pamagat ng Pag-aaral (o IRB Approval Number kung maaaring labagin ng pamagat ng pag-aaral ang privacy ng subject):

I. LAYUNIN PATAKARAN. Pamagat: Patakaran sa Tulong Pinansyal. Patakaran Pamamaraan Alituntunin Iba pa: Saklaw: Sistema Departamento:

I-reboot ang Iyong X1 TV Box

Pag-alalay sa Pag-aaral ng inyong Anak sa pamamagitan ng Pagtatasa, Pagsusuri at Pag-uulat

Mga Nalalapit na Pagbabago sa Santa Clara Family Health Plan Cal MediConnect Plan (Medicare-Medicaid Plan) 2018 na Listahan ng Gamot

GRADE VI PAUNLARIN ANG EDUKASYON, KALUSUGAN AT TEKNOLOHIYA

Ang Karapatan Ng Mga Bingi Na Lumaking Bilingwal

Sinusuportahang Pagtatrabaho sa pamamagitan ng DOR: Fact Sheet ng Pagkanararapat at Nasasaklawan ng mga Serbisyo

Financial Assistance Documents

BADYET 2018 NAGTATRABAHO PARA SA IYO

3.1 Paano ito Gumagana 3.2 Resolusyon sa Hindi Pagkakaunawaan 3.3 Insentibo sa Paglutas ng Hindi Pagkakaunawaan

Santa Clara Valley Transportation Authority (VTA) Title VI

PANIMULANG ARALIN TUNGKOL SA SANTUARYONG- DAGAT

Sistema Administratibo

Kagawaran ng Pampublikong Kalusugan ng San Francisco (DPH) Kabuuang Pabatid ng HIPAA sa Karapatan ng Pagkapribado Epektibong Petsa: May 19, 2015

Ang Proyektong Integrasyon ng mga Imigrante sa San Francisco

POINTERS FOR REVIEW ARALING PANLIPUNAN - GRADE 1 Ikatlong Markahan

Atlantic Health System

PATAKARAN SA PAG-UUGALI AT

Pamamatnubay na Palakad sa Paaralan para sa mga Magulang na Baguhan

Holy Name Medical Center Patakaran Ukol sa Tulong Pampinansyal Epektibo Mula: 1/1/2016. Pahayag Ukol sa Patakaran

PAGSISIWALAT, PAGKAPRIBADO AT PAGIGING MAGULANG

Estado ng Alaska Kagawaran ng Mga Serbisyong Pang- Kalusugan at Panlipunan

aklat biblia ang mga LECTIO DIVINA PARA SA AKING PAMILYANG MGA PAGPAPAHALAGA PARA SA AKING PAMILYANG MAY MAGANDANG UGALI CLARET PUBLISHING GROUP

Core Humanitarian STANDARD. Batayang Pamantayang Humanitarian sa Kalidad at Pananagutan

Hulyo 2016, Lat # Tagalog. Sistema ng proteksyon at pagtataguyod ng California Walang Bayad (800)

San Francisco Unified School District

Sustainable (Maaaring Mapangalagaan) na Pangingisda

MUNTAKLAT

GABAY NG PROGRAMA NG ENGLISH

Pagsasanay sa Filipino

ANG PAG-SETUP NG ISANG SISTEMA NG PAGBABAYAD NG SUWELDO

PAGSISIWALAT SA PAARALAN AT DAYCARE

EQUAL. Whitepaper v2.0. February 2018

Ang Kasaysayan at Araling Panlipunan sa K to 12 Curriculum. Lorina Y. Calingasan

2018 Aplikasyon para sa Neighbourhood Small Grants

UNITED STATES DISTRICT COURT NORTHERN DISTRICT OF CALIFORNIA HUKUMAN NG DISTRITO NG ESTADO NG CALIFORNIA HILAGANG DISTRITO NG CALIFORNIA

Mga Account ng mga Pasyente/Daanan ng Pasyente MANUAL NG MGA PATAKARAN

Pang-aabusong Sekswal sa Kulungan: Isang Pandaigdigang Krisis sa Karapatang Pantao

Pagbubuntis, Panganganak, Pagpapalaki ng Anak at Edukasyon

BANAL NA PAGBABASA PARA SA PAMILYA

ARALING PANLIPUNAN 10 ISYU AT HAMONG PANLIPUNAN

PANGKALAHATANG ABISO SA PRIVACY NG PERSONAL NA IMPORMASYON NG EMPLEYADO

PETSANG MAY BISA: 01/01/2016 PETSA NANG NIREBISA: 06/27/2017. Financial Assistance Policy (Patakaran para sa Pinansiyal na Tulong)

WHITEPAPER ICO BERSYON 1.0

Mga katanungang madalas itanong(q&a) tungkol sa Electronic Notification System ng Kawanihan ng Imigrasyon

Plano na mga Serbisyo para sa Suporta ng Bata/Pag-papalaki ng Bata sa Lungsod ng Yokohama. [Pinaikling Salin] Tagalog

Koleksiyon ng mga kailangan at

SILABUS NG KURSO DESKRIPYON NG KURSO:

Special Filipino Curriculum (SFC): Isang mungkahing kurikulum sa Filipino para sa Dayuhang mag-aaral

Transcription:

KILOS na, KAS! Pangkalahatang Programa para sa Kolehiyo ng Agham at Sining, UP Manila Carl Marc Lazaro Ramota Oktubre 2015 Ang ating tunguhin at layunin para sa Kolehiyo ng Agham at Sining (KAS) ay nakasandig sa makasaysayan at mahalagang papel ng kolehiyo bilang gulugod at konsensiya ng UP Manila. Bilang isang natatanging komunidad at pangunahing pang-akademikong institusyon para sa Pangkalahatang Edukasyon, malaki ang tungkulin at ambag ng KAS sa pagluluwal ng mga henerasyon ng mga Iskolar ng Bayan na hindi lamang may kahusayan at may integridad, kundi may buo at kritikal na kabatiran hinggil sa tao at lipunan, pagmamahal sa bayan at may diwa ng malasakit at paglilingkod sa kapwa lalo na sa maliliit at walang tinig, anuman ang disiplina o propesyong kinabibilangan. Tinatanaw natin ang isang Kolehiyo ng Agham at Sining na lunduyan ng intelektwal at malikhaing aktibidad sa UP Manila, mainam na lugar para sa propesyonal at personal na pag-unlad ng mga kawani, REPS, guro, at mag-aaral, lunsaran ng mga natatangi at bagong pang-akademikong programa t pananaliksik, at aktibong katuwang ng iba t ibang kolehiyo at yunit ng unibersidad sa iisang layuning mapataas ang antas ng kalusugan at buhay para sa lahat. Sa ating Kolektibo t Aktibong pamumuno at Serbisyo sa kolehiyo, pamantasan at pamayanan, higit na pagtitibayin ang susing gampanin ng KAS sa UP Manila bilang nangungunang institusyon sa larangang pang-akademiko, makabuluhang pananaliksik at serbisyong panlipunan. Kaya KAS at UP Manila, KILOS na! Mga Programa: KILOS na! Sa susunod na tatlong taon, sama-samang kikilos ang komunidad ng KAS para sa mga sumusunod: KAHUSAYAN 1. Patuloy na pagpapaunlad ng mga pang-akademikong programa ng KAS sa pamamagitan ng aktibong kolaborasyon sa pagitan ng mga departamento nito at sa iba t ibang kolehiyo at yunit ng UP Manila sa larangan ng health communication and promotion, health economics, health policy and governance, health/bioinformatics, behavioral/mental health, sports/exercise science and wellness, at iba pa. Malaki ang potensyal at may kakayahan ang KAS na bumuo ng mga panibagong programa o kurso lalo na sa masterado at maging doktorado. Matatandaang nakilala ang KAS sa UP Manila sa mga unang dekada nito bilang isang pang-akademikong yunit bunga ng malikhaing pagpapanday sa mga bago at natatanging programa. Kabilang dito ang mga programa ng Behavioral Sciences, Development Studies at Organizational Communication na hindi matatagpuan sa kahit anong kampus sa UP system. Sa pamamagitan ng aktibo at tuluy-tuloy na kolaborasyon sa pagitan ng KAS at iba pang mga kolehiyo ng UP Manila, higit na magkakaroon ng sanib-lakas o synergy sa larangan ng pagtuturo, pananaliksik at 1

pampublikong serbisyo, at katuparan ang layuning gawing multi- at transdisciplinary ang mga pangakademikong programa. Mahalaga rin ang regular na pagtatasa o rebyu ng mga pang-akademikong programa upang matukoy ang mga pangangailangan nito at patuloy na makapag-ambag sa adyenda ng unibersidad at panlipunang pagbabago. 2. Pagkakaroon ng agenda sa pananaliksik o research agenda ng KAS, reorganisasyon at pagbuhay sa Pandiwa bilang refereed journal ng kolehiyo. Mahuhusay at produktibo ang mga guro, kawani at mag-aaral ng KAS ngunit kapansin-pansin na kadalasa y bunga ito ng indibidwal na inisyatiba. Upang lumikha ng kultura ng pananaliksik, mahalaga na mayroong research agenda ang kolehiyo kung saan maaaring magsama-sama ang iba t ibang programa t departamento ng KAS. Higit ding maisasakatuparan ang layuning ito sa pamamagitan ng: a. Pagkakaroon ng sa isang bagong tanggapan o posisyon para sa Kawaksing Dekana/Dekano o Associate Dean para sa Pananaliksik at Publikasyon, tulad sa mga malalaking kolehiyo na may iba t ibang pang-akademikong programa kagaya ng College of Social Sciences and Philosophy sa UP Diliman. b. Pagbuhay sa Pandiwa bilang opisyal na refereed journal ng KAS na paglalagakan ng pananaliksik ng mga guro, mag-aaral at kawani, at makakatulong lalo na sa mga junior faculty na malapit nang ma- up-or-out. c. Pagpapatibay sa Manila Studies Program, ang itinuturing na research arm ng kolehiyo, sa ilalim ng Tanggapan ng Kawaksing DekanaDekano para sa Pananaliksik at Publikasyon na may diin sa Urban Studies, partikular sa Kalakhang Maynila. d. Institusyonalisasyon ng pagbibigay ng research load credit sa mga guro ng KAS upang mabigyan ng panahon at mahikayat na magsaliksik, at maitaas ang bilang ng publikasyon ng kolehiyo. e. Pagkakaroon ng regular na mga colloquium, brown bag sessions, grantsmanship at research capacity-building workshops sa pangunguna ng kolehiyo. Isa rin sa magiging tungkulin ng bagong tatag na tanggapan ay ang pagtukoy ng mga maaaring pagkunan ng pondo at paglalagakang journal ng mga pananaliksik. f. Mahalaga ring magkaroon ng sariling university researchers o university research associate ang KAS upang makatuwang sa pagpapatupad ng research agenda ng kolehiyo. 3. Pagpapalakas ng mga programa sa pakikipag-ugnayan o linkages at continuing education para sa propesyunal at personal na paglago ng mga guro, kawani at mag-aaral sa pamamagitan ng mga sumusunod: a. Paghikayat at pagbibigay ng suporta sa mga kawani na kumuha ng masterado o ng mga certificate courses o short courses na magbibigay ng higit na kasanayan at maaari pang mabilang para sa promosyon. Mahalaga ang papel ng pamunuan ng kolehiyo sa paghingi at paghahanap ng mga nakalaan nang pondo tulad ng administrative development fund. b. Pakikipag-ugnayan sa iba t ibang pang-akademikong institusyon at propesyunal na organisasyon, pag-imbita sa mga visiting professors gamit ang mga rekurso mula sa UP system, at paglulunsad ng mga kumperensya sa antas rehiyon, pambansa at maging internasyunal. c. Aktibong maghanap ng mga exchange programs para sa mga guro at mag-aaral. 2

d. Paglulunsad ng sariling mga short courses, trainings, module at publikasyon para sa ibang mga paaralan at unibersidad na maaari ring pagkunan ng karagdagang pondo para sa kolehiyo. 4. Pagpapalakas sa mga programa sa masterado ng kolehiyo sa pamamagitan ng: a. Regular na pagtatasa ng kurikulum at programa b. Aktibong recruitment ng mga kwalipikadong guro at mga eksperto c. Kolaborasyon sa ibang programa sa masterado sa UP Manila at iba pang unibersidad, at paghikayat sa team teaching sa mga kolehiyo ng UP Manila (hal. Master of Management ng KAS at mga guro/departamento sa College of Public Health). d. Pagsasaayos ng mga pasilidad at kagamitan para sa mga klase sa materado. e. Pagbibigay ng oportunidad para sa patuloy na pag-aaral, ispesyalisasyon, publikasyon, exchange programs at presentasyon sa mga kumperensya para sa mga mag-aaral at guro sa masterado. f. Pag-aaral sa posibilidad ng pagkakaroon ng programa sa doktorado batay sa kakayahan ng mga pang-akademikong programa ng kolehiyo. 5. Paghingi ng karagdagang items para sa KAS. Magkakaroon lamang ng katuparan ang mga unang nabanggit kung may kaukulang institusyonal na suporta mula sa unibersidad at pambansang pamahalaan sa pamamagitan ng pagbibigay ng karagdagan item para sa KAS. Hindi mahihikayat na magsaliksik ang mga guro kung nauubos ang kanilang buong panahon sa pagtuturo ng mga malalaki at maraming klase. Kailangang kilalanin at kagyat na tugunan ng unibersidad ang suliraning ito. Dito higit na kailangan ang isang pamunuang may kahandaan at kakayahang maggiit, makipagnegosasyon at mag-lobby sa kinauukulan para sa karagdagang items. Sisimulan ito sa pagrepaso or rebyu sa mga nauna nang pag-aaral at datos hinggil sa kabuuang pangangailangan ng kolehiyo sa item. Katambal nito ang pagtutulak para sa komprehensibong pag-audit ng mga item sa kolehiyo at sa buong unibersidad. INTEGRIDAD 1. Pagiging bukas at tapat ng kolehiyo sa lahat ng transakyon lalo na ang mga may kaugnayan sa pananalapi. a. Paglilinaw ng alokasyon at paggamit ng pondo ng Incremental Tuition Fee Increase (ITFI), Graduate Tuition Fund (GTF), at pondo para sa Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) ng kolehiyo. b. Regular na ulat hinggil sa estado at paggamit ng pananalapi ng kolehiyo, kasama na ang mga sinisingil na bayarin at bayad ng mga concessionaire. 2. Propesyunalisasyon ng pamamahala na nakabatay sa merit at fitness. a. Pagtatasa ng mga umiiral na pamantayan at proseso sa recruitment, renewal, promosyon, tenure b. Pagsasaayos ng grievance procedure sa kolehiyo at kagyat na resolusyon ng mga alitan 3

c. Paggalang at pagkilala sa awtonomiya at tradisyon ng mga departamento. 3. Pagpapahalaga sa oras at dignidad ng bawat indibidwal. Higit pa sa pagtataguyod sa kahusayan sa pamamalakad o operational efficiency, mahalaga na nababatid ng bawat isang guro, kawani o administrador ang epekto ng pagkaantala ng mga transaksyon. Nangangahulugan ito ng pagkaantala ng sweldo, pagkabaon sa utang, at iba pa na nagdudulot ng demoralisasyon sa mga indibidwal. Kasama sa mga dapat tiyaking hakbang ang mabilis na pagpo-proseso ng lahat ng papel (basic papers, clearances), paninigurong walang mawawalang dokumento, mabilis na pagtugon sa mga kahilingan tulad ng pagsasaayos ng mga aircon, pagpapalit sa mga sirang LCD projector, at iba pa. LUNDUYAN 1. Pagpapatibay sa papel at karakter ng KAS bilang puso at kaluluwa ng unibersidad sa pamamagitan ng transpormasyon nito sa pagiging: a. Sentro ng alternatibong edukasyon ng unibersidad sa pamamagitan ng pagpapalawig at ibayong institusyunalisasyon ng Alternative Classroom Learning Experience (ACLE) b. Sentro ng Wellness Program ng unibersidad sa pangunguna ng Department of Physical Education. c. Sentro ng pag-aaral, pagsasanay at pananaliksik sa Timog Kamaynilaan hinggil sa Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) at epekto ng pagkasira ng kalikasayan at pagbabago ng klima. d. Sentro ng pag-aaral at pananaliksik sa Kamaynilaan hinggil sa kalagayan at pangangailangan ng mga siyudad, at sitwasyon ng mga maralitang tagalunsod at manggagawa, sa pangunguna ng Manila Studies Program e. Sentro ng pakikipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan ng Maynila, mga karatig-paaralan sa Taft Avenue at Intramuros, at komunidad sa paligid ng UP Manila sa tulong ng Good Neighbors Initiative. Isang mahalagang aktibidad ay ang paglulunsad ng community safety audit upang tiyakin ang kaligtasan at kalusugan ng buong komunidad. f. Sentro ng impormasyong pangmadla at pang-media hinggil sa mga napapanahong isyu sa pamamagitan ng isang Information and Public Affairs Office na aktibong nakikipag-ugnayan sa loob at labas ng KAS at UP Manila, lalo na sa mga himpilan ng media. g. Sentro ng mga inisyatiba para sa isyung panlipunan, paggalang sa karapatan ng kababaihan at LGBT community, at pampublikong polisiya. h. Sentro ng sining, kultura at iba pang malikhaing aktibidad, kasama na ang iba t ibang proyekto t aktibidad ng mga organisasyon ng mga mag-aaral. Mahalaga na may komite ang kolehiyo para rito. 2. Pagbalik sa oryentasyon at pagpapatibay sa KAS bilang sentro ng general, multi- at transdisciplinary education sa UP Manila. a. Pakikipag-ugnayan sa UP School of Health Sciences (SHS) para sa posibilidad ng isang faculty exchange program kung saan mabibigyan ng pagkakataon ang mga guro ng KAS na makapagturo ng General Education, Physical Education at foundation courses sa mga mag-aaral ng SHS lalo na 4

sa panahon ng inaasahang transisyon sa K-12 program. Sa ganitong pamamaraan din, mabibigyan ng pagkakataon ang mga guro sa SHS na ipagpatuloy ang kanilang masterado at pananaliksik para magkaroon ng tenure. OBLASYON 1. Paghubog ng nasyunalismo at boluntarismo sa kamalayan ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagpasok nito sa mga kurso ng bawat programa ng kolehiyo. 2. Pagbibigay-diin sa kahalagahan ng pakikilahok sa komunidad sa mga programa ng kolehiyo. 3. Pagkakaroon ng sariling community extension program ng KAS at paggiya ng National Service Training Program (NSTP) ng iba t ibang programa ng kolehiyo para rito. 4. Institusyonalisasyon ng pakikipag-ugnayan sa mga non-government at people s organizations sa mga programa at proyekto ng kolehiyo. 5. Higit na pakikisangkot ng kolehiyo sa Community Health and Development Program ng UP Manila at pakikipag-ugnayan sa iba pang mga departamento t kolehiyo na may mga programa para sa komunidad. 6. Pagbubuo ng volunteer program, sa pakikipagtulungan sa Ugnayan ng Pahinungod at iba pang network, na regular na tutugon sa pangangailangan ng mga komunidad sa panahon ng kalamidad o sakuna. SANIB-LAKAS (Synergy) 1. Pagtatayo ng Asembleya ng KAS na binubuo ng mga kinatawan mula sa iba t ibang sektor ng kolehiyo. Bahagi ito ng patuloy na pagsusulong ng kilusang demokratisasyon sa unibersidad. Tulad ng Pamantasang Asembleya, layunin nito na bigyang-tinig ang lahat ng sektor ng kolehiyo sa mga mahahalagang usapin na direktang nakakaapekto sa kanilang interes at kagalingan. Sa ganitong paraan din, nagiging kolektibo at inklusibo ang tipo ng pamumuno kung saa y itinuturing na katuwang ng pamunuan ang iba t ibang sektor ng kolehiyo sa halip na mga taga-sunod na nasasakupan. Maliban dito, mahalaga rin ang regular na dayalogo sa mga kawani at organisasyon ng mga mag-aaral upang kagyat na matukoy at matugunan ang kanilang mga pangangailagan. 2. Pagtitiyak ng ng mga pangunahing pangangailangan at serbisyo para sa iba t ibang sektor ng kolehiyo: a. Kagyat na pagbubukas ng Student Center para sa cafeteria na magbibigay ng abot-kaya at malinis na pagkain para sa lahat, at photocopy services b. Pagtitiyak na may gumaganang LCD projector sa bawat klasrum. c. Aktibong paghahanap ng mga scholarship programs at donor para sa scholarship ng mga magaaral sa pangunguna ng Office for Student Services. d. Pagkakaroon ng tambayan para sa lahat ng accredited student organizations at mas maraming upuan at lugar-kainan para sa mga mag-aaral e. Pagkakaroon ng public announcement system sa kolehiyo. f. Pagkakaroon ng mas maayos na paskilan ng mga aktibidad ng kolehiyo g. Pagu-upgrade ng Cybernook. 5

h. Pagsasaayos ng CAS at department websites. i. Paggamit ng internet at social media bilang daluyan ng mabilis na impormasyon hinggil sa mga aktibidad ng kolehiyo, kalamidad, baha, suspensyon ng klase t opisina, at iba pa. j. Muling paglulunsad sa Ang Tagamasid bilang opisyal na pahayagan ng mga mag-aaral sa kolehiyo. k. Paglulunsad ng CAS newsletter. l. Pagpapalakas sa kapasidad o koneksyon ng internet ng buong kolehiyo at paghahanda upang gawing wi-fi ready ang buong kampus. m. Pagtitiyak ng kaligtasan sa kolehiyo sa panahon ng lindol, sunog at iba pa. Kailangang maglagay ng smoke detectors, emergency light at sprinklers sa kolehiyo upang maiwasan ang sakuna. n. Pagbuhay sa kooperatiba ng mga kawani at faculty o. Pagrepaso at pagpapabilis sa proseso ng pag-apruba ng mga permit at iba pang proseso t transaksyon sa kolehiyo. p. Pagkakaroon ng one-stop clearance sa KAS q. Pagrepaso sa mga bayarin sa renta ng mga pasilidad at iba pa. r. Muling pagbubukas ng Rizal Hall lobby bilang isa sa mga sentro ng aktibidad sa KAS. s. Pagtutulak na magkaroon ng resident guidance counsellor at institusyonalisasyon ng peer counselling at early detection program sa pangunguna ng Department of Behavioral Sciences. t. Pagbabalik ng pagdiriwang ng CAS Foundation Week sa buwan ng Agosto. u. Paglulunsad ng regular na teambuilding activities para sa mga student organizations, kawani at faculty. 3. Muling paglulunsad ng Inter-Fraternity and Sorority Council sa tulong ng Konseho ng mga Mag-aaral ng KAS upang tiyakin ang pagkakaintidihan at pagtutulungan sa Greek community. 4. Pagpapatibay ng ugnayan sa mga alumni ng kolehiyo sa tulong ng CAS Alumni Association (CASAA) at Alumni Affairs Office (AAO). a. Pagbubuo ng maayos na database b. Paglulunsad ng tracer study sa mga nagtapos sa KAS c. Pakikipagtulungan sa CASAA at AAO sa placement ng mga nagsisipagtapos sa kolehiyo. d. Pagbalik sa regular na mga pulong kasama ang CASAA Kailangan ng KAS ng isang pamumuno na may kaalaman at karanasan sa pamamahala. Kailangan ng KAS ng isang pamumunong prinsipyado, matatag at may kakayahang itaguyod ang interes ng kolehiyo at mga sektor sa loob nito sa anumang larangan. Kailangan ng KAS ng isang pamumunong masigasig at aktibo. Kaingan ng KAS ng isang pamumunong may malasakit at diwa ng tunay na paglilingkod. Bilang anak ng KAS, ito ang klase ng pamumuno na ating dadalhin sa Kolehiyo ng Agham at Sining sa susunod na tatlong taon Kolektibo t Aktibong pamamahala at tunay na Serbisyo. # 6