FARMERS ASSOCIATION FOR RURAL UPLIFTMENT

Similar documents
Tagalog NATIONAL STANDARDS. sa pagbabasa, pagsusulat at matematika. Gaano kahusay ang aking anak sa paaralan?

POINTERS FOR REVIEW ARALING PANLIPUNAN - GRADE 1 Unang Markahan

Zangle Parent Connect Gabay sa Tagagamit. Paaralang Pampurok ng Anchorage

Halimbawa ng talumpati tungkol sa edukasyon Elastrator self castration Explicit movies on amazon 2017 Fidio porno abg perawan indo yg dapat di tonton

H E K A S I KABABAIHAN SA PANAHON NG IKATLONG REPUBLIKA SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools

Ika-13 Aralin IYONG KA- UGNAYAN SA IBA" ~ Kinakailangang ibigin, igalang at sundin natin sila.

POINTERS FOR REVIEW ARALING PANLIPUNAN - GRADE 1 Ikatlong Markahan

Sibika Baitang 2 Ikatlong Markahan

Nutri-bingo! Gabay para sa game master o facilitators. Ano ang nutri-bingo?

SUUNTO GUIDING STAR PAG-IINGAT AT WARRANTY

Plano tungkol sa mga bata at tulong para sa pag-aalaga ng mga bata sa Yokohama (Pansamantalang Pangalan) Plano [Pansamantala]

ARALING PANLIPUNAN 10 MGA KONTEMPORARYONG ISYU

Mga Nalalapit na Pagbabago sa Santa Clara Family Health Plan Cal MediConnect Plan (Medicare-Medicaid Plan) 2018 na Listahan ng Gamot

GABAY SA PAG GAMIT NG ADMIN CONSOLE (ADMIN CONSOLE QUICK GUIDE)

ANG PAG-SETUP NG ISANG SISTEMA NG PAGBABAYAD NG SUWELDO

POINTERS FOR REVIEW ARALING PANLIPUNAN - GRADE 1 Ikalawang Markahan

aklat biblia ang mga LECTIO DIVINA PARA SA AKING PAMILYANG MGA PAGPAPAHALAGA PARA SA AKING PAMILYANG MAY MAGANDANG UGALI CLARET PUBLISHING GROUP

Pamagat ng Pag-aaral (o IRB Approval Number kung maaaring labagin ng pamagat ng pag-aaral ang privacy ng subject):

MISYONG PAHAYAG. Isang masagana at inklusibong Canada na nakabatay sa tagumpay ng bawat indibidwal.

BADYET 2018 NAGTATRABAHO PARA SA IYO

2010 Gabay sa Pagbibigay Kahulugan

Third Quarter 2018 Social Weather Survey: Pinoys maintain anti-chinese stance on West Philippine Sea issue

E P P TALAAN NG GASTOS AT KINITA SA PAGHAHALAMANG ORNAMENTAL SELF INSTRUCTIONAL MATERIALS

Plano na mga Serbisyo para sa Suporta ng Bata/Pag-papalaki ng Bata sa Lungsod ng Yokohama. [Pinaikling Salin] Tagalog

Republic of the Philippines Department of Education Negros Island Region DIVISION OF SILAY CITY City of Silay

Impormasyon tungkol sa Pamumuhay sa Iba't-ibang Wika

Pantay na Pagk ak ataon sa mga Ex tr acur r icular na Gawain par a sa mga Estudyanteng may K apansanan Mayo 2014, Paglalathala #CM45.

GRADE VI GAMIT NG GRID

Republic of the Philippines Department of Education DepEd Complex, Meralco Avenue Pasig City. K to 12 Curriculum Guide ARALING PANLIPUNAN.

Music. Talaan ng mga Gawain. (Unang Kwarter) Department of Education June 2016

Ang Makisig at Hangal na Hari

Ang Pangprobinsiyang Kard ng Ulat (Report Card) ng Manitoba. Impormasyon para sa. Mga Magulang

Technology Responsible Use Guidelines (Mga Alituntunin sa Responsableng Paggamit ng Teknolohiya)

Pondong Ipinagkatiwala para sa Inyong Anak (Your Child s Trust Fund) Mga Madalas na Katanungan

PESCADO AZUL WOMEN S ASSOCIATION OF ISABELA

Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga konsepto sa pananagutang pansarili, pamilya,

Hinggil sa Karapatan ng mga Katutubo at Kahalagahan ng Pagsalin ng Katutubong Kaalaman at Kultura

Aplikasyon para sa Segurong Pangkalusugan (Health Insurance)

BUOD ng Consolidated Plan ng ESSA ng Washington

PANGKALAHATANG ABISO SA PRIVACY NG PERSONAL NA IMPORMASYON NG EMPLEYADO

PANIMULANG ARALIN TUNGKOL SA SANTUARYONG- DAGAT

Pag-alalay sa Pag-aaral ng inyong Anak sa pamamagitan ng Pagtatasa, Pagsusuri at Pag-uulat

EPEKTO SA PAGGAMIT NG SOCIAL NETWORKING SITE SA PAGKATUTO NG ASIGNATURANG FILIPINO. by: Laurince Pantaleon

I-reboot ang Iyong X1 TV Box

Alamat ng Kawayan. Anthony Pascua SAILN, Tier III

Stake Audit Committee

Ang Kasaysayan at Araling Panlipunan sa K to 12 Curriculum. Lorina Y. Calingasan

Nanganganib ba ako sa Hepatitis B?

2018 Aplikasyon para sa Neighbourhood Small Grants

Pagsasanay sa Filipino

BAYAAN IT BATAK KAT PALAWAN BBLP (BATAK FEDERATION)

PAGSISIWALAT SA PAARALAN AT DAYCARE

GRADE VI PAUNLARIN ANG EDUKASYON, KALUSUGAN AT TEKNOLOHIYA

TUNGO SA ISANG MAALIWALAS NA BUKAS: HIKAYATIN NATIN ANG MGA KABATAANG BUMALIK SA PAGSASAKA

Bayshore Elementary School District Local Control Accountability Plan Year 1 Summary

(Effective Alternative Secondary Education) ARALING PANLIPUNAN MODYUL 22 ANG POPULASYON NG DAIGDIG

PART A. LINGGUHANG ISKEDYUL SA TRABAHO

Ang aklat na ito ay inilimbag ng WWF-Philippines para sa proyekto ng Coral Triangle Support Partnership sa tulong ng USAID.

Ota City Board of Education

Dapat ninyong makumpleto ang form na ito ng pagpaparehistro nang hindi lalampas sa Martes, Hunyo 12, 2018, sa ganap na 5:00 PM, Pacific.

GRADE VI KONTRIBUSYON NG MGA PILIPINO SA MGA SAMAHANG PANREHIYON AT PANDAIGDIG

Gabay para sa mga Lider

PANIMULA. Ang maging isang babae o lalaki ay isang mahalagang kaganapan para sa tao sa mundo.

SCFHP Cal MediConnect Plan (Medicare-Medicaid Plan) 2019 Listahan ng Matibay na Kagamitang Medikal (Listahan ng Durable Medical Equipment o DME)

Sustainable (Maaaring Mapangalagaan) na Pangingisda

Mahal na Punong Guro, Guro o Kasama sa Trabaho

Mga katanungang madalas itanong(q&a) tungkol sa Electronic Notification System ng Kawanihan ng Imigrasyon

Pag-unawa sa Pamamaraan ng Pagtasa, Karapatan, at Pang-isahang Programa sa Edukasyon ng Maryland

PAGSISIWALAT, PAGKAPRIBADO AT PAGIGING MAGULANG

(Effective Alternative Secondary Education)

3.1 Paano ito Gumagana 3.2 Resolusyon sa Hindi Pagkakaunawaan 3.3 Insentibo sa Paglutas ng Hindi Pagkakaunawaan

Pamamatnubay na Palakad sa Paaralan para sa mga Magulang na Baguhan

Ang Karapatan Ng Mga Bingi Na Lumaking Bilingwal

HF Markets Ltd HOTFOREX PHILIPPINES CONTEST

Positibong Pagtatasa ng Pag-uugali at Pagpaplano sa mga Paaralan: Fact Sheet

(Effective Alternative Secondary Education)

GRADE IV REHIYON VI KANLURANG VISAYAS

GRADE V Mga Programa ng mga Pangulo matapos ang People Power 1

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

KILOS na, KAS! Pangkalahatang Programa para sa Kolehiyo ng Agham at Sining, UP Manila. Carl Marc Lazaro Ramota Oktubre 2015

Orihinal na Epektibong Petsa: Pahina Enero 2006 Huling Petsa ng. Numero ng Patakaran (Policy Number)

PalayCheck. Key Check 5. Sapat na sustansya sa panahon ng pagsusuwi hanggang paglilihi at pamumulaklak.

TEACHER / STUDENT MODULES

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Pananaw ng mga kalalakihan sa Konsepto ng Seenzone Laput, Jethro Bullecer, Ma. Fatima

Ang Bagong Sistema ng mga Karapatang Pantao ng Ontario

NEWS. Kasalukuyan hanggang Dis. 31, Ene. 1, 2018 hanggang Dis. 31, Mga Kategorya ng Pinakamababang Sahod

Epekto ng Paglalaro ng Defense of the Ancients (DotA) sa. Mga Piling mag-aaral ng STI College Global City

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Buzzshow white paper

H E K A S I MAGKATULAD NA PAGPAPAHALAGA: BATAYAN NG PAMBANSANG PAGKAKAISA SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS

MANWAL NG PAGSULAT NG PANUKALA (PROPOSAL WRITING MANUAL)

HIGANTENG TUBO PARA SA MGA DAYUHAN AT LOKAL NA KAPITALISTA, PINSALA SA KALIKASAN AT BUHAY NG MGA MAGSASAKA AT PAMBANSANG MINORYA

Kaya Ko, Kaya Mo. pagpapanatili ng. Buhay na Lupa. Paggawa ng Compost at Iba Pang Organikong Pamamaraan na Subok ng Magsasaka

COMMUNITY-BASED MONITORING SYSTEM Household Profile Questionnaire

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Mga Pananggalang na Pamamaraan Mga Karapatan ng Magulang

Itinalakay ni Ministro Oliver ang Balanseng Budget, Low-Tax Plan para sa mga Trabaho, Paglago ng Ekonomiya, at Kaligtasan

Trainer s Manual on Increasing Opportunities for Women Within Politics and Political Parties (Filipino Version )

Department of Education Region VI Western Visayas DIVISION OF LA CARLOTA CITY City of La Carlota ---ooo---

Transcription:

Empowered lives. Resilient nations. FARMERS ASSOCIATION FOR RURAL UPLIFTMENT Pilipinas Equator Initiative Serye Ng Pag Aaral Lokal na solusyon sa pagpapanatili ng pagunlad para sa mga tao, kalikasan, at nababanat na komunidad

UNDP EQUATOR INITIATIVE SERYE NG PAG AARAL Ang mga Lokal at Katutubong kumonidad saan mang sulok ng mundo ay nagsusulong upang mapanatili ang pamamaraan na makakatulong sa mamayan at kalikasan. Kakaunti lamang ang nakalathala o pag-aaral na nagsasabi ng storya tungkol sa inisyatibong pag-unlad, ang lawak ng kanilang epekto, o kung papaaano sila nilinang ng panahon. Iilan pa lamang ang sumailalim upang ilahad ang kanilang gawain, kasama nila ang mga mananaliksik upang gabayan ang nais nilang ilathala. Upang markahan ang ika-sampung anibersaryo, ang UNDP Equator Initiative ay nag lalayong punan ang pagkukulang na ito. Ang mga sumusunod na pag-aaral ay isa sa lumalagong serye na nagdedetalye ng mga gawain ng equator prize winner- tiyak at mataas na pagsusuri ng mga pang komunidad na gawain sa tamang pag-gamit ng kalikasan at sustinableng kabuhayan. Ang mga pag-aaral ay nag lalayon na magbigay inspirasyon tungkol sa mga patakaran na kailangan upang magkaroon ng lokal na tagumpay tungo sa mas mataas na antas, upang mapaunlad ang pandaigdigan kaalaman base sa mga lokal na pamamaraan sa kalikasan at solusyon tungo sa pag-unlad, na mag silbing modelo upang pagbasehan at mapadami. Ang mga pag-aaral na ito ay mabuting sinusuri at inunawa na may patnubay ng The Power of Local Action: Lessons from 10 Years of the Equator Prize Ang tinipong kaalaman at polosiya t gabay na mula sa pag-aaral. Pinduting ang Mapa kung gusto mong Makita ang mga datos ng pag-aaral ng Equator Initiative Editors Punong editor: Tagapangasiwang editor: Kaakibat sa paglimbag: Joseph Corcoran Oliver Hughes Dearbhla Keegan, Matthew Konsa, Erin Lewis, Whitney Wilding Mga Kaakibat na Manunulat Edayatu Abieodun Lamptey, Erin Atwell, Toni Blackman, Jonathan Clay, Joseph Corcoran, Larissa Currado, Sarah Gordon, Oliver Hughes, Wen- Juan Jiang, Sonal Kanabar, Dearbhla Keegan, Matthew Konsa, Rachael Lader, Patrick Lee, Erin Lewis, Jona Liebl, Mengning Ma, Mary McGraw, Gabriele Orlandi, Juliana Quaresma, Peter Schecter, Martin Sommerschuh, Whitney Wilding, Luna Wu Nagdisenyo Oliver Hughes, Dearbhla Keegan, Matthew Konsa, Amy Korngiebel, Kimberly Koserowski, Erin Lewis, John Mulqueen, Lorena de la Parra, Brandon Payne, Mariajosé Satizábal G. Pagkilala Ang Equator Initiative ay kinikilala at buong pusong nag papasalamat sa Farmers Association for Rural Upliftment (FARU) at partikular kai Gaspar Ora-oa sa pag-gabay at pag-bigay datos sa ilalim ng pamamahala ng (FARU). Lahat ng larawan ay mula sa FARU. Mapa mula sa CIA World Factbook and Wikipedia. Mga Mungkahing Parangal United Nations Development Programme. 2012. Farmers Association for Rural Upliftment, Philippines. Equator Initiative Case Study Series. New York, NY.

FARMERS ASSOCIATION FOR RURAL UPLIFTMENT (FARU) Philippines BUOD NG PROYEKTO Ang Farmers Association For Rural Upliftment (FARU) ay unang hakbang ng mga katutubong CHANANAW ng Kalinga Republika ng Pillipinas. Ang layunin nito ay protektahan ang natural na integridad ng mga Chananaw at kanilang mga ninuno sa pamamagitan ng pagpapaunlad ng kanilang mga gawain sa pamamahala ng kanilang sakahan at pag-tuturo ng mga makabagong pamamaraan sa pagsasaka. Kabilang sa mga instrumento at nais baguhin ang mga malakihang pagmimina, geothermal projects at pagkakaingin na pamamaraan ng pag-sasaka. Bilang tugon, ang FARU ay ginawang aktibo ang liblib na lugar ng mga Chananaw Ullikong, at pinabisa ang pamamaraan ng pagtatanim base sa mga lokal na teknolohiya at pagsasakang pamamaraan. Simula noon ay umangat ng 36 porsyento ang produksyon ng palay na lubhang nakabawas sa antas ng kahirapan. MAHALAGANG KATOTOHANAN EQUATOR PRIZE WINNER: 2010 SIMULA NG PROGRAMA: 1990 LUGAR NG IMPLEMENTASYON: Kalinga Province BENIPISYARO: Mga Katutubong Ichananaw BIODIVERSITY: 9 sq-km Chananaw Ullikong (ICCA) NILALAMAN Batayan at Konteksto 4 Mga Susing Gawain at Inobasyon 7 Mga Epekto sa Biodiversity 8 Mga Epekto sa Lipunan at Ekonomiya 8 Mga Epekto sa Polisiya 9 Pagpapanatili 10 Replikasyon 10 Kaakibat 11 3

Batayan at Konteksto Ilang henerasyon na ang lumipas, ang mga mga Katutubong Chananaw ang siyang umokupa sa kagubatan ng Kalinga sa bulubundukin ng Cordillera sa Luzon, pinakamalaking isla ng bansang Pilipinas kung saan matatagpuan ang mayamang kagubatan, lupang sakahan at sariwang palaisdaan. Ang mayamang lupain ay siya ring pangunahing pinagkukunan ng kabuhayan at mga pangunahing pangangailangan. Ang kanilang Pagokupa dito ay nag simula pa sa panahon ng pangagaso, bago pa man matutunan ng mga katutubo ang pagtatanim ng palay o pag-gawa ng hagdanhagdan sa gilid ng bundok upang pagtamnam ng pananim. Ang mga Chananaw ay may naiibang kultura, pagkakakilanlan at mga nakagawiang pamamaraan sa paglilinang ng yaman lupa. Ang una ay ang pagsasaka at sa ngayon naman ay paggawa ng mga lokal na produkto. Ang pangunahing pagkain at produkto ay palay. Sila rin ay nagtatanim ng ilang klase ng gulay tulad ng tapilan at ugatpananim. Agroforestry ay isinasagawa din sa pamamagitan ng pagpapalago ng kape, abokado, at iba pang-halaman nagbibigay pagkain sa kapaligiran ng bundok. Samantalang ang natural na Kagubatan ng bundok ay likas na mayaman sa hayop at iba t-ibang uri ng halaman. Ang Farmer Association for Rural Upliftment (FARU) ay nabuo noong taong 1990 bilang tugon sa pag pasok ng mga makabagong teknolohiya sa lupain ng mga Chananaw, Kasabay nito ang pagaaral sa unti-unting pagkawala ng mga katutubong kultura. Ang modernisasyon at industriyalisasyon ng lugar ay nag resulta sa pagkasira ng anyo ng lugar at mga nabubuhay dito. Ito ay lubhang nakaapekto sa kabuhayan ng mga naninirahan sa lugar. Isa rin ito sa nagpapalalim sa problema ng kahirapan at paraan ng pamumuhay para sa isang komunidad na sadyang umaasa sa kanyang kapaligiran at sa mga biyaya nitong pinagkakaloob. Ang paggamit ng slash-andburn o mas kilala sa tawag na kaingin ay siyang dahilan sa pagkasira ng kapaligiran. Ang pagkasira ng mga natural na pinagkukunan ng tubig ay nagresulta sa kakulangan ng suplay ng tubig sa komunidad at sa kanilang lupang sakahan at pagkasira ng kagubatan. Kaya t nabuo ang (FARU) upang itama at pigilan ang mga maling gawi ng mga tao sa komunidad. Pinagmulan ng Inisyatibo, problema, pananaw Ang orihinal na layunin ng (FARU) ay ang buhayin at paunlarin ang lokal ng Chananaw Ullikong, o Indigenous Community Coserved Area (ICCA) bilang isang halimbawa ng isang sustinableng komunidad na maunlad ngunit hindi nangangailangang makalimutan ang nakagisnang kultura. Ang FARU ay umunlad bilang kaagapay ng mga katutubong Chananaw at lokal na pamahalaan, NGOs ng mga katutubo at lokal na mamamayan nito, at mga pribadong sektor. Ngunit ang mga katutubong Chananaw pa rin ang punong tagapagpatupad at pagpapasinaya ng mga bagong pamamaraan. Una sa mga nilalaman ng proyekto ay ang malawakang pagmimina at mga geothermal project na nakaplano na ipatupad sa rehiyon. Habang ang FARU ay matagumpay na napatunayan na mali ang mga gawaing ito, nagawa nilang protektahan ang natural na anyo ng lugar at mga namumuhay dito. Patuloy pa din ang paggawa ng panukala sa lugar na ito ang Geothermal Companies. Ang paggawa na adbokasiya laban sa malawakan pagmimina ang pangunahin prayoridad ng FARU. Katumbas nito ang pagpapababa ng antas ng kahirapan sa mga malalayong lugar ang lubhang tinututukan ng FARU sa pamamagitan ng paghahanap ng sustinableng pagkakabuhayan ng lokal na nakatira sa lugar. Pinapanatili ng FARU ang pananaw na kung saan ang mga magsasaka ay namumuhay ng maginhawa at matiwasay base sa mga progresibong at sustinableng pamamaraan na mula sa mga kaalaman nilang minana at huwag gamitin ang indistrilisasyon ng lugar na siyang lubhang makakapinsala sa kapaligiran. Ang kanilang misyon ay ang itaas ang antas ng pamumuhay ng mga katutubong Chananaw sa papamagitan ng mga tamang pamamaraan at serbisyo. Limang Bahagi ng modelong programa Ang organisasyon ay lubos na naniniwala sa limang bahaging ito: Pagpapaunlad ng pagsasaka, Pagnenegosyo, Pangagalaga ng Kalikasan, Edukasyon at kalusugan, Pagtanaw ng pinagmulan at kultura. 4

Papapaunlad ng pagsasaka Ang masiguro na sapat ang dami ng pagkain ay isa sa layunin ng proyektong pagpapaunlad ng pagsasaka. Kasabay nito ang alituntunin na pagandahin at ang produksyon ng mga sakahan sa mga bulubundukin lugar sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga sustinableng pamamaraan sa pagsasaka. Upang mabawasan ang kahirapan at maprotektahan ang likas na kapaligiran; Ang Panimula ng bagong pamamaraan at kagamitan; Ang paghahanap at pagsasaprayoridad ng lokal na kaalaman sa pagtatanim ng palay at gulay Drought resistance rice o palay na may malakas na resistensiya sa baha. Pag papasinaya ng Negosyo Sa layunin ito ninanais ng FARU na makagawa ng iba pangpagkakakitaan kabilang sa mga nais na magawa ay ang mga sumusunod. Bigyan ng sapat na kapasidad ng mga magsasaka, kakabaihan, kabataan sa pamamagitan ng masusing pagtuturo sa kanila ng mga bagay bagay. Na ang layunin ay nakabase sa makalikasan gawi. Paggawa ng mga negosyo na kong saan may patas na pagkakataon ang lalake o babae, makalikha ng isang lugar na kung saan maari nilang ibenta ang kanilang mga produkto sa mga sentral na lugar tulad ng Tinglayan, Tabuk, Baguio City, at Manila kung saan maari nilang ipakita ang kanilang mga pinagmamalaking produkto. Sustinableng pamamaraan ng pangangalaga sa kalikasan Sa layuning nais ng FARU na ipakilala ang mga sa mga tao at ipaalam sa kanila ng kahalagahan ng lugar, kung ano ang ibig sabihin ng ICCA, ang mga kahalagahan ng mga likas na pinagkukunan ng tubig, at ang pagmintena ng tree nursery na kung saan ng mumula ang mga puno na ititnatanim sa bundok upang maibalik ito sa dati nitong anyo upang makatulong sa paglala ng climate change o pagbabago ng panahon. Kalusugan at Edukasyon Ang layunin ito ay nagnanais na mabigyan sila ng isang sistemang pangkalusugan na kung saan kakamitin ang mga natural na pamamaraan at mga tradisyonal na gawi ng panggagamot, Kasama dito ang paggamit muli ng mga halamang gamot sa makikita sa kanilang gamot. At pagbuhay muli ng mga katutubong kultura na unti unti ng nawaawala sa bagong henerasyon. Pangangalaga sa pinagmulan at kultura Sa layunin maprotektahan ang kultura at pagkakakilanan ng mga katutubo nais ng grupo na maidokumentaryo ang mga natural na gawi ng mga katutubo. At adbokasiya upang kilalanin ng Gobyerno ang karapatan nila sa lugar at protektahan sila sa mga panganib mula sa dayuhan at mga gawain makakapinsala sa kapaligiran tulad ng malawakan pagmimina at geothermal project na sadyang makakasira sa natural na anyo ng lugar. Istraktura ng Organisasyon Lahat ng desisyon ng organisasyon ay nalikha sa tulong ng asembleyo ng mga magsasaka. Bilang parte ng Amung isang grupo ng mga katutubo na siyang gumagawa ng mga patakaran at ilang pangunahing pangkasapi na paggawa ng mga inisyatibo. Sa tulong ng asembleyo ng mga magsasaka ang mga mamayan ng komunidad ay katulong din sa pagbibigay ng mungkahi sa mga pamamalakad na sila y hinihikayat na makidalo sa mga pagpupulong upang makapagbigay ng mga datos o mungkahi sa pagpapatupad ng mga bagong aktibidades na sila din naman ang pangunahing taga-pagpaganap. Ang mga Desisyon, operasyon at pamamahala ng organisasyon ay binabantayan naman ng Konseho ng mga nakakatanda ng lipunan na tumamatayong representante ng mga sektor na kabilang sa lupon. Habang ang organisasyon pa rin ang siyang tumatayong direktor, kahera, tagapag-ingat ng mga datos kaakibat nila pa ang pitong tao upang maging tagapamahala ng mga proyekto. Ang Amung ay ang grupo ng mga magsasaka na siyang bumubuo ng asembliyo na siyang pinakamataas na lupon na nagdedesisyon at nagbibigay ng direksyon sa grupo. Ang Amung ay siya rin nagpapasinaya ng lahatang pagpupulong. Ang konseho ng mga nakakatanda ay kinabibilangan ng mga lider ng mga magsasaka, propesyonal na siyang nagsisilbing pundasyon ng grupo. Sila rin ang naghahalal ng magiging Presidente at ang nagsusuperbisa ng mga ginagawa ng mga opisyales ng organisasyon, ang siyang nagpapanatili ng mga adhikain, pananaw, pilosipiya, at mga layunin, sila din ang umaasista sa mga istudyante na nagnanais na makiisa sa mga aktibidades ng organisasyon. Masidhi kaming nagtataguyod para sa pagpasa ng pambansa at internasyonal na batas upang makilala ang ICCA bilang isa sa pinaka-epektibong stratehiya para sa proteksyon upang matugunan ang pagbabawas ng kahirapan at konserbasyon ng biodiversity pangangailangan, at pagkatapos ay magbigay ng mga pondo upang suportahan ang mga hakbangin. Gaspar Ora-ao, Farmers Association for Rural Upliftment 5

Fig. 1: FARU Amung indigenous governance system KONSEHO NG MGA NAKATATANDA Presidente Bise-presidente Sekretarya Ingat yaman Taga-suri SAMAHAN NG MGA MAGSASAKA KASOSYO, KASANGGUNI AT BOLUNTARYO TAGAPAMAHALA Ehekutibong Direktor Kahera Aklat-tagabantay Proyekto Opisyal Ang naitalagang Presidente ng organisasyon ay siyang tumitingin sa araw araw na gawain na nakabase naman sa itinakdang alituntunin ng organisasyon. Samantala ang bise-presidente ay siya naman siyang tagapagpaganap ng mga tungkulin ng presidente kung siya ay wala o hindi maaring gawin ang kayang trabaho sa pagdating ng mga hindi inaasahang bagay. Siya din ang nagsisilbing taga-pagingat ng mga papeles at datos ng organisasyon. Ang mga Partners ng FARU ay sila namang nagbibigay ng pinansiyal na suporta, teknikal na suporta at iba pang suporta na kinakailangan ng organisasyon. Sila din ang nagbibigay ng konsultasyon sa mga miyembro ng organisasyon kong kinakailangan. Sila din ay nagbibigay din mga paraan sa pamamahala ng mga bagay-bagay. Habang ang Treasurer o ingat yaman ay siyang tumamatayong property custodian na nagpapanatili at nag-iingat ng mga papeles na may kinalaman sa pera ng organisasyon. At Ang Auditor o tagasuri naman ay ang siyang gumagawa ng mga Istratehiya o pamamaraan para masustina ang pagamit ng pera ng organisasyon. Sa grupo naman ng mga Tagapamahala, ang konseho ang nagtatakda at nagtatalaga din ng isang executive director para sa operasyon ng Pananalapi at Pangangasiwa. Sila ang nagtuturo ng mga bagaybagay na tumitingin kung ang mga tao na kabilang sa grupo ay may pagbabagong nagaganap sa kanila. Sila rin ang may tungkulin na magsagawa ng arawan salaysay ng mga komplesyon ng mga tauhan. Ang kahera naman ay nagtratrabaho din parang Treasurer sa konseho ng nakakatanda, siya ang may hawak ng lahat ng takbo ng pera, transakyon, at nagbibigay ng update sa pera ng grupo na nasa bangko. Siya din ang nagbibigay ng balita sa presidente ukol sa pera ng organisasyon. Samantala ang book-keeper naman ang nakatalaga upang mag-ingat ng mga konpidensyal na papeles at gumagawa ng mga report para sa kaalaman ng lahat. 6

Mga Susing Gawain at Inobasyon Ang mga Boluntaryo naman ay nakatalaga sa iba pang gawain ng organisasyon. Kabilang dito ang pangangalap ng pondo sa grupo o paglikha ng mga aktibidades na naglalayon na makaipon para sa organisasyon. Ngunit ang mga major na aktibidades ng organisasyon ay nakatuon pa din sa pang-agrikultura, paggawa ng mga negosyo at ang pagprotekta sa kultura at pagkakakilanlan ng mga katutubo. Ang lahat ng ito ay sakop ng liblib na lugar ng katutubong Chananaw Ullikong na kung saan ay 40 porsyento ay protektadong gubat, 30 porsyento naman para sa hagdang-hagdan taniman ng play, 20 para sa sustinableng pag kakainging, 10 porsyento sa pastulan ng mga hayop nilang alaga ang tinatayang makikinabang sa proyekto. 34,000 na naninirahan sa lugar ang makikinabang pati na rin ang 65,700 di tuwirang mga benipisyaryo ng proyekto sa Tabuk, na isang kalapit na siyudad. Ang Chananaw ay umookupa sa tatlong munisipalidad ng Kalinga. At ang mga sumusunod ay ang Tinglayan, Pasil, at Labuagan. Pag-analisa sa pinagmumulan ng kahirapan Ang kahirapan ang isa sa pinaka problema ng lugar. Ang Faru ay nagnanais na magbigay ng pinansyal na suporta para sa mga negosyo. Ito rin ay tumutugon sa mga inisyatibo ng Ancestral Domain Sustainable Management and Protection Plan na maprotektahan ang natural na pagkakakilanan ng mga katutubo ng mga Chananaw Ullikong at ang kapaligiran na ginagalawan nila. Ilan sa elemento ng proyekto na ito ay ang mga sumusunod: Sustinableng pagamit ng kagubatan at mga biyaya na maari nitong ipagkaloob sa mga indibidwal na namumuhay sa paligid nito sa papamagitan ng pagpapatupad ng mga alintuntunin tulad ng mga cut-plant customy law, at pagsabay ng fish pond at pagtatanim ng palay, Pagbabawal ng slash-and-burn o pagkakainging na pagsasaka o pagpapalawak ng mga lupain upang gawain pastulan ng mga alagang hayop sa pamamagitan ng papabibigay ng parusa o pagbibigay ng serbisyo pag lumabag sa batas na nakatalaga. Paggamit ng mga nakagawaiang sistema sa pang lahatan pamamahala ng lupain Ang mga tradisyonal, katutubong kaalaman at pagpapatupad ng nakagawian ay isa sa tinutukan ng Faru. Na ang lahat ay naglalayon na protektahan, panatilihin at gawing sustinable pag gamit ng mga likas na yaman sa paligid ng kanilang natural na lugar At paggamit ng mga Tradisyonal at katutubong gawain ay sadyang nagbigay ng mabuting epekto sa komunidad. Habang ang kagubatan ay naprotektahan ang produksyon ng palay at umangat sa 27 porsyento. Ang papasinaya ng mga fish pond at papalawak ng mga uri ng agrikulturang produkto ay sadyang nakapagbigay ng benipisyo sa mamayan ng komunidad. Kasabay rin nito ang pagpapalawak ng produkto na pang araw-araw na gamit at pang kabuhayan. Ang paggamit ng tradisyunal na pamamahala sa patubig ay nagresulta sa pagganda ng kapaligiran na siya namang nagresulta sa siguradong antas ng tubig na sapat para sa pangaraw-araw na gamit at kanilang mga sakahan. Isang pag-aaral noon taong 2000 ay nagpakita na ang isang magsasaka ay umaani lamang ng 90-110 sako ng palay kada hektaryang sakahin at ang antas na kahirapan ay nasa 81 porsyento. Sa simula ng 2010, kada magsasaka ay nakakaani na ng 122-150 na ng palay kada hektarayang sakahin at ang antas ng kahirapan ay bumaba na sa 54 porsyento. Ang mga katutubong Chananaw ay naniniwala na ang magandang resulta ay dulot ng pangangalaga sa kapaligiran at pagtaas ng ani, na naging dahilan ng pagtatanim pa ng 4, 500 pang puno sa kabundukan at pagbabawal ng pangangaso sa kagubatan ng lugar upang protektahan ang mga hayop na nakatira dito. 7

Epekto MGA EPEKTO AT RESULTA SA BIODIVERSITY Epekto ng bioderversity nagmula sa pagpapaplano ng mga katutubo sa tamang pagamit ng lupain na sakop ng siyam na kuwadradong parisukat na minana pa nila sa kanilang mga ninuno. 2.7 ng lupaing nasabi ay ginamit sa taniman ng palay, 3.6 naman para sa pagiingat ng kagubatan, 1.8 para sa pagsasagawa ng sustinableng pagkakainging at ang natitirang isang kuradong parisukat ay ginamit nila bilang pastulan ng mga Alagang hayop na siya namang nakatulong sa pangangalaga ng lugar. Sa pag-iingat pa lamang ng kagubatan ay nag resulta na sa pagtatanim ng 4,500 puno na may iba t-ibang klase. Na nag resulta sa Pagkakaroon ng tirahan ng mga hayop kaya t tumaas ang populasyon ng mga wild animals tulad ng usa, baboy ramu at iba t-ibang uri ng ibon. At Pagtaas ng libel ng tubig na sapat para sa pagkonsumo at patubig ng mga sakahang lupa. Nabawasan din ang pagputol ng puno para sa mga komersyal na gamit. Kaya t naibaba 75 porsyento ang pangyayari ng wild fire sa mga kagubatan at bumababa din sa 50 porsyento ang pagsasagawa ng kaingin dahil sa binigay ng Faru na ibang pagkukunan ng pagkakabuhayan sa mga mamayan. Ang flora at fauna ay isinagawa sa lugar noong 2009 na nagpapakita ng pagtaas ng populasyon ng mga halaman at lalo ng mga ibon na siya naman nagiging natural na pesticide sa mga taniman. Ipinakikita lang nito kung ano ang kahalagahan ng biodiversity o natural na anyo ng isang lugar at kung gaano ito kabisa. Napatunayan ang gamit ng mga siyantipikong pamamaraan sa tulong ng Kalinga- Apayao State College na naglaan sa nasabing pag-aaral. EPEKTO NG SOSYOEKONOMIK Bumababa din ang antas ng kahirapan sa liblib na lugar ng mga katutubo dahil sa pagprotekta nila sa kanilang pagkakakilanlan. Ang Faru ay nilinang rin ang kaisipan ng mga katutubo na nakaugnay sa pangangalaga ng kapaligiran at sustinableng pamumuhay. Simula noong 2010, ang mga direktang benepisyaro ng programa at naitaas ng produksyon ng palay sa 36 na porsyento kumpara sa nakalap na datos sa taong 2000. Sa pag-unlad ng mga sakahan at pagtaas ng bentahan ng mga gulay na produkto, ang bilang ng namumuhay sa antas ng kahirapan ay bumababa ng 27 porsyento. Sa kabila ng inisyatibo, ang komunidad na sadyang umaasa sa pagsasaka at nakakaani lamang ng sapat para sa pangaraw-araw na pamumuhay, na naglilimita sa pagsuporta sa pag-aaral ng mga batang henerasyon ay unti-unting nagkakaroon ng pang-gastos sa paaralan at pangkalasugang bayarin. Simula noon, ang Faru ay tumutok na sa pagtuturo sa komunidad at piling mga kabataan at kababaihan sa pagpapatakbo ng maliit na negosyo o pag gawa ng iba pang pagkakakitaan tulad ng paggawa ng lokal na produkto. 8

Ito ay nagresulta sa pagtaas ng kanilang kita at pagtaas ng bilang trabaho sa lugar. Ang Faru ay naitaas ang kaisipan ng mga katutubo para bigyan ng pansin ang pag-aaral ng mga kabataan. sila ay nagkaroon ng sapat na kita upang hindi lang umasa sa pagsasaka o pagbenta ng kanilang mga ari-arian o pagsanla nito sa ibang tao. Ang FARU ay nag bibigay din ng pagkakataon at suporta sa mga kabataan na makahanap ng trabaho upang magkaroon ng sapat na kita sa panggastos ng pangaraw-araw na pamumuhay. Ang antas ng mga hindi nakapag-aral ay naibaba rin. Ang FARU ay pinaiikot din ang kanilang kapital sa pamamagitan ng pagpapautang upang magamit sa pag nenegosyo ng may kaakibat na mababang buwis na anim na porsyento kada taon. Na nag resulta sa 9, 000 indibidwal na negosyo na ang mayoryang bilang ay kababaihan na nag nanais na kumita ng sapat. EPEKTO NG POLOSIA Kasama pa ng ibang organisasyon ng Kalinga, Ang FARU ay siyang tumatayong instrumento ng adbokasiya sa mga katutubo ng Kalinga para magkaroon ng karapatan sa minana nila sa kanilang mga ninuno at makilala sa mga tradisyunal na gawi at gawain. Sa ngayon ang FARU ay sinisikap na pormal na kilalanin ang Chananaw Ullikong biling isang Indigenous community conserve area at isang Water shed and Local conservation area Sa pamamagitan ng mga ordinansa mula sa Lokal, Munisipalidad at pang-probinsya, ang hakbang ay isinasagawa sa tulong ng Kalinga Mission for Indigenous Communities and Youth Development Inc. at PhillippneTropical Forest Reserve Foundation sa ilalim ng programang tinwag na TANAP Reserve and Convention and Protection Project na kung papalarin ay ito ang una sa Pilipinas na makakapagdeklara at makapagpapahayag ng karapatan sa kanilang lupang tinubuan bilang lokal na komunidad sa pamamagitan ng lokal na batas. Ang mga pinuno ng Chananaw ay nagkamit ng katanyagan sa mga rehiyonal na awtoridad sa pagpaplano, upang lalong makatulong sa mga mithiin ng organisasyon. ang Konseho ng nakatatanda ng Faru ay miyembro ng Provincial Policy Advisory Board through the Kalinga-Apayao People-Oriented Development Organizations Network (KAPODON), isang nangungunang lokal na patakaran at tagapagtaguyod ng grupo. Ang Pangulo ng FARU ay isang kinatawan at miyembro ng Municipal Planning and Development Council. 9

Pagpapanatili at Replikasyon PAGPAPANATILI Bilang isang organisasyon, ang FARU ay mayroon ng reputasyon na kilalang maasahan pagdating sa pagsasaayos ng mga lokal na proyekto. Ang mga miyembro at opisyal ay may sapat na kaalaman sa tulong na din ng pag aaral sa NGO, gobyerno at iba pang pribadong sector para matiyak ang tuloy-tuloy na pagpapanatili at pagpapalaganap. Ang proyektong ito ay angkop sa pagpapanatili ng kalikasan dahil na din sa pagkakagawa ng lugar para sa katutubong komunidad at ang forum, ito ay nagbigay ng isang adhikain at aktibidades sa mga lokal na populasyon. Ang alokasyon ay may sukat na 3.6 kilometers para sa proteksyon ng kagubatan at patubigan, at para na din matiyan ang pagpapanatili ng kalikasan. Nanghihikayat din para sa rekognisyon ng pangkalahatang gobyerno ng Chananaw Ullikong bilang katutubong komunidad, dito nakasalalay din ang pangmatagalang pinansyal na pagkukunan ng FARU. Kung legal na mapapahintulutan, ang FARU ay nais gumawa ng ICCA na planong pangkabuhayan base na din sa bayad para sa serbisyong pangkalikasan. Kung hindi naman legal na mapahihintulutan, ang FARU ay nagisip ng alternatibong plano sa pamamagitan ng pagpapakilala ng kanilang lupang pinagmulan para sa eco-tourism, environmental research at lugar para sa edukasyong sumusuporta sa kalikasan na wala sa lokal na populasyon. Ang FARU sa ngayon ay gumagawa pa din ng paraan upang magkaroon ng rekognisyon para sa kanilang ICCA sa lokal at nasyonal na lebel. Ang sidhi ng pag-angkin sa sariling lupa at ang tamang desisyon sa loob ng komunidad ang nakatulong sa pangkalahatang pagpapanatili ng pinaglalaban. Sa pagkonsidera ng pagdedesisyon at pagsasaayos ng mga plano sa katutubong sistema, ang FARU ay nakagawa ng pangkalahatan at may kulturang programa na nakatulong sa lokal na populasyon. Ang FARU din ngayon ay mayroong iba t ibang kaakibat at dito niya pinagpapasalamat ang mga pondo na ginagamit sa pagpapanatili ng mga proyekto. PAGPAPALAGANAP Ang ibang malapit na katutubong komunidad ay tumulad na din sa modelo ng FARU, partikular na ang pagbuhay sa mga tradisyonal na kaalman at katutubong sistema ng kaalaman. Ang FARU din ay nakatanggap ng madaming bilang ng humihingi na palawakin at ituro ang kanilang proyekto sa iba pang grupo sa pamamagitan ng komunidad-komunidad at magsasaka sa isa pang magsasaka na pagpapalitan ng kaalaman at nakakatulong na programa. Ang Philippine Tropical Forest Conservation Foundation ay isa sa mga natatanging sumusuporta sa pagbibigay ng kaalaman sa iba pang grupo at komunidad sa buong probinsya ng Kalinga. Sa ngayon, ang FARU ay tumutulong sa pagbibigay ng kaalaman sa iba t ibang munisipalidad ng Tinglayan, Lubuagan at Pasil, kasama na ang Butbot, Basao, Tulgao, Sumadel, Tongrayan, Kulayo, Balatoc at Uma. Base sa proyekto ng FARU na pagpapalitan sa pagitan ng komunidad at mga magsasaka, merong malinaw na pangangailangan sa pagpapagawa ng mga planadong modeo para sa pagpapalitan at pagbibigay ng kaalaman sa iba t ibang probinsya. Mayroong nakikitang pangangailangan sa direktang pagkokonekta ng mga tao, na nakakapagbigay sa kanila ng pagkakataon na magpalitan ng mga natutunan sa iba pa nilang kapwa magsasaka. Pinunto din ng FARU na magkaroon ng suporta at pinansyal na suporta pagkatapos ng pagpapalitan ng kaalaman. 10

KAAKIBAT Barangay Local Goverment Units ang isa sa masugid na kaakibat ng organisasyon. Sila ang nagbibigay ng suportang pang-tao sa mga Gawain ng organisasyon. Ang Kalinga Mission for indigenous Communities and Youth Development Inc. ang nakasama sa pagpapatupad ng proyekto at tulong teknikal. Ang Kalinga Apayao People Oriented Development Organisasyon network ay isa din sa nagbibigay ng tulong teknikal at pagsasanay sa miyembro ng organisasyon at lahat ng opisyales ng organisasyon. Municipal at Provincial Govenment naman ang tumulong sa pagpondo ng mga proyekto. Ang Chamber of Kalinga Producers Inc. ay nagbibigay ng tulong sa paggawa ng negosyo ng mga mamayan. Ang Phillippine Tropical Forest Conservation Foundation Inc. ang nagpopondo para sa pangangalaga ng kagubatan at yaman nito. Naranasan namin ang epekto ng pagbabago ng klima. Noon kami ay nakakapagtanim ng palay dalawang beses sa amin palayan ngunit sa ngayon kami ay nakakapagtanim na lamang ng isang beses kada taon dahil sa madalang na pag-ulan kaya. Kaya t kami ay sumubok at nangalap ng ibang binhi na hindi malakas kumonsumo ng tubig Gaspar Ora-ao, Farmers Association for Rural Upliftment 11

KARAGDAGANG SANGGUNIAN Farmers Association for Rrural Upliftment Photo Story (Vimeo) http://vimeo.com/24477665 Bumacas, D. 2008. Chananaw Ullikong or Chananaw CCA: Report on Community Conserved Areas (CCA) Grassroots Discussion by Kalinga Indigenous Peoples, Philippines. IUCN. Download here. Pindutin ang mga maliliit sa ibaba upang basahin ang higit pang mga pag-aaral ng ng kaso tulad nito: Equator Initiative Environment and Energy Group United Nations Development Programme (UNDP) 304 East 45th Street, 6th Floor New York, NY 10017 Tel: +1 212 906-6691 Fax: +1 212 906-6642 www.equatorinitiative.org Ang United Nations Development Programme (UNDP) ay ang pandaigdigang istasyon sa pag-unlad ng UN, na nagsusulong ng pagbabago at kumukonekta sa mga bansa tungo sa kaalaman, karanasan at mga mapagkukunan upang matulungan ang mga tao na bumuo ng isang mas mahusay na buhay. Ang Equator Initiative ay tumutulong sa pagkakaisa ng United Nations, gobyerno, kumonidad, trabaho at mga katutubong organisasyon para makilala at isulong ang mga nagpapanatiling mga solusyon ng pag-unlad para sa mga tao, kalikasan at nababanat na kumonidad. 2012 by Equator Initiative Nakalaan ang lahat ng Karapatan