KALAKASAN AT KAANGKUPAN

Similar documents
Halimbawa ng talumpati tungkol sa edukasyon Elastrator self castration Explicit movies on amazon 2017 Fidio porno abg perawan indo yg dapat di tonton

Tagalog NATIONAL STANDARDS. sa pagbabasa, pagsusulat at matematika. Gaano kahusay ang aking anak sa paaralan?

K to 12 BASIC EDUCATION CURRICULUM SENIOR HIGH SCHOOL APPLIED TRACK SUBJECT

ULIRANG GURO SA FILIPINO 2017 NG KOMISYON SA WIKANG FILIPI

Ika-13 Aralin IYONG KA- UGNAYAN SA IBA" ~ Kinakailangang ibigin, igalang at sundin natin sila.

Music. Talaan ng mga Gawain. (Unang Kwarter) Department of Education June 2016

H E K A S I KABABAIHAN SA PANAHON NG IKATLONG REPUBLIKA SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools

POINTERS FOR REVIEW ARALING PANLIPUNAN - GRADE 1 Ikalawang Markahan

2010 Gabay sa Pagbibigay Kahulugan

POINTERS FOR REVIEW ARALING PANLIPUNAN - GRADE 1 Unang Markahan

UNANG SEMESTRENG SILABUS SA FILIPINO PAGBASA AT PAGSUURI NG IBA T-IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK

Zangle Parent Connect Gabay sa Tagagamit. Paaralang Pampurok ng Anchorage

I-reboot ang Iyong X1 TV Box

H E K A S I MGA BATAS SA PAGPAPAUNLAD NG ATING KULTURA SELF INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools

GRADE IV MGA BATAS SA PAGPAPAUNLAD NG KULTURA

ARALING PANLIPUNAN 10 MGA KONTEMPORARYONG ISYU

aklat biblia ang mga LECTIO DIVINA PARA SA AKING PAMILYANG MGA PAGPAPAHALAGA PARA SA AKING PAMILYANG MAY MAGANDANG UGALI CLARET PUBLISHING GROUP

H E K A S I EDUKASYON: SAAN PATUTUNGO SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools

POINTERS FOR REVIEW ARALING PANLIPUNAN - GRADE 1 Ikatlong Markahan

Pagtuturo ng Pananaliksik sa Iba t ibang Antas

Makabayang Pedagohiya sa Pagpapatupad ng OBTEC (Outcomes-Based Curriculum) Filipino sa Pamantasang Normal ng Pilipinas-Maynila

Wennielyn F. Fajilan Unibersidad ng Santo Tomas, Maynila

Ang Pangprobinsiyang Kard ng Ulat (Report Card) ng Manitoba. Impormasyon para sa. Mga Magulang

Special Filipino Curriculum (SFC): Isang mungkahing kurikulum sa Filipino para sa Dayuhang mag-aaral

EPEKTO SA PAGGAMIT NG SOCIAL NETWORKING SITE SA PAGKATUTO NG ASIGNATURANG FILIPINO. by: Laurince Pantaleon

Pagsasanay ng mga guro sa programa ng K to 12 Baitang 8

GABAY SA PAG GAMIT NG ADMIN CONSOLE (ADMIN CONSOLE QUICK GUIDE)

Mga Nalalapit na Pagbabago sa Santa Clara Family Health Plan Cal MediConnect Plan (Medicare-Medicaid Plan) 2018 na Listahan ng Gamot

Impormasyon tungkol sa Pamumuhay sa Iba't-ibang Wika

SUUNTO GUIDING STAR PAG-IINGAT AT WARRANTY

GRADE VI GAMIT NG GRID

Nutri-bingo! Gabay para sa game master o facilitators. Ano ang nutri-bingo?

Pagbasa at Pagsusuri ng Teksto Tungo sa Pananaliksik: Ambag sa Transpormatibo at Makabayang Edukasyon

ARALING PANLIPUNAN 10 ISYU AT HAMONG PANLIPUNAN

KILOS na, KAS! Pangkalahatang Programa para sa Kolehiyo ng Agham at Sining, UP Manila. Carl Marc Lazaro Ramota Oktubre 2015

GLOSARYO NG MGA TERMINO SA PANITIKAN

SCFHP Cal MediConnect Plan (Medicare-Medicaid Plan) 2019 Listahan ng Matibay na Kagamitang Medikal (Listahan ng Durable Medical Equipment o DME)

Ang Karapatan Ng Mga Bingi Na Lumaking Bilingwal

Alamat ng Kawayan. Anthony Pascua SAILN, Tier III

Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga konsepto sa pananagutang pansarili, pamilya,

Ika-14 na Aralin. Pag-aralan ayon sa mga tuntunin nasa pasimula ng unang aralin. 1. Ang Cristiano ba ang may-ari ng kanyang sariling buhay?

Mga Pananggalang na Pamamaraan Mga Karapatan ng Magulang

The Normal Lights Volume 10, No. 2 (2016) Niña Christina Lazaro-Zamora Philippine Normal Univesrity.

SILABUS NG KURSO DESKRIPYON NG KURSO:

Chapter 6 Tagalog Verbs

Pag-alalay sa Pag-aaral ng inyong Anak sa pamamagitan ng Pagtatasa, Pagsusuri at Pag-uulat

School Year (Akademikong Taon) English. learner. Gabay ng Programa ng. English Learner Program Guide 1

Araling Panlipunan I

AWIT 16:2-3 SINO ANG NAKIKINABANG SA MABUBUTI NATING GAWA? NI REV RODNEY KLEYN

LOMA LINDA UNIVERSITY BEHAVIORAL MEDICINE CENTER PATAKARAN SA PAGPAPATAKBO

Republic of the Philippines Department of Education DepEd Complex, Meralco Avenue Pasig City. K to 12 Curriculum Guide ARALING PANLIPUNAN.

H E K A S I EDUKASYON SA PANAHON NG EDSA REVOLUTION HANGGAN SA KASALUKUYAN SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools

ANG DEKLARASYON NG UNITED NATIONS

Kapag Ang Mga Bata Ay Nagsasalita Ng Higit Sa Isang Wika

Ang Kasaysayan at Araling Panlipunan sa K to 12 Curriculum. Lorina Y. Calingasan

HF Markets Ltd HOTFOREX PHILIPPINES CONTEST

Orihinal na Epektibong Petsa: Pahina Enero 2006 Huling Petsa ng. Numero ng Patakaran (Policy Number)

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Pamagat ng Pag-aaral (o IRB Approval Number kung maaaring labagin ng pamagat ng pag-aaral ang privacy ng subject):

H E K A S I MAGKATULAD NA PAGPAPAHALAGA: BATAYAN NG PAMBANSANG PAGKAKAISA SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS

Islam at pambansang identidadsa Malaysia,Indonesiaat Pilipinas. Elsa Clavé Goethe universität Frankfurt BAKAS seminar 6 Abril2017

Mga Account ng mga Pasyente/Daanan ng Pasyente MANUAL NG MGA PATAKARAN

Technology Responsible Use Guidelines (Mga Alituntunin sa Responsableng Paggamit ng Teknolohiya)

Gender Policy para sa Pampamayana ng Radyo. Ika-8 ng Marso 2008

GRADE VI PAUNLARIN ANG EDUKASYON, KALUSUGAN AT TEKNOLOHIYA

GABAY NG GURO. Populasyon at Pag- unlad, Sekswalidad at Mapanagutang Pagmamagulang (Population and Development, Sexuality and Responsible Parenthood)

PANIMULANG ARALIN TUNGKOL SA SANTUARYONG- DAGAT

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

1. Ano ang teknolohiyang pantulong (assistive technology) sa espesyal na edukasyon?

PASIG CATHOLIC COLLEGE Grade School Department S.Y ARALING PANLIPUNAN 6 Ikatlong Markahan. Gawain Blg.1

Hinggil sa Karapatan ng mga Katutubo at Kahalagahan ng Pagsalin ng Katutubong Kaalaman at Kultura

MISYONG PAHAYAG. Isang masagana at inklusibong Canada na nakabatay sa tagumpay ng bawat indibidwal.

GABAY NG PROGRAMA NG ENGLISH

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

PILOSOPIYANG PANG-EDUKASYON NI RIZAL: ISANG PILOSOPIYANG PILIPINO SA EDUKASYON

Pantay na Pagk ak ataon sa mga Ex tr acur r icular na Gawain par a sa mga Estudyanteng may K apansanan Mayo 2014, Paglalathala #CM45.

H E K A S I BUWIS, KABALIKAT NG BANSA SA KAUNLARAN SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS

Mga katanungang madalas itanong(q&a) tungkol sa Electronic Notification System ng Kawanihan ng Imigrasyon

Estilo ng Pagsasalin sa Wikang Filipino ng mga Teksbuk sa Araling Makabayan

Pag-unawa sa Pamamaraan ng Pagtasa, Karapatan, at Pang-isahang Programa sa Edukasyon ng Maryland

Paunang Salita. Mayor ng Lungsod ng Hiroshima Tadatoshi AKIBA. Abril 4, 2006

Positibong Pagtatasa ng Pag-uugali at Pagpaplano sa mga Paaralan: Fact Sheet

Pamamatnubay na Palakad sa Paaralan para sa mga Magulang na Baguhan

Ang Makisig at Hangal na Hari

From left, Dingdong Dantes, Jennylyn Mercado, Dennis Trillo, Lovi Poe, Alden Richards and Betong Sumaya.

English. learner. Gabay ng Programa ng School Year (Akademikong Taon) SFUSD Multilingual Pathways Department

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Atlantic Health System

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Sibika Baitang 2 Ikatlong Markahan

H E K A S I EDUKASYON NG MGA UNANG PILIPINO, NAIIBA BA? SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools

Republic of the Philippines Department of Education Negros Island Region DIVISION OF SILAY CITY City of Silay

Edukasyon bilang Tagpuan ng Katwirang Lungsod at Katwirang Lalawigan

Ang Pagtuturo ng Wika at Kulturang Filipino sa Disiplinang Filipino (Konteksto ng K-12)

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

2018 Aplikasyon para sa Neighbourhood Small Grants

Pagsasanay sa Filipino

Ang Rex K to 12 Pointers para sa Pagbabago ng Kurikulum

The K to 12 Araling Panlipunan Curriculum. Scope and Expected Competencies

Transcription:

MGA PERSPEKTIBA SA MTB-MLE GAMIT ANG VSR: KALAKASAN AT KAANGKUPAN Benjamin M. Mendillo Jr, PhD Puno, Sangay ng Salin Tanggapan ng Pangulo ng Pilipinas Komisyon sa Wikang Filipino

BALANGKAS NG PANAYAM Panimula Ang Probisyong Pangwika ng Filipinas na ipinatutupad ng KWF Kaangkupan sa Filipinas ng MTB-MLE Mga Proyekto ng KWF sa MTB-MLE Pagsaalang-alang sa Elemento ng Pagsasalin kaugnay sa MTB-MLE Pagpapalakas ng MTB-MLE Gámit ang adhika ng Virtual Sentro Rizal Resulta ng kolaborasyon ng KWF at CFO sa MTB-MLE proyektong VSR Kongklusyon

Panimula Matagal nang umiiral ang MTB-MLE sa konteksto ng pagtuturo sa Filipinas. Hindi na ito bago sa mga Filipino kung hindi pagsasapormal lámang at pagsasabatas sa mga panimulang gawain ng pagtuturo gamit ang Inang Wika.

Ano ang MTB-MLE? Ito ang natural o likás na proseso ng pagtuturo ng wika at ito ay isang linguistic phenomenon.

Ayon sa teorya (1983) ng language acquisition, Stephen Krashen Ang natural process phenomenon na may elementong subconscious ay mas epektibo at mas nauunawaan ng mga bata kompara sa itinuturo sa kanila dahil maláy na sila rito.

Panimula Kung ang guro ay gumagamit din ng Inang Wika, nagiging ganap ang pagkatuto ng mga mag-aaral na maalam sa Inang Wika. Nawawala ang takot ng mga bata sa isang talakayan na magbahagi dahil pamilyar sila sa lengguwahe o sa wikang ginagamit nila sa kanilang pamayanan. Kaya sa huli, nagkakaroon ng isang kaaya-ayang talakayan at diskurso ang mga mag-aaral dahil naisasadiwa nila ang paksa.

Mahigpit ang ugnayan ng MTB-MLE sa estruktura ng Wikang Pambansa sapagkat ito ang tunguhin ng MTB-MLE ang pagpapalakas ng kaalaman sa unang wika upang maigayak ang mag-aaral sa nibel pambansa ang wikang Filipino.

Nakasaad sa Gabay ng Mamamayan o Citizen s Charter ang ubod ng simulain nitóng paunlarin at palaganapin ang Filipino bilang wikang pambansa, habang isinasaalang-alang ang mga katutubong wika sa Filipinas.

Ayon kay Tagapangulo at Pambansang Alagad ng Sining Virgilio S. Almario, Naniniwala ang KWF sa kakayahan ng pambansang wika para pagbuklurin ang mga tao. Naniniwala ang KWF na ang Filipino ay makatutulong para maipundar ang makabuluhang kapayapaan. Naniniwala rin ang KWF na ang Filipino ay makapagpapabilis ng ekonomikong kaunlaran nang may pagtutuon sa panlipunang katarungan at pagkakapantay-pantay. Naniniwala pa ang KWF na ang wikang Filipino ay isang epektibong paraan upang hikayatin ang mga mamamayan na makilahok sa pambansang pagkilos na ganap na magpipinid sa mga pinto ng katiwalian at kabulukan. Sapagkat ang Filipino ang wikang pambansa, asahan ninyo na ang wikang ito ay hindi mananatiling nasa dulong priyoridad ng pamahalaan.

Wikang Filipino, Wika ng Dangal at Kaunlaran

Itaguyod ang patuloy na pag-unlad at paggamit ng Filipino bílang Wikang Pambansa hábang pinapangalagaan ang mga wikang katutubo ng Filipinas tungo sa pagkakaunawaan, pagkakaisa, at kaunlaran ng sambayanang Filipino.

Nilikha upang magsagawa, mag-ugnay, at magtaguyod ng mga pananaliksik para sa pagpapaunlad, pagpapalaganap, at preserbasyon ng Filipino at ng iba pang mga wika sa Filipinas. Ang Batas Republika Blg. 7104 ay batas na lumikha sa Komisyon sa Wikang Filipino, nagtatakda ng mga kapangyarihan nito, mga tungkulin at mga gawain, naglalaan ng gugulin ukol dito at para sa iba pang mga layunin:

Paghahanda at paglalaan ng mga kinakailangang pamamaraan kung hindi man kasangkapan para sa lahat ng akademikong institusyon at siyang magpapalakas sa pagtuturo ng Filipino.

Pagsasanay at pagtuturo sa tumpak na paggamit ng Filipino sa lahat ng transaksiyon, komunikasyon, at korespondensiya sa mga ahensiya, kawanihan, instrumentalidad, at ibang sangay ng pamahalaan;

Pagbibigay ng kapangyarihan sa mga kalahok at espesyalista sa wika at iba pang lárang upang makapag-ambag sa kolektibong gawain hinggil sa pagpapayabong ng Filipino at iba pang wika sa Filipinas.

Sinisikap na hikayatin ang sambayanang Filipino na tumulong sa patuloy na modernisasyon ng wikang Filipino. Nakatadhana sa artikulo 14, seksiyon 6, serye ng 1987 ang batayang legal sa batas pangwika na ipinatutupad sa bansa na nagsasabing,

Nakatadhana sa artikulo 14, seksiyon 6, serye ng 1987 ang batayang legal sa batas pangwika na ipinatutupad sa bansa na nagsasabing, Ang wikang pambansa ng Filipinas ay Filipino. Samantalang nalilinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiiral na mga wika ng Filipinas at sa iba pang mga wika. Alinsunod sa mga tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang Pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon.

Isinasaad din sa naturang probisyon ang pagiging malinaw sa mga tiyak na probisyon sa seksiyon pito (7) na isinasaad na sa mga layuning pangkomunikasyon at pagtuturo, ang opisyal na mga wika ng Filipinas ay Filipino at hangggang walang itinatadhana ang batas ay Ingles.

Ito rin ay sinusugan ng Batas Republika 7104, seksiyon 14 (f) na nagsasabing, Lumikha at magpanatili sa Komisyon ng isang dibisyon ng pagsasaling-wika na gaganyak sa pamamagitan ng mga insentibo; Magsagawa at masiglang magtaguyod ng pagsasalin sa Filipino at sa iba pang mga wika ng Filipinas ng mahahalagang akdang historikal at tradisyong kultural ng mga grupong etnolingguwistiko, mga batas, resolusyon, at iba pang mga aktang lehislatibo, mga kalatas tagapagpaganap, mga pahayag na pampatakaran ng pamahalaan, at mga dokumentong opisyal, mga teksbuk, materyales na reperensiya sa iba-ibang disiplina, at mga dayuhang materyales na maaaring ipasyang kinakailangan sa edukasyon at para sa iba pang mga layunin.

Sa ganito rin naukit ang probisyon ng Philippine Bilingual Education Policy na pinagtibay ng National Board of Education na tinuran ng Kagawaran ng Edukasyon sa patakarang pangwikang pinairal nito. Sa DECS Order no. 25 noong 1974, na pinamagatang Implementing Guidelines for the Policy of Bilingual Education in the Philippines, binigyang-pagtatangi ang mga asignatura sa midyum ng pagtuturo. Gayumpaman, mayroon ding pagdidiin sa hiwalay na paggamit ng wika. Malinaw din sa patakarang ito na ang mga rehiyonal na wika ay gagamiting pantulong na wika sa antas isa (1), hanggang dalawa (2).

Kung susuriin ang probisyon sa itaas, makikita na ang DECS Order no. 25, ay nakabatay sa Pilipino na binago nang 1987 Konstitusyon sa Filipino.

Ibig sabihin, nakasálig pa rin ang paggamit ng Pilipino (hindi Filipino) bilang midyum ng pagtuturo sa: Agham Panlipunan Musika Sining Edukasyong Pangkatawan Ingles sa mga agham

Malaki na ang pinagkaiba ng 'P' sa 'F' bilang tatak ng isang letrang maka-mtb-mle sapagkat ito ay napagkaitang mamalagi sa kulturang Filipino. Sa madaling salita, kailangang nasusuri din ng DECS Order ang mahalagang pagpapalit na ito sapagkat ang kabuuan ay hindi sumasalamin sa kahulugan ng salitang 'Pilipino' kaiba sa 'Filipino' na binigyangkahulugan ng Konstitusyon.

Sa madaling salita, kung nagpalit ang Konstitusyon sa pananaw nitong P sa F, dapat ay binabalangkas din ang kaisipan nito alinsunod sa kahulugang tinuturan ng F sa salitang Filipino na malayo sa P ng Pilipino noong 1959.

Umaalinsunod ang modernisadong alpabeto o ang ortograpiyang pambansa sa pinaiiral ng Komisyon sa Wikang Filipino sa pagpapanatili sa orihinal na anyo ng mga katawagan na pinalitan sa panahon ng Balarilang Pilipino.

Ilan pang katutubong salita na kakikitahan ng mga walong bagong hiram na titik na nakasaad sa Ortograpiyang Pambansa: alifuffug safot falendag feyu jambangán masjid julúp avid vakul kuvat vuyu vulan kazzing zigattu (Itawit) ipuipo (Ibaloy) sapot ng gagamba (Teduray) plawtang pambibig na may nakaipit na dahon sa ihipan (Kalinga) pipa na yari sa bukawe o sa tambo (Tausug) halaman (Tausug, Mëranaw mula sa Arabe) tawag sa gusaling sambahan ng mga Muslim (Tausug) masamang ugali (Ivatan) ganda (Ivatan) pantakip sa ulo na yari sa damo na ginagamit bílang pananggalang sa ulan at init ng araw (Ibaloy) digma (Ibanag) bulalakaw (Itawit) buwan (Itawit) kambing (Ibanag) silangan

Kung tutuusin, sa lahat ng aking nabanggit, hindi na talaga kailangan ang sangkaterbang batas o patakarang pangwika upang sabihin na kailangang nasa Filipino ang paraan ng pagtuturo o ang mga metodolohiya, lápit, estratehiya, dulóg, at pagpapayaman ng kakayahan. Dapat ay intrinsic, inherent, o likas sa ating kamalayan o sensibilidad na gamitin ang natatanging tatak ng ating pagiging Filipino.

Kaangkupan sa Filipinas ng MTB-MLE

Isang mapanghawang hakbang ang MTB-MLE upang masagip ang mga wikang nasa dulo ng lipunan na kung tutuusin ay bahagi ng gulugod ng ating wika, lalo na sa pagpapatibay ng Ortograpiyang Pambansa na makikitahan ng mga letra na awtentikong katutubo at sumasalamin sa yaman ng ating lahi.

Sa legal na pagtingin, naaayon din sa batas ang pagpapalakas ng MTB- MLE sa Filipinas. Sa dami ng mga wika sa Filipinas, sa kasalukuyan ay naitalang isandaan at tatlumpu (130), hindi maikakailang ang Inang Wika ay isinasaalang-alang sapagkat pundamental sa pagtamo ng wika ang pagpapalakas sa unang wika nang walang interbensiyon ng anumang wika. Sa 130 naitalang wika, mayroon tayong walong (8) pangunahing wika sa Filipinas:

BICOLANO cebuano hiligaynon ilocano kapampangan pangasinense waray tagalog masinop modernong maayos ortograpiya

Sa mga wikang ito nakikita ang malaking saklaw sa paggamit ng mga katutubong wika na babalangkas sa wikang pambansa Filipino.

May malaking sagka sa konsepto ng MTB-MLE lalo sa usapin ng pagpapalaganap sa pagtuturo ng Inang Wika panustos sa kampanya. Sapagkat multikultural ang ating bansa, kailangan ng sapat na pondo para sa mga sanggunian at mga ilalahok sa nilalaman, transisyon mula sa Inang Wika papuntang opisyal na wika. Matutugunan naman ang mga suliraning ito sa pamamagitan ng pagkakaroon ng political will na maisakatuparan ang mithiing mapabuti ang kalagayang pangwika ng magaaral kasabay ang preserbasyon ng mga katutubong wika.

Mga Proyekto ng KWF sa MTB-MLE

Hindi lamang sa antas ng edukasyon angkop ang MTB-MLE, ito rin ay makabuluhan sa mga ahensiya ng pamahalaan upang mas higit na kumintal sa publiko ang mga pangunahing impormasyon gamit ang Filipino. Narito ang mga permanenteng programa ng KWF sa serbisyo ng pagsasalin:

1. Pagtugon sa mga pangangailangan ng pamahalaan sa serbisyo ng pagsasalin.

2. Patuluyang pagsasanay sa batayang kaalaman sa pagsasalin.

3. Pagsasagawa ng mga forum at mga palihan para sa mga guro sa iba t ibang disiplina.

4. Pagsasalin sa mga akdang klasiko/panitikan at teknikal na mga teksto.

PANGUNAHING SERBISYO

5. Pagtitipon ng mga tagasalin, guro, at interesadong indibidwal sa direktoryo ng mga tagasalin. PIE GRAPH NG REGISTRY NG TAGASALIN 1% 7% National Capital Region (NCR ) 1% 6% Rehiyon I Cordilliera Administrative Region (CAR) 5% 36% Rehiyon II Rehiyon III 6% Rehiyon IV-A Rehiyon IV-B 3% 3% Rehiyon V Rehiyon VI Rehiyon VII Rehiyon VIII 7% Rehiyon IX 3% 1% 5% 8% 3% 3% 5% Rehiyon X Rehiyon XI Rehiyon XII Rehiyon XIII Rehiyon XIV

Pagsaalang-alang sa Elemento ng Pagsasalin kaugnay sa MTB-MLE

Pinakaesensiyal na bahagi ng VSR ang paglalapat ng salin sa Inang Wika mulang Filipino at/o Ingles. Ito ay sa katotohanang hango sa Ingles ang mga sangguniang aklat lalo sa mga teknikal na lárang o asignatura at kinakailangan itong isalin upang maging kapaki-pakinabang sa mga guro at magaaral.

Totoong bahagyang wala pang panimulang talakay sa teknikal na antas isa hanggang tatlo subalit ang basikong panimula ang krusyal na hakbang sa pormatibong paghubog sa mag-aaral. Halimbawa, madaling maunawaan ang pagbilang kung gagamit ng mga sangguniang isinalin na subok nang ginagamit sa paghubog ng kasanayan.

Gayumpaman, isang hamon sa mga guro ang pagbabalangkas ng kagamitang panturo buhat sa awtentikong materyales upang maging kasiya-siya at makabuluhan ang mga pansilid na talakayan.

Ganito dapat hinaharap ang suliranin sa pagsasalin, kapag ang batayan ay malayo sa pinaghahalawan, ang dapat gawin ng gurong tagasalin o bumabalangkas ng aralin ay ibatay ito sa kultural na sensibilidad na umiiral sa kaniyang rehiyon tulad ng mga tradisyon, kultura, at mga kamálayán na nagpapanatili sa identidad ng isang lipi.

Ang pagsaalang-alang sa mga kultural na yaman ay nakabaon sa salita na likas sa isang kultura. Ang pagpapalakas nito ay pagtitiyak na hindi ito mawawala sa mapa ng mga wika ng Filipinas. Tulad ng dalawang wika (2), ang Aeta Sorsogon sa Bicol at ang Ata Pudtol sa Abra na tuluyan nang naglaho.

Ang preserbasyon ng kultura ay simbigat ng pangangalaga sa wika, ang kamatayan ng wika ay paglibing sa kultura.

Pagpapalakas ng MTB-MLE gamit ang adhika ng Virtual Sentro Rizal

Sa mahigpit na pakikipag-ugnayan ng Commission on Filipinos Overseas sa pamamagitan ni Usec. Mary Grace Tirona na gawing napapanahon at makatuturan ang mga leksiyon sa bawat modyul na nakasulat sa Ingles, sinikap na maisalin sa pinakamabisa at pinakakomunikatibong paglalarawan ang mga modyul sa wikang Filipino.

Sa ganitong pamamaraan, mas natitiyak natin na maliban sa global edge natin na marunong at matatas sa Ingles, mapananatili rin natin ang diwa, kamalayan, kahusayan sa pag-unawa ng mga konseptong esensiyal, at naaayon sa kultural na kamalayan ng mga mag-aaral sa lahing kanilang pinagmulan. Parang isang pananariwa, pagbabalik sa kanilang mga guni-guni sa yaman ng ating panitikan, kultura, at wika.

Nang ako ay maanyayahan ni Usec. Tirona sa isang pulong upang isagawa ang pagsasalin na proyekto, malinaw na ibinahagi ng kalihim na ito ang missing link upang maging ganap ang proyekto.

Ibig sabihin, kahit tapos na ang proyekto ng VSR ay iniisip ni Usec. Tirona na ang pinakamahalagang elemento o sangkap ay ang pagsasalin nito sa Filipino. Sa ganoong kaisipan, naisip ko na hindi lamang pala ito simpleng serbisyo ng pagsasalin kundi isa palang pagpapamana sa larang ng edukasyon at higit sa lahat sa mga tagapagtaguyod ng wika sa Philippine Overseas Schools.

Sa madaling sabi, hindi nakontento ang CFO na hayaan na lamang itong nakalimbag sa Ingles, bagkus tiniyak at pinagsikapan na ito ay dapat mailimbag sa Wikang Pambansa upang matala sa kasaysayan ng panahon na ang Inang Wika ay pinagyayaman hindi lamang sa Filipinas kundi lalo na sa mga paaralang nasa ibayong dagat.

Resulta ng kolaborasyon ng KWF at CFO sa MTB-MLE proyektong VSR

JOSE RIZAL

INGLES

BICOLANO

MËRANAW

ILOCANO

SEBWANO

ESPAÑOL

FILIPINO

MGA LARO AT LARUAN NG PILIPINAS

INGLES

BICOLANO

MËRANAW

ILOCANO

SEBWANO

ESPAÑOL

FILIPINO

Kongklusyon

Ngayong naisalin na sa Filipino ang VSR, masasabi kong nailipat na ang talino at pamanang pangwika upang mabuo ang yaman ng VSR sapagkat ang kaibuturan nito ay naisasalin sa kamalayan, sensibilidad, at katalinuhan gamit ang wikang Filipino. Mababanaag ang kultura natin hindi lamang sa maririkit na tanawin ng bansa, mga kaugalian at pamahiin, sayaw, at panitikan kundi sa mga salitang naglalarawan sa ating kasarinlan at mayabong na kultura.

Adhika rin ng proyektong ito na maging sagisag ang wikang Filipino ng diwang maugnayin (inclusive) hinggil sa pangangalaga ng mga wika at kulturang katutubo samantalang pinauunlad ang Wikang Pambansa bílang modelo ng pagpapaunlad at pagkakaisa. Gayundin, magiging instrumento o kagamitang panturo ito na nagpapalakas sa armonisasyon ng mga ortograpiya ng 19 na sariling wika (mother tongues) sa programang MTB-MLE ng DepEd.

Matatanaw na sa hinaharap ang inobatibo at bisyonaryong adhika ng Virtual Sentro Rizal na masinop ang yaman ng ating wika at kultura sa isang sisidlang magpapanatili sa kamalayan, kaakuhan, at kaibuturan ng lahing Filipino. Bisyonaryo ang proyektong ito sapagkat napagtatagpo nito ang nakaraan, ang kasalukuyan, at ang hinaharap gamit ang digital media na lubos na magpapadali sa pagbabalik-tanaw sa mayamang pamanang naghihintay sa mga kabataang Filipino.

Ang paghahawan ng mga sagabal at agam-agam sa pagtuturo sa MTB-MLE ay mapaparam sa pamamagitan ng kagamitang ito na lalo pang pagiibayuhin ng KWF na laging magiging bukas sa pakikipagtulungan sa CFO sa mga adhika at hangarin nitong paunlarin ang Visual Sentro Rizal sa lahat ng wika ng Filipinas.

Ang VSR sa kabuoan ay pamunó o tulay na magtatawid sa yaman ng impormasyong nakasalin sa kani-kanilang wikang katutubo upang punán ang kamang-mangan at lalong maitanim ang pagmamahal sa sariling bayan.#

SALAMAT SA INYONG PAKIKINIG! MGA PERSPEKTIBA SA MTB-MLE GAMIT ANG VSR: KALAKASAN AT KAANGKUPAN