ANGKOP NA PAMAGAT NG TALATA AT PAGGAMIT NG MALALAKING TITIK SA PAMAGAT

Similar documents
GRADE VI GAMIT NG GRID

H E K A S I KABABAIHAN SA PANAHON NG IKATLONG REPUBLIKA SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools

Tagalog NATIONAL STANDARDS. sa pagbabasa, pagsusulat at matematika. Gaano kahusay ang aking anak sa paaralan?

GABAY SA PAG GAMIT NG ADMIN CONSOLE (ADMIN CONSOLE QUICK GUIDE)

Pagsasanay sa Filipino

H E K A S I MAGKATULAD NA PAGPAPAHALAGA: BATAYAN NG PAMBANSANG PAGKAKAISA SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS

Ang Makisig at Hangal na Hari

H E K A S I NORTH ARROW COMPASS ROSE LOKASYON NG PILIPINAS SELF INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools

Ika-13 Aralin IYONG KA- UGNAYAN SA IBA" ~ Kinakailangang ibigin, igalang at sundin natin sila.

Music. Talaan ng mga Gawain. (Unang Kwarter) Department of Education June 2016

Alamat ng Kawayan. Anthony Pascua SAILN, Tier III

GRADE IV REHIYON VI KANLURANG VISAYAS

Halimbawa ng talumpati tungkol sa edukasyon Elastrator self castration Explicit movies on amazon 2017 Fidio porno abg perawan indo yg dapat di tonton

Impormasyon tungkol sa Pamumuhay sa Iba't-ibang Wika

PART A. LINGGUHANG ISKEDYUL SA TRABAHO

Republic of the Philippines Department of Education Negros Island Region DIVISION OF SILAY CITY City of Silay

Oops... Ingat sa Lansangan

H E K A S I BUWIS, KABALIKAT NG BANSA SA KAUNLARAN SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS

H E K A S I PAGBABAGO SA PANAHANAN SA PANAHON NG ESPANYOL SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools

Zangle Parent Connect Gabay sa Tagagamit. Paaralang Pampurok ng Anchorage

E P P TALAAN NG GASTOS AT KINITA SA PAGHAHALAMANG ORNAMENTAL SELF INSTRUCTIONAL MATERIALS

I-reboot ang Iyong X1 TV Box

EDUKASYON SA PAGPAPAHALAGA IV Yunit I Modyul Blg. 1

Kapag Ang Mga Bata Ay Nagsasalita Ng Higit Sa Isang Wika

EDUKASYON SA PAGPAPAHALAGA I

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Sibika Baitang 2 Ikatlong Markahan

H E K A S I EDUKASYON: SAAN PATUTUNGO SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools

H E K A S I PAMAMAHALA NG MGA UNANG PILIPINO SELF INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools

Paksa: Mga Tayutay. Akdang Babasahin: Ang Pintor ni Gerry Gracio. Inihanda ni:

H E K A S I PANGKABUHAYAN SA PANAHON NG HAPONES SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools

Ika-14 na Aralin. Pag-aralan ayon sa mga tuntunin nasa pasimula ng unang aralin. 1. Ang Cristiano ba ang may-ari ng kanyang sariling buhay?

aklat biblia ang mga LECTIO DIVINA PARA SA AKING PAMILYANG MGA PAGPAPAHALAGA PARA SA AKING PAMILYANG MAY MAGANDANG UGALI CLARET PUBLISHING GROUP

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

Nutri-bingo! Gabay para sa game master o facilitators. Ano ang nutri-bingo?

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

makilala ang pagkakaiba ng kanais-nais at di-kanais-nais na katangian ng mga Pilipino;

H E K A S I EDUKASYON NG MGA UNANG PILIPINO, NAIIBA BA? SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools

Ako at ang Ating Watawat

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

H E K A S I ANG EDUKASYON SA PANAHON NG ESPAÑOL SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

PIKSYON AT DI-PIKSYON AT MGA URI NG PANG-ABAY SA PAGSASALAYSAY

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

MAY KAAGAPAY KA NA BA?

PANG-URI SA IBA T IBANG ANTAS/PAGSULAT NG PAGHAHAMBING SA TULONG NG GRAP O DAYAGRAM

International Correspondence Institute PHILIPPINE NATIONAL OFFICE P.O. Box 1084, Manila. Unang Aralin hanggang 3

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

AWIT 16:2-3 SINO ANG NAKIKINABANG SA MABUBUTI NATING GAWA? NI REV RODNEY KLEYN

H E K A S I EDUKASYON SA PANAHON NG EDSA REVOLUTION HANGGAN SA KASALUKUYAN SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Tungkol Saan ang Modyul na ito?

WORSHIP GOD IN SPIRIT AND TRUTH

Ang Pangprobinsiyang Kard ng Ulat (Report Card) ng Manitoba. Impormasyon para sa. Mga Magulang

EDUKASYON SA PAGPAPAHALAGA II Yunit II Modyul Blg. 1

ANG PAG-SETUP NG ISANG SISTEMA NG PAGBABAYAD NG SUWELDO

From left, Dingdong Dantes, Jennylyn Mercado, Dennis Trillo, Lovi Poe, Alden Richards and Betong Sumaya.

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

Chapter 6 Tagalog Verbs

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

Modyul 4 Ang Pagkilala at Pagbuo ng Iba t Ibang Pangungusap

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

God s Electing Love (Mal. 1:1-5)

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

I.~ lc "AN<17PAG-AASAWA AT ANG

Education for Better Work. (Edukasyon para sa Mas Magandang Trabaho) SELF-RELIANCE

Sino ba talaga si Jesus? Ano ang tunay na Cristiano?

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Modyul 5 Pagsulat ng Talambuhay

Sino ba talaga si Jesus? Ano ang tunay na Cristiano?

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

ROBERT B. POLLOCK ELEMENTARY SCHOOL 2875 Welsh Road Philadelphia, PA

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

2010 Gabay sa Pagbibigay Kahulugan

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

UNANG SEMESTRENG SILABUS SA FILIPINO PAGBASA AT PAGSUURI NG IBA T-IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK

ACTIVITY SHEETS IN FILIPINO 4

TALAAN NG MAG-AARAL INTERNATIONAL CORRESPONDENCE INSTITUTE PHILIPPINE NATIONAL OFFICE-P.O. BOX 1084, MANILA 2800 PAGSUSULIT ARALIN I "ANG BIBLIA"

Ang Bautismo: Pakikipag-isa kay Cristo sa Kamatayan at Bagong Buhay (Unang Bahagi)

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Pamagat ng Pag-aaral (o IRB Approval Number kung maaaring labagin ng pamagat ng pag-aaral ang privacy ng subject):

E P P MGA HAKBANG SA PAGGAWA NG COMPOST/BASKET COMPOSTING SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

SUUNTO GUIDING STAR PAG-IINGAT AT WARRANTY

Transcription:

ANGKOP NA PAMAGAT NG TALATA AT PAGGAMIT NG MALALAKING TITIK SA PAMAGAT Pagkatapos ng modyul na ito ikaw ay inaasahang makapagbibigay na ng angkop na pamagat sa talata at makagagamit na nang wasto ng malalaking titik sa mahahalagang salita ng pamagat. Pagbalik-aralan Mo A. Isulat nang wasto ang salitang may salungguhit. Gumamit ng malalaking titik kung kinakailangan. 1. Ang Sinulog sa cebu city ay dinarayo ng mga turista at mananampalataya ng ating bansa. 2. Ginaganap ito tuwing ikatlong linggo ng buwan ng enero. 3. Kasabay ito ng kapistahan ng sto. niño. 4. Ayon sa mga taga-cebu, ang sinulog ay isang uri ng ritwal na sayaw patungkol sa milagrosong imahe ng Sto. Niño. 5. ang sayaw raw na ito ang pagsabay sa sulog o agos ng Ilog Pahina sa Cebu. B. Basahin ang talata. Isulat ang paksang diwa ng talata. Isa sa mga katangiang maipagmamalaki nating mga Pilipino ay ang mabuti nating pagtanggap sa mga panauhin. Kapag ang isang pamilya ay may inaasahang panauhin, bawat isa ay abala sa paghahanda. Sila y naglilinis at nag-aayos ng kabahayan. Nagluluto ang pamilya ng masarap na pagkain at naghahanda ng maraming prutas at inumin. Pinagkakaabalahan din nila kung ano ang maipauuwing pasalubong ng panauhin. Paksang diwa: 1

Ganito ba ang iyong sagot? A. 1. Cebu City 2. Enero 3. Sto. Niño 4. Sinulog 5. Ang B. Ang paksang diwa ng talata ay pagiging maasikaso sa mga panauhin Pag-aralan Mo A. Basahin ang talata. Hindi na mabilang ang mga kababayan nating nanguna sa larangan ng pag-awit, pagpipinta at pag-ukit. Hinahangaan ng mga dayuhan ang mga produkto nating gawang kamay na tulad ng binurdahan at nililok. Tunay na ang mga Pilipino ay malikhain sa iba t ibang larangan. Ano ang paksang diwa ng talata? Ganito ba ang iyong sagot? Ang mga Pilipino ay malikhain sa iba t ibang larangan. Ano ang maaari mong ibigay na pamagat sa talata? Ang pamagat ng talata ay: Ang Pilipino : Likas na malikhain Magkatulad ba tayo ng pamagat? Nakatulong ba sa iyo ang paksang diwa ng talata sa pagbibigay ng angkop na pamagat? Anong salita sa pamagat na Ang Pilipinas : Likas na Malikhain, ang sinimulan sa malaking titik? Tama ka! Ang Pilipinas Likas Malikhain Bakit sinimulan sa malalaking titik ang mga ito? Oo, ang mga ito ay mahahalagang salita. Ang Ang ay simula ng pamagat. Alin naman ang hindi sinimulan sa malaking titik? Ang na ay hindi isinulat sa malaking titik dahil hindi ito mahalagang salita. 2

B. Narito ang isa pang talata. Basahin at isulat ang paksang pangungusap. Ito ay maaring matagpuan sa una, sa gitna, o sa hulihang pangungusap. Isa sa mga tradisyon nating mga Pilipino ay ang kapistahan. Ang bawat lugar sa ating bansa ay may kapistahang ipinagdiriwang bilang pasasalamat sa kanilang patron. Isa pang kilalang tradisyon natin ay ang bayanihan. Ang bayanihan ay ang pagtutulungan ng mga tao para sa isang gawain. May mga kababayan pa rin tayong sumusunod sa ganitong tradisyon lalo na sa mga lalawigan. Ano ang paksang pangungusap? Piliin ang angkop na pamagat a. Tradisyon ng mga Pilipino b. Kapistahan ng mga Pilipino c. Ang Bayanihan d. Mga Kapistahan sa lalawigan Ang iyong sagot ba ay a? Tama ka! Sinimulan bang lahat sa malalaking titik ang bawat salita sa pamagat? Bakit hindi isinulat sa malalaking titik ang ng mga? C. Basahin mo pa ang kasunod na talata. Ang pamilyang Pilipino ay isang napakahalagang institusyon. Sa gitna ng maraming suliranin, dapat umiral ang pagmamahalan, pagkakaisa at pagtutulungan upang lalong tumibay ang pagsasamahan ng isa t isa. Ano mang problema ang dumating, kailangang mapanatiling buo at matatag ang pamilya. Bukod dito biyaya ng Diyos ang ating pamilya kaya t patuloy mong ingatan. Piliin mo nga sa ibaba ang angkop sa pamagat ng talata? a. Ang Pamilyang Pilipino b. Ang Pamilya c. Ang Problema sa Pamilya d. Biyaya ng Diyos ang Pamilya Tama ka! Ang pamilyang Pilipino ang angkop na pamagat ng talata. Lahat ba ng salita sa pamagat ay sinimulan sa malalaking titik? Kung ang iyong sagot ay oo, tama ka! 3

Isaisip Mo Sa pagbibigay ng pamagat ng isang talata, alamin mo muna ang paksangdiwa o paksang pangungusap. Ang mga ito ay nagbibigay ng ideya sa pagpili ng pamagat. Ang pangunahing diwa ang pinakabuod ng mga pangyayari sa talata o kuwento. Ang paksang pangungusap ang pinagtutuunan ng mga detalye upang mabuo ang pangunahing diwa ng talata o kuwento. Ginagamit ang malaking titik sa mahahalagang salita sa pamagat ng talata o kuwento. Ang unang salita sa pamagat ay sinimulan din sa malaking titik. Pagsanayan Mo A. Piliiin ang angkop na pamagat sa mga pagpipilian na kasunod ng bawat talata. 1. Ang niyog (cocos nucifera) ay may karaniwang taas na 6 na metro o higit pa. Natatangi sa lahat ng puno ang niyog sapagkat bawat bahagi nito ay maaari ring sangkap sa paggawa ng sabon, shampoo, at iba pa. a. ang niyog c. Ang mga Gamit ng Niyog b. Ang Niyog d. ang mga gamit ng Niyog 2. Ang Kawanihan ng Rentas Internas (Bureau of Internal Revenue) ay ang sangay ng pamahalaan na namamahala sa pangongolekta ng buwis ng mga mamamayang may hanapbuhay. Bawat manggagawang Pilipino ay may tungkuling magbayad ng kaukulang buwis. Ang buwis na ibinabayad ang siyang ginagamit na pondo ng pamahalaan sa pagpapaganda at pagpapaunlad ng ating bansa. a. Ang kawanihan ng Rentas Internas b. Ang Kawaniihan ng Rentas Internas c. Ang kawanihan ng internas rentas d. ang kawanihan ng internas rentas 4

B. Bigyan ng angkop na pamagat ang talata: 1. Si Lapulapu ang unang bayaning Pilipino. Nang matuklasan ni Magellan ang Pilipinas, gusto niyang kilalanin ng mga katutubo ang hari ng Espanya. Tinutulan ito ni Lapulapu at naganap ang digmaan sa pagitan ng mga Kastila at katutubo kung saan tinalo ni Lapulapu si Magellan at naging sanhi ng pagkasawi nito sa laban. 2. Si Melchora Aquino ay ipinanganak noong ika-6 ng Enero, 1821. Ang kanyang mga magulang ay sina Juan Aquino at Valentina Aquino. Noong kabataan niya ay madalas siyang maimbitahan sa kanilang parokya upang umawit lalung-lalo na sa mga araw ng pabasa. Hinirang rin siyang Reyna Elena ng Santakrusan. Kahit na walumpu t tatlong taon-gulang na si Tandang Sora, ito ay hindi naging hadlang sa kaniyang paglilingkod sa bayan. Lihim niyang tinulungan ang mga katipunerong maysakit at nagugutom. Ganito ba ang iyong sagot sa pagsasanay A? A. 1. b 2. b B. Maaari kang magkaroon ng sarili mong pamagat. Ang ibibigay mong pamagat ay maaaring ganito. 1. Lapu-lapu, Bayaning Pilipino 2. Tandang Sora : Ina ng mga Katipunero Subukin Mo Basahin mo ang talata sa ibaba. Isulat ang sagot sa sagutang papel. 1. Isa sa mga naging mahalagang personalidad sa People Power ay si Hilario G. Davide Jr. Siya ang punung-hukom ng Kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas. Siya rin ang nagtalaga kay dating Pangalawang Pangulo Gloria Macapagal-Arroyo bilang bagong Pangulo ng bansa. Nakamit rin niya ang Ramon Magsaysay Award para sa paglilingkod sa pamahalaan noong 2002, dahil sa kanyang mahusay na serbisyo. Ano ang angkop na pamagat ng talata? Isulat mo ito nang wasto. 5

2. Napakahalaga ng bitamina A sa ating katawan. Ito ang tumutulong upang lalong luminaw ang ating mata. Ang kakulangan sa bitaminang ito ay maaaring magdulot ng paglabo ng paningin. Ang mga pagkain na mayaman sa bitamina A ay atay (manok o baka) itlog, gatas, keso, mga luntian at dilaw na gulay at prutas. Ang angkop na pamagat ng talata ay 3. Ang kapistahan ng Our Lady of Peñafrancia ay ginaganap sa Naga City sa Bicol tuwing ikatlong Sabado ng buwan ng Setyembre. Pero ngayon ay ginaganap na rin ito sa buwan ng Mayo para sa mga hindi nakakadalo sa Setyembre. Bago ang mismong araw ng kapistahan, may siyam na araw na novena sa Birhen. Sa ikasiyam na araw, ibinabalik sa dambana ang imahen at idinadaan ito sa Ilog Naga sa paraang prusisyon ng mga bangka. Ang angkop na pamagat ng talata ay 4. Ipinagmamalaki naman sa bahagi ng Rehiyon IV ang Puerto Galera na matatagpuan sa Oriental Mindoro. May 130 kilometro ang layo nito mula sa bahaging Timog ng Maynila. Dinarayo ng mga turista ang mapuputing buhangin sa mga beaches nito. Gayundin, napakaganda ng mga corals at iba pang laman-dagat na makikita sa kailaliman ng mga katubigan. Ang angkop na pamagat ng talata ay 5. Si Pablo Planas ay isang dating tsuper at mekaniko. Siya ang nakaimbento ng Khaos Super Turbo Charger (KSTC) na isang tipid-gas na gamit para sa mga de-gasolinang sasakyan. Hindi siya nasilaw sa multi-milyong pisong alok ng bansang Amerika para lamang ibenta ang kanyang imbensyon. Ito ang nagpapatunay ng kanyang hangaring makatulong sa ating bayan. Ang angkop na pamagat ng talata ay Ganito ba ang iyong mga sagot? 1. Hilario G. Davide Jr, kilalang Punung-hukom 2. Bitamina A 3. Ang Kapistahan ng Our Lady 4. Sa Puerto Galera 5. Pablo Planas, isang Peñafrancia Nakapagbigay ka ba ng angkop na pamagat? Ipakita ang iyong sagot sa iyong guro. Mabilis ang iyong pagkatuto. Binabati kita! 6