Saligang Batas ng Migrante International

Similar documents
Mga Nalalapit na Pagbabago sa Santa Clara Family Health Plan Cal MediConnect Plan (Medicare-Medicaid Plan) 2018 na Listahan ng Gamot

Ika-13 Aralin IYONG KA- UGNAYAN SA IBA" ~ Kinakailangang ibigin, igalang at sundin natin sila.

HF Markets Ltd HOTFOREX PHILIPPINES CONTEST

I-reboot ang Iyong X1 TV Box

aklat biblia ang mga LECTIO DIVINA PARA SA AKING PAMILYANG MGA PAGPAPAHALAGA PARA SA AKING PAMILYANG MAY MAGANDANG UGALI CLARET PUBLISHING GROUP

LA COSTITUZIONE DELLA REPUBBLICA ITALIANA ANG KONSTITUSYON NG REPUBLIKA NG ITALYA

Impormasyon tungkol sa Pamumuhay sa Iba't-ibang Wika

POINTERS FOR REVIEW ARALING PANLIPUNAN - GRADE 1 Ikalawang Markahan

Tagalog NATIONAL STANDARDS. sa pagbabasa, pagsusulat at matematika. Gaano kahusay ang aking anak sa paaralan?

Orihinal na Epektibong Petsa: Pahina Enero 2006 Huling Petsa ng. Numero ng Patakaran (Policy Number)

Third Quarter 2018 Social Weather Survey: Pinoys maintain anti-chinese stance on West Philippine Sea issue

2010 Gabay sa Pagbibigay Kahulugan

SCFHP Cal MediConnect Plan (Medicare-Medicaid Plan) 2019 Listahan ng Matibay na Kagamitang Medikal (Listahan ng Durable Medical Equipment o DME)

ARALING PANLIPUNAN 10 MGA KONTEMPORARYONG ISYU

Ang 1987 Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas

Estado ng Alaska Kagawaran ng Mga Serbisyong Pang- Kalusugan at Panlipunan

Deklarasyon at Programa ng Pagkilos ng NDFP para sa mga Karapatan, Proteksyon at Kagalingan ng mga Bata

PART A. LINGGUHANG ISKEDYUL SA TRABAHO

Positibong Pagtatasa ng Pag-uugali at Pagpaplano sa mga Paaralan: Fact Sheet

PASIG CATHOLIC COLLEGE Grade School Department S.Y ARALING PANLIPUNAN 6 Ikatlong Markahan. Gawain Blg.1

Atlantic Health System

Santa Clara Valley Transportation Authority (VTA) Title VI

Form NLRB-707 (4-2015) Estados Unidos ng Amerika Lupon ng Pambansang Ugnayan ng Paggawa ABISO NG HALALAN

Kongreso ng Pilipinas Kalakhang Maynila

PATAKARAN AT PAMAMARAAN NG PAMAMAHALA NG DIGNITY HEALTH

LEGAL NETWORK FOR TRUTHFUL ELECTIONS. Mga impormasyon tungkol sa pagrerehistro ng botante Gabay sa pambansa at lokal na halalan para sa mayo 2016

GABAY SA PAG GAMIT NG ADMIN CONSOLE (ADMIN CONSOLE QUICK GUIDE)

Zangle Parent Connect Gabay sa Tagagamit. Paaralang Pampurok ng Anchorage

Pamagat ng Pag-aaral (o IRB Approval Number kung maaaring labagin ng pamagat ng pag-aaral ang privacy ng subject):

Hulyo 2016, Lat # Tagalog. Sistema ng proteksyon at pagtataguyod ng California Walang Bayad (800)

Ang Bagong Sistema ng mga Karapatang Pantao ng Ontario

LOMA LINDA UNIVERSITY BEHAVIORAL MEDICINE CENTER PATAKARAN SA PAGPAPATAKBO

Music. Talaan ng mga Gawain. (Unang Kwarter) Department of Education June 2016

NEWS. Kasalukuyan hanggang Dis. 31, Ene. 1, 2018 hanggang Dis. 31, Mga Kategorya ng Pinakamababang Sahod

RIVERSIDE TRANSIT AGENCY PAMAMARAAN SA IMBESTIGASYON NG REKLAMO NG TITLE VI

Ang Iyong Karapatan sa Medikal na Pagkapribado sa ilalim ng Batas Federal at ng California

ANG PAG-SETUP NG ISANG SISTEMA NG PAGBABAYAD NG SUWELDO

ADVENTIST MIDWEST HEALTH ANYONG PATAKARAN Kategorya Mga Serbisyo ng Pasyente sa Pinansiyal

Ang Kasaysayan at Araling Panlipunan sa K to 12 Curriculum. Lorina Y. Calingasan

Mga Pambuong Sistemang Administratibong Patakaran at Proseso ng The Queen s Health Systems

ARALING AKTIBISTA. Introduksyon sa Paninindigan, Pananaw, at Pamamaraan ng Marxismo-Leninismo-Maoismo

Mga katanungang madalas itanong(q&a) tungkol sa Electronic Notification System ng Kawanihan ng Imigrasyon

POINTERS FOR REVIEW ARALING PANLIPUNAN - GRADE 1 Ikatlong Markahan

SUUNTO GUIDING STAR PAG-IINGAT AT WARRANTY

Isang Guide para sa Naturalisasyon

Pondong Ipinagkatiwala para sa Inyong Anak (Your Child s Trust Fund) Mga Madalas na Katanungan

Minamahal na Pasyente at Pamilya:

Halimbawa ng talumpati tungkol sa edukasyon Elastrator self castration Explicit movies on amazon 2017 Fidio porno abg perawan indo yg dapat di tonton

Pamagat ng Polisiya: Pangangalagang Kawanggawa at Pinansyal na Tulong

Stake Audit Committee

Mga Account ng mga Pasyente/Daanan ng Pasyente MANUAL NG MGA PATAKARAN

Koleksiyon ng mga kailangan at

Pantay na Pagk ak ataon sa mga Ex tr acur r icular na Gawain par a sa mga Estudyanteng may K apansanan Mayo 2014, Paglalathala #CM45.

Mga Pananggalang na Pamamaraan Mga Karapatan ng Magulang

Paunawa ng mga Pamprotektang Hakbang sa Proseso Binago Oktubre 2016

Ang Makisig at Hangal na Hari

2018 Aplikasyon para sa Neighbourhood Small Grants

Holy Name Medical Center Patakaran Ukol sa Tulong Pampinansyal Epektibo Mula: 1/1/2016. Pahayag Ukol sa Patakaran

Kung mayroon kayong mga katanungan tungkol sa Paunawang ito, mangyaring makipagugnayan

I. LAYUNIN PATAKARAN. Pamagat: Patakaran sa Tulong Pinansyal. Patakaran Pamamaraan Alituntunin Iba pa: Saklaw: Sistema Departamento:

Kagawaran ng Pampublikong Kalusugan ng San Francisco (DPH) Kabuuang Pabatid ng HIPAA sa Karapatan ng Pagkapribado Epektibong Petsa: May 19, 2015

Ipinoproklama ng NDFP itong ANG. Deklarasyon at Programa ng Pagkilos ng NDFP para sa mga Karapatan, Proteksyon at Kagalingan ng mga Bata.

Financial Assistance Documents

Anchorage School District MAHALAGANG MGA KARAPATAN PARA SA MGA MAGULANG NA MAY KINALAMAN SA MGA SURVEY SA ESTUDYANTE

ULIRANG GURO SA FILIPINO 2017 NG KOMISYON SA WIKANG FILIPI

H E K A S I KABABAIHAN SA PANAHON NG IKATLONG REPUBLIKA SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools

Technology Responsible Use Guidelines (Mga Alituntunin sa Responsableng Paggamit ng Teknolohiya)

PETSANG MAY BISA: 01/01/2016 PETSA NANG NIREBISA: 06/27/2017. Financial Assistance Policy (Patakaran para sa Pinansiyal na Tulong)

GRADE VI GAMIT NG GRID

PATAKARAN SA PAG-UUGALI AT

GRADE V Mga Programa ng mga Pangulo matapos ang People Power 1

(Effective Alternative Secondary Education)

POINTERS FOR REVIEW ARALING PANLIPUNAN - GRADE 1 Unang Markahan

GRADE VI KONTRIBUSYON NG MGA PILIPINO SA MGA SAMAHANG PANREHIYON AT PANDAIGDIG

Hindi nilutas ng proklamasyon kay Gloria

Pamamatnubay na Palakad sa Paaralan para sa mga Magulang na Baguhan

Plano tungkol sa mga bata at tulong para sa pag-aalaga ng mga bata sa Yokohama (Pansamantalang Pangalan) Plano [Pansamantala]

Gender Policy para sa Pampamayana ng Radyo. Ika-8 ng Marso 2008

Unang Hakbang MGA INIAATAS NA KUWALIPIKASYON

Pang-aabusong Sekswal sa Kulungan: Isang Pandaigdigang Krisis sa Karapatang Pantao

ANG MISYON ANG AMING MGA KLIYENTE AY MGA TAONG MAY KAPINSALAAN

Inilabas ng MIGRANTE INTERNATIONAL Nobyembre Migrants Assistance Committee MANUAL

Third Quarter 2017 Social Weather Survey: Net satisfaction rating of the Duterte National Administration at "Very Good" +58

LOMA LINDA UNIVERSITY BEHAVIORAL MEDICINE CENTER PATAKARAN SA PAGPAPATAKBO

Sistema Administratibo

Sa mga magulang na babiyahe dala ang kanilang mga anak patungo sa ibang bansa Sa mga magulang na pabalik ng Japan dala ang kanilang mga anak

AMATS Title VI Walang Diskriminasyong Plano ng Pagpapatupad

PANGKALAHATANG ABISO SA PRIVACY NG PERSONAL NA IMPORMASYON NG EMPLEYADO

Violence Against Women and Children

Patakaran sa Proteksyon ng Whistleblower

Ota City Board of Education

Buod ng mga Benepisyo Anthem Blue Cross Cal MediConnect Plan (Medicare-Medicaid Plan)

Republic of the Philippines Department of Education DepEd Complex, Meralco Avenue Pasig City. K to 12 Curriculum Guide ARALING PANLIPUNAN.

Balita Mula sa Kumamoto Bar Association

Ang Sistema sa Kalusugan ng Johns Hopkins Patakaran at Pamamaraan

Dapat ninyong makumpleto ang form na ito ng pagpaparehistro nang hindi lalampas sa Martes, Hunyo 12, 2018, sa ganap na 5:00 PM, Pacific.

Patnubay para sa Dayuhang Manggagawa

Ang Gabay na ito ay inilikha ng No One is Illegal at ng Immigration Legal Committee at suportado ng African-Canadian Legal Clinic.

PANIMULA. Ang maging isang babae o lalaki ay isang mahalagang kaganapan para sa tao sa mundo.

Kodigo ng Asal at Etika sa Negosyo

Transcription:

Saligang Batas ng Migrante International Ipinagtibay ng ika-6 na Kongreso December 16, 2011 Claret Retreat House, Tandang Sora, Quezon City PAHAYAG NG PANININDIGAN Kaming bumubuo ng Migrante International ay naninindigan para a sa aming mga demokratikong karapatan at kagalingan at para sa tunay na kalayaan at demokrasya ng sambayanang Pilipino. Matinding pagsasamantala at kaapihan ang aming nararanasan sa pagtungo sa ibayong dagat upang maghanapbuhay. Kami ay puwersahang lumisan at iniwan ang aming pamilya dahil sa malalang kahirapan, pagsasamantala at panunupil na dulot ng panlipunang sistemang naglilingkod sa interes ng dayuhan at iilan. Sa pamamagitan ng labor export policy, ikinakalakal kami ng pamahalaang Pilipinas sa ibang bayan upang makalikom ng dambuhalang pondo para sa pambayad utang panlabas at depisit sa kalakalan; para mapigilan ang paghihimagsik ng mamamayan dahil sa kahirapan at kawalan ng hanapbuhay; at para matugunan ang pangangailangan sa mura at maamong lakas-paggawa ng kapitalistang sistema sa daigdig. Kami ay naninindigan na ang tanging solusyon sa malawakan at sapilitang migrasyon ay nasa pagbibigaywakas sa mga pundamental na suliranin ng lipunang Pilipino. Ang sektor ng migrante ay bahagi ng sambayanang Pilipinong inaapi at pinagsasamantalahan ng mga naghaharing-uri sa ating bansa. Kaya kami ay nakikibaka laban sa lahat ng porma ng pang-aapi, pagsasamantala at panunupil. Binubuklod namin ang aming hanay sa isang makabayang alyansa, ang Migrante International, para maipaglaban at maipagtanggol ang aming demokratikong karapatan at kagalingan, at lumahok sa pakikibaka ng sambayanang Pilipino para sa tunay na kalayaan at demokrasya. Nakikiisa kami sa pakikibaka ng mga migrante ng iba t-ibang nasyunalidad na nagsusulong ng kanilang karapatan at kagalingan, gayundin sa mga pakikibaka ng mga mamamayan at mga nasyon laban sa imperyalismo na sumisikil sa tunay nilang kasarinlan, kalayaan at demokrasya. ARTIKULO I PANGALAN AT TANGGAPAN Seksyon 1. Ang alyansang ito ay tatawaging Migrante International (Migrante). Seksyon 2. Ang Punong Tanggapan ng Migrante ay sa Metro Manila, Philippines. Seksyon 3. Ang opisyal na sagisag ng Migrante ay isang globo na may larawan ng mga migranteng nagpapakita ng paglaban. Ang mga migrante ay binibigkis ng pulang tela bilang simbolo ng sama-sama at militanteng pagkilos. Sa ilalim ng larawan ang salitang MIGRANTE INTERNATIONAL na nakasulat sa bughaw at pula.

ARTIKULO II DEPINISYON NG MGA TERMINO 1. Sektor ng migrante: Binubuo ng overseas Filipinos (OFWs, immigrants, political refugees, naturalized citizens), returned OFWs, at kanilang mga pamilya. 2. Alyansa: Binubuo ito pangunahin ng mga organisasyon, pederasyon, samahan. Kasama rin dito ang mga indibidwal na nagbubuklod para sa layunin ng Migrante International. 3. Sapilitang migrasyon: Ang malawakang pagluwas sa ibang bansa tulak ng mga kadahilanang pangkabuhayan at/o pulitikal. 4. LEP - Labor Export Policy 5. Migrante - Migrante International 6. Pandaigdigang Konseho PK o Global Council (GC) 7. Komiteng Tagapagpaganap KT o Executive Committee (EC) ARTIKULO III MGA LAYUNIN Ang Migrante ay itinatag para isulong ang karapatan at kagalingan ng sektor ng migrante at kasabay na lumalahok sa pakikibaka ng sambayanang Pilipino para sa tunay na kalayaan at demokrasya. Sa partikular, ang layunin ng Migrante ay: Seksyon 1. Pukawin, organisahin at mobilisahin ang sektor ng migrante para ipaglaban ang kanilang karapatan at kagalingan at lumahok sa makabayang kilusang pagbabago sa Pilipinas. Seksyon2. Makipagkaisa sa iba pang sektor/organisasyon/indibidwal sa loob ng bansa na naghahangad ng at nakikibaka para sa pambansa demokratikong adhikain ng sambayanang Pilipino. Seksyon3. Pahigpitin at palakasin ang pakikipagkaisa sa mga mamamayan ng iba t-ibang lahi, lalo na sa mga organisasyon ng mga migrante at manggagawa, na nakikibaka din laban sa pang-aapi at pagsasamantala. ARTIKULO IV KATANGIAN Seksyon 1. Ang Migrante ay isang pandaigdigang alyansa na progresibo at patriyotiko. Ito ay binubuo ng iba t ibang organisasyon, at pederasyon ng mga migranteng Pilipino. Sa loob nito ay may mga organisasyon at pormasyong bitbit din ang pangalan ng Migrante. Seksyon 2. Ang MI ay pinapatnubayan ng sumusunod na pang-organisasyong prinsipyo: a. Kalayaan at inisyatiba ng bawat kasaping organisasyon; b. Mutwal (mutual) na suporta at proteksyon; c. Mutwal na pakinabang at kooperasyon; at d. Pagpapasya sa pamamagitan ng consensus bilang pinakamataas na antas ng kaisahan sa pagpapasya. Sa kalagayan o pagkakataong hindi ito maabot, ang desisyon ng mayorya (50 percent + one) ang siyang masusunod o iiral. Igagalang ng minorya ang desisyon ng mayorya at di nito maaring ipawalang-bisa (veto) ang desisyong napagkaisahan ng mayorya. Seksyon 3. Ang Migrante ay tumatayo bilang sentro ng militanteng kilusan ng sektor ng migrante na pangunahing sumasandig sa lakas at pagkakaisa ng batayang masa at nagtataguyod at nangangalaga sa mga karapatan at kagalingan ng sektor tungo sa tunay na kalayaan at demokrasya.

ARTIKULO V KASAPIAN Seksyon 1. Ang anumang organisasyon o pormasyon, land-based o sea-based, o sa ilang mga kaso ay prominenteng indibidwal mula sa sektor ng migrante na sumasang-ayon sa Saligang Batas at Programa ng Migrante ay maaring sumapi. Seksyon 2. Maaaring maging kasapi ang mga natatanging indibidwal na naninindigan sa at nagtataguyod ng mga batayang prinsipyo, saligang batas at handang kumilos alinsunod sa programa ng Migrante. Sila ay kikilalanin bilang mga associate member na may tungkulin at karapatan tulad ng kasaping organisasyon ng Migrante maliban sa karapatang bumoto at mahalal. Sinumang kasaping organisasyon o ang KT ang maaaring magrekomenda sa kanila bilang indibidwal na kasapi. Ang kanilang pagiging kasapi ay sasangayunan ng PK. Seksyon 3. Para sumapi, ang pormasyon o indibidwal ay kailangang magsumite ng aplikasyon sa Migrante sa pamamagitan ng alinmang kasaping organisasyon nito o sa sinumang kasapi ng PK. Ang sinumang nagsumite ng aplikasyon ay kinakailangang may rekomendasyon mula sa dalawang (2) kasaping organisasyon na may mabuting katayuan. Seksyon 4. Ang pinal na desisyon hinggil sa pagsapi sa Migrante ay igagawad ng PK matapos na makumpleto ang lahat ng proseso sa pagsapi at pagtitibayin ito ng Kongreso. ARTIKULO VI MGA KARAPATAN AT TUNGKULIN NG MGA KASAPI Seksyon 1. Ang bawat kasaping organisasyon ay may sumusunod na karapatan: a. Dumalo sa Kongreso at iba pang ispesyal na pulong ng Migrante; b. Maghalal at mahalal ang kinatawan ng organisasyon; c. Lumahok sa pagsagawa ng desisyon at plano ng Migrante; d. Maghapag ng katanungan, puna o mungkahi sa anumang kapulungan ng Migrante; e. Maghapag ng opisyal na reklamo at mag-apila; f. Humingi ng tulong sa Migrante o sa kasaping organisasyon nito hinggil sa mga isyu, problema, at/o gawaing kinakaharap ng organisasyon; g. Magsumite ng reklamo laban sa isang kasaping organisasyon. h. Tumiwalag sa Migrante. Seksyon 2. Ang bawat kasaping organisasyon ay may sumusunod na tungkulin: a. Tupdin, itaguyod at palaganapin ang mga batayang prinsipyo, programa at plano ng Migrante; b. Magrekluta at magrekomenda ng iba pang organisasyon. c. Magpalitaw ng pinansyal at materyal na suporta para sa Migrante. Seksyon 3. Tungkulin ng bawat kasaping organisasyon ang magbayad ng membership fee at butaw. a. Ang membership fee para sa bagong miyembro ay US$100.00 b. Ang taunang butaw ay US$50 c. Para sa chapters na may katangian na alyansa, ang taunang butaw ay 30% ng kabuuang makokolekta mula sa butaw ng mga kasaping organisasyon ng chapter. Seksyon 4. Ang mga indibidwal na kasapi ay may parehong tungkulin at karapatan maliban sa bumoto at mahalal. Sila ay magbabayad ng US$50 bilang membership fee at taunang butaw na US$25. Para sa mga indibidwal na kasapi sa loob ng bansa, ang membership fee ay P500 at ang taunang butaw ay P500 din.

ARTIKULO VII PANDAIGDIGANG KONGRESO Seksyon 1.Komposisyon: Ang Kongreso ang pinakamataas na organo ng MI. Ito ay binubuo ng mga kasaping organisasyon, pederasyon at indibidwal. Ang pulong nito ay gaganapin tuwing ikatatlong taon. Ang mayorya ng kasapian ng Migrante o PK ay maaaring magpatawag ng espesyal na sesyon ng Kongreso kung kinakailangan. Seksyon 2. Ang tungkulin ng Kongreso ay ang mga sumusunod: a. Pagtibayin, susugan o baguhin ang Saligang Batas ng Migrante; b. Maglatag ng pangkalahatang direksyon, programa at patakaran ng Migrante para sa tatlong (3) taon at magrepaso ng mga ito; c. Tanggapin, pagtibayin, susugan o ganap na baguhin ang ulat ng PK at KT; d. Ihalal ang mga opisyales ng Migrante alinsunod sa Saligang Batas at Alituntunin ng Migrante; e. Pagtibayin ang mga kinatawan ng bawat pandaigdigang rehiyon alinsunod sa Saligang Batas at Alituntunin ng Migrante; f. Pagtibayin ang pagtanggap ng mga bagong kasaping organisasyon, pederasyon at indibidwal. Seksyon 3. Pulong. Ang Pandaigdigang Kongreso ay regular na magtitipon minsan sa tatlong taon. Maaring tumawag ang PK ng espesyal na pulong ng Kongreso kung kinakailangan o batay sa petisyon ng mayorya ng kasaping organisasyon ng Migrante. Seksyon 4. Anunsiyo. Ang patalastas sa pagdaraos ng Kongreso ng buong Migrante ay dapat makarating sa bawat kasapi nang hindi kukulangin sa isang buwan bago ang mungkahing petsa ng pagdaraos. Dapat lamanin ng patalastas ang adyenda ng Pandaigdigang Kongreso at ang tiyak na bilang ng delegadong dadalo mula sa mga kasaping organisasyon, pederasyon at indibidwal. ARTIKULO VIII PANDAIGDIGANG KONSEHO Seksyon 1. Ang PK ang tatayong pinakamataas na organo ng MI sa pagitan ng Kongreso. Seksyon 2. Komposisyon: Ang PK ay binubuo ng mga sumusunod: a. KT, b. Isang kinatawan sa bawat pandaigdigang rehiyon Seksyon 3. Proseso ng Paghalal Ang mga kagawad ng PK ay ihahalal alinsunod sa sumusunod na paraan: a. Ihahalal ng lahat ng bumobotong delegado sa Kongreso ang Tagapangulo, Ikalawang Tagapangulo, Pangkalahatang Kalihim, at Ingat-Yaman. b. Ihahalal ng mga kasaping organisasyon sa kaukulang rehiyon na dumalo sa Kongreso ang kanilang kinatawan para sa PK. Seksyon 4. Tungkulin.

Ang mga tungkulin ng PK ay ang mga sumusunod: a. Ipatupad ang pangkalahatang programa ng pagkilos at patakaran na pinagtibay ng Kongreso; b. Gumawa ng taunang programa batay sa pangkalahatang programa ng MI sa pagitan ng pulong ng Kongreso; c. Aprubahan ang taunang ulat ng KT; d. Magpatawag ng espesyal na sesyon ng Kongreso kung kinakailangan; at e. Tumanggap ng aplikasyon ng pagsapi ng mga bagong organisasyon, pederasyon at indibidwal. f. Tupdin ang anumang atas ng Kongreso. Seksyon 4. Ang Pandaigdigang Konseho ay magpupulong bawat taon. Maaaring magpatawag ng espesyal na pulong ng Pandaigdigang Konseho ang Komiteng Tagapagpaganap kung kinakailangan. Seksyon 5. Termino ng panunungkulan at mga bakante: a. Ang lahat ng kagawad ng PK ay manunungkulan hanggang sa susunod na eleksyon. Kung may bakante, ang lahat ng kagawad ng PK na kinatawan ng mga rehiyon ang pipili sa hanay nila nang pupuno sa pusisyon. b. Kung may bakante sa KT, ito ay pupunuan ng PK mula sa kanilang hanay. ARTIKULO IX KOMITENG TAGAPAGPAGANAP Seksyon 1. Ang KT ang tumatayong pamunuan ng Migrante sa pagitan ng pulong ng PK at Kongreso. Seksyon 2. Komposisyon. Ang KT na inihahalal ng Kongreso ay binubuo ng Tagapangulo, Pangalawang Tagapangulo, Pangkalahatang Kalihim, at Ingat-Yaman. Seksyon 3. Tungkulin at Kapangyarihan. Ang mga tungkulin at kapangyarihan nito ay sumusunod: a. Pangasiwaan ang pang-araw-araw na gawain ng Migrante; b. Magbuo ng Kalihiman at ng mga komite nito, batay sa pangangailangan ng Migrante; c. Ipatupad ang pangkalahatang program ng Migrante; d. Makipag-ugnayan sa iba t ibang organisasyon ng migrante at ng kanilang pamilya sa loob at labas ng bansa; e. Tanggapin ang aplikasyon ng bagong kasapi; at f. Makipag-ugnayan at makipagkaisa sa mga progresibo at makabayang organisasyon ng iba t ibang sektor ng lipunang Pilipino sa pagsusulong ng karapatan at kagalingan ng migranteng Pilipino at ng sambayanan; g. Makipag-ugnayan at makipagkaisa sa mga mamamayan sa ibang bansa batay sa prinsipyo ng internasyunalismo at naaayon sa programa t patakaran ng Migrante. h. Aprubahan ang badyet para sa pagsasakatuparan ng mga programa nito. i. Magbalangkas ng partikular na pusisyon sa mga isyu nang hindi sumasalungat sa mga prinsipyo, tuntunin at pangkalahatang programa ng MI. Seksyon 4. Pulong. Ang regular na pulong ng KT ay idaraos minsan bawat tatlong (3) buwan, sa petsa at lugar na itatakda matapos ang bawat pulong.

Maaring magpatawag ng espesyal na pulong batay sa pangangailangan. Seksyon 5. Tungkulin ng Tagapangulo. Ang mga tungkulin ng Tagapangulo ay ang mga sumusunod: a. Pangunahing kumatawan sa Migrante sa mga ugnayang panlabas o gawaing pampubliko. b. Mamuno sa mga pulong ng Kongreso, PK at KT. c. Maging pangunahing tagapagsalita ng Migrante. d. Kasama ang Pangkalahatang Kalihim, ang pangunahing pipirma sa mga ligal na dokumento at upisyal na transaksyon ng Migrante. e. Tumupad sa iba pang tungkulin o gawaing iniatas ng PK o ng KT. Seksyon 6. Tungkulin ng Pangalawang Tagapangulo. Ang mga tungkulin ng Pambansang Pangalawang Tagapangulo ay ang mga sumusunod: a. Gumampan ng mga tungkulin ng Tagapangulo sa panahong hindi kayang gumampan ng Tagapangulo o mabakante ang pusisyon ng Tagapangulo sa anumang kadahilanan at hanggat hindi pa napipili ng PK ang papalit; b. Panatilihin at paunlarin ang pagkakaisa at pakikipag-ugnayan sa mga kasaping sektoral at pangrehiyong organisasyon. c. Tumupad sa iba pang tungkulin o gawaing iniatas ng PK o ng KT. Seksyon 7. Tungkulin ng Pangkalahatang Kalihim. Ang tungkulin ng pangkalahatang kalihim ay ang mga sumusunod: a. Pamunuan ang Kalihiman; b. Tumindig na kinatawan ng Alyansa; c. Gumawa ng ulat at rekomendasyon kaugnay sa mga gawain ng Kalihiman na bubuuin ng KT; d. Kasama ang Taga-Pangulo, pipirma sa mga ligal na dokumento at upisyal na transaksyon ng Migrante. e. Tumupad sa iba pang tungkuling iniatas ng PK at ng KT. Seksyon 8. Tungkulin ng Ingat-Yaman. Ang mga tungkulin ng ingat yaman ay ang mga sumusunod: a. Mangasiwa at mangalaga sa lahat ng pondo ng Migrante at sa paggamit nito ayon sa badyet na pinagtibay ng KT. b. Ipatupad ang mga alituntunin at patakaran kaugnay sa pinansya. c. Regular na mag-ulat sa KT at Kongreso tungkol sa katayuang pampinansya ng Migrante at sa lahat ng transaksyong pampinansya. d. Tumupad sa iba pang tungkuling iniatas ng PK at ng KT. ARTIKULO XI PAGPAPATALSIK Seksyon 1. Ang mga kasaping organisasyon ay may mga karapatang magharap ng motion for impeachment sa sinumang mahalal na opisyal ng Migrante sa makatwirang dahilan. Maaaring itiwalag ang halal na opisyal batay sa alinmang mga sumusunod na kadahilanan: a. Tuwirang paglabag sa Saligang Batas at programa ng Migrante. b. Misrepresentasyon; c. Pangungurakot;

d. Pang-aabuso sa pusisyon; at e. Pagkasangkot sa kriminal na gawain. Seksyon 2. Ang proseso ng pagpapatalsik ay ang sumusunod: a. Pagsampa ng nakasulat na pormal na reklamo; b. Ang PK ay magbubuo ng Komiteng Tagapagsiyas at para imbestigahan at magrekomenda ng aksyong pagpapatalsik sa PK; c. Ang PK ang magpapataw ng pagpapatalsik batay sa mayoryang desisyon nito. d. Ang opisyal na pinatawan ng pagpapatalsik ay maaaring umapila sa Kongreso. Habang nakaapila sa Kongreso, ang pag-alis sa katungkulan ay dapat ipinatutupad. ARTIKULO XII KORUM Seksyon 1. Ang korum sa Kongreso ay bubuuin ng simpleng mayorya ng kabuuang kasapian ng Migrante. Seksyon 2. Kung walang korum, idedeklara ng mga dumalong kasapi na ang pagtitipon ay isang ispesyal na pulong na lamang. Seksyon 3. Ang korum sa pulong ng PK ay simpleng mayorya ng mga kagawad nito. Seksyon 4. Proxy Votes: a. Kikilalanin ang proxy votes ng sinumang kasaping organisasyon kung may nakasulat na awtorisasyon ng kasaping organisasyon sa sinumang inatasan nitong dalhin ang kanilang boto. b. Ang bibigyan lamang ng proxy votes ay sinumang organisasyon nasa mabuting katayuan o sinumang nasa PK. c. Kailangang maaprubahan muna ang aplikasyon para sa proxy votes ng KT at/o ng PK. d. Dapat naipadala at naaproba ang proxy votes bago ang eleksyon. ARTIKULO XIII PAGTIWALAG AT DISIPLINANG PANG-ORGANISASYON Ang aksyong pandisiplina ay igagawad sa kasaping organisasyon o indibidwal na lumabag sa Saligang Batas ng Migrante. Seksyon 1. Alinmang kasaping organisasyon o indibidwal ay maaaring magbitiw sa Migrante. Kailangang magpaabot ng pormal na sulat sa KT o sa PK ng intensyon ng pagbibitiw. Seksyon 2. Ang sinumang kasaping organisasyon o indibidwal na lumabag sa Saligang Batas ng Migrante ay papatawan ng aksyong pandisiplina. Seksyon 3. Ang mga aksyong pandisiplina ay batay sa bigat ng paglabag. Ito ay ayon sa sumusunod na porma: babala, mahigpit na babala, suspensyon, at pagtiwalag sa Migrante. Ang mga batayan sa aksyong pandisiplina ay ang mga sumusunod: a. Misrepresentasyon ng Migrante; b. Paksyunalismo. c. Tuwirang paglabag sa Saligang Batas at programa ng Migrante. d. Pangungurakot; at e. Pagkasangkot sa kriminal na gawain.

Seksyon 4. Ang proseso ng pagpataw ng disiplina ay ang sumusunod: e. Pagtanggap ng pormal na reklamo; f. Ang KT ay magbuuo ng Komiteng Tagapagsiyasat para imbestigahan at magrekomenda ng aksyong pandisiplina, kung mayroon man, sa PK; g. Ang PK ang magpapataw ng aksyong pandisiplina batay sa mayoryang desisyon nito. h. Ang kasaping organisasyon na pinatawan ng aksyong pandisiplina ay maaaring umapila sa Kongreso. Habang nakaapila sa Kongreso, ang aksyong pandisiplina ay dapat ipinatutupad. ARTIKULO XIV AMYENDA Seksyon 1. Maaaring magharap ng amyenda sa Saligang Batas ng Migrante ang alin mang kasaping organisasyon, pederasyon at indibidwal na kasapi. Ito ay dapat ipaabot sa KT nang hindi bababa sa dalawang buwan bago mag-kongreso. Seksyon 2. Ang amyenda sa Saligang Batas ay pagtitibayin sa Kongreso ng dalawang katlo (2/3) ng buong kasapian. ARTIKULOI XV BISA Seksyon 1. Ang Saligang Batas ay kagyat na magkakabisa matapos pagtibayin ng lahat ng delegado ng Kongreso.