DEPED COPY. S i n i n g. Kagamitan ng Mag-aaral

Similar documents
Music. Talaan ng mga Gawain. (Unang Kwarter) Department of Education June 2016

Republic of the Philippines Department of Education Negros Island Region DIVISION OF SILAY CITY City of Silay

GRADE VI GAMIT NG GRID

Mother Tongue-Based Multilingual Education. Sinugbuanong Binisaya Yunit 1

Zangle Parent Connect Gabay sa Tagagamit. Paaralang Pampurok ng Anchorage

Ika-13 Aralin IYONG KA- UGNAYAN SA IBA" ~ Kinakailangang ibigin, igalang at sundin natin sila.

Tagalog NATIONAL STANDARDS. sa pagbabasa, pagsusulat at matematika. Gaano kahusay ang aking anak sa paaralan?

Music, Art, Physical Education and Health

Halimbawa ng talumpati tungkol sa edukasyon Elastrator self castration Explicit movies on amazon 2017 Fidio porno abg perawan indo yg dapat di tonton

Ang aklat na ito ay inilimbag ng WWF-Philippines para sa proyekto ng Coral Triangle Support Partnership sa tulong ng USAID.

SUUNTO GUIDING STAR PAG-IINGAT AT WARRANTY

GABAY SA PAG GAMIT NG ADMIN CONSOLE (ADMIN CONSOLE QUICK GUIDE)

UNANG SEMESTRENG SILABUS SA FILIPINO PAGBASA AT PAGSUURI NG IBA T-IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK

H E K A S I KABABAIHAN SA PANAHON NG IKATLONG REPUBLIKA SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools

H E K A S I NORTH ARROW COMPASS ROSE LOKASYON NG PILIPINAS SELF INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools

Impormasyon tungkol sa Pamumuhay sa Iba't-ibang Wika

K to 12 BASIC EDUCATION CURRICULUM SENIOR HIGH SCHOOL APPLIED TRACK SUBJECT

Mga Nalalapit na Pagbabago sa Santa Clara Family Health Plan Cal MediConnect Plan (Medicare-Medicaid Plan) 2018 na Listahan ng Gamot

H E K A S I EDUKASYON: SAAN PATUTUNGO SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools

Sibika Baitang 2 Ikatlong Markahan

SCFHP Cal MediConnect Plan (Medicare-Medicaid Plan) 2019 Listahan ng Matibay na Kagamitang Medikal (Listahan ng Durable Medical Equipment o DME)

2010 Gabay sa Pagbibigay Kahulugan

I-reboot ang Iyong X1 TV Box

Ang Makisig at Hangal na Hari

E P P MGA HAKBANG SA PAGGAWA NG COMPOST/BASKET COMPOSTING SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS

Tungkol Saan ang Modyul na ito?

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Paksa: Mga Tayutay. Akdang Babasahin: Ang Pintor ni Gerry Gracio. Inihanda ni:

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Ano-ano Ang Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

Oops... Ingat sa Lansangan

Ika-14 na Aralin. Pag-aralan ayon sa mga tuntunin nasa pasimula ng unang aralin. 1. Ang Cristiano ba ang may-ari ng kanyang sariling buhay?

EDUKASYON SA PAGPAPAHALAGA I

Pagsasanay ng mga guro sa programa ng K to 12 Baitang 8

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

DLA in EPP/ Computer 6 Third Quarter

Nutri-bingo! Gabay para sa game master o facilitators. Ano ang nutri-bingo?

Pamagat ng Pag-aaral (o IRB Approval Number kung maaaring labagin ng pamagat ng pag-aaral ang privacy ng subject):

Chapter 6 Tagalog Verbs

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Third Quarter 2018 Social Weather Survey: Pinoys maintain anti-chinese stance on West Philippine Sea issue

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Technology Responsible Use Guidelines (Mga Alituntunin sa Responsableng Paggamit ng Teknolohiya)

Pagsasanay sa Filipino

Kapag Ang Mga Bata Ay Nagsasalita Ng Higit Sa Isang Wika

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan

H E K A S I BUWIS, KABALIKAT NG BANSA SA KAUNLARAN SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS

Ako at ang Ating Watawat

Mother Tongue-Based Multilingual Education. Sinugbuanong Binisaya Yunit

H E K A S I MAGKATULAD NA PAGPAPAHALAGA: BATAYAN NG PAMBANSANG PAGKAKAISA SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS

PART A. LINGGUHANG ISKEDYUL SA TRABAHO

Araling Panlipunan. Patnubay ng Guro. Tagalog

Ang Pangprobinsiyang Kard ng Ulat (Report Card) ng Manitoba. Impormasyon para sa. Mga Magulang

Edukasyon Pantahanan at Pangkabuhayan ICT

Republic of the Philippines Department of Education DepEd Complex, Meralco Avenue Pasig City. K to 12 Curriculum Guide ARALING PANLIPUNAN.

ROBERT B. POLLOCK ELEMENTARY SCHOOL 2875 Welsh Road Philadelphia, PA

Ang Kasaysayan at Araling Panlipunan sa K to 12 Curriculum. Lorina Y. Calingasan

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

POINTERS FOR REVIEW ARALING PANLIPUNAN - GRADE 1 Unang Markahan

POINTERS FOR REVIEW ARALING PANLIPUNAN - GRADE 1 Ikalawang Markahan

MODYUL SA PAGKATUTO. Pangkalahatang Ideya

PANIMULA. Ang maging isang babae o lalaki ay isang mahalagang kaganapan para sa tao sa mundo.

EPEKTO SA PAGGAMIT NG SOCIAL NETWORKING SITE SA PAGKATUTO NG ASIGNATURANG FILIPINO. by: Laurince Pantaleon

aklat biblia ang mga LECTIO DIVINA PARA SA AKING PAMILYANG MGA PAGPAPAHALAGA PARA SA AKING PAMILYANG MAY MAGANDANG UGALI CLARET PUBLISHING GROUP

Ang Karapatan Ng Mga Bingi Na Lumaking Bilingwal

GRADE IV REHIYON VI KANLURANG VISAYAS

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

International Correspondence Institute PHILIPPINE NATIONAL OFFICE P.O. Box 1084, Manila. Unang Aralin hanggang 3

ARALING PANLIPUNAN 10 ISYU AT HAMONG PANLIPUNAN

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

H E K A S I EDUKASYON SA PANAHON NG EDSA REVOLUTION HANGGAN SA KASALUKUYAN SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

H E K A S I EDUKASYON NG MGA UNANG PILIPINO, NAIIBA BA? SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools

TAGALOG. PATNUBAY SA PAG AARAl NG. «an

Mahal na Punong Guro, Guro o Kasama sa Trabaho

1. Ano ang teknolohiyang pantulong (assistive technology) sa espesyal na edukasyon?

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

E P P TALAAN NG GASTOS AT KINITA SA PAGHAHALAMANG ORNAMENTAL SELF INSTRUCTIONAL MATERIALS

Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga konsepto sa pananagutang pansarili, pamilya,

Edukasyon sa Pagpapakatao

From left, Dingdong Dantes, Jennylyn Mercado, Dennis Trillo, Lovi Poe, Alden Richards and Betong Sumaya.

H E K A S I PAMAMAHALA NG MGA UNANG PILIPINO SELF INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Edukasyon sa Pagpapakatao

Ota City Board of Education

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

TAGALOG Online na Buklet ng Impormasyon ng Magulang Smarter Balanced Assessments at Hawai i State Science Assessments

Araling Panlipunan. Kagamitan ng Mag-aaral. Tagalog

Department of Education Region VI Western Visayas DIVISION OF LA CARLOTA CITY City of La Carlota ---ooo---

Ano-ano ang ipinakikita ng mga ito? Ganito pa rin ba namumuhay ang mga Pilipino? Ngayon?

MAY KAAGAPAY KA NA BA?

Education for Better Work. (Edukasyon para sa Mas Magandang Trabaho) SELF-RELIANCE

H E K A S I PAGBABAGO SA PANAHANAN SA PANAHON NG ESPANYOL SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools

H E K A S I MGA BATAS SA PAGPAPAUNLAD NG ATING KULTURA SELF INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools

Pondong Ipinagkatiwala para sa Inyong Anak (Your Child s Trust Fund) Mga Madalas na Katanungan

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Transcription:

4 S i n i n g Kagamitan ng Mag-aaral Ang aklat na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga edukador mula sa mga publiko at pribadong paaralan, kolehiyo, at / o unibersidad. Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa action@deped.gov.ph. Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi. Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas

Musika at Sining Ikaapat na Baitang Kagamitan ng Mag-aaral Unang Edisyon 2015 ISBN: Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas Pambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang nasabing akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng bayad na royalty bilang kondisyon. Ang mga akda / materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula at iba pa) na ginamit sa aklat na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagtibay sa isang kasunduan ng Kagawaran ng Edukasyon at Filipinas Copyright Licensing Society (FILCOLS) Inc. na ang FILCOLS ang kumakatawan sa paghiling ng pahintulot sa nagmamay-ari ng mga akdang hiniram at ginamit dito. Hindi inaangkin ni kinakatawan ng tagapaglathala (publisher) at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Br. Armin Luistro FSC Pangalawang Kalihim: Dina S. Ocampo, PhD Direktor IV: Marilyn D. Dimaano, EdD Direktor III: Marilette R. Almayda, PhD Mga Bumuo ng Kagamitan ng Mag-aaral Musika Pangunahing Tagapangasiwa: Maria Blesseda Alfonso Cahapay Consultant: Myrna T. Parakikay Mga Tagasuri Ng Nilalaman: Jocelyn T. Guadalupe, Dolores T. Andres Mga Manunulat: Maria Elena D. Digo, Fe V. Enguero, Ma. Teresa P. Borbor, Amelia M. Ilagan, Josepina D. Villareal, Mary Grace V. Cinco, Josephine Chonie M. Obseñares, Chita E. Mendoza, at Victorina E. Mariano Transcriber: Arthur M. Julian Gumuhit ng Larawan: Hadji Miguelito S. Mendoza, Arthur M. Julian, Jason O. Villena Tagatala: Richilo L. Laceda Naglayout: Mary Grace Ann G. Cadisal Sining Pangunahing Tagapangasiwa: Marilou Gerero-Vispo Consultant: Charo Defeo-Baquial Mga Tagasuri ng Nilalaman: Juan Gepullano; Rosel Valenzuela Mga Manunulat: Cynthia Montañez; Ma. Teresa Caringal; Adulfo Amit; Benjamin Castro; Emily Maninang; Joan D. Sandoval Mga Tagasuri ng Wika: Paolo-Ven Paculan; Erickson Gutierrez Mga Gumuhit ng Larawan: Michael Villadolid; Jason O. Villena Mga Naglayout: Algievoi Omaña; Jerby S. Mariano Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education Instructional Materials Council Secretariat (DepEd IMCS) Office Address : 5th Floor Mabini Bldg. DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City Philippines 1600 Telefax : (02) 634 1054 or 634 1072 E mail Address : imcsetd@yahoo.com ii

Paunang Salita Ang Kagamitan ng Mag-aral na ito sa Musika at Sining ay inihanda upang malinang sa mga mag-aaral ang kanilang mga natatanging kakayahan sa masining na pamamaraan. Hangad ng mga may-akda ng aklat na ito na lubusang mapalaganap sa mga mag-aaral ang kamalayan sa iba t ibang uri ng sining. Kung kaya t ang mga gawaing nakapaloob dito ay isinulat sa payak at natural na pamamaraan upang mas maunawaan at mas maging makabuluhan ang pagkatuto sa bawat elemento ng Musika at Sining. Ang mga itinakdang gawain na pawang kawili-wili ay makapagbibigaylaya sa mga mag-aaral na makapag-isip at makalikha ng sariling awitin at tugtugin sa Musika, gayundin ng mga disenyo o visual art sa Sining, na magdudulot ng saya at kaganapan sa bawat aralin. Ang mataas na antas ng pagkatuto sa Musika at Sining, batay sa maraming pagsasaliksik, ay nagpapatunay na magdudulot sa mga mag-aaral upang magkaroon ng: mapanuri at replektibong pag-iisip; mas pinahusay na konsentrasyon at mas mahabang attention span; mas pinahusay na memorya at pagpapanatili ng mga natutuhan; at mas pinahusay na pakikisalamuha at pakikipag-ugnayan sa kapwa, at kakayahang makapagsagawa ng mga gawain kasama ang iba. Ang makabuluhang paggamit sa aklat na ito ay magsisilbing tulong upang maiangat ang antas ng pagkawili o interes at inspirasyon sa pag-aaral ng Musika at Sining, na makatutulong sa adhikain ng K to 12 Basic Education Program tungo sa paghubog ng kabuuang pagkatao ng isang indibidwal. iii

Yunit 4 3D at Iskultura Aralin 1: Disenyo sa Tela... 238 Aralin 2: Disenyo sa Tela... 241 Aralin 3: Disenyo sa Tela... 245 Aralin 4: Pagbibigay ng Kahulugan sa Disenyo, Kulay at Anyo na Ginamit sa Likhang-Sining... 249 Aralin 5: Tradisyon ng Paglalala sa Pilipinas... 253 Aralin 6: Disenyo ng Banig... 256 Aralin 7: Paglalala na may Iba t Ibang Disenyo... 260 Aralin 8: Paglalala ng Banig... 263 Glossary... 267 Appendix... 274 Bibliography... 276 vii

SINING 141

YUNIT IV 3D at ISKULTURA 237

YUNIT 4 : 3D at Iskultura Aralin Bilang 1 : Disenyo sa Tela Ang kulay ay napapansin kahit saan sa ating kapaligiran. May mapusyaw na kulay (light colors), may matingkad (bright), at may madilim na kulay (dark colors). Ang tina ay isang uri ng pangkulay na inilalapat sa isang may tubig na timpla na ginagamit sa pagkulay ng tela. Ito ay maaaring ihalo para makagawa ng panibagong kulay. Sa tie-dye may mga disenyong nabubuo na kakikitaan hindi lang ng kulay kung hindi mga linya at hugis rin. Kagamitan: lumang eco-bag o anumang lagayan ng gamit, retaso na may sukat na 10 x 10 na pulgada, 3 pakete ng tina na may parehong kulay, palanggana, patpat na panghalo ng solusyon, mainit na tubig, lastiko o pantali, asin at suka. Mga Hakbang sa Paggawa 1. 1. Ihanda ang mga kagamitan. 238

2. Talian ang retaso ayon sa gustong disenyo. 3. Sa mainit na tubig ihalo ang dalawang pakete ng tina, dalawang kutsara ng suka at isang kutsara ng asin. (Ang guro ang gagawa ng timpla.) 4. Ilagay ang tinaling retaso sa timpla ng 5 hanggang 15 minuto. 5. Banlawan ang ginawa sa purong tubig. Alisin ang tali, patuyuin at kapag tuyo na ay plantsahin. 6. Idikit sa harapang bahagi ng eco-bag o anumang lagayan para maging disenyo at mabuo ang isang 3D na likhang-sining. (Maaaring ipagpatuloy ang gawain sa bahay). 7. Linisin ang lugar kung saan gumawa ng likhang-sining. Bawat bata na may angking talento sa pagdidisenyo ay nakagagawa ng kakaibang likhang-sining gamit ang iba t ibang kulay. 239

Panuto: Suriin ang inyong likhang-sining at lapatan ng kaakibat na puntos gamit ang rubrik. PAMANTAYAN 1. Nakagawa ako ng orihinal na disenyo. 2. Ang katangian ng kulay ay naipakita ko sa aking likhangsining. 3. Nasunod ko nang tama ang pamamaraan sa paggawa. 4. Naipakita ko ang kahusayan sa paggawa. Nakasunod sa pamantayan nang higit sa inaasahan (3) Nakasunod sa pamantayan subalit may ilang pagkukulang (2) Hindi nakasunod sa pamantayan (1) 240

YUNIT 4 : 3D at Iskultura Aralin Bilang 2 : Disenyo sa Tela Ang bawat lugar ay may natatanging disenyo na nagpapakita ng kanilang kultura at tradisyon. Isa dito ay ang paglalagay ng disenyo sa tela sa pamamagitan ng tie-dye. Ang pagta-tie-dye ay isang simple at nakawiwiling paraan upang gawin bago ang mga lumang tela o mga lumang damit, tuwalya, panyo at iba pa. Sa araling ito ay matututunan ninyo ang iba t ibang pamamaraan sa pagbuo ng iba t ibang estilo at disenyo. 241

Kagamitan: tali/pisi, lastiko (rubber band), lumang damit o tuwalya, tina (dye), palanggana, patpat na panghalo, mainit na tubig, suka, at asin. Hakbang sa Paggawa 1. Tupiin at talian ang tela ayon sa gustong disenyo. 2. Ibabad ang tela sa tubig para lumambot. 3. Magsuot ng dust mask/panyo o gloves bago maghalo ng tina (dye). 4. Ihalo ang isang kulay ng dalawang pakete ng tina, dalawang kutsara ng suka at isang kutsara ng asin sa tubig gamit ang patpat na panghalo. 242

5. Ilagay ang tinaling tela sa timpla mula 5 hanggang 15 minuto. 6. Pagkatapos, banlawan ang ibinabad na tela sa purong tubig. 7. Alisin ang tali, isampay, patuyuin, at plantsahin. 8. Linisin ang lugar kung saan gumawa ng likhang- sining. 9. Tahiin ang natuyong tela upang makabuo ng isang maliit na unan o throw pillow. 243

Nararapat na sumunod tayo sa mga hakbang lalo na sa pagsasagawa ng tie-dye para makalikha ng isang maganda at kakaibang disenyo. Isaayos ang sumusunod na hakbang ayon sa tamang pagkakasunod-sunod. 1. Ilagay ang tinaliang tela sa timpla mula 5 hanggang 15 minuto. 2. Ibabad ang tela sa tubig para lumambot. 3. Magsuot ng dust mask o gloves bago maghalo ng tina (dye). 4. Tupiin at talian ang tela ayon sa gustong disenyo. 5. Pagkatapos, banlawan ang ibinabad na tela sa purong tubig. 6. Alisin and tali, patuyuin at plantsahin. 7. Ihalo ang dalawang pakete ng tina, dalawang kutsara ng suka at isang kutsara ng asin sa tubig. 244

YUNIT 4 : 3D at Iskultura Aralin Bilang 3 : Disenyo sa Tela Paksang Pangkawilihan: Pagtitina-tali (tie-dye) Ang kadalasang paraan sa pagta-tie-dye ay ang pagtali ng tela bago ito lagyan ng tina (dye) upang magkaroon lamang ng kulay ang mga bahagi ng tela na walang tali. Maaaring gumamit ng isang kulay lamang sa pag-tie-dye subalit mas maganda kong gumamit ng dalawa o higit pang mga kulay sa pagtitina. Kagamitan: tali/ pisi, lastiko (rubber band), tela o puting t-shirt, tina, palanggana, patpat na panghalo, mainit na tubig, suka, at asin Hakbang sa Paggawa 1. Tupiin at talian ang tela ayon sa gustong disenyo. 245

2. Ibabad ang tela sa tubig para lumambot. 3. Magsuot ng dust mask/panyo o gloves bago maghalo ng tina (dye). 4. Maghanda ng dalawang timpla ng magkaibang kulay sa magkaibang lalagyan. 5. Ihalo ang dalawang pakete ng tina, dalawang kutsara ng suka at isang kutsara ng asin sa tubig. Ganun din ang gagawin sa isa pang kulay. (Ang guro ang maghahanda ng timpla). 6. Ilagay ang tinaliang tela sa timpla mula 5 hanggang 15 minuto sa unang kulay. 7. Pagkatapos, banlawan ang ibinabad na tela sa purong tubig. 246

8. Alisin ang tali, patuyuin, at plantsahin. 9. Tupiin nang panibago at talian ang tela ayon sa naiisip na disenyo. 10. Pagkatapos ay ibabad naman ang tela sa ikalawang kulay. 11. Muli ay banlawan ang ibinabad na tela sa purong tubig. 12. Alisin ang tali, patuyuin at plantsahin. 13. Linisin ang lugar kung saan gumawa ng likhang- sining. Ang disenyo sa tela ay napapaganda kapag sinusunod ang tamang hakbang sa pagsasagawa ng tie-dye. Dapat ring maging malikhain sa pagbuo ng disenyo upang ang natapos na likhang-sining ay magtataglay ng orihinal at kakaibang anyo. 247

Panuto: Lagyan ng tsek ( ) ang kaukulang hanay na nagsasabi ng iyong sagot. PAMANTAYAN 1. Nakabuo ako ng isang orihinal na disenyo. 2. Naipahayag ko ang aking kaisipan at damdamin sa paggawa ng tiedye. 3. Nasunod ko ang tradisyunal na paraan sa pagtatie-dye. Nakasunod sa pamantayan nang higit sa inaasahan (3) Nakasunod sa pamantayan subalit may ilang pagkukulang (2) Hindi nakasunod sa pamantayan (1) 4. Naibalik ko nang maayos sa kinalalagyan ang mga bagay na ginamit sa pagtitina. 248

YUNIT 4 : 3D at Iskultura Aralin Bilang 4 : Pagbibigay ng Kahulugan sa Disenyo, Kulay at Anyo na Ginamit sa Likhang-Sining Ang mga Pilipino ay gumagawa ng mga kaakit akit na disenyo. Ang kanilang talino at kasanayan sa paglikha ay naipapakita nila sa paggawa ng kagamitang pantahanan katulad ng banig na nilala. Ang paglalala ay isang paraan ng pagsasalit-salit ng materyal gaya ng buli o pira-pirasong papel na iniaanyo pahaba at pabalagbag upang makabuo ng kahanga-hangang disenyo. Banig na Papel Kagamitan: Magasin, gunting, at pandikit (glue). Hakbang sa Paggawa: Ang sumusunod na batayang kaalaman ay makatutulong upang makagawa ng isang nakawiwiling disenyo sa pamamagitan ng paglalala: Pumili ng dalawang kumbinasyon ng matingkad (bright), at mapusyaw (light) na kulay. 1. Pumili ng dalawang kumbinasyon. 2. Pagdikit-dikitin ang mahahaba t makikitid na piraso ng papel habang naglalala. 249

3. Upang mapantay ang paggupit sa papel na gagamitin sa paglalala, maaaring lagyan ng patnubay na linya ang mga bahaging gugupitin. 4. Ihanda ang lugar na gagamitin sa paggawa at mga kagamitan, sundin ang sumusunod na hakbang. a. Gupitin ang papel na lalalahin. b. Gawing mahaba at makitid ang mga piraso ng papel. Maaaring isa o dalawang sentimetro ang lapad ng bawat isa. c. Lalahin nang salitan ang papel. 250

d. Gamitan ng pandikit o glue ang dulo ng mga pira-pirasong papel pagkatapos ng paglalala. e. Iligpit ang mga materyales na hindi nagamit at linisin ang lugar na pinaggawaan. Ang kulay, disenyo, at pattern ng mga likhang-sining ng iba t ibang pamayanang kultural ay nababatay sa kanilang paniniwala, tradisyon, at kultura kaya dapat natin itong igalang at pahalagahan. 251

Panuto: Suriin ang inyong likhang-sining at sagutin ang mga tanong. PAMANTAYAN 1.Naipapamalas ko ang kakayahan sa paglalala. 2.Ang kumbinasyon ng kulay, linya, hugis, disenyo, at pattern ay naipakita ko sa likhangsining. 3.Nasunod ko nang tama ang pamamaraan sa paggawa. 4. Naibahagi ko ang damdamin sa kapareha tungkol sa likhang-sining na nabuo. Nakasunod sa pamantayan nang higit sa inaasahan (3) Nakasunod sa pamantayan subalit may ilang pagkukulang (2) Hindi nakasunod sa pamantayan (1) 252

YUNIT 4 : 3D at Iskultura Aralin Bilang 5 : Tradisyon ng Paglalala sa Pilipinas Ang paglalala ay bahagi na ng tradisyong Pilipino. Dito makikita ang pagkakaiba sa paggawa ng banig at iba pang kagamitan na yari sa iba t ibang lokal na materyales at istilo sa pagdidisenyo. May iba t ibang tradisyon ang mga Pilipino pagdating sa paglalala ng banig. Isa na rito ang uri ng materyales, kulay, at disenyo. Paggawa ng Pot Holder Kagamitan: retaso o ginupit na lumang damit na may sukat na 2x8 na pulgada. Mga Hakbang sa Paggawa 1. Gumupit ng 20 pirasong tela na lalalahin na may sukat na 2x8 na pulgada. 2. Ilagay nang pasalungat sa ibabaw ng mesa ang isang piraso ng tela at itali ang dulo ng sampung iba pa na magkaka-hilera gaya ng nasa larawan. 253

3. Kumuha ng isang linas (strip) sa natitirang tela at itali ang isang dulo nito sa unang nakabitin na tela. 4. Lalahin nang salitan ang tela. 5. Itali ang dulo ng tela, at gupitin ang sobrang tela. 6. Iligpit ang mga materyales na hindi nagamit, at linisin ang lugar na pinaggawaan. Maipakikita ng bawat isa ang angking kaalaman sa sining kung isinasaalang-alang niya ang paglikha ng orihinal na disenyo at akmang kulay na ilalapat sa likhang-sining. 254

Panuto: Suriin ang iyong likhang-sining at lapatan ng kaakibat na puntos gamit ang rubrik. PAMANTAYAN 1. Naipamalas ko ang kakayahan sa paglalala. 2. Ang kumbinasyon ng kulay, disenyo at pattern ay nakikita sa aking likhang-sining. 3. Nasunod ko nang tama ang pamamaraan sa paggawa. Nakasunod sa pamantayan nang higit sa inaasahan (3) Nakasunod sa pamantayan subalit may ilang pagkukulang (2) Hindi nakasunod sa pamantayan (1) 4. Natukoy ko ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga disenyo sa paglalala. 255

YUNIT 4 : 3D at Iskultura Aralin Bilang 6 : Disenyo ng Banig Paksang Pangkawilihan: Tissue Holder na Gawa sa Banig Ang banig ay isang kagamitan na karaniwang ginagamit bilang higaan sa pagtulog lalo na sa Pilipinas at sa Silangang Asya. Bawat rehiyon ng bansa ay may sariling disenyo sa paglalala ng banig. Ang banig ay maaaring gawa sa buri, pandan o dagat dahong damo. Isa sa bantog na lugar sa paglalala ng banig sa Pilipinas ay ang Basey, Samar. Masdan ang mga halimbawa ng mga disenyo sa larawan. Kagamitan: dahon ng niyog o buri o anumang lokal na materyales na maaring gamitin sa paglalala, gunting, kahon ng sapatos at pandikit. 256

Mga Hakbang sa Paggawa 1. Ihanda ang mga linas (strip) ng dahon ng buri o niyog na gagamitin sa paglalala. 2. Simulan ang paglalala gamit ang dalawang linas (strip) na maging pusod ng banig. 3. Tupiin ang isang linas at isingit ang isang linas nang pasalitsalit sa dalawang linas. 4. Gawin ito nang paulit-ulit hanggang sa makuha ang nais na disenyo at lapad. 257

5. Gupitin ang sobrang buri sa dulo at itupi sa gilid para malinis tingnan. 6. Idikit sa kahon ng sapatos ang nilalang banig para gawing Tissue Holder at mabuo ang isang 3D na likhang-sining. 7. Iligpit ang mga materyales na hindi nagamit at linisin ang lugar na pinaggagawaan. Ibat ibang disenyo ng banig ang makikita dito sa Pilipinas dahil iba-iba ang mga kulay at materyales na ginagamit dito. 258

Panuto: Lagyan ng tsek ( ) ang hanay ng inyong sagot sa tapat ng bawat sukatan. PAMANTAYAN 1. Naisagawa ko ang disenyong nais bilang batayan sa paglalala ng banig. 2. Naisagawa ko ang paglalala ng banig gamit ang dahon ng niyog/buri o anumang bagay na nakikita sa kapaligiran. 3. Nakagawa ako ng disenyo batay sa mga disenyong napag-aralan. 4. Naisagawa ko nang buong husay at malinis ang ginawang banig. 5. Natapos ko ang paglalala sa takdang oras. Nakasunod sa pamantayan nang higit sa inaasahan (3) Nakasunod sa pamantayan subalit may ilang pagkukulang (2) Hindi nakasunod sa pamantayan (1) 259

YUNIT 4 : 3D at Iskultura Aralin Bilang 7 : Paglalala na may Iba t Ibang Disenyo Ang paglalala ay bahagi na ng tradisyong Pilipino. Dito makikita ang pagkakaiba sa paggawa ng banig at iba pang kagamitan na yari sa iba t ibang lokal na materyales gayundin ang estilo sa pagdidisenyo. Ang banig ay isang handwoven mat na karaniwang ginagamit sa Silangang Asya at Pilipinas para sa pagtulog. Ang paggawa nito ay may iba t ibang pattern. May plain, pa-zigzag, square, stripes atbp. at lumitaw ang mga disenyo nito sa pamamagitan ng kumbinasyon ng mga kulay. Paggawa ng Placemat Kagamitan: gunting, buri o dahon ng niyog o anumang bagay na maaaring gamitin sa paglalala Hakbang Sa Paggawa: 1. Pumili ng dalawang kumbinasyon ng matingkad (bright), at mapusyaw (light) na kulay bago magumpisa sa paglalala, at gumawa ng sariling disenyo sa paggawa ng placemat. 260

2. Lalahin nang salitan ang buri o dahon ng niyog na ginagawa ang disenyong napili. 3. Gupitin ang sobrang buri sa dulo at itupi sa gilid para malinis tingnan. 4. Iligpit ang mga materyales na hindi nagamit at linisin ang lugar na pinaggawaan. Ang pagpapayabong ng kaalaman at kahusayan sa paglalala ay makatutulong sa pagpapanatili ng mayamang kultura ng mga Pilipino. 261

Panuto: Suriin ang inyong likhang-sining at lapatan ng kaakibat na puntos gamit ang rubrik. PAMANTAYAN 1. Naipakita ko ang kakayahan sa paglalala. 2. Ang kumbinasyon ng kulay at disenyo ay naipakita ko sa aking likhangsining. 3. Nasunod ko nang tama ang pamamaraan sa paggawa. 4. Naibahagi ko ang sariling likha sa kagrupo. 5. Ang likhang-sining ay natapos ko sa takdang oras. Nakasunod sa pamantayan nang higit sa inaasahan (3) Nakasunod sa pamantayan subalit may ilang pagkukulang (2) Hindi nakasunod sa pamantayan (1) 262

YUNIT 4 : 3D at Iskultura Aralin Bilang 8 : Paglalala ng Banig Paksang Pangkawilihan: Paggawa ng Kwadro (Picture Frame) Ang paglalala ng banig ay katulad din ng ibang sining na napagaganda sa pamamagitan ng pag-iiba-iba ng disenyo nito. Maaaring gamitin ang buri, dahon ng pandan at bamban sa paglalala. Karaniwang gawa sa dahon ng buri ang banig ng mga taga- Samal at Sulu. Madalas, tinitina ang piraso ng buri at pinagtatagpi upang makabuo ng makulay na disenyo. Ang isa pang sikat na rehiyon sa Pilipinas dahil sa kakaibang disenyo ay ang Basey, Samar. 263

Paggawa ng Banig Kagamitan: dahon ng buri, niyog o pandan na may iba t ibang kulay o anumang bagay na maaaring gamitin sa paglalala na nakikita sa kapaligiran, gunting, pandikit, card board, at ruler Hakbang sa Paggawa Paalala: Maging maingat sa paggamit ng gunting at iba pang matutulis na bagay. 1. Gumuhit ng sariling disenyo sa gagawing banig. 2. Ihanda ang mga linas (strips) ng dahon ng buri o niyog na gagamitin sa paglala. 3. Simulan ang paglala na sinusundan ang sariling disenyo. 4. Tupiin ang isang linas at isingit ang isang linas nang pasalit-salit sa dalawang linas. 264

5. Gawin ito nang paulit-ulit hanggang sa makuha ang nais na disenyo at lapad. 6. Gupitin ang sobrang buri sa dulo at itupi sa kilid para malinis tingnan. 7. Gumawa ng isang kwadro na lagayan ng larawan (picture frame). Gamitin ang nilalang banig bilang disenyong panggilid (border design) upang makabuo ng isang 3D na likhang-sining. 8. Iligpit ang mga materyales na hindi nagamit at linisin ang lugar na pinaggagawaan. 265

Maaari tayong gumamit ng iba t ibang kagamitan sa paggawa ng banig tulad ng buri at pandan na ginamit din ng mga rehiyon dito sa Pilipinas. Piliin din natin ang mga materyales na makikita at mayaman sa ating pamayanan tulad ng dahon ng niyog, at iba pa. Kailangan lamang ang ibayong tiyaga para makabuo ng isang magandang disenyo. Napapaganda ang isang likhang-sining sa pamamagitan ng paglalagay ng sariling disenyo na hindi nalalayo sa mga nilikha ng ating mga ninuno. Panuto: Sagutin ang tseklist. Lagyan ng tsek ( ) ang hanay ng napiling sagot sa bawat sukatan. Mga Sukatan Oo Hindi Di-Tiyak 1. Naipakita ko ba ang aking kakayahan sa pag gawa ng banig? 2. Naunawaan ko ba ang mga paraan sa paggawa ng banig? 3. Nasiyahan ba ako habang gumagawa? 4. Natapos ko ba ang aking gawain sa itinakdang oras? 266

GLOSSARY SINING acrylic paint Background Bookmark pabalat sa libro border design banana stalk Bloke cardboard container construction paper cotton buds Chlorine coin purse Disenyo disenyong radial disposable spoon isang uri ng pintura na ginagamitan ng tubig tanawin pinakamalyo sa tumitingin, likod ginagamit na pananda sa isang pahina ng libro takip sa libro na may iba t ibang disenyo o kulay disenyo sa paligid ng papel bahagi ng halamang saging na ginagamit na pangdisenyo sa gawaing-sining nagsisilbing pampatigas sa gilid na bahagi ng papel isang uri ng matigas na papel na ginagamit sa gawaing-sining lalagyan ng tubig o anumang bagay isang uri ng papel na ginagamit sa gawaing-sining na may iba t ibang kulay ginagamit na panlinis sa tainga nakalalasong kemikal na ginagamit na panlinis o pang alis ng mantsa sa damit lagayan ng barya ginamitan ng linya, kulay, at hugis upang makabuo ng dibuho disenyong nakaayos na ginagamitan ng linya kutsarang yari sa plastik 271

Espasyo elemento bahagi ng isang buong lugar na nasusukat isang mahalagang sangkap o bahagi ng sining Foreground itanghal Istilo jewelry pouch kalikasan kultural kontribusyon Luwad Myural Middleground malong Overlap Oil pastel Palamuti Pista Prinsipyo Tanawing pinakamalapit sa tumitingin, harap ipakita sa marami sa pamamagitan ng paglagay sa harap o pagpaskil pamamaraan lagayan ng iba t ibang palamuti tulad ng singsing, hikaw at kuwintas natural na makikita sa kapaligiran na gawa ng Diyos kaugnayan sa isang partikular na grupo ng mga tao at kanilang mga gawi, paniniwala, at tradisyon mahalagang naiambag upang matapos ang isang gawain o proyekto Molde malaking larawan na ipininta na kadalasan makikita sa mga dingding o pader tanawin sa gitna, pagitan ng foreground at background motif na iba t-ibang uri ng disenyo mula sa mga pangkat-etniko isang uri ng kasuotan nagmula sa ating mga pangkat-etniko pagpapatong-patong ng mga hugis isang uri ng pangkulay ginagamit sa gawaingsining Dekorasyon pagdiriwang sa isang lugar sinusunod na pamantayan sa sining pangkatetniko grupo ng mga sinaunang tao 272

pattern proseso ng sining na ginagawao ginagamit nang paulit-ulit placemat Paglalala ng Banig retaso ginagamit na patungan ng mga pinggan, kubyertos, at baso sa hapag kainan Masining na paglalala at pagtitiklop ng mga piraso ng materyales upang makalikha ng kahangahangang disenyo ng banig-plorera na lalagyan ng bulaklak pinagtabasang piraso ng tela recycled paper papel na gamit na Table runner Tina-tali T boli T'nalak Value wall décor isang mahabang tela na inilalagay sa mesa para dekorasyon ang Tina-tali (Tie-Dye) ay proseso ng pagkukulay ay karaniwang binubuo ng pagtiklop, pagpilipit, papatong na pagtiklop, o paglukot ng tela o isang damit na tinatalian ng tali o goma (rubber band) na sinusundan ng pagbabad o paglubog sa timpla na may kulay mga taong nakatira sa pamayanang kultural na matatagpuan sa Cotabato. Gumagawa sila ng T nalak mula sa hibla ng abaka ay isang tradisyonal na tela ng ginagawa ng mga T boli sa Lake Sebu, Timog Cotabato. Ito tradisyonal na tela ay hinabing-kamay na gawa sa Abaka fibers na ayon sa kaugalian ay may tatlong pangunahing mga kulay, pula, itim at ang orihinal na kulay ng dahon Abaka sangkap ng kulay na tumutukoy sa kapusyawan at kadiliman nito palamuti sa dingding water color isang uri ng pangkula na ginagamitan ng tubig at brotcha o brush 273

PY D EP E D C O Mga Awit Ako Mananggete An Sakong Abaniko Ang Alibangbang Ang Huni ng Ibong Pipit Ano-Ano Atin Cu Pung Singsing Baby Seeds Bahay Kubo Bandang Musika Batang Magalang Batang Masipag Chua-ay Clean Up Week Song Do a Little Thing Early to Bed Gising Na Hear the Rain Huli Ka! Ili-ili Tulog Anay Inday Kalachuchi Kalesa Little Band Liza Jane Lupang Hinirang Magandang Araw Magtanim ay Di Biro Manang Biday Masaya Kung Sama-sama Ode to Joy Oh, Come Play a Merry Tune Oh, Who Can Play 274 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means

EP E D C O PY Ohoy Alibangbang Pamulinawen Paruparong Bukid Pentik Manok Pilipinas Kong Mahal Pilipinas Kong Mahal Rain,Rain Go Away Reach for the Sky Run And Walk Salidommay She ll be Coming Round the Mountain Song and Dance Tayo Na! Tayo y Magpasalamat Tayo y Magsaya Tayo y Umawit ng ABC Tiririt ng Maya Ugoy ng Duyan Umawit at Sumayaw Umayka Ti Eskuela We re on the Upward Trail Will You Dance With Me? D Mga Awit sa Pakikinig Ading Are You Sleeping Lazy Juan? Bahay Kubo Blue Danube Waltz Hallelujah Chorus Happy Birthday It Came Upon the Midnight Clear Mindanao Sketches My Heart Will Go on Philippine Tongatong Pop Goes the Weasel Row, Row, Row Your Boat Somewhere Over the Rainbow Star Wars- Opening Theme Tayo y Umawit 275 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means

APPENDIX Sining Discovery in Art 3 Elementary Worktext, pp. 109-110 Gawad ng Manlilikha ng Bayan, Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining, Republika ng Pilipinas, 2004. Modern Teacher Magazine, Sept. 2011, Vol.60. PY Musika, Sining at Edukasyong Pangkatawan 4, pahina 21-24 Sining 4, pahina 11-12 Sining 5, pahina 104-105 C O Sining 4, pahina 78-79, http://www.ehow.com/about_6669221_history-tie_dye.html D EP E D http://ecozeal.com/blog/the-history-and-art-of-tie-dyeing 280 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means