Sustainable (Maaaring Mapangalagaan) na Pangingisda

Similar documents
Zangle Parent Connect Gabay sa Tagagamit. Paaralang Pampurok ng Anchorage

Sustainable Fishing. Summary. Objectives. Materials. Teacher Prep

I-reboot ang Iyong X1 TV Box

Tagalog NATIONAL STANDARDS. sa pagbabasa, pagsusulat at matematika. Gaano kahusay ang aking anak sa paaralan?

Ika-13 Aralin IYONG KA- UGNAYAN SA IBA" ~ Kinakailangang ibigin, igalang at sundin natin sila.

GABAY SA PAG GAMIT NG ADMIN CONSOLE (ADMIN CONSOLE QUICK GUIDE)

Pamantayan para sa Mga Palaisdaan ng Seafood Watch

GRADE VI GAMIT NG GRID

SUUNTO GUIDING STAR PAG-IINGAT AT WARRANTY

Sibika Baitang 2 Ikatlong Markahan

Mga Nalalapit na Pagbabago sa Santa Clara Family Health Plan Cal MediConnect Plan (Medicare-Medicaid Plan) 2018 na Listahan ng Gamot

2010 Gabay sa Pagbibigay Kahulugan

Pamagat ng Pag-aaral (o IRB Approval Number kung maaaring labagin ng pamagat ng pag-aaral ang privacy ng subject):

Music. Talaan ng mga Gawain. (Unang Kwarter) Department of Education June 2016

Mga katanungang madalas itanong(q&a) tungkol sa Electronic Notification System ng Kawanihan ng Imigrasyon

Ang Pangprobinsiyang Kard ng Ulat (Report Card) ng Manitoba. Impormasyon para sa. Mga Magulang

PART A. LINGGUHANG ISKEDYUL SA TRABAHO

Halimbawa ng talumpati tungkol sa edukasyon Elastrator self castration Explicit movies on amazon 2017 Fidio porno abg perawan indo yg dapat di tonton

Impormasyon tungkol sa Pamumuhay sa Iba't-ibang Wika

HF Markets Ltd HOTFOREX PHILIPPINES CONTEST

PAGSISIWALAT, PAGKAPRIBADO AT PAGIGING MAGULANG

Produced by Coastal Resource Management Project

Republic of the Philippines Department of Education Negros Island Region DIVISION OF SILAY CITY City of Silay

Positibong Pagtatasa ng Pag-uugali at Pagpaplano sa mga Paaralan: Fact Sheet

Ika-14 na Aralin. Pag-aralan ayon sa mga tuntunin nasa pasimula ng unang aralin. 1. Ang Cristiano ba ang may-ari ng kanyang sariling buhay?

Chapter 6 Tagalog Verbs

Plano tungkol sa mga bata at tulong para sa pag-aalaga ng mga bata sa Yokohama (Pansamantalang Pangalan) Plano [Pansamantala]

Nanganganib ba ako sa Hepatitis B?

Nutri-bingo! Gabay para sa game master o facilitators. Ano ang nutri-bingo?

Iyong patnubay sa kalayaang pampananalapi

ANG PAG-SETUP NG ISANG SISTEMA NG PAGBABAYAD NG SUWELDO

EDUKASYON SA PAGPAPAHALAGA I

ROBERT B. POLLOCK ELEMENTARY SCHOOL 2875 Welsh Road Philadelphia, PA

2018 Aplikasyon para sa Neighbourhood Small Grants

Technology Responsible Use Guidelines (Mga Alituntunin sa Responsableng Paggamit ng Teknolohiya)

Stake Audit Committee

Ang Makisig at Hangal na Hari

Third Quarter 2018 Social Weather Survey: Pinoys maintain anti-chinese stance on West Philippine Sea issue

Kapag Ang Mga Bata Ay Nagsasalita Ng Higit Sa Isang Wika

TAGALOG. PATNUBAY SA PAG AARAl NG. «an

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

SCFHP Cal MediConnect Plan (Medicare-Medicaid Plan) 2019 Listahan ng Matibay na Kagamitang Medikal (Listahan ng Durable Medical Equipment o DME)

Pantay na Pagk ak ataon sa mga Ex tr acur r icular na Gawain par a sa mga Estudyanteng may K apansanan Mayo 2014, Paglalathala #CM45.

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Isang Guide para sa Naturalisasyon

Pag-access at Pagbabago ng mga Rekord ng Kalusugan

TAGALOG Online na Buklet ng Impormasyon ng Magulang Smarter Balanced Assessments at Hawai i State Science Assessments

H E K A S I EDUKASYON: SAAN PATUTUNGO SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools

Hulyo 2016, Lat # Tagalog. Sistema ng proteksyon at pagtataguyod ng California Walang Bayad (800)

Health TALK. Magagawa mong mag-quit. Sumali sa Great American Smokeout. ANG SUSI SA MAGANDANG BUHAY AY ISANG MAHUSAY NA plano

Ota City Board of Education

EPEKTO SA PAGGAMIT NG SOCIAL NETWORKING SITE SA PAGKATUTO NG ASIGNATURANG FILIPINO. by: Laurince Pantaleon

Orihinal na Epektibong Petsa: Pahina Enero 2006 Huling Petsa ng. Numero ng Patakaran (Policy Number)

GABAY NG PROGRAMA NG ENGLISH

Gabay para sa mga Lider

Tamang uri ng pamumuhay

KABAYARAN SA PAGTAPON NG BASURA PAG-PUPULONG NG RESIDENTE BAYAN NG HIGASHIURA

Sino ba talaga si Jesus? Ano ang tunay na Cristiano?

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Toolkit para sa Advance Directive. Ang pinakamahalaga sa iyo

Pag-navigate sa isang REALTOR

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Kagawaran ng Pampublikong Kalusugan ng San Francisco (DPH) Kabuuang Pabatid ng HIPAA sa Karapatan ng Pagkapribado Epektibong Petsa: May 19, 2015

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Starting and Growing My Business. (Pagsisimula at Pagpapalago ng Aking Negosyo) SELF-RELIANCE

MAY KAAGAPAY KA NA BA?

H E K A S I KABABAIHAN SA PANAHON NG IKATLONG REPUBLIKA SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools

Mahal na Punong Guro, Guro o Kasama sa Trabaho

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

PETSANG MAY BISA: 01/01/2016 PETSA NANG NIREBISA: 06/27/2017. Financial Assistance Policy (Patakaran para sa Pinansiyal na Tulong)

Kung mayroon kayong mga katanungan tungkol sa Paunawang ito, mangyaring makipagugnayan

3.1 Paano ito Gumagana 3.2 Resolusyon sa Hindi Pagkakaunawaan 3.3 Insentibo sa Paglutas ng Hindi Pagkakaunawaan

ORBIS AY ANG PAGLILIPAT NG PERA AT PAMUMUHUNAN NA LAGANAP SA BUONG MUNDO

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Sino ba talaga si Jesus? Ano ang tunay na Cristiano?

E P P TALAAN NG GASTOS AT KINITA SA PAGHAHALAMANG ORNAMENTAL SELF INSTRUCTIONAL MATERIALS

Pagsasanay sa Filipino

STK GLOBAL PAYMENTS DECEMBER 2017 WHITEPAPER TGL OFFICIAL WHITEPAPER:

LOMA LINDA UNIVERSITY BEHAVIORAL MEDICINE CENTER PATAKARAN SA PAGPAPATAKBO

Ang Inyong Anak ay Naglalaro... Tumutuklas Natututo

Ang Iyong Karapatan sa Medikal na Pagkapribado sa ilalim ng Batas Federal at ng California

EQUAL. Whitepaper v2.0. February 2018

Plano na mga Serbisyo para sa Suporta ng Bata/Pag-papalaki ng Bata sa Lungsod ng Yokohama. [Pinaikling Salin] Tagalog

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Dementia. DEMENTIA / Tagalog Copyright 2016 Hospital Authority. All rights reserved 1

Mahalagang impormasyong legal, mga paghahayag, at mga patakarang kailangan ninyong malaman

Health Net Cal MediConnect Plan (Medicare-Medicaid Plan) Handbook ng Miyembro

Pag-alalay sa Pag-aaral ng inyong Anak sa pamamagitan ng Pagtatasa, Pagsusuri at Pag-uulat

Bayshore Elementary School District Local Control Accountability Plan Year 1 Summary

Aplikasyon para sa Segurong Pangkalusugan (Health Insurance)

From left, Dingdong Dantes, Jennylyn Mercado, Dennis Trillo, Lovi Poe, Alden Richards and Betong Sumaya.

Edisyong Pang-edukasyon

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

TAGALOG. 0 hanggang 4 na taon MATUTO SA BAHAY

TALAAN NG MGA NILALAMAN

Kanser sa Balat. Skin Cancer / Tagalog Copyright 2017 Hospital Authority. All rights reserved

Kabanata 3. Sa kabanatang ito: 32 Ang Sistemang Medikal. Ang Sistemang Medikal Mga importanteng serbisyong pangkalusugan...

Tungkol Saan ang Modyul na ito?

Transcription:

Buod MGA GRADE LEVEL MGA SUBJECT Sa pamamagitan ng paggamit ng modelo/huwaran kung paano nakaka-apekto ang pangingisda sa mga populasyon ng mga hayop na namumuhay sa dagat, ang mga mag-aaral ay bubuo ng mga pagpapaliwanag para sa isa sa mga dahilan kung bakit kumakaunta ang populasyon ng mga isda. Pagkatapos ay magtatrabaho sila para lumikha ng mga solusyon para sa mga paraan para makayanan na mapangalagaan ang mga pangisdaan para sa mga umaasa ditong mga hayop at tao. Mga layunin TAGAL SETTING Magagawa ng mga mag-aaral na: 1. gumamit ng huwaran para masuri kung paano nakaka-apekto ang pangingisda sa populasyon ng mga hayop sa dagat. 2. bumuo ng mga pagpapaliwanag at lumikha ng mga solusyon para sa mga epekto ng pangisdaan sa mga dagat na may mabuting kondisyon. 3. kilalanin ang mga paraan na makaka-impluwensya ang mga indibiduwal sa mga epekto ng industriya ng pangingisda at mga pinagkukuhanan ng pagkain. Mga materyal ika-4ika-8 na baitang; angkop para sa ika-4 na baitang - adulto Life Science (Agham ng Buhay), Constructing Explanations (Pagbubuo ng mga Pagpapaliwanag) at Designing Solutions (Paglilikha ng Mga Solusyon), Sustainability (Maaaring Mapangalagaan) Paghahanda: 15 minuto Aktibidad: 20-45 minuto Classroom isang bag ng popped at plain na popcorn (ang dami ay batay sa laki ng klase) isa o dalawang bag ng oyster crackers (ang dami ay batay sa laki ng klase) isa o dalawang bag ng Goldfish crackers (ang dami ay batay sa laki ng klase) maliliit na cup, 1 kada mag-aaral mga serving bowl, medium na laki (o mga dinner plate), 1 kada grupo mga kutsara, 1 kada mag-aaral mga spatula, 1 kada grupo tongs, o chopsticks 1 kada grupo relo, para orasan ang aktibidad handout Fishing Log, 1 kada mag-aaral Paghahanda ng Guro 1. Kolektahin ang mga kagamitan para sa pangingisda 2. I-print ang fishing logs (2 kada mag-aaral) Edukasyon ng Guro at Kabataan, 2014 1

3. Gumawa ng dalawang "dagat" para sa bawat grupo ng 5-7 mag-aaral: Maglagay ng 60 pirase ng goldfish, 40 oyster cracker, at 40 popcorn sa bawat bowl para gumawa ng dagat. 4. I-print ang "Seafood Market" na mga plato (1 set kada grupo ng 5-7 mag-aaral) 5. Print out Seafood Watch Cards, or use the Seafood Watch App on Apple or Android 6. Opsyonal: maglikom ng ilang mga menu mula sa mga lokal na seafood restaurant, gamitin ang app para makahanap nito Pananagutanng Mag-aaral at Guro, 2015 2

Panimula Isang bilyong tao sa mundo ang umaasa sa seafood bilang kanilang pangunahing pinagkukuhanan ng protein (Marine Stewardship Council, 2015). Ngayon ay gagamit tayo ng modelo para suriin kung paano nagtatrabaho ang mga industriya ng pangisdaan at ang kanilang mga kagamitan. Para sa unang bahagi ng aktibidad na ito, ang ating panggabay na tanong ay: Paano nakaka-apekto ang 'pangingisda sa populasyon ng mga hayop sa dagat? Unang Bahagi: Paano nakaka-apekto ang 'pangingisda sa populasyon ng mga hayop sa dagat? 1. Ipaliwanag ang mga tuntunin ng laro: a. Ang bawat mag-aaral ay magiging isang "mangingisda" na ang kabuhayan ay umaasa sa pangingisda. b. Ang layunin ay makahuli ng seafood para mabenta nila sa Seafood Market. c. Ang goldfish ang pinakamalaking uri ng hayop na mabebenta nila. Ang mga popcorn ang kakatawan sa iba pang mga isda. Ang mga oyster cracker ay kumakatawan sa mga pagong sa dagat. d. Ang bawat mangingisda ay dapat na humuli ng kahit man lang lima sa mga target na isda (goldfish) sa bawat round para mabuhay sa susunod na panahon ng pangingisda. Mayroong kahit man lang apat na kabuuang panahon. e. Kapag nagsimula na ang pangingisda, gagamit ang mga mag-aaral ng isang "lambat" (kutsara) para hulihin ang kanilang "isda"(crackers, popcorn, goldfish) mula sa "dagat" (bowl) at ilalagay ang mga ito sa kanilang "bangkat" (cup) f. Kung may makasaling mga hindi gustong "hayop" sa kanilang lambat,hindi maaaring ilagay ng mga mag-aaral ang anumang hindi gustong "bycatch" pabalik sa "dagat". g. Ang mga hayop sa dagat na nananatili sa dagat makalipas ang bawat panahon ng pangingisda ay kumakatawan sa populasyon na maaaring magka-anak na mga hayop, at samakatuwid, ang isang bagong cracker/popcorn/goldfish ay idadagdag sa bawat hayop sa dagat na natira sa dagat (bowl). 2. Hatiin ang klase sa mga grupo ng lima hanggang pitong mga mag-aaral at papiliin ang bawat grupo kung aling dagat gustong mangisda tulad ng Atlantic, Arctic, Southern, Pacific o Indian Ocean. 3. Bigyan ang bawat grupo ng isang bowl ng isda, ang bawat mag-aaral ng isang cup, isang kutsara, at isang kopya ng handout na Fishing Log. 4. Maglagay ng 60 piraso ng goldfish 40 oyster crackers, at 40 popcorn sa bawat bowl ng grupo. Ang mga ito ay kumakatawan sa buhay sa dagat. Nahuli na target na isda (goldfish sa kanilang tasa), nahuli na iba pang isda(popcorn), at nasali sa napangisda (tulad ng mga pagong ng dagat, na kinakatawan ng mga oyster cracker) 5. Ipaalala sa mga mag-aaral na gumamit lang ng mga kutsara at huwag kolektahin gamit ang kanilang mga daliri. 6. Kailangang maghintay ng mga mag-aaral hangga't sabihin ng kanilang guro na "simulan na ang pangingisda!" Bigyan ang mga mag-aarla ng 20 segundo sa unang "panahon" ng pangingisda. Tala: Kung hindi nauubos o nasisimot ng mga magaaral ang mga lama ng kanilang dagat, Pananagutanng Mag-aaral at Guro, 2015 3

patagalin ang "panahon" ng 30 segundo. 7. Utusan ang bawat mangingisda na bilangin ang kaniyang nahuli na target na cisda (laman na goldfish ng kanilang tasa), nahuli na iba pang isda (popcorn), at nasama sa napangisda (tulad ng mga pagong ng dagat, na kinakatawan ng mga oyster cracker) at itala ang data sa kanilang Fishing Log. 8. Para mabuhay sa susunod na panahon ng pangingisda, ang mga mangingisda ay dapat makahuli ng kahit man lang limang target na isda (goldfish) Ang mga mangingisda na hindi nakahuli ng minimum ay dapat hindi muna maglara sa susunod na round o "panahon ng pangingisda". 9. Magdagdag ng isa sa bawat uri ng pagkain na natira sa bowl (dagat), na ipinapaliwanag na dumaming mag-isa ang mga organism sa pagitan ng mga panahon ng pangingisda. 10. Pahintulot ang isang mangingisda sa bawat grupo na gumamit ng spatula sa ikalawang panahon ng pangingisda para kumatawan sa "pamamalakaya o pangingisda gamit ang malaking lambat". Itala ang mga nahuli sa Fishing Log. a. Ulitin para sa ikatlong panahon ng pangingisda, pero iba naman mula sa grupo ang gumamit ng spatula. b. Sa ikaapat na panahon ng pangingisda, ang mga mag-aaral ay gagamit ng mga kutsara muli at isang mag-aaral kada grupo ang gagamit ng isang set ng mga tong o chopsticks (kumakatawan sa kawit at tali). 11. Ano ang nangyari nang naubusan na ang dagat ng isda? Paano na mabubuhay ngayon ang mga mangingisda?" (Ang isang opsyon ay ang paglipat sa ibang dagat.) Pahintulutan ang mga magaaral na "sumalakay" sa iba pang mga grupo ng dagat kapag nasimot na ang kanilang dagat, pero huwag paunang sabihin sa kanila na magagawa nila ito. Ang mga mangingisda ay maaaring magpunta bilang isang grupo sa iba pang dagat o maaari silang kumalat nang hiwahiwalay sa iba pang mga dagat. 12. Ulitin ang pangingisda, pagtatala, at paglalagay muli ng mga isda hangga't ang lahat (o karamihan) ng mga grupo ay naubos na ang isda sa kanilang dagat. 13. Magsagawa ng isang talakayan tungkol sa nangyari sa kanilang isda. Magpagamit ng katibayan sa mga mag-aaral na mula sa kanilang mga fishing log para pag-usapan kung anong nangyari makalipas ang panahon. a. Aling mga paraan ng pangingisda ang nakahuli ng pinakamaraming isda? b. Aling mga paraan ng pangingisda ay nakakolekta ng mga hindi nilalayon na mahuling hayop? c. May iba pang mga epekto mula sa pangingisda na hindi napakita sa huwaran na ito? Ikalawang Bahagi: Paano maaaring baguhin ang mga industriya ng pangisdaan para maging sustainable ang mga ito? 1. Sa sandaling napag-isipan na ng mga mag-aaral ang tungko sa kanilang unang round sa pangingisda, ibahagi sa kanila na sa kasamaang palad, higit sa 85% ng populasyon ng mga isda, na inaasahan ng mga tao ay hindi na nakakayanang gumawa ng kasing daming isda tulad Pananagutanng Mag-aaral at Guro, 2015 4

nang dati sanhi ng sobra-sobrang pangingisda. Ito ay isang malaking problema dahil kung walang malulusog na populasyon ng isda, higit sa 1 bilyong katao ang walang sapat na pagkain para mabuhay. 2. Ipaalam sa mga mag-aral na ang mga tao sa buong mundo sa nahihirapan sa isyu na ito, at naghahanap sil ang mga iba't ibang paraan para sa patuloy na pangangalaga ng mga dagat. Utusan ang bawat grupo ng mga mag-aaral na sama-samang mag-isip ng mga paraan na magagawa nilang mas matagumpay ang mga pangisdaan hinggil sa pagpapahintulot sa mga mangingisda na mapangisda ng sapat para mabuhay, habang nagpapahintulot rin na may sapat na isda na manatili sa dagat at mapanatiling malulusog ang populasyon para patuloy na dumami ang mga ito hanggang sa hinaharap. Ipasulat sa bawat grupo ang kanilang mga plano. 3. Ilabas ang mga sariwang "dagat". Pasubukan sa mga mag-aaral ang kanilang mga bagong ideya, at ipagkumpara ang mga kabutihan, at ipagkumpara ang mga pakinabang sa bawat isa sa mga ito. Dahil alam na ng mga mag-aaral kung paano maglaro, mas mabilis na ito. Ipagkumpara sa mga mag-aaral ang trend na nakita sa mga naunang panahon ng pangingisda. a. Anong mga ideya ang nagtagumpay sa panatiling malusog ang populasyon ng mga isda lumaon? b. May ilang mga uri ba ng estratehiya na nakatulong sa pagpapakaunti ng nahuli? c. May iba pa bang dapat isaalang-alang na mahalagang matugunan? Ikatlong Bahagi: Responsableng Consumerism (Pagtataguyod para sa Proteksyon ng Mga Mamimili) sa Seafood Market Makalipas na nagkaroon na ng pagkakataon ang mga mag-aaral na matuklasan kung ano ang maaaring mas mabisa para sa mga industriya ng pangisdaan, ipaalam sa kanila na ang mga tao na hindi nagtatrabaho sa mga pangisdaan ay maaari rin makapagdulot ng epekto na gawing mas sustainable ang mga pangisdaan. Ito ay tinatawag na Responsableng Consumerism (Pagtataguyod para sa Proteksyon ng Mga Mamimili). 1. Pagkatapos ay maaari nang bisitahin ng mga mag-aaral ang California Seafood Market at maging "mamimili" habang may pagkakataon silang makita kung ang kanilang paboritong seafood ay mabuti para sa dagat o nahuli sa isang sustainable na paraan. Tala: Kung kayo ay wala sa California, ang Seafood Watch ay maaaring may mga watch card sa inyong rehiyon. Tingnan ang website para makita kung mayroon sila. Kung wala, maaari pa rin nilang gamitin ito bilang isang halimbawa kung paano sumusubok ang ilang mga komunidad na makapagdulot ng pagkakaiba. 2. Tanungin sa mga mag-aaral, "Ano ang inyong napiling seafood bilang hapunan mamaya?" Sa sandaling nakapagdesisyon na ang mga mag-aaral, maaari nilang ibaliktad ang kanilang plato ng isda para makita kung sila ay nakapagdesisyon sa paraan na mabuti para sa dagat at sustainable na paraan. 3. Ipabasa sa mga mag-aaral ang likod ng kanilang mga plato para mabasa ang higit pang impormasyon kung bakit o bakit hindi sustainable ang kanilang napili. Ang likod ng mga plato ay may pamagat na: Pinakamainam na Napili, Alternatibo, at Iwasan. Pananagutanng Mag-aaral at Guro, 2015 5

4. Sa sandaling ang lahat ng mga mag-aaral ay nagkaroon na ng pagkakataon na suriin ang isda, ibigay sa kanila ang mga Seafood Watch card at pahintulutan sila na mag-ensayo na gamitin ito bilang gabay kapag pinipili ang kanilang magiging hapunan. Kung makakakuha kayo ng mga menu mula sa mga lokal na seafood restaurant, maaari rin mag-ensayo ang mga magaaral gamit ang mga iyon. Bilang karagdagan, maaari ninyong gamitin ang Seafood Watch App para makapagpahanap ng isang lugar na mapagbibilhan ng isda. Pagtatapos Sa katapusan ng mga aktibidad, sabihin sa mga mag-aaral na pag-isipan ang mga nagawang aktibidad. Ano ang naging problema na sinusubukan nilang lutasin? Ano ang kinailangang gawin para makapagsagawa ng pagbabago sa ecosystem? Ano ang maaaring maging reaksyon ng mga tao sa tunay na buhay sa mga ideya na iyon? Karagdagan Sundan ang aktibidad na ito sa pamamagitan ng pagpapasuri sa mga mag-aaral sa mga katayuan ng mga pangisdaan at mga regulasyon sa pangingisda na mas malapit sa kanilang tahanan. Mayroon bang mga hayop na nanganganib sa sobra-sobrang pangingisda? Sumulat ng mga liham na nagbibigay suporta, mga pasasalamat, sa mga Marine Sanctuary, at mga kompanya na nagsusuporta sa sustainable na pangingisda. Maaari rin silang magsulat ng mga liham sa mga kompanya at ipaalam sa kanila kung paano sila maaaring maging mas sustainable. Gamitin ang "Creat at Campaign" na leksyon, o "Convince Me" bilang isang gabay: www.calacademy.org/educators/lesson-plans/create-a-campaign www.calacademy.org/educators/lesson-plans/convince-me Mga Siyentipikong Katawagan para sa Mga Mag-aaral bycatch: Anumang isda o iba pang organism na hindi nilalayon na mahuli. o ghost fishing: kapag ang kagamitan sa pangingisda ay nawala o na-abandona sa dagat, maaari itong patuloy na makahuli ng mga isda, mga dolphin, mga balena, pagong at iba pang mga hayop habang inaanod sa tubig at makalipas itong makarating sa kailaliman ng dagat. extinction: Kapag ang huling indibiduwal ng isang partikular na specie o uri ay namatay. Maaaring magkaroon ng lokal na extinction kung saan nagwakas na ang pagkakaroon ng isang partikular na specie sa ilang tiyak na ecosystem, o global extinction, na nangangahulugan na wala na nito sa buong mundo. sustainable: nakakatugon sa mga pangangailangan sa ngayon nang hindi inilalagay sa panganib ang kinabukasan na mga henereasyon para matugunan ang kanilang mga magiging pangangailangan responsible consumerism: mga pagsisikap ng mga kustomer para sa mga layuning bilhin na parehong mga produkto at serbisyo na may kakaunti o walang epekto na pinsala sa, o pag- Pananagutanng Mag-aaral at Guro, 2015 6

aabuso sa mga tao, hayop, o sa kapaligiran. Isang halimbawa nito ay ang programa na "Seafood Watch". Background para sa Mga Nagtuturo Ang ating mga dagat ay nagiging lubos na naaapektuhan ng mga pang-araw araw na gawain ng mga tao, na kung saan ang isa ay sa pamamagitan ng mga paraan na tayo ay nangingisda ng seafood. Ang aktibidad na ito ay nagtutuon ng pansin sa panganib ng pangingisda, at ilang mga posibleng solusyon para sa partikular na isyu. Halos 85% ng mga pangisdaan sa mundo ay napapangisdaan hanggang sa limitasyon nito o sobrasobra ang napapangisda. Ito ay nangangahulugan na ang populasyon ng mga hayop sa dagat, mula sa mga isda hanggang sa mga pagong at mga seabird, ay nalalagay sa panganib. Ito ay nangangahulugan rin na ang mga tao na umaasa sa mga palaisdaan para sa kanilang sariling ikabubuhay ay nanganganib rin. Ang mga produkto na mula sa seafood mula sa California hanggang sa Pilipinas at higit pa, ay nanganganib kapag may mataas na paggamit sa mga ito at ang lubos na mapanira na mga aktibidad ng pangingisda ay naglalagay ng matinding puwersa sa populasyon ng mga isda at sa mga tiyahan ng mga ito. Ang malulusog na mga populasyon ay hindi lang mahalaga para magamit para makain, pero para rin mapanatili ang isang equilibrium para sa food web, at bilang panghuli, sa buong ecosystem. Bilang karagdagan, sa mga area kung saan ang mga coral reef at mababang lupain, ang malulusog na system ay may isa pang mahalagang naipaglilingkod: proteksyon laban sa bagyo Ang ating mga napipiling seafood ay may kapangyarihan na gawing mas malala o mas mabuti ang situwasyon na ito. Ang ilang sa mga kriterya para malaman kung ang isang seafood ay sustainable o hindi ay ang pag-uunawa sa mga sumusunod: Ang uri ba ng hayop (specie) ay nanganganib sa wild kung saan nahuli ang mga hayop? Ang pangingisda ba sa mga tiyak na uri ng hayop ay nakapagdulot ng panganib sa mga tirahan sa dagat? Marami bang bycatch na nakuha kasama ng mga target na uri ng hayop? May problema ba ang mga pangisdaan sa mga itinatapon - bilang pangkahalatan, ang mga masyado maliliit na mga hayop na nahuhuli at itinatapon dahil masyado mababa ang presyo nito kung ibebenta? Ang unang bahagi ng aktibidad ay nagtutuon ng pansin sa pagtutulong sa mga mag-aaral na mas maunawaan ang tungkol sa mga pamamalakad sa pangingisda at bycatch. Ang ikalawang bahagi ng aktibidad ay nagdidiin sa Seafood Watch na programa, na katrabaho ng mga scientist, mga mangingisda, at mga komunidad para ma-uri an gmga isda batay sa mga kriteryang nakasaad sa itaas, at magsagawa ng mga rekumendasyon kung aling seafood ang dapat kainin, o dapat iwasan. Ito ay tinatawag na responsableng consumerism (Pagtataguyod para sa Proteksyon ng Mga Mamimili). Mga Pamamaraan ng Pangingisda Pananagutanng Mag-aaral at Guro, 2015 7

Ang ilang mga pamamaraan ng pangingisda, tulad ng "purse seining" at "dredging", ay nakakahuli ng malalaking bilang ng bycatch dahil gumagamit sila ng mga lambat sa haligi ng tubig (water column), na misnan ay nakakahuli ng mga hindi nais na hulihin na mga hayop. Bilang karadagan, ang ilang mga paraan, tulad ng trawling, pangingisda gamit ang cyanide at mga dinamita o pampasabog ay nakakawasak rin sa dagat, binubunot ang mga nakabaon na mga coral at sa mga halamang dagat na kep. Ang mas maiinam sa kalikasan na paraan ay kinabibilangan ng trolling, ang isang paraan na gumagamit ng kawit at tali na hinihila ang mga pamansing (fishing line) o hinahatak sa tabi ng bangka. Ang mga mangingisda ay gumagamit ng iba't ibang mga uri ng pain para makapag-"troll" para sa mga tiyak na uri ng isda at sa iba ibang lalim. Ang paraan na ito ay humuhuli ng isda na sumusunod sa isang nagpapaakit na bangka o may pain, tulad ng salmon, mahi mahi o albacore tuna. Ang trolling ay mainam sa kapaligiran na paraan ng pangingisda. Ang mga mangingisda ay mabilis na mapapakawalan ang mga hindi nais na hulihin na isda mula sa kanilang mga kawit dahil ang mga tali ay hinihila sa sandaling nakuha na ng isda ang pain. Pagtatabi at Mga Paraan ng Sustainability Maraming mga posibleng solusyon na namamahala sa mga pangisdaan para maging mas sustainable ang mga ito, na nangangahululgan na nakakatugon sa mga pangangailangan sa kasalukuyan nang hindi nakokompromisa ang kakayahan para sa hinaharap na henerasyon para matugunan ang kanilang mga magiging pangangaiangan. Hihilingin mula sa mga mag-aaral na mag-isip ng kanilang sariling mga ideya para maging mas sustainable. Ito ay makakatulong sa kanilang mapatatag ang kanilang mga kakayahan para makapag-isip. Gayunman, kung mahirapan sila, maaari ninyong ipakilla ang ilan sa mga ideya na ito. Mga Limitasyon sa Paghuli ang maximum na numero ng isda na maaaring mahuli ng isang mamimingwit mula sa isang partikular na waterbody o isang bahagi ng waterbody sa isang araw. Bahagi ng Huli: isang sistema ng pamamahala sa pangisdaan na naglalaan ng isang ligtas na kaarapatan na manghuli ng isang tiyak na porsiyento ng total na napangisda sa mga indibiduwal, mga komunidad at/o samahan sa buong panahon na maaaring mangisda Madalas ay lumilikha ito ng isagn pinataas na dami ng isda na maaaring mahuli sa loob ng takdang panahon. Marine Sanctuary: ay isang natalaga ng pederal na lugar sa loob ng mga tubig o dagat ng Estados Unidos na nagpoprotekta sa mga kapaligrian ng dagat na may espesyal na pagiingat, panlibangan, mainam sa kalikasan, makasaysayan, kultural, arkeolohiko, siyentipiko, pang-edukasyon, o aesthetic na katangian. Pagbabawal sa ilang mga uri ng pangingisda: Maraming mga lugar ngayon ang nagbabawal sa trawling, mga pasabog, at pangingisda gamit ang cyanide para maiwasan ang bycatch, at mga problema sa kalikasan. Responsible Consumerism: Kung ang mga tao ay tumanggi na bumili ng ilang mga uri ng isda dahil masyado malaki ang nagiging epekto nito sa populasyon ng mga hayop, sa gayong paraan, sila ay nagpapatupad ng "responsibile consumerism". Minsan ay Pananagutanng Mag-aaral at Guro, 2015 8

nangangahulugan ito na bumili ng "mabubuting alternatibo," o piliin na hindi bumili o kumain ng isda nang ganap. Mga Sanggunian Environmental Defense Fund (2015). Catch Share. Nakuha Marso 4, 2015 www.edf.org/oceans/catch-shares Facing the Future (2002). Orihinal na nasipi mula sa Fishing for the Future sa Curriculum Guide 2002. Nakuha mula sa www.facingthefuture.org. Marine Stewardship Institute (2015). Fish as Food. Nakuha noong Marso 4, 2015. www.msc.org/healthy-oceans/the-oceans-today/fish-as-food McClellon, K. (2008). Coral degradation through destructive fishing practices. The Encyclopedia of Earth. Nakuha noong Marso 4, 2015 mula sa www.eoearth.org/article/coral_degradation_through_destructive_fishing_practices Monterey Bay Aquarium. (2015). Seafood Watch. Nakuha noong Marso 4, 2015 mula sa www.seafoodwatch.org/ Pananagutanng Mag-aaral at Guro, 2015 9