Angela Gauthier, Director of Education Ann Andrachuk, Chair of the Board FILIPINO

Similar documents
Tagalog NATIONAL STANDARDS. sa pagbabasa, pagsusulat at matematika. Gaano kahusay ang aking anak sa paaralan?

Zangle Parent Connect Gabay sa Tagagamit. Paaralang Pampurok ng Anchorage

Ika-13 Aralin IYONG KA- UGNAYAN SA IBA" ~ Kinakailangang ibigin, igalang at sundin natin sila.

Mga Nalalapit na Pagbabago sa Santa Clara Family Health Plan Cal MediConnect Plan (Medicare-Medicaid Plan) 2018 na Listahan ng Gamot

TAGALOG. 0 hanggang 4 na taon MATUTO SA BAHAY

Ang Inyong Anak ay Naglalaro... Tumutuklas Natututo

Halimbawa ng talumpati tungkol sa edukasyon Elastrator self castration Explicit movies on amazon 2017 Fidio porno abg perawan indo yg dapat di tonton

H E K A S I KABABAIHAN SA PANAHON NG IKATLONG REPUBLIKA SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools

Kapag Ang Mga Bata Ay Nagsasalita Ng Higit Sa Isang Wika

Ang Pangprobinsiyang Kard ng Ulat (Report Card) ng Manitoba. Impormasyon para sa. Mga Magulang

aklat biblia ang mga LECTIO DIVINA PARA SA AKING PAMILYANG MGA PAGPAPAHALAGA PARA SA AKING PAMILYANG MAY MAGANDANG UGALI CLARET PUBLISHING GROUP

Ika-14 na Aralin. Pag-aralan ayon sa mga tuntunin nasa pasimula ng unang aralin. 1. Ang Cristiano ba ang may-ari ng kanyang sariling buhay?

2010 Gabay sa Pagbibigay Kahulugan

Impormasyon tungkol sa Pamumuhay sa Iba't-ibang Wika

Republic of the Philippines Department of Education Negros Island Region DIVISION OF SILAY CITY City of Silay

Music. Talaan ng mga Gawain. (Unang Kwarter) Department of Education June 2016

Positibong Pagtatasa ng Pag-uugali at Pagpaplano sa mga Paaralan: Fact Sheet

Pag-alalay sa Pag-aaral ng inyong Anak sa pamamagitan ng Pagtatasa, Pagsusuri at Pag-uulat

GABAY SA PAG GAMIT NG ADMIN CONSOLE (ADMIN CONSOLE QUICK GUIDE)

Ang Pagbabasa at Pagsusulat kasama ang Iyong Anak

I-reboot ang Iyong X1 TV Box

PART A. LINGGUHANG ISKEDYUL SA TRABAHO

MGA PAYO Ng Mga Sanggol

Isang Patnubay para sa Mga Baguhang Mag-aaral sa Junior High ng Edmonton Catholic Schools

SCFHP Cal MediConnect Plan (Medicare-Medicaid Plan) 2019 Listahan ng Matibay na Kagamitang Medikal (Listahan ng Durable Medical Equipment o DME)

GRADE VI GAMIT NG GRID

Nutri-bingo! Gabay para sa game master o facilitators. Ano ang nutri-bingo?

Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga konsepto sa pananagutang pansarili, pamilya,

Ang Makisig at Hangal na Hari

UNANG SEMESTRENG SILABUS SA FILIPINO PAGBASA AT PAGSUURI NG IBA T-IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK

Pamamatnubay na Palakad sa Paaralan para sa mga Magulang na Baguhan

H E K A S I EDUKASYON: SAAN PATUTUNGO SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools

Pag-unawa sa Pamamaraan ng Pagtasa, Karapatan, at Pang-isahang Programa sa Edukasyon ng Maryland

Chapter 6 Tagalog Verbs

I.~ lc "AN<17PAG-AASAWA AT ANG

Pantay na Pagk ak ataon sa mga Ex tr acur r icular na Gawain par a sa mga Estudyanteng may K apansanan Mayo 2014, Paglalathala #CM45.

Bayshore Elementary School District Local Control Accountability Plan Year 1 Summary

Pagsasanay sa Filipino

Ang Karapatan Ng Mga Bingi Na Lumaking Bilingwal

Pamagat ng Pag-aaral (o IRB Approval Number kung maaaring labagin ng pamagat ng pag-aaral ang privacy ng subject):

Sibika Baitang 2 Ikatlong Markahan

Ota City Board of Education

Sensus ng Magulang 2017 Ang Iyong Boses ay Mahalaga!

Anchorage School District MAHALAGANG MGA KARAPATAN PARA SA MGA MAGULANG NA MAY KINALAMAN SA MGA SURVEY SA ESTUDYANTE

ROBERT B. POLLOCK ELEMENTARY SCHOOL 2875 Welsh Road Philadelphia, PA

Health Net Cal MediConnect Plan (Medicare-Medicaid Plan) Handbook ng Miyembro

0 hanggang 3 buwan- Ang Paggawa ng Kaibhan

PAGSISIWALAT, PAGKAPRIBADO AT PAGIGING MAGULANG

1. Ano ang teknolohiyang pantulong (assistive technology) sa espesyal na edukasyon?

TAGALOG. PATNUBAY SA PAG AARAl NG. «an

Gabay para sa mga Lider

Talaan ng Mga Nilalaman

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Iyong patnubay sa kalayaang pampananalapi

Estado ng Alaska Kagawaran ng Mga Serbisyong Pang- Kalusugan at Panlipunan

Plano tungkol sa mga bata at tulong para sa pag-aalaga ng mga bata sa Yokohama (Pansamantalang Pangalan) Plano [Pansamantala]

ANG PAG-SETUP NG ISANG SISTEMA NG PAGBABAYAD NG SUWELDO

School Year (Akademikong Taon) English. learner. Gabay ng Programa ng. English Learner Program Guide 1

Doctrinal Mastery Material para sa Titser ng Aklat ni Mormon

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

K to 12 BASIC EDUCATION CURRICULUM SENIOR HIGH SCHOOL APPLIED TRACK SUBJECT

Nanganganib ba ako sa Hepatitis B?

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Stake Audit Committee

Edisyong Pang-edukasyon

Aplikasyon para sa Segurong Pangkalusugan (Health Insurance)

GABAY NG PROGRAMA NG ENGLISH

2018 Aplikasyon para sa Neighbourhood Small Grants

Hulyo 2016, Lat # Tagalog. Sistema ng proteksyon at pagtataguyod ng California Walang Bayad (800)

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

TAGALOG Online na Buklet ng Impormasyon ng Magulang Smarter Balanced Assessments at Hawai i State Science Assessments

H E K A S I EDUKASYON SA PANAHON NG EDSA REVOLUTION HANGGAN SA KASALUKUYAN SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools

MISYONG PAHAYAG. Isang masagana at inklusibong Canada na nakabatay sa tagumpay ng bawat indibidwal.

Oops... Ingat sa Lansangan

Ikapu at mga Handog-ayuno

International Correspondence Institute PHILIPPINE NATIONAL OFFICE P.O. Box 1084, Manila. Unang Aralin hanggang 3

POINTERS FOR REVIEW ARALING PANLIPUNAN - GRADE 1 Unang Markahan

Atlantic Health System

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

EDUKASYON SA PAGPAPAHALAGA IV Yunit I Modyul Blg. 1

BANAL NA PAGBABASA PARA SA PAMILYA

Mga Account ng mga Pasyente/Daanan ng Pasyente MANUAL NG MGA PATAKARAN

PAGSISIWALAT SA PAARALAN AT DAYCARE

Mga katanungang madalas itanong(q&a) tungkol sa Electronic Notification System ng Kawanihan ng Imigrasyon

Alamat ng Kawayan. Anthony Pascua SAILN, Tier III

Education for Better Work. (Edukasyon para sa Mas Magandang Trabaho) SELF-RELIANCE

Kard sa Pag-ulat ng Pananagutan ng Paaralan Iniulat para sa Pasukang

Paghahanda para sa Kadakilaan

TALAAN NG MAG-AARAL INTERNATIONAL CORRESPONDENCE INSTITUTE PHILIPPINE NATIONAL OFFICE-P.O. BOX 1084, MANILA 2800 PAGSUSULIT ARALIN I "ANG BIBLIA"

Mga Pananggalang na Pamamaraan Mga Karapatan ng Magulang

Pondong Ipinagkatiwala para sa Inyong Anak (Your Child s Trust Fund) Mga Madalas na Katanungan

BUOD ng Consolidated Plan ng ESSA ng Washington

MAY KAAGAPAY KA NA BA?

English. learner. Gabay ng Programa ng School Year (Akademikong Taon) SFUSD Multilingual Pathways Department

PANIMULA. Ang maging isang babae o lalaki ay isang mahalagang kaganapan para sa tao sa mundo.

Health TALK. Naarawan BUNTIS? Ano ang ibig sabihin ng bilang ng SPF sa sunscreen ANG SUSI SA MAGANDANG BUHAY AY ISANG MAHUSAY NA PLANO

UNITED STATES DISTRICT COURT NORTHERN DISTRICT OF CALIFORNIA HUKUMAN NG DISTRITO NG ESTADO NG CALIFORNIA HILAGANG DISTRITO NG CALIFORNIA

Ang Panganganak sa Ibang Lupain

Ang lahat ng iba pang impormasyon at benepisyo ay hindi magbabago gaya ng isinasaad sa inyong 2016 na Handbook ng Miyembro.

H E K A S I EDUKASYON NG MGA UNANG PILIPINO, NAIIBA BA? SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools

Transcription:

FILIPINO Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa programang Kindergarten at mga nakatutulong na tips para sa isang matagumpay na transisyon sa paaralan, bumisita sa aming website sa www.tcdsb.org TORONTO CATHOLIC DISTRICT SCHOOL BOARD TRUSTEES 2013-2014 Wards 1. Peter Jakovcic 416-512-3401 2. Ann Andrachuk, Chair 416-512-3402 3. Sal Piccininni, Vice-Chair 416-512-3403 4. Patrizia Bottoni 416-512-3404 5. Maria Rizzo 416-512-3405 6. Frank D Amico 416-512-3406 7. John Del Grande 416-512-3407 8. Garry Tanuan 416-512-3408 9. Jo-Ann Davis 416-512-3409 10. Barbara Poplawski 416-512-3410 11. Angela Kennedy 416-512-3411 12. Nancy Crawford 416-512-3412 William Lawrence, Student Trustee 416-512-3413 Enrique Olivo, Student Trustee 416-512-3417 Angela Gauthier, Director of Education Ann Andrachuk, Chair of the Board NOVEMBER 2013 80 Sheppard Avenue East, Toronto, Ontario M2N 6E8 416-222-8282 www.tcdsb.org

AKO Ako y isang bata Tahanan at paaralan ang aking lugar Sa imahen ng Diyos, ako ay ginawa Sa ngalan ng Diyos, ako ay isang bakas. Ako y isang manunuklas Tingnan mo t makikita mo Nakatutuklas ako ng maraming sorpresa sa paligid ko. Ako y isang atleta Masdan mo akong lumundag at sumayaw Minsan walang hinto sa paggalaw. Ako yisangsiyentipiko Napakaramikongalam Tungkolsatubig at panahon at dumina akingnahipo. Ako yisangarkeologo Ako y isang arkeologo Mga bato at roka ang aking natuklasan Kasya sa aking bulsa, iba t ibang uri at hugis ng mga bato. Ako y isang pintor Ang pinsel ang aking kasangkapan Naghahayag ng magandang kuwento, sa tahanan at sa paaralan. Ako y isang konstruktor Sa mga bloke ako y makagagawa Isang kastilyo, sang kubo, sang bangka para sa lawa. Ako y isang makata Aking dasal ay isang awitin ng papuri, at pasasalamat sa buong araw. Ako y bagong kaibigan Kalaro mo sa iyong tabi Sabay na natututo, lumalaking may dangal. Ako y isang bata Tahanan at paaralan ang aking lugar Kindergarten Artwork from: St. Jude Catholic School St. Thomas More Catholic School St. Timothy Catholic School Toronto Catholic District School Board, 2006 Sanggunian at Pangunahing Link para sa Full Day Kindergarten (Full-Day Kindergarten Quick Reference & Key Links) Mga Tanong tungkol sa full-day kindergarten: www.ontario.ca/kindergarten Patnubay ng Tanong at Kasagutan para sa Magulang: www.edu.gov.on.ca/kindergarten/qsasguide.pdf Listahan ng mga materyal: www.edu.gov.on.ca/kindergarten/index.html Information about child care in Ontario: www.ontario.ca/childcare Implementasyon ng Pamantayan sa Pananamit sa mga Paaralang Elementarya sa TCDSB Noong September 2011, ipinatupad na ng Toronto Catholic District School Board ang patakaran sa Pamantayan sa Pananamit sa bawat paaralang elementarya nito. Ang Pamantayan sa Pananamit: nagtataguyod ng diwa ng paaralan at kaligtasan naghihikayat ng pokus sa akademiks sumusuporta ng pagsasali sa lahat nagbibigay diin sa identidad ng paaralang Katoliko nagbibigay sa mga magulang ng pagpipilian at pleksibilidad matipid Bilang pagpapanatili ng aming pangako na ipakita ang aming pagiging Kristiyano sa pang-araw na buhay at pagsunod sa turo ng Simbahan at ng ating sariling Misyon at Bisyon, ang Toronto Catholic District School Board ay nagpatupad ng patakaran na Sweatshop-Free Purchasing Policy. Ang patakaran ay nagsasabi sa lahat ng aprubadong manininda ng uniporme na magbigay ng katiyakan na ang mga tagagawa ng uniporme ay sumunod sa mga hinihingi para sa probisyon at pagbili na nakasaad sa kasunduan sa Suppliers Fair Labour Practices Agreement. Hinihiling namin na isaalang-alang ng mga paaralan ang isang ligtas, makatarungan at malusog na pamantayan sa tuwing sila ay mamimili. Ang listahan ng mga taga-suplay o suppliers ng mga uniporme, na nagpahayag na sumusunod sila sa ating patakaran, ay nasa ating website. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa Local Dress Code ng paaralan, inirerekomenda na kontakin ng magulang ang kanilang punong-guro o ang Chair ng Catholic School Advisory Council (CSAC). Ang impormasyon tungkol sa implementasyon ng TCDSB Appropriate Dress Code ay makikita rin sa aming website sa: http://www.tcdsb.org/forparents/dresscode/pages/default.aspx

Mga Magulang bilang Kapanig Sa simulang pumasok na ang inyong anak sa paaralan, maraming mga paraan para patuloy ninyong masuportahan ang kanyang edukasyon sa pamamagitan ng pagiging kapartner ng paaralan: Dumalo sa komperensiya ng magulang at guro upang mapagusapan ang mga tagumpay, agam-agam at magbahagi ng mga ideya tungkol sa pinag-aralan ng inyong anak. Kung mas komportable kang pag-usapan ang iyong mga ideya sa wika maliban sa Ingles, bibigyan ka ng tagasalin o interprete para sa iyong sesyon. Magboluntaryo ng ilang oras. Kung meron kang libreng oras sa isang araw, linggo o buwan, baka nais mong magboluntaryo sa paaralan. Pahahalagahan ng paaralan ang iyong suporta. Kuntakin ang guro ng iyong anak o ang punong-guro ng paaralan. Alamin lagi ang mga impormasyon. Magpapadala ang paaralan sa inyo ng newsletter na nagbibigay buod ng mga mahalagang pangyayari, isyu at mga susunod na aktibidad. Lumahok sa mga espesyal na kaganapan sa paaralan gaya ng Gabi ng Kurikulum, Open House, Liturhiya at iba pang mga pagdiriwang. Ang mga kaganapang ito ay nagbibigay oportunidad na bumuo ng komunidad at maipagdiwang ang pag-aaral kasama ng iyong anak. Dumalo sa Pagpupulong ng Catholic School Advisory Council (CSAC). Ang bawat paaralan ay may Konseho ng Tagapayo sa Paaralan o Catholic School Advisory Council na nagpupulong buwan-buwan upang pag-usapan ang mga isyu at aktibidad na makabubuti sa mga estudyante at sa paaralan. Kontakin ang paaralan para sa petsa ng susunod na miting. Kontakin ang guro ng inyong anak kung ikaw ay may tanong o ikinababahala tungkol sa karaniwang gawain sa paaralan, kurikulum, kaligtasan at progreso patungkol sa iyong anak. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa full-day kindergarten, tingnan at basahin ang aming Quick Reference at Key Link section sa unang pahina ng buklet na ito. 16 Maligayang Pagdating sa Toronto Catholic District School Board! Mga Magulang/Tagapangalaga: Malugod namin kayong tinatanggap sa Toronto Catholic District School Board. Kinikilala namin na bilang mga magulang, kayo ang nagsilbing una at pinakamahalagang guro ng inyong anak, na humubog sa kanyang paniniwala at nagbigay ng panghabambuhay na kaalaman. Natutuwa kami na pinili ninyo ang isang paaralang Katoliko sa pagpapatuloy ng susunod na bahagi ng kanyang paglalakbay sa larangang ispiritwal at edukasyon. Ang naiiba at natatanging karakter ng aming mga paaralang Katoliko ay yumabong mula sa mahabang taon ng pagtutulungan ng tauhan, magulang at parokya upang matiyak na ang aming mga mag-aaral ay mabigyan ng mga oportunidad upang umunlad at magtagumpay sa isang mapagkalingang kapaligirang Katoliko. Ang Kindergarten ay isang nakapananabik na panahon para sa mga bata. Ito kalimitan ang kanilang unang introduksiyon sa pormal na edukasyon, dala rito ang samut-saring emosyon, kasama ng agam-agam, pagkatuwa at antisipasyon. Ito ay isang kritikal na panahon para sa pag-unlad ng iyong anak, kung saan siya ay natututo ng iba t-ibang mahahalagang kakayahan, dunong at mga aktitud na gagabay sa kanya tungo sa mga karanasan sa pag-aaral sa hinaharap. Kinikilala namin na ang lahat ng mga batang pumupunta sa amin ay may talento at kaloob, at iba t ibang uri ng pangangailangan. Lubos kaming makikipagtulungan sa inyo upang higit na maalagaan ang ispiritwal, akademik, pisikal, sosyal at emosyonal na pag-unlad ng bawat bata. Umaasa kami na ang taon na darating ay magbibigay sa inyong anak ng mga pagkakataon na magtagumpay, magkaroon ng mga bagong kaibigan at maraming magagandang karanasan. Angela Gauthier Director of Education 1 Ann Andrachuk Chair of the Board

Aming Bisyon para sa Maagang Pagkatuto Ipinagdiriwang namin ang pagkamangha at labis na pagtataka ng pagkabata bilang isang bakas ng Diyos. Isinusulong namin ang pag-unlad ng bata sa kanyang kabuuan. Naglilikha kami ng komunidad na mapagkalinga, kung saan ang lahat ay napapabilang, pinapahalagahan ang pagka-iba-iba at iginagalang ang lahat ng mga bata at kanilang pamilya. Nagbibigay kami ng angkop na programa upang matugunan ang mga magkakaibang karanasan, pinagmulan, abilidad at mga pangangailangan ng lahat ng mga bata. Naniniwala kami na sa pamamagitan ng paglalaro, natututo ang mga bata, at ito ang pangunahing daan upang maintindihan nila ang kanilang sarili, ang iba, at ang mundo. Pagtatasa, Pagsusuri at Pag-uulat sa Kindergarten Ipinapakita ng maliliit na bata ang kanilang pang-unawa sa pamamagitan ng paggawa, pagsasabi at pagpapakita. Patuloy na minamasdan, minomonitor, dinodokumento at binibigyang halaga ng mga guro ang pagkatuto ng bata sa maraming mga bagay. Sa unang termino, aanyayahan kayo na dumalo sa isang komperensiya upang mapag-usapan kung paano umuunlad at nakakaayon ang inyong anak sa paaralan. Ang komperensiya ay isang okasyon upang makapagbahagi at maipagdiwang ang tagumpay at progreso ng inyong anak simula noong Setyembre. Ang isang sinulat na report sa progreso ng inyong anak ay ipadadala sa inyo sa katapusan ng una at pangalawang termino sa Kindergarten. Lumilikha kami ng malusog na kapaligiran sa pag-aaral, at ito y ligtas, panatag, masigla at masusing pinagplanuhan at isinaisip ang kabutihan ng bata. Hinihimok namin ang pagkatuto sa pamamagitan ng pagtutuklas, paglalaro, paguusap, pakikipagsapalaran, paglutas ng suliranin at pagpili o pagdedesisyon. Gumagamit kami ng samut-saring estratehiya sa pagtuturo na para sa pangmalakihang grupo, pangmaliit na grupo at pang-indibidwal. Nagbibigay kami ng mga karanasan na bubuo ng isang matibay na pundasyon para sa paglinang ng literasi at numerasi. Gumagamit kami ng estratehiya na autentiko at patuloy na pagtatasa o pagsusuri para mabigyan ng wastong impormasyon ang gumagawa ng programa at mapaunlad ang pag-aaral. Tinatanggap at ginagalang namin ang mga magulang at tagapangalaga bilang mga mahalagang kapanig sa edukasyon ng kanilang mga anak. Itinataguyod namin ang pagtutuwang ng tahanan, paaralan, parokya at ng kabuuang kumunidad. 2 15

Pagtugon sa Pangangailangan ng Lahat ng mga Bata Tinatanggap ng Toronto Catholic District School Board ang lahat ng mga bata na may iba t-ibang uri ng pangangailangan sa pagkatuto at nakatalaga rin itong magbigay ng edukasyon na magtutulot sa lahat ng bata na maabot ang kanilang buong potensyal. Ang mga tauhan ng Board ay nakikipagtulungan sa mga magulang upang makapagbigay ng edukasyon na nagtatangkilik sa pag-unlad ng bata sa kanyang kabuuan. Marami sa mga batang may espesyal na pangangailangan sa pagkatuto ang isinasama sa edukasyong pangkalahatan, habang ang iba nama y nangangailangan ng programa at serbisyo na dinesenyo para matugunan ang sariling pangangailangan ng indibidwal sa edukasyon. Hinihimok ang mga pamilya na ipaalam sa paaralan ang espesyal na pangangailangan sa pagkatuto ng kanilang anak bago pa magumpisa ang pasukan. Kailangang ibahagi sa paaralan ang rekord o dokumento mula sa preschool, mga doktor, o mga ahensiyang pangkumunidad. Mabibigyan ng pagkakataon ang school board na makipagtulungan sa inyo upang planuhin ang maalwan na pagpasok sa paaralan at upang matiyak na nakalagay na ang mga espesyal na programa at serbisyo para sa inyong anak sa oras na siya ay magsimula nang pumasok. Pokus sa Pananampalataya Sa Kindergarten, pinapagtibay namin ang bata sa lahat ng aspeto ng kanyang paglago habang ipinagdiriwang namin ang kagandahan ng pagkabata bilang bakas ng Diyos. Ang In God s Image o Sa Imahen ng Diyos ay ang material na pinagbabatayan para sa edukasyong pang-relihiyon sa Kindergarten. Ito y nagtitibay ng kanilang ispiritwalidad, emosyonal, sosyal, intelektwal at pisikal na pag-unlad sa pamamagitan ng awit, dasal, mga aktibidad at simbolo. Ito y nagbibigay daan sa relihiyon na dumadaloy mula sa karanasan sa buhay ng munting bata at ito ay pinagdiriwang sa mga simpleng ritwal na lumilikha ng pundasyon para sa mga sumusunod na mga kaalaman sa relihiyon. Ang In God s Image ay binubuo ng walong mga modulo: Ako Mga Oras sa Daigdig Mga Espesyal na Araw Mga Oras sa Simbahan Komunidad Mga Halaman Mga Hayop Mga Pagbabago Ang ilang mga mas ispisipikong paksa ay napapaloob sa bawat modulo. Ang mga paksang ito ay binibigay sa buong panahon ng Kindergarten. 14 3

Pagiging Handa sa Paaralan Ang pagtuturo at pagkatuto ay parehong nagaganap sa paaralan at sa tahanan. Ang mga aktibo, masaya at makahulugang mga aktibidad ay mga pinakamagandang paraan para masuportahan ng mga magulang ang pagkatuto ng bata sa tahanan. Ang mga ito ay nagbibigay pagkakataon para sa mga bata na makapagsalita, makatuklas, makapageksperimento at humanga sa mga bagay sa kanilang pang-araw-araw na buhay. Kapag ang mga bata ay aktibong kasangkot sa pagkatuto, natutuklasan nila na ang pag-aaral ay parehong masaya at mahalaga. Ang sumusunod na mga aktibidad ay makatutulong upang maging handa sa paaralan ang inyong anak. Tulungan ang iyong anak sa transisyon mula sa tahanan papunta sa paaralan. Sabihin mo sa akin kung kagaya ng ano ang paaralan at ang lahat ng masasaya at magagandang bagay na aking matututunan. Dalhin mo ako para bisitahin ang aking paaralan. Ipakita mo sa akin ang aking silidaralan at ipakilala mo sa akin ang aking guro. Sabihin mo sa akin ang tungkol sa aking unang araw at ang tungkol sa mga bagong tao na aking makikilala. Basahan mo ako ng libro tungkol sa paaralan at kung paano magkaroon ng bagong kaibigan. ng Oportunidad sa Pag-aaral ng Matematika nagtataguyod ng pag-iisip ng matematika, pag-uusap at paglutas ng palaisipan sa pamamagitan ng pamamahala ng konkretong materyal. Ang mga aktibidad na ito ay nagsasali ng pagbibilang, pag-unawa ng numero, pag-uuri, patern, pagsusukat at pagkolekta ng mga datos upang makagawa ng at mabigyang pakahulugan ang mga grapika. Pisikal na Edukasyon at larong panlabas nagbibigay sa mga bata ng pagkakataong igalaw ang kanilang katawan at palakasin ang kanilang muskular na kakayahan sa pamamagitan ng mga aktibidad na malikhaing paggalaw, pagsayaw, pagtakbo, paglundag, pag-akyat at pagmanipula bola, hoops, at iba pa. Aklatan sa Paaralan ang pagbisita ay nangyayari isang beses sa isang linggo. Inaanyayahan ang mga bata na humiram ng aklat upang basahin sa bahay kasama ng pamilya. Musika ay naisasama sa araw-araw na aktibidad. Ang mga bata ay makikilahok din sa lingguhang leksiyon sa pag-awit kasama ng guro sa musika. Oras ng Meryenda ay nagbibigay ng muling lakas sa mga katawan. Ang mga bata ay inaasahang magdala ng kaunti at malusog na meryenda (walang anumang produkto ng nut) para kainin araw-araw. 4 13

Ang Karaniwang Araw sa Kindergarten Ang karaniwang araw sa programang kindergarten ay nagsasali ng balanseng aktibidad sa pagtutuklas, paggalugad o imbestigasyon, instruksiyon na may patnubay at malinaw na instruksiyon. (Full Day Early Learning Kindergarten Document 2010, FDELK). Oras ng Pagtitipon nagaganap kung sama-sama ang mga bata at ang guro para sa mga aktibidad na pangmalakihang grupo. Ang mga aktibidad ay maaaring magsali ng dasal, mga paguusap, pagbabahagi at pag-e-eksperimento. Sa Imahen ng Diyos o In God s Image Ang Programa ng Edukasyon sa Relihiyon sa Kindergarten ay nag-aalaga ng ispiritwalidad ng mga bata sa pamamagitan ng pagbigay ng pagkakataon sa loob ng araw na mailahok sila sa larong paladasalan. Nailalahok sa kabanalan sa kanilang sariling antas ang mga bata sa pamamagitan ng paggamit ng samut-saring tema sa In God s Image at sa pagsunod sa Liturhiya ng Simbahan. Intensyonal na pagbibigay ng pagkakataon sa paglalaro para matuto nagbibigay sa mga bata ng pagkakataon na mapalawak ang kanilang pag-aaral at paglutas ng pala-isipan sa pamamagitan ng paglalaro na may pokus. Ang mga oportunidad ay maaaring magsama ng larong dula, laro sa tubig at buhangin, bloke, puzzle, pagpipinta, playdough, sentro sa literasi at matematika. Ang pag-aaral sa lengguwahe at matematika ay naisasama na sa buong araw. Pag-aaral ng Lengguwahe/Wika nagtataguyod ng pagkahilig sa pagbabasa at pagsusulat at nagsasali ng pag-unlad sa pagbigkas ng wika sa pamamagitan ng pag-uusap, tugma, laro sa daliri, awitin at tula. Ang mga bata ay nalalahok din sa pagbabasa, pagsusulat at mga laro sa pagkilala ng tunog sa oras ng mga aktibidad sa lengguwahe. Bigyan ang iyong anak ng isang ligtas at malusog na simula sa paaralan. Tulungan mo akong simulan ang aking araw ng may malusog na almusal. Tulungan mo akong magbaon ng nakabubusog na meryenda na walang nut o anumang produkto ng nut (dahil may taluhiyang o allergy sa nut ang iba kong kaibigan). Tiyaking patulugin ako ng maaga. Kailangan ko ng 10-12 oras na tulog gabi-gabi. Suutan ako ng kumportableng damit ayon sa pang-araw araw na klima. Turuan mo akong maging independiente sa pananamit para sa lahat ng kapanahunan. Ituro mo sa akin kung paano at kung kanino hihingi ng tulong kung kinakailangan. Ituro mo sa akin kung paano ang paggamit ng banyo at paano maghugas ng mga kamay. Bigyan mo ako ng oras bawat araw upang aktibong makapaglaro sa loob at labas upang ako y pisikal na maging malusog. 12 5

Tulungan ang iyong anak na maging pamilyar sa mga salita at mga aklat. Pakitaan mo ako ng mga larawan ng mga tao at mga lugar na pamilyar sa akin at hayaan mo akong magkuwento ng tungkol sa kanila. Kumanta ka ng mga awitin at turuan mo ako ng mga tugma. Basahan mo ako. Dalhin mo ako sa aklatan. Magdala ng mga libro at mga magasin sa bahay. Paulit-ulit mong basahin ang aking paboritong kuwento. Kausapin mo ako tungkol sa mga kuwento upang higit kong maintindihan ang kanilang mga kahulugan. Ipakita mo sa akin ang mga sinulat na salita at mga letra ng alpabeto sa aking wika. Iparinig mo sa akin ang kanilang mga tunog. Tulungan mo akong matutunang basahin at isulat ang aking pangalan. Sa agham at teknolohiya, matututunan ng mga bata ang tungkol sa natural na daigdig at ang mga likha ng tao sa pamamagitan ng pagtuklas at eksperementasyon para sila ay: magmasid, magtanong at magbahagi ng impormasyon makagawa ng mga simpleng imbestigasyon maingatan nila ang kalikasan makatuklas ng mga karaniwang materyal gumamit ng teknolohiya Sa kalusugan at pisikal na aktibidad, ang mga bata ay nakikilahok sa araw-araw na pisikal na aktibidad at natututo kung paano gumawa ng malusog at ligtas na pagpipilian. Sa sining, inihahayag ng mga bata ang kanilang mga ideya at mga damdamin sa pamamagitan ng musika, sining biswal, dula at sayaw habang sila y natututo tungkol sa pundamental na uri ng sining. Tulungan ang iyong anak na matutunan ang tungkol sa mga hugis, sukat at mga kulay Bigyan mo ako ng mga bagay na pag-uuriin ko sa hugis, sukat o kulay, gaya ng mga medyas, laruan, o pagkain. Tulungan mo akong hanapin at bigyan ng pangalan ang mga hugis at mga kulay na nakapaligid sa akin. 6 11

Sa lengguwahe, ang mga bata ay nasasangkot sa iba t ibang kaalaman sa literasi upang sila ay: magsalita, makinig at makipag-usap sa iba magbahagi ng mga ideya at magtanong bumuo ng mga estratehiya at mga kakayahan para sa pagbabasa at pagsusulat manood at tumugon sa iba tibang uri ng materyal ng midya. Sa matematika, nag-uumpisang maunawaan ng mga bata ang konsepto at kakayahan sa matematika sa pamamagitan ng sariling pagtuklas ng konkretong materyal upang sila ay: makaunawa ng mga numero sa pamamagitan ng pagbibilang, pagpapares, pagkakalkula at pagtatakda makapagkumpara at makapagsukat makapaglarawan at makapagkumpara ng mga hugis at mga bagay na 3-D makapaglarawan ng posisyon ng mga bagay makakilala at makagawa ng mga patern makapag-klasipiko at makapag-uri makapagkolekta ng datos upang makagawa ng konkretong grapika. Tulungan ang iyong anak na matutong bumilang at maunawaan na may kahulugan ang mga numero. Tulungan mo akong maglaro ng mga larong bilangan. Hayaan mo akong bumilang ng mga bagay sa tahanan at sa aking kumunidad. Ipakita mo sa akin kung paano ginagamit ang mga numerong nakapaligid sa akin, halimbawa, sa tindahan, sa aking mga bloke, sa aking tinitirhan at numero ng telepono. Kausapin ang iyong anak tungkol sa paglalakbay patungo sa paaralan at pauwi mula sa paaralan araw-araw. Sabihin mo sa akin kung paano ako pupunta sa paaralan? Maglalakad ba ako? Ihahatid mo ba ako ng sasakyan? Sasakay ba ako sa school bus? Ipaalala mo sa akin bawat araw kung paano ako makauuwi at kung sino ang susundo sa akin. Ilakad o ihatid mo ako ng sasakyan bago ang unang araw ng pasukan para maipakita mo sa akin ang daan. Ituro mo sa akin na hintayin ang bus sa bangketa, na medyo malayo sa kalye. Sa paghinto ng bus at pagbukas ng pinto, ipakita mo kung papano ako aakyat sa baitang at humawak sa balustre. Paalalahanan mo akong magpakabait, makinig sa tsuper at umupo ng tahimik. Ituro mo sa aking kilalanin at tandaan ang karaniwan kong hinihintuan. Dito lang ako dapat bumaba ng bus. Turuan mo ako kung paano bumaba ng bus ng ligtas. Kailangang tumingin ako sa lahat ng dako bago ako tumawid ng kalye. Dapat maglakad ako papunta sa taong susundo sa akin. 10 7

Pagkatuto sa pamamagitan ng Paglalaro May malakasnakaugnayansapagitanngpaglalaroat pagkatutongmgabata, lalo na sa pag-unladngkanilangkakayahan sa pagsasalita, lengguwahe, pagbabasa, pagsusulat, matematika, personal at larangangsosyal. Kusangnaglalarongmalayaangmgabata at nakikilahoksamgaorganisadonglarona may patnubaymulasa Early Learning Team ngministringedukasyon.para sa mgabata, ang paglalaro ay isangseryosonggawainngpagkatuto. Sa pamamagitan ngpaglalaro, nakakapag-eksperimento, nakatutuklas, nakabubuo, nakalulutasngsuliranin, nakapagkukunwari, nakakapagkomunikasyon Ang Programang Kindergarten Ang Kindergarten Program (Ministry of Education and Training, 2006) at ang Full Day Early Learning Kindergarten Program (Ministry of Education 2010) ay nagbabalangkas ng mga patakaran sa edukasyon na huhubog sa edukasyon ng lahat ng batang nasa Kindergarten sa Ontario. Napapaloob sa programa sa ilalim ng anim na mahalagang larangan ang mga kaalaman at mga kakayahan na dapat maidebelop ng bata bago magtapos sa Kindergarten: personal at sosyal na pag-unlad lengguwahe o wika matematika agham at teknolohiya kalusugan at pisikal na aktibidad mga sining Sa personal at sosyal na pag-unlad, binibigyan ang mga bata ng samut-saring karanasan sa pag-aaral para sila ay: magkaroon ng positibong saloobin o pagtingin sa kanilang mga sarili at sa iba maging mas independiente at mas responsable magkaroon ng kakayahang kontrolin ang sarili (kamalayan at pagkontrol sa sariling pag-uugali) matuto ng nararapat na kakayahang pang-sosyal lumutas ng mga problema at tumapos ng mga gawain maging mas talos sa kanilang paligid. 8 9