Edukasyon Pantahanan at Pangkabuhayan ICT

Similar documents
GABAY SA PAG GAMIT NG ADMIN CONSOLE (ADMIN CONSOLE QUICK GUIDE)

Tagalog NATIONAL STANDARDS. sa pagbabasa, pagsusulat at matematika. Gaano kahusay ang aking anak sa paaralan?

Zangle Parent Connect Gabay sa Tagagamit. Paaralang Pampurok ng Anchorage

I-reboot ang Iyong X1 TV Box

GRADE VI GAMIT NG GRID

Mga Nalalapit na Pagbabago sa Santa Clara Family Health Plan Cal MediConnect Plan (Medicare-Medicaid Plan) 2018 na Listahan ng Gamot

Ika-13 Aralin IYONG KA- UGNAYAN SA IBA" ~ Kinakailangang ibigin, igalang at sundin natin sila.

Music. Talaan ng mga Gawain. (Unang Kwarter) Department of Education June 2016

Republic of the Philippines Department of Education Negros Island Region DIVISION OF SILAY CITY City of Silay

Impormasyon tungkol sa Pamumuhay sa Iba't-ibang Wika

SCFHP Cal MediConnect Plan (Medicare-Medicaid Plan) 2019 Listahan ng Matibay na Kagamitang Medikal (Listahan ng Durable Medical Equipment o DME)

2010 Gabay sa Pagbibigay Kahulugan

UNANG SEMESTRENG SILABUS SA FILIPINO PAGBASA AT PAGSUURI NG IBA T-IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK

Ika-14 na Aralin. Pag-aralan ayon sa mga tuntunin nasa pasimula ng unang aralin. 1. Ang Cristiano ba ang may-ari ng kanyang sariling buhay?

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

PART A. LINGGUHANG ISKEDYUL SA TRABAHO

Pamagat ng Pag-aaral (o IRB Approval Number kung maaaring labagin ng pamagat ng pag-aaral ang privacy ng subject):

Oops... Ingat sa Lansangan

Chapter 6 Tagalog Verbs

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

K to 12 BASIC EDUCATION CURRICULUM SENIOR HIGH SCHOOL APPLIED TRACK SUBJECT

Iyong patnubay sa kalayaang pampananalapi

Halimbawa ng talumpati tungkol sa edukasyon Elastrator self castration Explicit movies on amazon 2017 Fidio porno abg perawan indo yg dapat di tonton

Aplikasyon para sa Segurong Pangkalusugan (Health Insurance)

Gabay ng gumagamit. Xperia V. LT25i

Kapag Ang Mga Bata Ay Nagsasalita Ng Higit Sa Isang Wika

ROBERT B. POLLOCK ELEMENTARY SCHOOL 2875 Welsh Road Philadelphia, PA

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Vivaz pro Pinalawak na User guide

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

EDUKASYON SA PAGPAPAHALAGA I

ANG PAG-SETUP NG ISANG SISTEMA NG PAGBABAYAD NG SUWELDO

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

H E K A S I KABABAIHAN SA PANAHON NG IKATLONG REPUBLIKA SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools

Pagsasanay sa Filipino

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Ang Makisig at Hangal na Hari

TAGALOG. PATNUBAY SA PAG AARAl NG. «an

Mahal na Punong Guro, Guro o Kasama sa Trabaho

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Education for Better Work. (Edukasyon para sa Mas Magandang Trabaho) SELF-RELIANCE

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Ano-ano Ang Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

1. Ano ang teknolohiyang pantulong (assistive technology) sa espesyal na edukasyon?

TAGALOG Online na Buklet ng Impormasyon ng Magulang Smarter Balanced Assessments at Hawai i State Science Assessments

I.~ lc "AN<17PAG-AASAWA AT ANG

Paksa: Mga Tayutay. Akdang Babasahin: Ang Pintor ni Gerry Gracio. Inihanda ni:

H E K A S I NORTH ARROW COMPASS ROSE LOKASYON NG PILIPINAS SELF INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

MAY KAAGAPAY KA NA BA?

Edukasyon sa Pagpapakatao

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Mga katanungang madalas itanong(q&a) tungkol sa Electronic Notification System ng Kawanihan ng Imigrasyon

FOR FREEDOM CHRIST HAS SET US FREE

Gabay para sa mga Lider

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

2017 Fair Housing Survey para sa Lungsod at County ng Los Angeles

Starting and Growing My Business. (Pagsisimula at Pagpapalago ng Aking Negosyo) SELF-RELIANCE

Sibika Baitang 2 Ikatlong Markahan

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Positibong Pagtatasa ng Pag-uugali at Pagpaplano sa mga Paaralan: Fact Sheet

Ang Pagbabasa at Pagsusulat kasama ang Iyong Anak

Toolkit para sa Advance Directive. Ang pinakamahalaga sa iyo

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Pamamahala sa Social Security Mahalagang Impormasyon

Ang Bautismo: Pakikipag-isa kay Cristo sa Kamatayan at Bagong Buhay (Unang Bahagi)

Sino ba talaga si Jesus? Ano ang tunay na Cristiano?

EDUKASYON SA PAGPAPAHALAGA IV Yunit I Modyul Blg. 1

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

SUUNTO GUIDING STAR PAG-IINGAT AT WARRANTY

Ang Karapatan Ng Mga Bingi Na Lumaking Bilingwal

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Ang Pangprobinsiyang Kard ng Ulat (Report Card) ng Manitoba. Impormasyon para sa. Mga Magulang

Sino ba talaga si Jesus? Ano ang tunay na Cristiano?

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Fear God October 24, 2010 By Derick Parfan Scripture: Luke 12:4-7

Simply The Story (STS)

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

PANIMULA. Ang maging isang babae o lalaki ay isang mahalagang kaganapan para sa tao sa mundo.

Advance Directive - ALASKA

Technology Responsible Use Guidelines (Mga Alituntunin sa Responsableng Paggamit ng Teknolohiya)

AWIT 16:2-3 SINO ANG NAKIKINABANG SA MABUBUTI NATING GAWA? NI REV RODNEY KLEYN

International Correspondence Institute PHILIPPINE NATIONAL OFFICE P.O. Box 1084, Manila. Unang Aralin hanggang 3

2018 Aplikasyon para sa Neighbourhood Small Grants

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

EDUKASYON SA PAGPAPAHALAGA II Yunit II Modyul Blg. 1

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

Our Father in Heaven. Series: Prayer Rocks the World. By Derick Parfan. July 5, Matthew 6:9-13 (ESV) 1

Ota City Board of Education

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

From left, Dingdong Dantes, Jennylyn Mercado, Dennis Trillo, Lovi Poe, Alden Richards and Betong Sumaya.

HF Markets Ltd HOTFOREX PHILIPPINES CONTEST

Third Quarter 2018 Social Weather Survey: Pinoys maintain anti-chinese stance on West Philippine Sea issue

Transcription:

5 Edukasyon Pantahanan at Pangkabuhayan ICT Activity Sheets (1st Quarter) Department of Education June 2016 1

GAWAIN 1: PAMANTAYAN SA PAGKATUTO: ILALAANG ORAS : CG COMP.: PAGGAWA NG ONLINE MARKET SURVEY Natutukoy ang mga oportunidad na maaaring mapagkakitaan (products and services) sa tahanan at pamayanan Spotting opportunities for products and services 60 minuto EPP-Oa-1 Gumawa ng Online Market Survey gamit ang Google Form Mga hakbang: 1. Subukang sagutan ang Class Market Survey na ito sa Google Form http://goo.gl/forms/ijoiw5tyoz. Ito ay halimbawa ng output na gagawin ng inyong grupo. 2. Subukan nating gumawa ng sariling Online Market Survey. Sundan ang link na ito ng Google website: http://www.google.com 3. Mag-sign in o mag-sign up kung wala pang account sa website na ito. 2

4. Para sa pag-create ng account, i-fill out ang form na ito at sundan lamang ang instruction: 5. Kung mayroon ng account, mag-sign in na upang simulang gawin ang online form. 6. I-click ang Google Apps button sa kanang bahagi sa itaas ng browser window. I-click ang Drive. 3

7. I-click ang New button na makikita sa kaliwang bahagi ng window. Sa dropdown menu, hanapin ang Google Form. Mamili ng uri ng questionnaire kung multiple choice, short answer, checkboxes, etc. TANDAAN NATIN Ang google forms ay isa sa mga online tools na bahagi ng google drive. Ang tool na ito ay makatutulong sa paggawa ng online survey, pagsusulit, pagkalap at paglalagom ng mga impormasyon. 8. I-click ang Option 1 at simulan na ang pag-pasok ang tanong na nais mo para sa survey. 9. I-format ang Questionnaire gamit ang Color Palette 4

10. Ipamahagi ang link o ipadala ang Google Survey Form na ito sa e-mail ng inyong mga mag-aaral. Gawing batayan ang mga katanungan sa Class Markey Survey na ito: Panuto: Gamit ang form na ito, magkaroon ng pagsisiyasat sa loob ng silid-aralan, upang malaman kung ano anong mga negosyo ang maaaring pagkakitaan sa paaralan. Maaari ring isagawa ang pagsisiyasat sa pamamagitan ng pagtatanong sa mga mag-aaral at pagtaas ng kanilang mga kamay. Matapos pagsamahin ang mga naging resulta ng pagsisiyasat mula sa iba pang mga klase, talakayin ang mga mungkahi para sa produkto at serbisyong maaaring pagkakitaan sa paaralan bilang inyong market. A. Ilan sa klase ang: Lalaki Babae B. Ilan sa klase ang may edad na 10, 11, 12, 13, 14, 15, 16+? C. Bilang ng miyembro ng pamilya (kasama ang sarili)? 2, 3, 4, 5, 6, 7, 8+ D. Tumutulong ka ba sa trabaho ng inyong magulang? Oo Hindi E. Bilang ng mga mag-aaral na libangan ang mga sumusunod? Pagbabasa, Pakikinig ng musika, Paglalaro ng kahit anong sports, Panunuod ng TV, Pakikipag-usap sa telepono o cellphone, Pagsasayaw, Pamamasyal Pagkukumpuni ng sirang gamit, Pananahi, Pagluluto, Pag-eehersisyo, Pagdidisenyo, Pagpinta o pagguhit, Pag-aalaga ng bata, Pagsusulat ng kuwento (Maaaring dagdagan pa ang mga pagpipiliang ito) F. Ano anong mga produkto o serbisyo ang nais mong mabili sa paaralan na kasalukuyan hindi pa neibebenta rito? 5

Karagdagang Gawain Batay sa mga nakalap na impormasyon, ilista ang mga produkto o serbisyo na sa tingin ninyo ay magiging patok o mabenta sa paaralan. Talakayin din ang mga pamamaraan sa pagbebenta ng mga ito. Magsaliksik pa ng mga produkto o serbisyo na matatagpuan sa inyong pamayanan. Halaw sa mananaliksik na isinagawa, ilista at ipaliwanag ang iba pang mga produkto at serbisyo na matatagpuan sa inyong pamayanan. 6

GAWAIN 2: PAMANTAYAN SA PAGKATUTO: ILALAANG ORAS : CG: PAGSALI SA DISCUSSION GROUP AT CHAT Nakasasali sa discussion forum at chat sa ligtas at responsableng pamamaraan 20 minuto EPP5IE-0c-8 Makilahok sa Online Forum Discussion Mga hakbang: 1. Mag-register sa website na http://grade5kto12ntot.createaforum.com/ upang makalahok sa online forum. 2. I-click ang General Discussion at i-click and EPP-ICT and Entrepreneruship. 3. Ang mga miyembro ng bawat grupo ay sasagutin ang katanungan para sa talakayan: Paano tayo magiging responsableng netizen? 4. I-click ang reply button upang makalahok sa talakayan. Paggawa ng Discussion Thread Gamit ang Online Forum Mga hakbang: 1. Gamit ang inyong computer at Internet, mag-search ng iba ang website kung saan maaaring makagawa ng online forum discussion. 2. Magregister sa forum website na napili at magsimula ng discussion thread. Ibahagi ang natutunang kasanayan sa buong klase sa pamamagitan ng demonstration. 7

GAWAIN 3: PAMANTAYAN SA PAGKATUTO: ILALAANG ORAS : CG PAGGAMIT NG ADVANCED FEATURE NG SEARCH ENGINES Nagagamit ang advanced features ng isang search engine sa pangangalap ng impormasyon 30 minutes EPP5IE-0d-10 Pag-access ng Advanced Feature ng Google 1. Buksan ang inyong web browser (Google Chrome). 2. I-click ang Settings sa ilalim at piliin ang Advanced Search -o- i-type sa address bar ang sumusunod na URL address: https://www.google.com/advanced_search. 3. Magbubukas ang Advanced Search Form. 4. Simulang i-fill up ang search form textboxes ng mga key words na gagamitin sa pagsasaliksik. 5. Subuking i-search ang mga sumusunod na files sa Google: File Name File Type Language 1. How to Create a Discussion Web Page or Filipino Forum? Video 2. Writing A Business Proposal PowerPoint English 3. Effects of Light, Heat, Sound, and Electricity on People PDF English 6. Subukan din mag-advanced searching gamit ang Internet Explorer o Mozilla Firefox. Ibahagi ang natutunang kasanayan sa buong klase sa pamamagitan ng demonstration. 8

GAWAIN 4: PAMANTAYAN SA PAGKATUTO: ILALAANG ORAS : CG PAGGAWA NG INCOME STATEMENT GAMIT ANG ELECTRONIC SPREADSHEET Nakagagamit ng mga basic function at formula sa electronic spreadsheet upang malagom ang datos. 50 minutes EPP5IE-0f-16 Mga Hakbang: 1. Buksan ang inyong electronic spreadsheet (MS Excel). 2. I-type ang sumusunod na mga datos: 3. Kuwentahin kung magkano ang kabuohang gastusin at netong kita gamit ang formula at basic function. 4. Sa pagkuha ng kabuohang gastusin, i-click ang cell C4, i-click ang AutoSum button sa Home tab ng ribbon at i-select ang cell C5 hanggang cell C14. I-press ang Enter button sa keyboard. 5. Sa pagkuha naman ng netong kita, i-click ang cell C15, i-type ang = (equal sign), i-click ang cell C3 at i-press ang - (minus sign o dash) at i-click ang gastusin. 6. I-press ang enter sa keyboard. Ngayon ay nakuwenta mo na ang kabuohang gastusin at netong kita gamit ang electronic spreadsheet. Ibahagi ang natutunang kasanayan sa buong klase sa pamamagitan ng demonstration. 9

GAWAIN 5: PAMANTAYAN SA PAGKATUTO: ILALAANG ORAS : CG PAGDISENYO NG ADVERTISEMENT POSTER Nagagamit ang desktop publishing tool sa paggawa ng flyer, brochure, banner o poster na may kasamang nalalagom na datos 60 minutes EPP5IE-Oj-21 Ang desktop publishing tool ay ginagamit upang makalikha ng newsletters, brochures, flyers, advertisement poster at libro. Ang MS Publisher at Adobe InDesign ang ilan sa mga kilalang desktop publishing tool. Isa ang poster na maaaring magawa gamit ang tool na ito. Ito ang ilang patnubay sa paggawa nito. Pag-isipang mabuti ang magiging disenyo ng iyong poster. Maaari mo itong i- plano muna gamit ang papel at lapis. Kung nangangailangan ng mga larawan ay tiyaking nakahanda na ang mga ito. Hangga t maaari ay kumuha o gumuhit ng sariling mga larawan. Kung talagang kailangang i-download ang isang clip art o photo na natagpuan sa internet, siguraduhin lamang na ito ay walang copyright protection o nakapagpaalam sa may-ari nito bago gamitin. Maaaring gumamit ng mga hugis, clipart, borders at wordart upang mas lalong mapaganda pa ang poster. Magsama rin ng mga aktuwal na larawan ng produkto o serbisyo upang lubos na mahikayat ang mga mamimili. Magsimula tayo sa paggawa ng poster gamit ang MS Publisher. Mga hakbang: 1. Buksan ang MS Publisher na mayroon sa inyong computer. Ang mga ito ang pwedeng pamilian. I-click ang advertisements. Piliin ang size na gusto mo sa mga built-in templates na nasa ibaba. 10

2. Magbubukas ang document window at maaari mo nang simulan ang paglikha ng iyong advertisement poster. Ito naman ang template na gawaan ng mga disenyo o lagayan ng mga impormasyon. Ito ang mga standard toolbars o menu bars na maaaring gamitin sa paggawa. I-click ang mga ito ayon sa gagawin at mga idagdag na disenyo at impormasyon upang makahikayat ang poster na gagawin. 3. Sa insert bar, i-click ang Pictures. Ganito ang hitsura pagka-click ng insert. Pwede rin i-resize ang larawan ayon sa nais. Piliin ang nais na larawan. I-click ang insert. 4. Pwede rin baguhin ang larawan, magdagdag ng text, wordart, table at iba pang impormasyon ayon sa naisin. Ang mga hakbang sa pagsasagawa nito ay halos pareho lamang sa hakbang 3 sa itaas. Bilang isang mag-aaral, mag-explore pa at marami kang madidiskubre upang lalo pang mapaganda ang output. 4. I-save ang ginawang poster at i-print ito sa papel o sa tarpaulin upang aktuwal na magamit sa negosyo. 11

Karagdagang Gawain: Gumawa ng poster tulad ng nasa ibaba. Maaari din gumawa ng iba pang dokumento gamit ang desktop publishing tool tulad ng certificate, business card, label etc. upang mahasa sa paggamit ng tool na ito. Ibahagi ang natutunang kasanayan sa buong klase sa pamamagitan ng demonstration. 12

GAWAIN 6: PAMANTAYAN SA PAGKATUTO: ILALAANG ORAS : HAKBANGIN: CG: PAGLIKHA NG MGA KNOWLEDGE PRODUCTS Nagagamit ang mga basic features ng slide presentation tools sa pagbuo ng anunsiyo na may kasamang teksto, diagram, table, tsart, photo o drawing. 1 Oras at 30 minuto I. Talakayin ang mga Elemento at Prinsipyo ng Desenyo. II. Gumawa ng Visuals sa pamamagitan ng pagsunod sa mga hakbang kung paano gamitin ang mga Processing Tools sa Powerpoint. EPP5IE-0j-22 I. ELEMENTO AT PRINSIPYO NG DESENSYO (sa table, teksto/talata, poster design o diagram) Anu mang visuals o biswal ay naglalayong makipag-usap sa sinumang nagbabasa o nakakakita nito kung kaya t mahalaga ang tinatawag na visual ease. Dapat ang isang biswal ay nagbibigay din ng kasiyahan ng mata na hindi mag-iiwan ng pagka kulang sa pakiramdam ng isang mambabasa o taga tingin. Marahil ay dati nang napag-aralan ang mga elemento (line, shape, direction, texture, hue, tone) at prinsipyo (balance, harmony, contrast, unity, pattern) ng desenyo. Para makagawa ng isang biswal na masarap tingnan o basahin, narito ang mga iilan sa mahahalagang paalala bago tayo pumunta sa Hakbangin II. Talaan o Table 1. Magandang gumamit ng kulay upang bigyang buhay ang isang talaan. Sa paggamit ng kulay gawin itong monochromatic (pag-iiba sa bigat ng iisang kulay) maliban kung mayroon kang matinding dahilan upang gawin ito. Kadalasan na ginagamit ang ibang kulay ay ang table heading. 2. Tipirin ang espasyo para sa kolum ngunit huwag sa paraang napuputol na ang isang salita sa dalawa. 3. Pantayin ang espasyo sa taas at baba, sa kaliwa at sa kanan ng bawat cell na may mga lamang teksto. 4. Gumamit ng huwag lalampas sa apat (4) na font style, kasama na ang italics. 5. Para sa mga talaan na pang isang pahina, gumamit ng maiikling pangungusap sa bawat cell. 6. Iwasang nagkakaroon ng river ang iyong mga teksto sa cell. Ang river ay ang malaking espasyo sa pagitan ng dalawang salita dahil ang teksto ay full justified para maganda sa paningin. 7. Iwasang mag-iwan ng iisang salita sa dulo ng mga pangungusap na nasa loob ng cell. 8. Dahan-dahan sa paggamit ng weight at kulay ng mga border sa isang talaan, lalong-lalo na kung ito y nasa loob ng isa pang talaan. 13

Poster o Drawing 1. Maganda pagsama-samahin o pag-parisin ang mga font style na hindi pareho ngunit magkasundo sa mata. Dahil ang poster ay nagnanais kumuha ng pansin, maganda ipag-pares ang malapad at manipis na font style, serif at sans-serif, at ibang kulay gaya ng mga nasa ibaba. 2. Mag-iwan ng tinatawag na white space sa isang biswal. Huwag ipagsiksikan o paghalu-haluin ang mga teksto at images. Mahihirapan mag pokus ang mata sa dapat na binabasa, dito nawawala ang intensyon ng poster na itawid ang mensaheng nais niyang iparating sa kanyang mambabasa. 3. Unawain na ang bawat poster ay dapat may coherence, rhythm at proportion upang ito y maalala at nag-iiwan ng kapunuan sa mambabasa tungkol sa mga impormasyong gusto niya malaman buo at hindi kulang. Teksto 1. Magandang gumamit ng teksto na hindi lalampas ng apat (4), kasama na ang italics. 2. Gumamit ng teksto na madaling basahin. 3. Maaaring gumamit ng contrast sa mga teksto ngunit gawin itong dahan-dahan upang hindi masakit sa mata. 4. Walang mahigpit na pamantayan sa paggamit ng mga teksto ngunit, maganda rin na unawain natin kung kelan dapat gamitin ang italics, sans serif at serif: Italics ginagamit kung gusto bigyan diin ang pangungusap. Ang italics ay pinasusunod nya ang mata na dahan-dahanin ang pagbabasa at tuloy mas naiintindihan ng mambabasa. Hindi ito dapat gamitin ng walang mahalagang dahilan. Serif ginagamit kung ang teksto ay 1-2 pahina ginagamit pang headline o title San Serif ginagamit sa screen kaysa sa print ginagamit kung ang teksto ay lampas 2 pahina ginagamit sa body text ginagamit sa print kaysa sa screen 14

II. PROCESSING TOOLS SA POWERPOINT 1. I-click ang icon na para sa Powerpoint 2007. Ang hitsura ay gaya ng nasa ibaba. Makikita ang mga standard toolbars na clickable depende sa gagawin. Slide ang tawag sa puting papel. Makikita dito ang dalawang kahon na click to add title and isa. Maaaring i- click ang mga ito upang mailagay ang title na nais. Maaari din itong i-delete. Kung paano, dalhin ang cursor sa gilid ng kahon hanggang makita ang icon na, pagkatapos ay i- click ang delete upang mawala ang kahon. Gagawin natin ang mga sumusunod: 1. Table 2. Tsart 3. Text 4. Diagram 5. Paglagay ng Photo o Drawing 15

A. TABLE 1. I-click ang Insert Table. Mapapansin na habang naka hover ang mouse dito, makikitang sumusunod din ito kung ilang rows at columns ang posible gawin ng powerpoint. TANDAA N NATIN: Maaaring ibalik sa dati ang gawa sa pamamagitan ng pag- Undo sa pamamagitan ng pag-click ng icon na o keyboard shortcut na CTRL+Z. Para ma- Redo i-click ang o keyboard shortcut na CTRL+Y. 2. Maaaring bawasan ang column kung nais. Dalhin ang cursor sa column na gustong tanggalin. I-click hold at i-drag sa katabing column na gusto ring tanggalin. Click delete. 16

3. I-click Layout Delete Delete Columns 4. Ganito ang dapat nyang hitsura pagkatapos. Para naman madagdagan ang column, i-click ang Layout Insert Right. Maaari itong gawin sa Insert Left, ganun din sa pagdagdag ng Rows. Maganda i-explore ang mga tools upang makita ang gamit ng mga ito. 5. I-click ang mga cell upang malagyan ng datos. 6. I-highlight ang buong table at i-click ang Layout at i-click ang Center 17

B. TSART 1. I-click ang Insert Chart. Mamili ng nais na uri ng tsart kung, bar, pie, line at marami pang iba. Halimbawa ay Column chart. I-click ito at ang OK. 2. Pag-click ng OK dagliang may lalabas na Excel sheet. Para mabigyan ng biswal na itsura ang mga datos, ipasok ang mga numero sa table ng Excel. Pagkatapos nito ay makikita sa tsart ang nabuong Column Chart hango sa mga numerong ipinasok. 3. Pagkatapos ipasok ang mga datos sa excel, i-click ang enter/return key. 4. Ganito ang dapat nyang kalalabasan. 18

C. TEXT 1. Dalawa ang paggawa ng text sa Powerpoint. Una, sa pamamagitan ng Word Art na kalimitan ay para lamang sa Title o Heading. Pangalawa, sa pamamagitan ng text box na bumubuo ng body ng text, kung kaya t madalas itong gamitin. 2. I-click ang text box, i-click hold at gumuhit ng parisukat. 3. Pag-release sa hold, makikitang mayroong box na broken line at maaari ng mag-type. 4. Pag naipasok na ang text sa loob ng text box, i-click minsan pa sa broken line upang maging full straight line. TANDAAN NATIN: Mga simbolo makakatulong ay ang. Ito ay nakikita pag nakatapat ito sa isa sa mga white dots ng text box o shape. Gamit ito pang re-size. Isa pa ang, na nakikita pag naka- hover ang mouse sa text box, objects at shape. Pag click sa mga ito, nagpapahiwatig sya na operational ang mga ito at pwede galawin at ma-delete. 19

5. Maaaring baguhin ang kulay at font style/point. I-click at drag ang text na gusto baguhin. 6. Pangalawa, sa pamamagitan ng text box na bumubuo ng body ng text, kung kaya t madalas gamitin. Sa preset ng Font i-click ang mga gustong baguhin. 1. Font style 2. Bold/unbold 3. Shadow/unshadow 4. Font color D. DIAGRAM 1. Pumunta sa Insert Smart Art. Mamili ng diagram na nais gaya ng cycle, matrix, pyramid at iba pa. Bilang halimbawa, pumili tayo ng Cycle Diagram. Pumili ulit ng uri ng cycle diagram sa mga presets at i-click ang OK. 20

2. Maaring magbawas ng isang bola. I-click lamang ito at DELETE. Maaari ding baguhin ang kulay ng mga bola, lagyan ng text at iba pa. Para sa kulay ng loob at guhit ng bola pumunta sa HOME ng standard toolbars at mamili sa Shape Fill at Shape Outline. I-click lamang ang loob ng bola upang ma-type ang text na nais ilagay. TANDAAN NATIN: Lahat ng bagay na gustong baguhin sa loob ng slide ay kailangan munang i-click ito para alam ng powerpoint kung sino ang gusto niyang baguhin, ilipat o burahin. E. PHOTO AT DRAWING 1. Para maglagay ng photo o drawing sa powerpoint ay sa pamamagitan ng standard toolbox na INSERT. May mga preset ang mga ito - Picture, Clip Art, Photo Album at Shapes. I-click lamang ang isa sa nais na presets. Ang laman ng folders ng picture at photo album ay depende sa laman ng iyong dineposito o inipong mga images. Ang clip art at shapes ay sadyang kasama na sa powerpoint. 2. Para magpasok ng photo o drawing sa slide, i-click ang picture at lalabas ang file directory ng computer. Hanapin ang file na gusto, i-click ito at ang Insert. 21

Resize Ang mga images sa powerpoint ay manipulable. Subukan ang iba pang tools gaya ng brightness, contrast, picture shape, border, at arrange. Ito lahat ay nasa Home standard toolbars. 3. Para sa shapes, i-click ang Insert at mamili ng shape na nais. Halimbawa ay ang arrow. Adjust arrow head Rotate Adjust arrow body Pansinin ang mga sumusunod na dots sa paligid ng Arrow. 1 green dot pang rotate 1 yellow dot sa arrow head pang resize ng arrow head 1 yellow dot sa arrow body pang resize ng arrow body 4 yellow dots kung gustong i-resize ng pare-pareho ang buong arrow 4 square dots kung gustong i-resize ang buong arrow ng palapad lamang o pahaba lamang Paglaruan ang mga ito. Gawin sa ibang shapes. 22

4. Subukan ang mga sumusunod: a) Paano mag Group o Ungroup Sa standard toolbars pumunta sa Insert pagkatapos ay Shapes. Mamili doon ng nais, para sa gawaing ito pipiliin natin ang Cloud, Arrow at Smiley. Gaya ng paggawa ng text na tinalakay kanina, i- click ang shape na gusto, habang naka clickhold, gumuhit ng kwadrado upang lumabas ang cloud. Gawin ulit para sa arrow at smiley. Habang naka clickhold ang mouse, gumuhit ng kwadrado sa paligid ng apat na Shapes. Ganito dapat ang kanyang kalalabasan. Sa standard toolbars, pumunta sa Group gaya ng nakikita sa taas at i-click ang Group. (Narito rin ang Ungroup ). Magsasama-sama na ang 3 shapes mula ngayon. Mahalaga ang group kung nais mong hindi magalaw ang mga una mo nang ginawa o kung nais mong sabay sabay sila ayusin, baguhin o lipatin. Maaari ring mag-group o UNGROUP sa isa pang paraan. Sa standard toolbars, pumunta sa Home, pagkatapos ay sa Arrange, gaya ng nasa screenshot sa ibaba. 23

b) Paano mag Layering sa Powerpoint. Upang halimbawa, gawin nating sa ibabaw ang Arrow at sa likod ang Cloud. Para malinaw ang pagkakaiba, baguhin natin ang kulay ng Arrow. Para mailagay ang Arrow sa harap, pumunta sa Home, pagkatapos ay i-click ang Arrange gaya ng nasa taas at i-click ang Bring to Front. Ganito ang dapat nyang kalalabasan. Para mabago ang kulay ng mga objects, 2 ang paraan: 1. Home Shape Fill ; 2. Format Shape Fill 24

KARAGDAGANG GAWAIN: 1. Gawin ang nasa ibaba gamit ang napag-aralan. Sa araw ng Halalan, 2. Gumawa ng isang Promo Poster ayon sa nais mong tema. 25

GAWAIN 7: LIGTAS AT RESPONSABLENG GAMIT NG ICT PAMANTAYAN SA Naipaliliwanag ang mga panuntunan sa pagsali sa Chat at PAGKATUTO: Discussion Forum Nakasasali sa Discussion Forum at Chat sa ligtas at responsableng pamamaraan ILALAANG ORAS: 45 minuto CG: EPP5IE-0c-8; 0g-17; 0g-18 CHAT Ang Chat ay isang online communication ng mga tao sa internet. Maari itong sa pagitan ng dalawang tao, o nang grupo na pinamahalaan ng isang moderator. Para sa Gawaing ito, pag-uusapan natin ang panuntunan sa FB Messenger at sa Chatroom. A. FB Messenger: 1. Bumati muna bago simulan ang chat. 2. Makiayon sa lenguahe o istilo ng pananalita ng kausap. 3. Huwag gumamit ng caps lock - Bilang respeto sa kausap, kailangan bumati muna ang isang sender sa receiver. Makiramdam kung ang receiver ay abala. - Makibagay sa kausap ayon sa kanyang lenguahe o istilo upang magkaintindihan. - Ang caps lock sa internet ay nagpapahiwatig ng inis o galit. Ang paggamit nito ay maaaring maka insulto sa kausap. 4. Maging maunawain - mapag-pasensya kung hindi ito nakakasagot 5. Magpugay bago tapusin ang pag-uusap B. Chatroom: agad. - Pormal na tapusin ang pag-uusap, upang hindi manghula ang kausap kung nasaan ka na. Sa bawat Chatroom, mayroong panuntunan na kailangang sundin ng sinumang gusto sumali. Ang mga sumusunod ay ang general rules na kung alam mo ang mga ito, magiging maganda ang magiging karanasan sa pagsali ng chatroom. 1. Gumamit ng naaayong avatar at handle 2. Hanapin ang chatroom na nababagay sa iyo - Ang paggamit ng angkop na avatar at handle ay makatutulong sa personalidad mo sa chatroom. Sa paggamit ng fancy o kakaibang avatar at handle, maaaring magbigay ito ng pagkalito at duda sa iyong pagkatao. - Iba-iba ang isyu at personalidad ng bawat chatroom. Upang hindi maging iba sa kanila, humanap ng chatroom na naaayon sa iyong intensyon. 3. Magpakilala ka - Simulan ang pagsali sa pamamagitan ng 26

4. Gumamit ng tamang font. 5. Tumugon sa loob ng 20 segundos 6. Maging maayos sa pananalita 7. Magsalita ng maganda at kanais-nais. 8. Bigyang ang kausap ng pagkakataong makasagot 9. Iwasan ang canned text pagpapakilala. Kadalasan na kailangan sabihin ay ang edad, kasarian at lugar. Hindi dapat magbigay ng anu pa mang personal na impormasyon na maaaring maging banta sa iyong seguridad. - Gumamit ng font na madaling basahin at kulay na hindi masakit sa mata. Ganon di sa font size. - Iwasang nakabitin ang kausap. Ibigay ang tuwirang sagot sa itinatanong upang maging tuloy-tuloy at maayos ang pag-uusap. - Kumausap gaya ng gusto mong pag-kausap sa iyo. - Huwag gumamit ng mga salita ng diskriminasyon, pag-abuso, bulgar, bastos, insulto at kahalayan. - Huwag mag machine gun message. Hayaan ang kausap makasagot muna bago mo sundan ang huli mong chat. Maging mapag-pasensya at bigyan ng benefit of doubt ang kausap. Huwag mapang-husga. - Kung maaari, huwag gamitin ang mga canned text maliban kung ang ibig mong sabihin ay 100% din gaya ng sinasabi ng canned text. Ang canned text ay kalimitan ginagamit sa customer service at hindi sa mas personal na pakikipagusap. DISCUSSION FORUM: Ang Discussion Forum ay isang diskusyon na online ng mga tao sa pamamagitan ng pag po-post ang kanilang mga sagot, tanong sa isang isyu o paksa. 1. Makiayon sa lugar - Iba-iba ang lugar sa cyberspace. Dahil ang Discussion Forum ay mas pormal na pag-uusap kaysa sa Chat, makiramdam at magbasa muna kung ano ang pinag-uusapan bago sumali sa forum. Ang sabi nga ay lurk before you leap. Iwasan o huwag sumali sa mga forum na may malisya o kabastusan. Huwag masyadong maniniwala sa mga kausap dahil hindi ito lubos na kakilala. 2. Magpakilala ka - Gumamit ng naaayon na avatar at handle. Ang pagpapakilala ng iyong propesyon at karanasan ay isang tulong sa malawak at magandang diskurso. 27

3. Ingatan ang mga - Alalahaning maaaring makuha ng kausap ang personal na tunay na adres mo kahit hindi mo ito ibigay. impormasyon Magandang sumali sa forum na mayroong kakila gaya ng mga malalapit na kaibigan o kapamilya. 4. Huwag mag- caps lock - Ang caps lock ay maaaring mapakahulugang 5. Ayusin ang spelling at grammar 6. Mabuting pagtanggap sa kausap at usapan. 7. Ugaliing mag-check bago mag comment nagagalit o sumisigaw. - Sa internet, ang bawat salita mo ay ikaw, kaya mahalagang maayos at organisado ang iyong diskurso. Bago i-submit ang sagot o tanong sa forum, i-check ang spelling at grammar. - Kung ang kausap ay hindi pabor o sang-ayon sa sinasabi mo, huwag itong pagtawanan o maliitin. Kapag ang ka-chat naman ay may sinasabing hindi kanais-nais, huwag nang sagutin at mas mabuting isara na lang ang forum. Iwasan ang bashing. Maging handa rin sa mga maaaring negatibong pagtanggap nila sa iyong mga pahayag. - I-check ang recent comments bago gumawa ng reaksyon sa older comments. Maaaring naayos na ito habang wala ka sa forum. 8. Lengwahe - Huwag gumamit ng text lingo o slang, lalong lalo na kung pormal at educational ang forum na sinasalihan mo. 9. Sumali sa diskusyon - I-share ang iyong kaalaman o expertise upang lumawak at lumalim ang kaalaman ng bawat isa sa forum. 10. Gawing positibo ang mga sagot 11. Gawing kumpleto at may saysay ang sagot 12. I-summarize ang sagot na mahahaba - Sa pagtugon o pag-hayag gawin itong positibo at nakabubuo sa layunin ng diskusyon. - Pag nais sumagot sa forum, sagutin ito ng tama na may pinagbabasehang ebidensiya, research o mga akda ng skolar. Huwag manghula. Layunin ng diskusyon ay magtulungan upang bigyan liwanag at kasagutan ang isang paksa. Ito ay makatutulong din sa pagtipid ng oras at bandwidth ng bawat isa. - Kung sa palagay mo ay makakalagap ka ng maraming sagot sa tanong mo, ihiling mo ang pagsagot gamit ang iyong email. I-summarize mo ang lahat ng sagot sa email at i-post ito sa forum upang sa ganon maraming makinabang sa bagong kaalaman na ito. 13. Iwasan ang me too at - Makakatulong ang comment kung may I agree sinasabing dagdag kaalaman. Ang me too at I agree ay nakahahaba lamang sa thread. 14. Alalay sa paggamit ng - Dahil walang mukha at boses ang forum, mag- 28

katatawanan o humor ingat sa pagpost ng katatawanan, maaaring hindi ito maiintindihan at manapat magbigay ng maling kahulugan. 15. Huwag mag- flooding - Sa gawaing ito, nauubos ang oras na dapat sana ay para sa mas may kapakinabangan ng Forum. 16. Huwag mag- spam - Ang Forum ay para sa magandang layunin ng marami at hindi para sa komersyo ng iisang tao. Nakakasayang ito ng puwang na dapat sana ay para sa gusto mag-post ng mas kinakailangang 17. Huwag patulan ang troll at flaming komento o sagot sa paksa. - Nakakadagdag lamang ito sa traffic sa forum. Bukod doon, ito y maaaring mauwi sa banta, gulo o away sa forum. MGA RESPONSIBILIDAD: Minsan ay nag s-share tayo ng files sa chat at forum, magiging mas responsable tayo kung mayroon tayong kamalayan sa mga sumusunod: Copyright ang karapatan ng isang awtor na siya lamang ang maaaring gumamit o bumago ng kanyang ginawa Copyleft ang pagbibigay karapatan ng isang awtor sa iba upang magamit o baguhin ng mga ito sa kondisyong ipasa sa iba pa ito upang magamit at mabago din ng iba Creative commons isang ahensya na nagpapagamit ng mga file sa publiko na mayroong kaunting limitasyon sa paggamit nito Size ng File ang bigat ng file ay kailangang hindi labis para makatawid sa dapat patutunguhan Maging mapagpatawad sa internet. Iwasang maging emosyonal. Piliin ng mabuti ang mga bagay na dapat sagutin at hindi. Huwag din mainitin ang ulo, kung ang ikaw ay ganito, marahil ay hindi para sa iyo ang social media. PARAAN SA PAGSALI SA DISCUSSION FORUM: Upang halimbawa pupuntahan natin ang isang Forum na istorya.net 29

1. Pumunta sa Website ng Istorya.net at mag sign up. 2. I-fill out ang mga hinihinging impormasyon. 3. Lalabas na mga tanong upang mapatunayan na ikaw ay hindi robot. Sagutin lamang ng tama at i-click ang VERIFY. 4. I-click ang mga button na agree to rules at complete registration sa baba ng webpage na iyon. 30

Ito ang susunod na message. 5. Hintayin sa iyong email ang response ng Istorya.net at i-click ang link na nakapaloob sa email na iyon. Mahalaga ito upang maactivate ang iyong account upang maari ka nang makasali sa Istorya.net. 6. Pagna-click mo na ang LINK na nasa loob ng email message mo ay ibabalik ka nito sa homepage ng istorya.net at maaari ka nang mag sign-in. Pagka-sign in, siguraduhing nasa tab ka ng FORUM. 7. Mamili sa mga topics (naka blue na headers) na gustong salihan. Upang halimbawa sa Gawaing ito pinili natin ang Life and Leisure. 31

i-click kung gusto magpost. Ngunit dahil ikaw ay baguhan may lalabas munang Forum Rules at kailangan mong magagree para maka-post i-click kung nais makapasok sa Topic Pag-click ng agree sa Forum Rules ay ito ang lalabas. Maaari ka ng mag-post. Alalahanin, magpakilala ka muna. Congratulations! PARAAN SA PAGSALI SA CHAT: Marami ang mapagpipilian na sites ng Chat. Ang madalas ay ang Facebook Messenger, Yahoo Messenger, ICQ at marami pang iba. Maging matalino at maingat sa pagpili at pagsali sa Chat, marami sa mga ito ay hindi pang bata. Tandaan, karamihan ng sumasali sa Chat ay hindi nagsasabi ng totoo. Kaya magandang ka chat na lamang ang pamilya at kaibigan sa Facebook at Yahoo. Ito ang isang halimbawa ng webpage ng chat site na chatango.com. 32

Mag-click sa loob ng box para maka reply. KARAGDAGANG GAWAIN: Base sa iyong napag-aralan, magbigay at isulat ang iyong opinion sa espasyo sa kanan, kung ano ang mga mali sa kaliwang kahon. Mga talunan dyan, mga langaw, istorbo lang kayo, pa-rally rally pa kayo. Mabuti pa, mamundok na lang kayo! Isa kang Teacher at ang Handle mo ay Maam GaGa at ang Avatar mo ay 33

BAKIT ANG TAGAL MONG SUMAGOT, BORING NAMAN! Y nman lyk dat? Wa ko feel. Wer na ba? Send mo ulit, now n! TALAHULUGAN: Avatar - imahen ng sumasali sa online communication Bashing - pamumuna ng tao, lugar o kaganapan na walang katanggaptanggap na basehan Benefit of Doubt - pag-desisyon na paniwalaan kahit na walang katiyakan, o pagbigay konsiderasyon sa duda kaysa sa pag-akusa Caps Lock - pag-sulat ng lahat ng mga titik ng grupo ng salita o pangungusap sa CAPITAL LETTERS Cyberspace - koleksyon ng mga network at pag-uugnay ng mga ito para sa komunikasyon Expertise - kadalubhasaan Flaming - pag-post ng mga insulto na nagmula lamang sa argumento at tuloy nawawala na sa merito ng pinag-uusapan Flooding - paulit-ulit na pag-post ng parehong mensahe na tuloy nakaaapekto sa real time ng diskurso Handle - palayaw ng sumasali sa online communication Machine Gun Message - sunod-sunod na buhos ng mga post ng iisang tao na hindi nakasasagot ang iba o hindi pagbigay puwang sa iba upang sila ay makasagot 34

Online Communication - usapan ng mga tao sa internet kasama ang email at lahat ng uri ng pag-uusap (live at hindi live) Sign in - pagpasok ng myembro Sign up - pagpasok ng baguhan o magiging myembro Spamming - paulit-ulit na pag-post ng mensaheng hindi hinahanap/hindi hinihingi/hindi kailangan ng mga tao sa forum Thread - grupo ng mga pag-uusap sa isang forum na patungkol o malapit sa iisang paksa Troll - taong nag-popost ng mensahe sa chat o forum para lamang guluhin o tumbahin ang diskusyon 35

GAWAIN 8: PANGANGALAP AT PAGSASAAYOS NG IMPORMASYONG GAMIT ANG ICT PAMANTAYAN SA Natitiyak ang kalidad ng impormasyong nakalap at ng mga PAGKATUTO: website na pinanggalingan nito Nakakapag-bookmark ng mga website Naisasaayos ang mga bookmarks ILALAANG ORAS: 60 minuto CG: EPP5IE -0d-12; 0e-13; 0e-14 Sa dami ng impormasyong makukuha sa internet, mahalaga maging mapanuri sa mga ito. Hindi lahat ay tama at may katotohanan. Kailangang i-filter natin ang mga ito at bigyan ng pagkakataong mapatunayan. Ang mga sumusunod ay madalas na batayan upang malaman ng isang netizen kung katiwa-tiwala ang source ng impormasyon. 1. I-check ang domain o URL address May mga conventions ang URL address ng mga pinang-gagalingan ng mga impormasyon. Ang mga ito ay pamilyar sa netizen, pag mayroong domain na hindi pamilyar na kakaiba at may mga karakters na karaniwan ay hindi dapat, malamang ito ay ka duda-duda. 2. Paano mo napuntahan ang webpage na iyon Ito ba ay nirekomenda ng iyong titser. Galing ba ito sa isang katiwatiwalang website. Mas maganda kung nakita mo ang impormasyon sa pamamagitan ng mga search engine gaya ng Google, Yahoo, Bing, MSN, Ask, AOL atbp. 3. Tingnan ang may-akda o Author ng impormasyon. Ang Author ba ay miembro o kasapi ng mga lehitimo at katiwa-tiwalang asosyon tungkol sa kanyang sinusulat. Mayroon ba siyang adres na maaaring konsultahan o sulatan para sa iyong mga tanong. Sinasabi ba niya ang kanyang mga credentials? 4. Pagkasabay sa panaho ng impormasyon. Napapanahon ba ang mga impormasyong ito. Kelan ito nagawa at nagawan ng pagbabago. Ang mga links ba nito ay napapanahon din. 36

5. Katumpakan at kawalang kinikilingan ng impormasyon. Ang impormasyon ba ay base sa statistics o datos para suportahan ang mga sinasabi nito. Ito ba ay katunayan, opinyon o propaganda. Mayroon ba itong iniendorso o ina-anunsyo para sa motibo ng may-akda. Patas ba ang pagpapakilala ng kanyang mga sinasabi. 6. Laman ng pinang-gagalingan ng impormasyon. Na-lilink ba ito sa ibang site. Madali ba itong uriratin para mapag-aralan ang kanyang mga pinakikita o sinasabi. Gumagana ba ang kanyang mga link. Pag-bookmark ng Website: Ang bookmark ay napakahalagang katangian ng isang search engine na makikita sa window ng halimbawa ay Google, gaya ng nasa baba. Ang bookmark ay parang minahan ng piling-pili mo na mga gawa, datos, presentasyon at marami pang iba. Pag mayroong impormasyon na gusto mong balik-balikan, magandang i-bookmark ito. Sa URL bar hanapin ang STAR sign at i-click ito. Lagyan ng title na gusto mo ang website na iyon at pangalanan ang folder para madali itong makita tuwing nais mo itong balikan. I-click ang DONE. 37

38 Para buksan o balikan ang bookmark, i-click ang icon na may tatlong maikling horizontal lines para magdropdown ang mga commands. Pumunta sa bookmark, at puntahan ang folder. Maaari ka gumawa ng folder ayon sa iyong pangangailangan.

Kakayahang Teknikal Pagka-orihinal Ito ang rubric na maaring gamiting gabay sa paggawa ng mga produkto/proyekto ng mga mag-aaral. Maari ring magbigay ng panibagong rubric ang guro. ANTAS Nakaaangat Marunong Umuunlad Nagsisimula K A T E G O R Y A Nakalikha kami ng napakaorihinal na produktong nagpapakita ng aming mga kakaiba at malikhaing ideya Ang aming gawa ay nagpapakita ng aming kagalingan sa paggamit ng teknikal na kakayahan na kailangan sa paggawa ng produkto Nakalikha kami ng orihinal na produkto na nagpapakita ng aming sariling ideya Ang aming gawa ay nagpapakita na kaya naming gamitin ang aming teknikal na kakayahan na kailangan sa paggawa ng produkto Nakalikha kami ng bahagyang orihinal na produkto na nagpapakita ng aming sariling ideya Ang aming gawa ay nagpapakita na kaya naming pagbutihin pa ang aming teknikal na kakayahan na kailangan sa paggawa ng produkto Ginawa namin ang produkto mula sa halimbawa o sa gawa ng iba Ang aming gawa ay nagpapakita na kailangan namin ng tulong upang magamit ang teknikal na kakayahan na kailangan sa paggawa ng produkto 39

Pakikipagtulungan sa Iba Pakikipag-ugnayan sa mga Manonood ANTAS Nakaaangat Marunong Umuunlad Nagsisimula K A T E G O R Y A Malinaw naming naiparating ang mensahe dahil sa aming pagpili ng kulay, laki, salita, at iba pang detalye Nagtutulungan kami nang husto upang magplano, gumawa, at magbahagi ng aming produkto. Nagsikap kami sa kanyakanyang parte at tinulungan ang iba sa lahat ng oras Naiparating namin ang mensahe dahil sa aming pagpili ng kulay, laki, salita, at iba pang detalye Nagtutulung an kami upang magplano, gumawa, at magbahagi ng aming produkto. Nagsikap kami sa kanyakanyang parte at tinulungan ang iba ng madalas Bahagyang naiparating namin ang mensahe dahil sa aming pagpili ng kulay, laki, salita, at iba pang detalye Medyo nagtutulunga n upang magplano, gumawa, at magbahagi ng aming produkto. Nagsikap kami sa kanyakanyang parte at tinulungan ang iba paminsanminsan Ang aming pagpili ng kulay, laki,salita, at iba pang detalye ay nakasasagabal sa pagpaparati ng ng mensahe Hindi kami nagtutulung an upang magplano, gumawa, at magbahagi ng aming produkto. Gumawa kami ng kanya-kanya 40