EDUKASYON SA PAGPAPAHALAGA I

Similar documents
Tagalog NATIONAL STANDARDS. sa pagbabasa, pagsusulat at matematika. Gaano kahusay ang aking anak sa paaralan?

Ika-13 Aralin IYONG KA- UGNAYAN SA IBA" ~ Kinakailangang ibigin, igalang at sundin natin sila.

EDUKASYON SA PAGPAPAHALAGA IV Yunit I Modyul Blg. 1

EDUKASYON SA PAGPAPAHALAGA II Yunit II Modyul Blg. 1

EDUKASYON SA PAGPAPAHALAGA IV Yunit 2 Modyul Blg. 6

Ika-14 na Aralin. Pag-aralan ayon sa mga tuntunin nasa pasimula ng unang aralin. 1. Ang Cristiano ba ang may-ari ng kanyang sariling buhay?

GRADE VI GAMIT NG GRID

Impormasyon tungkol sa Pamumuhay sa Iba't-ibang Wika

GABAY SA PAG GAMIT NG ADMIN CONSOLE (ADMIN CONSOLE QUICK GUIDE)

Oops... Ingat sa Lansangan

Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga konsepto sa pananagutang pansarili, pamilya,

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Ang Makisig at Hangal na Hari

Pagsasanay sa Filipino

I-reboot ang Iyong X1 TV Box

Ano ba ang nakalaan para sa akin? Ano ang aking gagawin? Paano ako magiging kapakinabangan ng aking pamilya at kapwa?

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

AWIT 16:2-3 SINO ANG NAKIKINABANG SA MABUBUTI NATING GAWA? NI REV RODNEY KLEYN

TALAAN NG MAG-AARAL INTERNATIONAL CORRESPONDENCE INSTITUTE PHILIPPINE NATIONAL OFFICE-P.O. BOX 1084, MANILA 2800 PAGSUSULIT ARALIN I "ANG BIBLIA"

Zangle Parent Connect Gabay sa Tagagamit. Paaralang Pampurok ng Anchorage

Our Father in Heaven. Series: Prayer Rocks the World. By Derick Parfan. July 5, Matthew 6:9-13 (ESV) 1

MAY KAAGAPAY KA NA BA?

H E K A S I KABABAIHAN SA PANAHON NG IKATLONG REPUBLIKA SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Republic of the Philippines Department of Education Negros Island Region DIVISION OF SILAY CITY City of Silay

Halimbawa ng talumpati tungkol sa edukasyon Elastrator self castration Explicit movies on amazon 2017 Fidio porno abg perawan indo yg dapat di tonton

Music. Talaan ng mga Gawain. (Unang Kwarter) Department of Education June 2016

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Paksa: Mga Tayutay. Akdang Babasahin: Ang Pintor ni Gerry Gracio. Inihanda ni:

Alamat ng Kawayan. Anthony Pascua SAILN, Tier III

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Sino ba talaga si Jesus? Ano ang tunay na Cristiano?

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

UNANG SEMESTRENG SILABUS SA FILIPINO PAGBASA AT PAGSUURI NG IBA T-IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Sino ba talaga si Jesus? Ano ang tunay na Cristiano?

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

PART A. LINGGUHANG ISKEDYUL SA TRABAHO

Ang Bautismo: Pakikipag-isa kay Cristo sa Kamatayan at Bagong Buhay (Unang Bahagi)

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

TAGALOG. PATNUBAY SA PAG AARAl NG. «an

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

International Correspondence Institute PHILIPPINE NATIONAL OFFICE P.O. Box 1084, Manila. Unang Aralin hanggang 3

KJ~ NG DIYOS ILILIGTAS. International Correspondence Institute. ARALiN 7. Tungkol sa Diyos - Ang Ating Pag-aralan

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Sibika Baitang 2 Ikatlong Markahan

ayon kay Marcos (Gospel of Mark)

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

Liksyon 8 para sa Nobyembre 25, 2017 SINO ANG TAO SA ROMA 7?

2010 Gabay sa Pagbibigay Kahulugan

H E K A S I MAGKATULAD NA PAGPAPAHALAGA: BATAYAN NG PAMBANSANG PAGKAKAISA SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

Si Hesus at Si Zaqueo

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Chapter 6 Tagalog Verbs

BALIWAG BIBLE CHRISTIAN CHURCH We exist to build local and global GRACE-communities of committed followers of Christ for the glory of God.

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

- 2 -

I.~ lc "AN<17PAG-AASAWA AT ANG

Lumapit Kayo sa Akin. July 25, 2010 By Derick Parfan Scripture: Matthew 11:25-30

Fear God October 24, 2010 By Derick Parfan Scripture: Luke 12:4-7

God s Electing Love (Mal. 1:1-5)

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Republic of the Philippines Department of Education DepEd Complex, Meralco Avenue Pasig City. K to 12 Curriculum Guide ARALING PANLIPUNAN.

MODYUL SA PAGKATUTO. Pangkalahatang Ideya

Iyong patnubay sa kalayaang pampananalapi

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Edukasyon sa Pagpapakatao

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Mga Nalalapit na Pagbabago sa Santa Clara Family Health Plan Cal MediConnect Plan (Medicare-Medicaid Plan) 2018 na Listahan ng Gamot

H E K A S I PAMAMAHALA NG MGA UNANG PILIPINO SELF INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

BOOK 1: ONE BY ONE (FILIPINO) Copyright 2016 by Global Leadership Center

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

H E K A S I NORTH ARROW COMPASS ROSE LOKASYON NG PILIPINAS SELF INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools

Education for Better Work. (Edukasyon para sa Mas Magandang Trabaho) SELF-RELIANCE

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Transcription:

( Effective and Affordable Secondary Education ) EDUKASYON SA PAGPAPAHALAGA I MODYUL BILANG 8 Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga I, Modyul 8, ph.1/14

EDUKASYON SA PAGPAPAHALAGA I Yunit II Modyul Blg. 8 Sundin ang Kalikasan I. Ano ang Inaasahang Matututuhan Mo? Kapag nanonood ka ng nagma-magic, iniisip mo ba itong totoo? Tama ka, hindi ito totoo kaya nga tinawag itong magic na ang ibig sabihin ay paggamit ng mga ritwal o bagay upang makagawa o pigilan ang isang bagay o pangyayari. Nakakalibang panoorin ngunit hindi likas ang pinanggagalingan kaya ito ay hanggang libangan na lamang. Subalit sa buhay ng tao ay mayroong mga sadyang likas sa tao. Magbago man ang panahon, kultura, paniniwala at kinagawian ng tao o grupo ng tao, mananatili ang mga ito sapagkat likas ito sa tao. Isipin mo ang mga gawaing likas sa iyo bilang tao. Ikaw ay kumakain dahil nagugutom ka. Natutulog ka dahil inaantok at napapagod ang iyong katawan. Umiiyak ka dahil nalulungkot ka. Tumatawa naman kapag ikaw ay nasisiyahan. Ang mga ito ay likas sa tao. Ngunit alam mo ba na ang pagiging mabuti ng tao ay likas din sa kanya? Gusto mong malaman kung paano? Gawin mo ang mga gawain sa modyul na ito upang matuklasan mo. Pagkatapos ng modyul na ito, inaaasahang natutuhan mo na ang sumusunod na kasanayan at pagpapahalaga: A. Nakikilala ang pagkakaiba ng Natural Law, Moral Law at Divine Law B. Napahahalagahan ang mga batas ng Diyos at kalikasan na gumagabay sa tao upang manatiling mabuti. C. Natutukoy ang mga gawaing likas sa tao na nagpapatuloy ng kanyang kabutihan Ang modyul na ito ay sadyang binuo upang maunawaan mong mabuti ang mga aralin sa Edukasyon sa Pagpapahalaga I kahit hindi ka makapasok sa paaralan nang regular. Upang maging lubos ang iyong pagunawa sa mga nilalaman ng aralin, sundin mo nang tapat ang mga sumusunod na tagubilin: 1. Basahin ang modyul ayon sa pagkakasunud-sunod ng mga gawain. Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga I, Modyul 8, ph.2/14

2. Unawaing mabuti ang nilalaman ng paksang aralin. 3. Basahin at sundin ang mga panuto at iba pang tagubilin. 4. Pag-isipang mabuti ang sagot sa bawat tanong bago ito isulat sa kuwaderno ng Edukasyon sa Pagpapahalaga. 5. Maging tapat sa iyong sarili sa lahat ng pagkakataon. Laging isaalang-alang ang iyong puso at damdamin sa pagsagot sa mga tanong. Gamiting gabay ang layuning matuto at mapaunlad ang sariling pagkatao sa lahat ng mga gawain. 6. Magtanong sa guro, magulang, kamag-aral o kaibigan kung kailangan. 7. Maging matiyaga sa pag-aaral. Huwag mawalan ng pag-asa kahit nahihirapan. Bago mo simulan ang gawain sa modyul, sagutin mo ang mga sumusunod na panimulang pagsubok. II. Handa Ka Na Ba? A. Basahin ang bawat sitwasyon. Piliin ang titik na may tamang sagot. 1. Ang Natural Law ay nakaukit sa puso ng bawat tao kayat magagawa niyang a. gumawa nang mabuti at umiwas sa masama b. gumawa nang tama at hindi magkasala c. gumawa nang paraan upang mabuhay d. gumawa nang paraan upang umunlad ang pamumuhay 2. Ang Divine Law ay gabay ng tao upang a. makagawa ng kabutihan b. mabuhay ng maka-diyos c. marating ang daan tungo sa kanyang Lumikha d. magkaroon ng katatagan ng kalooban 3. Ang mga katangian ng Natural Law ay ang sumusunod liban sa isa. a. hindi nagbabago b. mahiwaga c. obhektibo d. eternal 4. Ang Moral Laws ay batay sa Natural Law kaya ang mga ito ay sumusunod sa a. kultura ng bawat lipunan b. gusto ng tao c. kalikasan ng tao d. batas ng tao Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga I, Modyul 8, ph.3/14

5. Kapag pinagsunud-sunod mo ang ayos ng a. Natural Law, b. Divine Law at c. Moral Laws, ganito ang magiging ayos. a. c, a, b b. a, b, c c. b, a, c d. b, c, a B. Basahin ang bawat pahayag. Isulat sa ibaba kung Tama o Mali ang pahayag pagkatapos, ipaliwanag ang napiling sagot. 1. Ang paggalang sa magulang ay ikaapat na utos ng Diyos Sagot Paliwanag 2. Ang sobrang kahirapan ang nagtutulak sa mga tao upang gumawa ng masama. Sagot Paliwanag 3. Kahit alam mong masama ang mangopya subalit kung wala nang paraan upang makapasa ay maaari mo itong gawin basta walang makakaalam ng iyong ginawa. Sagot Paliwanag 4. Kung mamimili ka na rin ng kaibigan, piliin mo na iyong makatutulong sa iyo upang ikaw ay umunlad. Sagot Paliwanag 5. Bukod sa pagpapatawad, kailangan ding kalimutan ang nagawang kasalanan ng kapwa. Sagot Paliwanag Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga I, Modyul 8, ph.4/14

III. Tuklasin Mo Isulat mo sa bawat patlang ang una mong mararamdaman at agad gagawin kung malagay ka sa ganitong sitwasyon. Piliin ang iyong gagawin mula sa pamilian at isulat sa ibaba nito ang dahilan. Kung wala sa titik a, b at c ay maaari mong isulat ang iyong gagawin sa titik d. 6. Alas dose ng gabi at nakita mong naglalakad nang tulog ang iyong kapatid. a. gugulatin b. gigisingin c. tatawanan d. Bakit? 2. Gabi na at wala ka nang makitang tao habang naglalakad ka. Napansin mong naliligaw ka na ng daan. a. iiyak b. sisigaw c. kakabahan d. Bakit? _ 3. Araw ng pagsusulit. Pagdating mo sa silid-aralan, wala ka ng maupuan. a. iiyak b. sisigaw c. magagalit d. Bakit? _ Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga I, Modyul 8, ph.5/14

Sagutin Mo 1. Mula sa mga sitwasyon, positibo ba o negatibo ang iyong naging reaksyon? Bakit? 2. Bakit likas sa tao ang magalit at magdamdam? Bakit likas din sa kanya ang matuwa at magsaya? 3. Kung ang una mong reaksyon ay negatibo ngunit naisip mong mali ito, ano ang dapat mong gawin? (Hal. Natawa ka nang madapa ang kaklase mo, ngunit nang makita mong umiyak siya naisip mong napahiya siya dahil sa iyong pagtawa.) Nakilala mo sa unang Gawain na ang tao ay mayroong damdamin. Kaya ang unang reaksyon o damdamin ng tao sa isang sitwasyon, natural ito.. Ito ay dahil likas sa tao ang magdamdam o magalit. Subalit dahil siya ay mayroong isip, maglilinaw din ang tamang katwiran at magbabago ng reaksyon. Ngayon naman ay gawin mo ang ikalawang Gawain upang matutunan ang mga paraan upang mapanatili ang kabutihan mo bilang tao. Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga I, Modyul 8, ph.6/14

Gawain Blg. 2 Basahin ang kwento ni Mang Doroteo. Pagkatapos ay sagutin ang mga tanong sa ibaba. Ang Buhay sa Kalye ay Masaya Pagtitinda ng bulalak ang nakagisnan ni Mang Doroteo. Ito na rin ang kanyang kanyang naging hanapbuhay niya ng siya ay magkaroon ng pamilya. Ngayon ay matanda na siya. Madalas niyang naiisip na maaari sanang nagbago ang kanyang buhay kung sinunod niya ang payo ng dating kaibigan. Niyaya siya nito na magtinda na lamang ng bawal na gamot. Subalit tumanggi siya. Naisip niya ang pangaral ng kanyang ama. Mayroong Diyos na gumagabay sa buhay ng tao. Likas na mabuti ang tao subalit dahil sa mga pangyayari sa kapaligiran ay nakagagawa siya ng masama. Ngunit dahil mayroon siyang isip ay maaari siyang tumanggi sa masamang gawain at sundin ang tama, ito ang Batas Kalikasan (Natural Law). May kapasidad ang tao na gawin ang tama at umiwas sa masama. Dagdag pa ng kanyang ama mayroong itinakdang Batas ng Diyos (Divine Law). Ang mga ito ay ang Sampung Utos ng Diyos na nakasulat sa Bibliya. Upang higit pa niyang maunawaan, ang Batas ng Diyos ang siyang batayan ng Batas Moral (Moral Laws) ayon sa kanyang ama. Ang Batas Moral ang siyang pamantayan ng tamang kilos ng tao. Mahigpit na tinatandaan ni Mang Doroteo ang mga pangaral na ito kung kaya ngayong matanda na siya, masaya pa rin siya sa kanyang piniling gawain. Umulan at umaraw ay nasa kalye siya. Minsan ay malakas ang benta ng bulaklak ngunit madalas ay hindi. Subalit kahit maliit ang kanyang kita ay masaya siya. Nakakaraos ang kanyang pamilya. Nakapag-aaral din ang kanyang mga anak. Kaya para sa kanya, masaya ang buhay sa kalye. Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga I, Modyul 8, ph.7/14

Sagutin Mo 1. Naunawaan mo ba ang kwento? Bakit daw masaya ang buhay ni Mang Doroteo sa kalye? 2. Ano ang Divine Law? Bakit dapat sundin ang mga batas ng Diyos? 3. Ano ang Natural Law? Paanong ang kalikasan ng tao ay kaugnay sa Natural Law? 4. Ano Moral Law? Paano nakakatulong sa tao ang pagsunod sa Moral Law? Nahirapan ka bang unawain ang mga konseptong binabanggit sa Gawain blg. 2? Gawin mo pa ang susunod na Gawain upang maging malinaw sa iyo ang paksa ng modyul na ito. Gawain Blg. 3 Isulat mo sa patlang ang iyong gagawin upnag itama ang kilos ng nasa sitwasyon. Banggitin ang mga pagpapahalagang dapat pairalin upang mapanatili ang kalikasan mo na mabuting tao. 1. Nalaman ng iyong kaklase na dinala sa ospital ang kanyang ina kaya nais na niyang umuwi. Subalit hindi siya pinayagan ng kanyang guro dahil isang oras na lang daw ay uwian na. Biglang nawala ang iyong kaklase at nakita mo siyang umaakyat sa bakod ng paaralan. Ano ang sasabihin mo sa kanya? 2. Bago mag-umpisa ang paligsahan ay tinutukso ka ng iyong mga kaklase na hindi ka mananalo dahil hindi ka naman magaling sa Matematika. Subalit itinuloy mo pa rin ang pagsali sa paligsahan. Ngayon ay nakamit mo ang unang karangalan. Ano ang iyong sasabihin sa iyong mga kaklase? Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga I, Modyul 8, ph.8/14

3. Sinabi mo sa klase na napakadali ng inyong gawain sa Science kaya ikaw na ang nagkusa na mauna sa pagsubok. Subalit nang ilagay mo ang aklat sa iyong ulo at nag-umpisa ka nang maglakad, nadapa ka at nagtawanan ang mga kaklase mo. Ano ang sasabihin mo sa kanila? Sagutin Mo 1. Mahirap bang umayon sa kalikasan ng tao, bilang mabuti? Bakit? 2. Kung ikaw ay nahihirapan sa pagpapakabuti, ano ang iyong dapat tandaan? IV. Ano Ang Iyong Natuklasan? Gamit ang dayagram sa ibaba, isulat sa kahon ang konseptong nabuo mo mula sa aralin. Divine Law Natural Law Moral Law Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga I, Modyul 8, ph.9/14

V. Pagpapatibay Ang tao ay mayroong isip (intellect) at kalayaan ng loob (will) kaya t nasusuri niya ang kanyang mga kilos at reaksyon sa bawat nakikita, naririnig, nararamdaman, nalalasahan, at naaamoy. Dahil din sa kanyang isip at kalayaang loob ay kaya niyang maunawaan ang likas niyang kalikasan. Upang mapamahalaan niya nang maayos ang kanyang emosyon, kailangan niyang sundin ang mga batas na itinakda ng Diyos. Ang mga ito ang gagabay sa kanya upang maunawaang nilikha siya ng isang makapangyarihang Diyos. Sa mga kristiyano, nakasulat ang mga ito sa Bibliya, ang Sampung Utos ng Diyos. Habang sa mga muslim, ang mga ito ay nakasulat sa Koran. Sa araw araw na pamumuhay, kinakailangan ng gabay ng kilos. Nandiyan ang mga Batas Moral upang kumilos ng tama at iwasan ang masama. Kahit pa sabihing likas sa tao na piliin ang tama at iwasan ang masama, kinakailangan pa rin niya ng gabay upang hindi maligaw ang kanyang landas. Isipin mo na lang kung walang pangalan ang bawat daan o mga roadsigns. Siguradong maliligaw ka at mahihirapang makarating sa nais mong puntahan. Marahil lahat ng taong iyong masalubong ay iyong tatanungin. Ganyan ang Batas Moral, mga roadsigns sa daan ng buhay ng tao. Kahit maraming pagsubok at tukso sa daan ng buhay, hindi ka maliligaw dahil mayroon kang gabay. Karagdagan pa, ang Batas Moral ay hindi nagbabago, magbago man ang panahon. Halimbawa, ang pagiging tapat sa kapwa ay ginagawa na ng tao noon, ngayon ang konsepto ng katapatan sa kapwa ay ganoon pa rin. Higit sa lahat, dahil ang Batas Moral ay batay sa batas ng Diyos, hinihimok nito ang tao na higit na sundin ang kalooban ng Diyos. Pinabubuti ng Batas Moral ang ugnayan ng Diyos at tao. Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga I, Modyul 8, ph.10/14

VI. Pagnilayan at Isabuhay Mo Mula sa Sampung Utos ng Diyos, pumili ng isa na sa iyong palagay ay nahihirapan kang sundin. Pagkatapos ay isulat mo sa bawat kolum ang kahalagahan ng pagsunod dito sa iyong buhay at ang mga pagpapahalagang kailangan mo upang maisabuhay ito nang maayos. (Kung ikaw ay Muslim, maaari mong isulat ang utos na ayon sa Koran) Utos ng Diyos na Nahihirapang Sundin Halimbawa: Ikatlong Utos: Alalahanin mo ang Araw ng Panginoon upang ipangilin ito. Kahalagahan ng Pagsunod Dito Pagbibigay galang sa Diyos na gumawa sa atin Pagpapahalagang Dapat Pairalin Upang Maisabuhay ang Utos Katatagan, Kasipagan, Kababaang-loob VII. Gaano Ka Natuto? A. Basahin ang bawat sitwasyon. Piliin ang titik na may tamang sagot. 1. Ang Natural Law ay nakaukit sa puso ng bawat tao kayat magagawa niyang a. gumawa nang mabuti at umiwas sa masama b. gumawa nang tama at hindi magkasala c. gumawa nang paraan upang mabuhay d. gumawa nang paraan upang umunlad ang pamumuhay 2. Ang Divine Law ay gabay ng tao upang a. makagawa ng kabutihan b. mabuhay ng maka-diyos c. marating ang daan tungo sa kanyang Lumikha d. magkaroon ng katatagan ng kalooban Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga I, Modyul 8, ph.11/14

3. Ang mga katangian ng Natural Law ay ang sumusunod liban sa isa. a. hindi nagbabago b. mahiwaga c. obhektibo d. eternal 4. Ang Moral Laws ay batay sa Natural Law kaya ang mga ito ay sumusunod sa a. kultura ng bawat lipunan b. gusto ng tao c. kalikasan ng tao d. batas ng tao 5. Kapag pinagsunud-sunod mo ang ayos ng a. Natural Law, b. Divine Law at c. Moral Laws, ganito ang magiging ayos. a. c, a, b b. a, b, c c. b, a, c d. b, c, a B. Basahin ang bawat pahayag. Isulat sa ibaba kung Tama o Mali ang pahayag pagkatapos, ipaliwanag ang napiling sagot. 1. Ang paggalang sa magulang ay ikaapat na utos ng Diyos. Sagot Paliwanag 2. Ang sobrang kahirapan ang nagtutulak sa mga tao upang gumawa ng masama. Sagot Paliwanag 3. Kahit alam mong masama ang mangopya subalit kung wala nang paraan upang makapasa ay maaari mo itong gawin basta walang makakaalam ng iyong ginawa. Sagot Paliwanag Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga I, Modyul 8, ph.12/14

4. Kung mamimili ka na rin ng kaibigan, piliin mo na iyong makatutulong sa iyo upang ikaw ay umunlad. Sagot Paliwanag 5. Bukod sa pagpapatawad, kailangan ding kalimutan ang nagawang kasalanan ng kapwa. Sagot Paliwanag VIII. Mga Sanggunian Esteban, Esther J. 1990. Education in Values: What, Why, and for Whom. Manila: Sinag-tala Publishers, Inc. Catholic Bishops Conference of the Philippines. 2000. Katesismo Para sa mg Pilipinong Katoliko. Manila: CBCP/ECCCE, Word and Life Publications. Susi sa Pagwawasto Handa Ka Na Ba? A. 1. a 2. c 3. b 4. c 5. c B. 1. Tama. Ang mga magulang ang kasama ng Diyos sa paglikha sa tao kayat dapat silang igalang. 2. Mali. Ang kahirapan ay hindi dahilan upang gumawa ng masama. Meron siyang talino at kakayahan upang makaahon sa kahirapan. 3. Mali. Ang pagiging masipag at matiyaga sa pag-aaral ang kailangan upang magkaroon ng mahuhusay na marka. 4. Mali. Ang pakikipagkaibigan ay pakikipagkapwa kaya naroon ang pagtutulungan. 5. Tama. Kailangang kalimutan na ang nagawang kasalanan upang maging ganap ang iyong pagpapatawad. Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga I, Modyul 8, ph.13/14

Gaano Ka Natuto? A. 1. a 2. c 3. b 4. c 5. c B. 1. Tama. Ang mga magulang ang kasama ng Diyos sa paglikha sa tao kayat dapat silang igalang. 2. Mali. Ang kahirapan ay hindi dahilan upang gumawa ng masama. Meron siyang talino at kakayahan upang makaahon sa kahirapan. 3. Mali. Ang pagiging masipag at matiyaga sa pag-aaral ang kailangan upang magkaroon ng mahuhusay na marka. 4. Mali. Ang pakikipagkaibigan ay pakikipagkapwa kaya naroon ang pagtutulungan. 5. Tama. Kailangang kalimutan na ang nagawang kasalanan upang maging ganap ang iyong pagpapatawad. Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga I, Modyul 8, ph.14/14