EDUKASYON SA PAGPAPAHALAGA IV Yunit 2 Modyul Blg. 6

Similar documents
Ika-13 Aralin IYONG KA- UGNAYAN SA IBA" ~ Kinakailangang ibigin, igalang at sundin natin sila.

EDUKASYON SA PAGPAPAHALAGA I

EDUKASYON SA PAGPAPAHALAGA II Yunit II Modyul Blg. 1

EDUKASYON SA PAGPAPAHALAGA IV Yunit I Modyul Blg. 1

Tagalog NATIONAL STANDARDS. sa pagbabasa, pagsusulat at matematika. Gaano kahusay ang aking anak sa paaralan?

GRADE VI GAMIT NG GRID

Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga konsepto sa pananagutang pansarili, pamilya,

Halimbawa ng talumpati tungkol sa edukasyon Elastrator self castration Explicit movies on amazon 2017 Fidio porno abg perawan indo yg dapat di tonton

Ang Makisig at Hangal na Hari

Ika-14 na Aralin. Pag-aralan ayon sa mga tuntunin nasa pasimula ng unang aralin. 1. Ang Cristiano ba ang may-ari ng kanyang sariling buhay?

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

H E K A S I KABABAIHAN SA PANAHON NG IKATLONG REPUBLIKA SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Music. Talaan ng mga Gawain. (Unang Kwarter) Department of Education June 2016

Sino ba talaga si Jesus? Ano ang tunay na Cristiano?

GABAY SA PAG GAMIT NG ADMIN CONSOLE (ADMIN CONSOLE QUICK GUIDE)

Impormasyon tungkol sa Pamumuhay sa Iba't-ibang Wika

Ano ba ang nakalaan para sa akin? Ano ang aking gagawin? Paano ako magiging kapakinabangan ng aking pamilya at kapwa?

Paksa: Mga Tayutay. Akdang Babasahin: Ang Pintor ni Gerry Gracio. Inihanda ni:

Sino ba talaga si Jesus? Ano ang tunay na Cristiano?

Zangle Parent Connect Gabay sa Tagagamit. Paaralang Pampurok ng Anchorage

I-reboot ang Iyong X1 TV Box

MAY KAAGAPAY KA NA BA?

Oops... Ingat sa Lansangan

H E K A S I EDUKASYON NG MGA UNANG PILIPINO, NAIIBA BA? SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

2010 Gabay sa Pagbibigay Kahulugan

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

Edukasyon sa Pagpapakatao

TALAAN NG MAG-AARAL INTERNATIONAL CORRESPONDENCE INSTITUTE PHILIPPINE NATIONAL OFFICE-P.O. BOX 1084, MANILA 2800 PAGSUSULIT ARALIN I "ANG BIBLIA"

Pagsasanay sa Filipino

Republic of the Philippines Department of Education Negros Island Region DIVISION OF SILAY CITY City of Silay

TAGALOG. PATNUBAY SA PAG AARAl NG. «an

Our Father in Heaven. Series: Prayer Rocks the World. By Derick Parfan. July 5, Matthew 6:9-13 (ESV) 1

H E K A S I EDUKASYON: SAAN PATUTUNGO SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools

Alamat ng Kawayan. Anthony Pascua SAILN, Tier III

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

I.~ lc "AN<17PAG-AASAWA AT ANG

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

AWIT 16:2-3 SINO ANG NAKIKINABANG SA MABUBUTI NATING GAWA? NI REV RODNEY KLEYN

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

ayon kay Marcos (Gospel of Mark)

Fear God October 24, 2010 By Derick Parfan Scripture: Luke 12:4-7

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

PART A. LINGGUHANG ISKEDYUL SA TRABAHO

PANIMULA. Ang maging isang babae o lalaki ay isang mahalagang kaganapan para sa tao sa mundo.

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Pagaaral - 6 ANG PAGPASOK SA KAHARIAN

Galacia 1:1-5. Pagsasaliksik. Pagsasabuhay

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Ang Bautismo: Pakikipag-isa kay Cristo sa Kamatayan at Bagong Buhay (Unang Bahagi)

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Aplikasyon para sa Segurong Pangkalusugan (Health Insurance)

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Sibika Baitang 2 Ikatlong Markahan

God s Electing Love (Mal. 1:1-5)

Sino ba talaga si Jesus? Ano ang tunay na Cristiano?

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

Sino ba talaga si Jesus? Ano ang tunay na Cristiano?

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

International Correspondence Institute PHILIPPINE NATIONAL OFFICE P.O. Box 1084, Manila. Unang Aralin hanggang 3

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

H E K A S I PAMAMAHALA NG MGA UNANG PILIPINO SELF INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Pagsasanay ng mga guro sa programa ng K to 12 Baitang 8

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Stake Audit Committee

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Theolohiya Sistematica Conrad Jun Tolosa

H E K A S I NORTH ARROW COMPASS ROSE LOKASYON NG PILIPINAS SELF INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

H E K A S I MAGKATULAD NA PAGPAPAHALAGA: BATAYAN NG PAMBANSANG PAGKAKAISA SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS

Anyaya ni Jesus: Halina sa Ama, sa pamamagitan Ko at sa patnubay ng Espiritu Santo

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Transcription:

EDUKASYON SA PAGPAPAHALAGA IV Yunit 2 Modyul Blg. 6 Ang Kaibuturan ng Tao I. Ano ang Inaasahang Matutuhan Mo? Kamusta ka na muli mag-aaral? Sa araling ito, tiyak na magugustuhan mo ang mga gawain. Magkakaroon ka na naman ng mga karagdagang kaalaman. Maraming aralin na ang tumalakay sa pagpapahalaga. Natutunan mo na ang mga kahalagahan nito. Subalit alam mo ba na sa kaibuturan o sentro ng pagpapahalaga ay mayroong mga pangunahing pagpapahalagang moral? Ang mga ito ay nakaugat sa dignidad ng tao. Pagkatapos ng modyul na ito, inaasahang matutuhan mo ang mga sumusunod na kasanayan at pagpapahalaga: LC 2.1 Naipaliliwanag ang kahulugan ng anim na pangunahing pagpapahalagang moral (core moral values: love of God, love of truth, respect for life, respect for authority, respect for human sexuality, responsible dominion over material things) A. Nakikilala ang anim na pangunahing pagpapahalagang moral B. Naibabahagi ang gawaing mag-aangat ng mga pangunahing pagpapahalagang moral C. Natutukoy ang mga pangyayari o sitwasyong kaugnay sa mga pangunahing pagpapahalagang moral Ang modyul na ito ay sadyang binuo upang maunawaan mong mabuti ang mga aralin sa Edukasyon sa Pagpapahalaga I kahit hindi ka makapasok sa paaralan nang regular. Upang maging lubos ang iyong pag-unawa sa mga nilalaman ng aralin, sundin mo nang tapat ang mga sumusunod na tagubilin: 1. Basahin ang modyul ayon sa pagkakasunud-sunod ng mga gawain. 2. Unawaing mabuti ang nilalaman ng paksang aralin. 3. Basahin at sundin ang mga panuto at iba pang tagubilin. 4. Pag-isipang mabuti ang sagot sa bawat tanong bago ito isulat sa kuwaderno ng Edukasyon sa Pagpapahalaga. 5. Maging tapat sa iyong sarili sa lahat ng pagkakataon. Laging isaalang-alang ang iyong puso at damdamin sa pagsagot sa mga Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga IV, Modyul Blg. 6. ph. 1 / 11

tanong. Gamiting gabay ang layuning matuto at mapaunlad ang sariling pagkatao sa lahat ng mga gawain. 6. Magtanong sa guro, magulang, kamag-aral o kaibigan kung kailangan. 7. Maging matiyaga sa pag-aaral. Huwag mawalan ng pag-asa kahit nahihirapan. Bago mo simulan ang gawain sa modyul, sagutin mo ang mga sumusunod na panimulang pagsubok. II. Handa Ka Na Ba? Tukuyin kung anong pagpapahalagang moral ang tinutukoy sa bawat sitwasyon. Titik lamang ang isulat. A. Pagmamahal sa Diyos B. Pagpapahalaga sa katotohanan C. Paggalang sa buhay D. Paggalang sa kapangyarihan E. Paggalang sa sekswalidad F. Wastong pamamahala sa materyal na bagay 1. Napaliligiran ng matataas na gusali ang tahanan nina Ana subalit nagawa pa rin niyang maglagay ng maliit na hardin sa kanilang bakuran. 2. Buntis si Susan subalit nais ng kanyang kasintahan na ipalaglag ang sanggol. Hindi pumayag si Susan. 3. Inalok si Juan ng mumurahing pabango. Halos kalahati ang kanyang matitipid. Alam niyang ito ay huwad kaya hindi siya bumili. 4. Hindi pinayagan si Ricky ng kanyang ama na sumama sa fieldtrip kaya nanatili na lamang siya sa kanilang tahanan. 5. Sa tuwing matatapos ang mahabang pagsusulit, hindi nakakalimot si Josie na magpasalamat sa Diyos. 6. Ibinabalik ni Joan ang mga biyayang kaloob sa kanya ng Diyos sa pamamagitan ng pagtulong sa kanyang mga kaibigan. 7. Itinuturing nina Mico at Gina na tunay ang kanilang pagmamahalan subalit naniniwala sila sa limitasyon ng kanilang relasyon bilang matalik na magkaibigan. 8. Bagama t natalo si Mang Jaime sa halalan, naniniwal siyang naging malinis ang pagkapanalo ng kanyang kalaban kaya siya ay sumusunod dito. 9. Kumakain at nag-eehersisyo nang mabuti si Ruben. 10. Sa isang unibersidad na karamihan ay mga lalaki ang nag-aaral, pinauuna nila ang mga kababaihan sa pagpila sa kantina. 11. Nalugi ang negosyo ni Mang Pastor. Iniwan din siya ng kanyang asawa at nalaman niyang hindi pumapasok sa paaralan ang kanyang kaisaisang anak. Subalit naisip pa rin niyang maaayos din ang lahat kaya hindi niya dapat wakasan ang kanyang buhay. Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga IV, Modyul Blg. 6. ph. 2 / 11

12. Inalok si Mario na maging testigo sa kaso ng kanilang kapitbahay upang mapawalang sala ito. Hindi pumayag si Mario kahit na malaki ang halagang ibibigay sa kanya. 13. Iginigiit ni Tony ang kanyang pag-ibig kay Corazon kahit na siya ay may asawa na. Hindi pumayag si Corazon. 14. Mahigpit na pinatutupad ang bawal na pagtawid sa tapat ng malaking mall kaya nagtiyaga si Aling Maria sa pag-akyat sa tulay. 15. Maaaring kopyahin ang CD na naglalaman ng mga pananaliksik na ginawa ng mga kamag-aral ni Dina at ipagbili sa ibang mag-aaral. Subalit hindi niya ito ginawa. Nahirapan ka ba sa pagsagot sa panimulang pagsusulit? Simulan mo naman ang pagsagot sa mga gawain. Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga IV, Modyul Blg. 6. ph. 3 / 11

III. Tuklasin Mo Gawain Blg. 1 Itala sa bawat kahon ang mga pangyayari o sitwasyon sa kapaligiran na lumalabag sa anim na pangunahing pagpapahalagang moral. Maaaring tularan ang mga halimbawa. 1.Pagmamahal sa Diyos Kulto 6. Wastong Pamamahala sa Materyal na Bagay Paggamit ng dinamita sa pangingisda 2. Pagpapahalaga sa katotohanan Pagsisinungaling Anim na Pangunahing Pagpapahalagang Moral 5. Paggalang sa Sekswalidad Pagpapakasal ng dalawang ulit 4. Paggalang sa Kapangyarihan Graft and Corruption 3. Pagpapahalaga sa kasagraduhan ng buhay Aborsyon Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga IV, Modyul Blg. 6. ph. 4 / 11

Sagutin Mo 1. Paano mo nalaman ang mga paglabag sa anim na pangunahing pagpapahalagang moral? 2. Ano ang iyong nagiging damdamin sa tuwing napapanood, naririnig o nakikita ang mga paglabag na ito? 3. Bakit kailangang pahalagahan ang anim na pangunahing pagpapahalagang moral? Gawain Blg. 2 Natukoy mo na ang mag paglabag sa anim na pangunahing pagpapahalagang moral. Ngayon naman ay ibahagi mo ang mga paraan upang maiangat at mapaunlad ang anim na pangunahing pagpapahalagang moral. Isulat sa kuwaderno ang mga pagpapahalagang moral na tinutukoy sa bawat sitwasyon at isulat kung ano ang iyong pasya. 1. Ang iyong guro ay iniwan ang buong klase upang ihatid sa clinic ang iyong kamag-aral na hinimatay. Ikaw ang pangulo ng klase. Ano ang dapat mong gawin upang mapasunod sila? 2. Sa inyong barangay ay mayroong programa ukol sa paglilinis dahil sa naparaming basurang nasa paligid. Nadadaanan mo sila patungo sa pagbabasketbol. Ano ang gagawin mo? Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga IV, Modyul Blg. 6. ph. 5 / 11

3. Tuwing araw ng lingo ay nagsisimba ang inyong buong mag-anak. Subalit marami kang proyekto at pag-susulit na kinabukasan. Ano ang iyong gagawin? 4. Madalas kang tinutuksong bakla ng iyong mga kamag-aral. May nagsabi pa sa iyo na magpakatotoo ka na. Ano ang iyong gagawin? 5. Sinabi ng iyong kaibigan ay hindi na niya kayang lutasin ang kanyang mga suliranin sa buhay kaya nais na niyang magpakamatay. Ano ang gagawin mo? 6. Ikaw ay testigo laban sa nasasakdal mong tiyuhin. Nais ng iyong mga kamag-anak na magsinungaling ka sa hukuman upang hindi makulong ang tiyuhin mo. Ano ang iyong gagawin? Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga IV, Modyul Blg. 6. ph. 6 / 11

Sagutin Mo 1. Paano mo natukoy ang anim na pangunahing pagpapahalagang moral? 2. Upang mapaunlad ang iyong pagpapahalagang moral, ano ang dapat mong gawin? 3. Kung nakikita mo naman ang mga paglabag sa mga pagpapahalagang moral, ano ang maaari mong magawa? IV. Ano Ang Iyong Natuklasan? Ibuod ang naging aralin. Gamitin ang mga tanong at flow chart bilang gabay. 1. Bakit kailangang iayon sa pagpapahalagang moral ang kilos ng tao? 2. Paano nakapagpapabuti sa sarili ang moral na kilos? 3. Ano ang naibubunga ng pagsusuri sa mga kaganapan sa paligid sa pagpapabuti ng sariling kilos? Pag-ibig ng Diyos Pagpapahalaga sa Katotohanan Pagpapahalaga sa Kasagraduhan ng buhay Pagpapahalaga Sa Kasagraduhang Ng sekswalidad Paggalang sa Autoridad Wastong Pamamahala sa Materyal na Bagay Anim na Pangunahing Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga IV, Modyul Blg. 6. ph. 7 / 11

V. Pagpapatibay Ang dignidad ng tao ang nag-aangat at nagpapatunay na natatangi siyang nilalang. Ang dignidad din ng tao ang pinag-ugatan ng anim na pangunahing pagpapahalagang moral. 1. Pagmamahal sa Diyos (love of God) Bilang nilikha ng Diyos, marapat na Siya ay mahalin. Higit pa ditto Siya ang pinagmulan ng pag-ibig kaya sinasabing Ang Diyos ay pag-ibig. Siya ang pinagmulan ng tao at Siya rin ang patutunguhan ng tao (ultimate end). 2. Pagpapahalaga sa Katotohanan (love of truth) ang katotohanan ay maaaring tuklasin ng tao dahil sa kanyang intellect at will. Ang kanyang pag-iisip ay may kapasidad na magsuri, magmuni-muni at timbangin ang katotohanan ng bawat bagay. Ang katotohanan ay hindi nagbabago kahit magbago pa ang panahon. 3. Paggalang sa buhay (respect for life) ang buhay ay dakilang kaloob ng Diyos sa tao. Ang paggalang ditto ay paraan ng pagpapahalaga at pagmamahal sa Diyos. Hindi maaaring isakripisyo ang buhay para lamang sa material na kagalingan. 4. Paggalang sa Kapangyarihan (respect for authority) ang unang tatlo sa sampung utos ng Diyos ay ang patungkol sa paggalang sa kapangyarihan ng Diyos. Siya ang nagbigay ng buhay sa atin kayat marapat lamang na igalang at sambahin ang Diyos. Ang pang-apat na utos ay ang paggalang sa mga magulang Sila ang paraan at tinawag na kasama sa paglikha (co-creator) ng tao sa mundo. Sila rin ang bumubuhay at nangangalaga sa kanilang mga anak kaya nararapat na sila ay igalang. Ang pinuno naman ng bayan ay iginagalang dahil sila ang namumuno ng kaayusan at kabutihan ng lahat. 5. Paggalang sa Sekswalidad (respect for human sexuality) - ang pagiging mabuting babae at mabuting lalaki ay sukatan ng mabuting pagkatao. Walang kahihinatnan ang dunong at yaman kung walang paggalang sa iyong sekswalidad at sekswalidad ng iba. Ang pagiging marangal ng tao ay nababatay kung paano ka kumilos ayon sa iyong kasarian. 6. Wastong Pamamahala ng mga Materyal na Bagay (responsible dominion over material things) - naunang likhanin ng Diyos ang lahat ng bagay, may buhay o wala kaysa sa tao. Kayat ang tao ang siyang ginawang tagapangasiwa (steward) ng mga ito. Ang tao ay lilipas sa mundong ito ngunit mananatili ang mga bagay na ito sa mundo. Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga IV, Modyul Blg. 6. ph. 8 / 11

VI. Pagnilayan at Isabuhay Mo Gunitain mo ang araw na nakagawa ka ng kabutihan. Isulat ang mga ito sa tamang kolum at isulat ang pangunahing pagpapahalaga moral ang iyong napagyaman. 1. 2. 3. 4. 5. Mga Kabutihang Nagawa Pangunahing na Napagyaman VII. Gaano Ka Natuto? Tukuyin kung anong pagpapahalagang moral ang tinutukoy sa bawat sitwasyon. Titik lamang ang isulat. A. Pagmamahal sa Diyos B. Pagpapahalaga sa katotohanan C. Paggalang sa buhay D. Paggalang sa kapangyarihan E. Paggalang sa sekswalidad F. Wastong pamamahala sa materyal na bagay 1. Napaliligiran ng matataas na gusali ang tahanan nina Ana subalit nagawa pa rin niyang maglagay ng maliit na hardin sa kanilang bakuran. 2. Buntis si Susan subalit nais ng kanyang kasintahan na ipalaglag ang sanggol. Hindi pumayag si Susan. 3. Inalok si Juan ng mumurahing pabango. Halos kalahati ang kanyang matitipid. Alam niyang ito ay huwad kaya hindi siya bumili. 4. Hindi pinayagan si Ricky ng kanyang ama na sumama sa fieldtrip kaya nanatili na lamang siya sa kanilang tahanan. 5. Sa tuwing matatapos ang mahabang pagsusulit, hindi nakakalimot si Josie na magpasalamat sa Diyos. 6. Ibinabalik ni Joan ang mga biyayang kaloob sa kanya ng Diyos sa pamamagitan ng pagtulong sa kanyang mga kaibigan. 7. Itinuturing nina Mico at Gina na tunay ang kanilang pagmamahalan subalit naniniwala sila sa limitasyon ng kanilang relasyon bilang matalik na magkaibigan. 8. Bagama t natalo si Mang Jaime sa halalan, naniniwal siyang naging malinis ang pagkapanalo ng kanyang kalaban kaya siya ay sumusunod dito. 9. Kumakain at nag-eehersisyo nang mabuti si Ruben. 10. Sa isang unibersidad na karamihan ay mga lalaki ang nag-aaral, pinauuna nila ang mga kababaihan sa pagpila sa kantina. Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga IV, Modyul Blg. 6. ph. 9 / 11

11. Nalugi ang negosyo ni Mang Pastor. Iniwan din siya ng kanyang asawa at nalaman niyang hindi pumapasok sa paaralan ang kanyang kaisaisang anak. Subalit naisip pa rin niyang maaayos din ang lahat kaya hindi niya dapat wakasan ang kanyang buhay. 12. Inalok si Mario na maging testigo sa kaso ng kanilang kapitbahay upang mapawalang sala ito. Hindi pumayag si Mario kahit na malaki ang halagang ibibigay sa kanya. 13. Iginigiit ni Tony ang kanyang pag-ibig kay Corazon kahit na siya ay may asawa na. Hindi pumayag si Corazon. 14. Mahigpit na pinatutupad ang bawal na pagtawid sa tapat ng malaking mall kaya nagtiyaga si Aling Maria sa pag-akyat sa tulay. 15. Maaaring kopyahin ang CD na naglalaman ng mga pananaliksik na ginawa ng mga kamag-aral ni Dina at ipagbili sa ibang mag-aaral. Subalit hindi niya ito ginawa. VIII. Sanggunian Aberion, Elenita, et.at. 1994. Kaganapan ng Buhay. Manila: CEU Press. CBCP. 2000. Katesismo Para sa mga Pilipinong Katoliko. Manila: CBCP/ECCE Word and Life Publications. Esteban, Esther J. 1990. Education in Values. Pasig City: Sinagtala Publishing Inc. Susi sa Pagwawasto Handa Ka Na Ba? 1. F 2. C 3. B 4. D 5. A 6. A 7. E 8. D 9. C 10. E 11. C 12. B 13. E 14. D 15. B Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga IV, Modyul Blg. 6. ph. 10 / 11

Gaano Ka Natuto? 1. F 2. C 3. B 4. D 5. A 6. A 7. E 8. D 9. C 10. E 11. C 12. B 13. E 14. D 15. B Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga IV, Modyul Blg. 6. ph. 11 / 11