Ano ba ang nakalaan para sa akin? Ano ang aking gagawin? Paano ako magiging kapakinabangan ng aking pamilya at kapwa?

Similar documents
Ika-13 Aralin IYONG KA- UGNAYAN SA IBA" ~ Kinakailangang ibigin, igalang at sundin natin sila.

EDUKASYON SA PAGPAPAHALAGA I

EDUKASYON SA PAGPAPAHALAGA II Yunit II Modyul Blg. 1

Ika-14 na Aralin. Pag-aralan ayon sa mga tuntunin nasa pasimula ng unang aralin. 1. Ang Cristiano ba ang may-ari ng kanyang sariling buhay?

EDUKASYON SA PAGPAPAHALAGA IV Yunit I Modyul Blg. 1

Tagalog NATIONAL STANDARDS. sa pagbabasa, pagsusulat at matematika. Gaano kahusay ang aking anak sa paaralan?

GRADE VI GAMIT NG GRID

EDUKASYON SA PAGPAPAHALAGA IV Yunit 2 Modyul Blg. 6

Republic of the Philippines Department of Education Negros Island Region DIVISION OF SILAY CITY City of Silay

Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga konsepto sa pananagutang pansarili, pamilya,

Impormasyon tungkol sa Pamumuhay sa Iba't-ibang Wika

Pagsasanay sa Filipino

Oops... Ingat sa Lansangan

GABAY SA PAG GAMIT NG ADMIN CONSOLE (ADMIN CONSOLE QUICK GUIDE)

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

H E K A S I KABABAIHAN SA PANAHON NG IKATLONG REPUBLIKA SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools

MAY KAAGAPAY KA NA BA?

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Music. Talaan ng mga Gawain. (Unang Kwarter) Department of Education June 2016

I-reboot ang Iyong X1 TV Box

H E K A S I EDUKASYON NG MGA UNANG PILIPINO, NAIIBA BA? SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools

H E K A S I MAGKATULAD NA PAGPAPAHALAGA: BATAYAN NG PAMBANSANG PAGKAKAISA SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Alamat ng Kawayan. Anthony Pascua SAILN, Tier III

Ang Makisig at Hangal na Hari

Halimbawa ng talumpati tungkol sa edukasyon Elastrator self castration Explicit movies on amazon 2017 Fidio porno abg perawan indo yg dapat di tonton

TAGALOG. PATNUBAY SA PAG AARAl NG. «an

Zangle Parent Connect Gabay sa Tagagamit. Paaralang Pampurok ng Anchorage

AWIT 16:2-3 SINO ANG NAKIKINABANG SA MABUBUTI NATING GAWA? NI REV RODNEY KLEYN

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Sibika Baitang 2 Ikatlong Markahan

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Sino ba talaga si Jesus? Ano ang tunay na Cristiano?

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Sino ba talaga si Jesus? Ano ang tunay na Cristiano?

Paksa: Mga Tayutay. Akdang Babasahin: Ang Pintor ni Gerry Gracio. Inihanda ni:

PART A. LINGGUHANG ISKEDYUL SA TRABAHO

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Fear God October 24, 2010 By Derick Parfan Scripture: Luke 12:4-7

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Education for Better Work. (Edukasyon para sa Mas Magandang Trabaho) SELF-RELIANCE

Anyaya ni Jesus: Halina sa Ama, sa pamamagitan Ko at sa patnubay ng Espiritu Santo

Edukasyon sa Pagpapakatao

Lumapit Kayo sa Akin. July 25, 2010 By Derick Parfan Scripture: Matthew 11:25-30

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Our Father in Heaven. Series: Prayer Rocks the World. By Derick Parfan. July 5, Matthew 6:9-13 (ESV) 1

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Edukasyon sa Pagpapakatao

Pagaaral - 6 ANG PAGPASOK SA KAHARIAN

Ang Pamilyang Cristiano (The Christian Family)

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

H E K A S I EDUKASYON: SAAN PATUTUNGO SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

I.~ lc "AN<17PAG-AASAWA AT ANG

TALAAN NG MAG-AARAL INTERNATIONAL CORRESPONDENCE INSTITUTE PHILIPPINE NATIONAL OFFICE-P.O. BOX 1084, MANILA 2800 PAGSUSULIT ARALIN I "ANG BIBLIA"

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

1. Ano ang teknolohiyang pantulong (assistive technology) sa espesyal na edukasyon?

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Ang Bautismo: Pakikipag-isa kay Cristo sa Kamatayan at Bagong Buhay (Unang Bahagi)

Iyong patnubay sa kalayaang pampananalapi

2010 Gabay sa Pagbibigay Kahulugan

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

H E K A S I TAPAT NA PAGLILINGKOD: NAGBUBUKLOD SA MGA PILIPINO SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Gabay para sa mga Lider

KJ~ NG DIYOS ILILIGTAS. International Correspondence Institute. ARALiN 7. Tungkol sa Diyos - Ang Ating Pag-aralan

Doctrinal Mastery Material para sa Titser ng Aklat ni Mormon

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

International Correspondence Institute PHILIPPINE NATIONAL OFFICE P.O. Box 1084, Manila. Unang Aralin hanggang 3

MGA KABATAANG B ABAE MANWAL 2

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

ANG AMING MGA GAWAIN. Gawaing Bahay. Gawaing Pampamayanan

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Mahal na Punong Guro, Guro o Kasama sa Trabaho

Aplikasyon para sa Segurong Pangkalusugan (Health Insurance)

Starting and Growing My Business. (Pagsisimula at Pagpapalago ng Aking Negosyo) SELF-RELIANCE

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Stake Audit Committee

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

God s Electing Love (Mal. 1:1-5)

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

ayon kay Marcos (Gospel of Mark)

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Transcription:

EDUKASYON SA PAGPAPAHALAGA II Yunit I Modyul Blg. 3 Nang Dahil sa Pagmamahal I. Ano Ang Inaasahang Matututuhan Mo? Ang magagandang kamay ay iyong gumagawa nang mabuti, tama at marangal. Ang magagandang paa ay yaong mga humahayo, humahakbang upang mapagaan ang pasanin ng iba. Ito ang sabi ni William Bennet sa kanyang The Book of Virtues Ano ba ang nakalaan para sa akin? Ano ang aking gagawin? Paano ako magiging kapakinabangan ng aking pamilya at kapwa? Ang pagnanais na isaalang-alang ang sariling kapakanan ay likas sa tao. Ito ay tinatawag na self-preservation. Subalit minsan nakakalimutan natin ang likas na daloy ng kalikasan; na ang bawat isa y may tungkulin at karapatan sa pagdaloy ng buhay. Nakakalimutan natin na mayroon pa ring dapat na mangibabaw na layunin ang bawa t isa sa atin ang pagsasakripisyo para sa iba. Ang birtud (virtue) na ito ay pangunahing nakikita sa pamilya. Ang modyul na ito ay tutulong sa iyo na maunawaan pa ang iyong tungkulin at karapatan sa iyong pamilya sampu nglahat ng kasapi nito. Ito y naglalayon na matanim sa iyong puso at isipan ang kabutihan ng pagsasakripisyo para sa lalong ikabubuti ng pamilya. Hayaaan mong ang modyul na ito ay makatulong sa iyo. Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito, inaaasahang matutuhan mo na ang mga sumusunod na kasanayan at pagpapahalaga: LC 1.3 Natutukoy ang mga tungkulin at karapatan ng bawat kasapi ng pamilya. A. Naiisa-isa ang mga tungkulin ng mga miyembro ng pamilya B. Nailalahad ang mga karapatan ng mga miyembro ng pamilya Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalag II, Modyul Blg. 3, ph. 1/11

C. Napatutunayan na ng pagsasakripisyo para sa pamilya ay nakatutulong sa pagpapatibay nito D. Nakagagawa ng pangakong pansarili na nangangailangan ng sakripisyo para sa magulang at kapatid. Ang modyul na ito ay sadyang binuo upang maunawaan mong mabuti ang mga aralin sa Edukasyon sa Pagpapahalaga I kahit hindi ka makapasok sa paaralan nang regular. Upang maging lubos ang iyong pagunawa sa mga nilalaman ng aralin, sundin mo nang tapat ang mga sumusunod na tagubilin: 1. Basahin ang modyul ayon sa pagkakasunud-sunod ng mga gawain. 2. Unawaing mabuti ang nilalaman ng paksang aralin. 3. Basahin at sundin ang mga panuto at iba pang tagubilin. 4. Pag-isipang mabuti ang sagot sa bawat tanong bago ito isulat sa kuwaderno ng Edukasyon sa Pagpapahalaga. 5. Maging tapat sa iyong sarili sa lahat ng pagkakataon. Laging isaalang-alang ang iyong puso at damdamin sa pagsagot sa mga tanong. Gamiting gabay ang layuning matuto at mapaunlad ang sariling pagkatao sa lahat ng mga gawain. 6. Magtanong sa guro, magulang, kamag-aral o kaibigan kung kailangan. 7. Maging matiyaga sa pag-aaral. Huwag mawalan ng pag-asa kahit nahihirapan. Bago mo simulan ang gawain sa modyul, sagutin mo ang mga sumusunod na panimulang pagsubok. II. Handa Ka Na Ba? A. Isulat kung Tama o Mali ang mga pangungusap. 1. Blood is thicker than water. Mas matimbang ang dugo kaysa tubig. 2. Pananaagutan natin sa Diyosa ang ating kapwa. 3. Tungkulin ng magulang na paaralin at arugain ang mga anak. 4. Tungkulin ng anak na igalang ang mga magulang at nakatatandang kapatid. 5. Mas malaki at mas marami dapat ang kaparteng ulam ng mas matandang anak kaysa sa mga batang kapatid. 6. May karapatan ang anak na mangatwiran sa magulang kapag mali ang mga ito. 7. Kay nanay ang tungkuling mangaral sa anak. 8. Ang tatay ay padre de familia kaya t okey lang kung mangibang-bansa o mangibang bayan siya. 9. Ang bunso ay hindi dapat bigyan ng tungkulin sa tahanan. 10. Karapatan ng bawa t isang miyembro ng pamily na magkaroon ng privacy. Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalag II, Modyul Blg. 3, ph. 2/11

B. Sagutin ang mga sumusunod. Piliin ang titik ng tamang sagot. 1. Ang tawag sa pagpapakita ng pagsasaalang-alang at pagbibigay halaga sa miyembro ng pamilya ay: a. dedikasyon (dedication) b. pagtitipid (frugality) c. pagmamalasakit (concern) d. dignidad (dignity) 2. Ang sama-samang pagsisikap ng mga miyembro ng pamily upang makamit ang minimithi ay tinatawag na: a. pagkakaisa (cooperation) b. dignidad (dignity) c. pag-aasahan (dependency) d. dedikasyon (dedication) 3. Ang kalidad ng paghahanap ng dangal, halaga at pagmamalaki sa anumang uri ng trabahong iniatas ng pamilya sa atin, a. dignidad (dignity) b. pagtitipid (frugality) c. dedikasyon (dedication) d. pagmamalasakit (concern) 4. Ano sa mga sumusunod ang utos ng Diyos para sa tungkulin ng pamilya sa isa t isa? a. Ibigin mo ang Diyos ng higit sa lahat. b. Mangilin ka kung Sabbath o araw ng pangilin. c. Igalang mo ang iyong mga magulang. d. Huwag mong pag-imbutan ang anumang bagay na hindi sa iyo. 5. Isa lamang ang kinabibilangan mong pamilya. Kapag tinalikuran mo sila, magiging mahirap ang lahat sa iyo. Maipakikita mo ang pagwawalang bahala mo sa kanila sa pamamagitan ng: a. Pagbibigay ng lahat nilang naisin b. Pagkilala sa kanilang kalakasan c. Pag-unawa sa kanilang kahinaan d. Pagtulong sa kanilang pangangailangang personal Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalag II, Modyul Blg. 3, ph. 3/11

III. Tuklasin Mo Gawain Blg. 1 Sa ibaba sagutan mo ang kolum ng Sampung Batas ng Iyong Tahanan. Sampung Utos ng Aming Tahanan Dahilan/Layunin Epekto ng Pagtupad Epekto ng Hindi Pagsunod Halimbawa: 1. Tapusin ang takdang aralin at trabahong nakaatas sa buhay bago manood ng TV Para mas mapag-aralang mabuti ang takda Upang maging handa sa klase Para matapos ang trabaho at wala nang iintindihin pa Naging mataas ang marka Natuwa ang guro Natapos ang trabaho ng maaga Nag-enjoy sa panonood dahil walang iintindihing iba Nakagalitan ng guro dahil walang takda Bumaba ang mga marka Napahiya Nagkapantaypantay ang gawain Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalag II, Modyul Blg. 3, ph. 4/11

Lagyan mo ng tsek ( ) ang mga batas na madalas mong sinusuway o nahihirapan kang sundin. Bigkasin ang isang panalangin upang ikaw ay tulungang makatupad. Maaari usalin ang panalanging ito o gumawa ang sariling panalangin. Amang Banal, salamat po sa pagpapaalala mo sa akin na sundin ko at igalang ang aking mga magulang at kapatid. Patawad po sa katigasan ng aking ulo kayat di ko sila sinusunod. Turuan mo aking magpakumbaba at gawin mo po akong isang mabuting miyembro ng aming pamilya. Amen. Gawain Blg. 2 Sa unang kolum, isulat ang lahat ng bagay na mahalaga sa iyo. Sa pangalawang kolum, isulat ang mga taong mahalaga sa iyo. Lagyanng kulay pula ang mga bagay at dilaw naman ang mag taong mahalaga sa iyo. Sa ikatlong kolum, isulat ang mga bagay na pwede mong isakripisyon para sa iyong pamilya. Bagay na Mahalaga Halimbawa: Cell phone motorbike Pangalan ng Taong Mahalaga Halimbawa: Nanay Emma Tatay Ador Pwedeng Isakripisyo Halimbawa: Cell phone Bike Sagutin Mo 1. Ano ang pinakamadaling isulat na kolum? Bakit? 2. Anong kulay ang nakakahigit? Ano ang ipinahihiwatid nito sa pinahahalagahan mo? 3. Sa palagay mo ba ikaw ay self-centered o other people oriented? Ipaliwanag. Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalag II, Modyul Blg. 3, ph. 5/11

Gawain Blg 3 Kapag ang bawat miyembro ng pamilya ay nakikiisa sa pagtupad ng tungkulin at nakararanas ng pagrespeto ng kanyang karapatan, maligaya ang samahan. Isulat sa ibaba ang mga miyembro ng inyong pamilya at sa katabing puwang ang kanilang tungkulin at karapatan. Sa pang-apat na kolum, isulat kung paano mo sila matutulungan. Pangalan ng Kapamilya Halimbawa: Nanay Ang Kanyang Tungkulin Nag-aalaga ng mga anak Naglilinis ng bahay Nagluluto ng pagkain Ang Kanyang mga Karapatan Igalang sundin Paano mo Siya Matutulungan tulungan sa mga gawaing bahay igalang at sundin ang mga utos Sagutin Mo 1. Sino ang may pinakamaraming katungkulan? Karapatan? 2. Ano ang naramdaman mo para sa kanya? 3. Sino ang pinakamabuting naitululong sa pamilya? Bakit? Paano mo siya matutulungang magsakripisyo sa pamilya? Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalag II, Modyul Blg. 3, ph. 6/11

IV. Ano Ang Natuklasan Mo? Ang pagsasakripisyo ay nangangailangan ng paglimot sa sarili upang maging kagamit-gamit sa iba. Ito y pagbababa sa sarili upang ang iba y tumaas. Ito rin ay nangangahulugan ng pagtalikod sa kaginhawaan upang pasanin ang hirap nang ang iba y maginhawaan. A. Kumpletuhin ang mga sumusunod na pangungusap. 1. Handa akong ipaubaya ang aking paboritong upang 2. Nakahanda akong ibigay ang ng aking panahon kada Linggo upang 3. Buong puso kong ibabahagi ang ng aking baon ko kay 4. Ipauubaya ko na ang aking upang 5. Kung magkakaroon ng pagkakataon, ibibigay ko maging ang aking buhay upang V. Pagpapatibay Ang mga ina ang karaniwang nang may pinakamalaking puhunan para sa pamilya tulad ng mga gabing walag tulong kapag may sakit ang anak, pagpupuyat sa pagtitimpla ng gatas, pagbabantay habang natutulog, paghahatid at pagbabantay sa paaralan, kasama pa rito ang pagluluto ng pakainin ng pamilya, paglilinis ng bahay para sa kalusugan, paglalaba at pamamalantsa upang may suot at maging presentable ang kanyang asawa t anak. Anupa t ang pinakamabigat na gawain ng pagbabadyet nang maayos ay sa kanya pa rin nakaatang, lalo na kapag wala halos babadyetin at kailangang matustusan ang lahat ng pangangailangan ng pamilya. Ang ama sa kabilang dako, ay malaki din ang isinasakripisyo para sa pamilya. Sa kanyang balikat nakaatang ang mahabang oras ng paghahanap-buhay upang may maitustos sa kanyang sambahayan. Minsan, tinitiis niya ang kalungkutan nang pagkalayo sa sariling pamilya kung ang trabaho niya ay nasa Saudi at Japan. Boses lamang ng kanilang mga mahal sa buhay ay sapat na upang makayanan nila ang lungkot ng pagkakalayo. Ang mga anak na siyang nasa sentro ng pagmamahal na ito ang kadalasang hindi napapansin ang sakripisyong ginagawa ng kanilang mga magulang sa kanila. Subalit habang sila y nagiging tinedyer, unti-unti nila Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalag II, Modyul Blg. 3, ph. 7/11

itong napagtatanto dahil napapasa sa kanila nang dahan dahan ang mga responsibilidad na ito. Ang pamilya ay tulad ng isang puno na ng bawa t bahagi ay may gampanin upang ito y manatiling buhay at matatag. Kailangan din ang paggalang sa karapatan ng bawa t isa sapagkat bawa t tao y may dignidad na iniingatan. Narito ang gabay upang malinang sa kabataang tulad mo ang pagsasakripisyo para sa pamilya 1. Maging sensitibo sa mga panagangailangan ng miyembro ng pamilya. Kapg nakita mong nagtatrabaho ang iyong magulang o kapatid at ikaw ay walang ginagawa, tulungan mo sila. 2. Unahin ang mga mahal sa buhay. Karaniwan sa tao ang unahin ang sarili. Nais natin ang malaking hita ng pritong manok, ang pinakamalaking hiwa ng cake, ang pinakamalaking baso ng ice cream, ang pinakamalaking hiwa ng pizza. Pagbigyan mo rin ang iyong kapatid na nais pang makatikim ng inihandang pagkain. 3. Gumawa ng mga gawin kahit hindi inuutusan. Walang magulang ang hindi matutuwa sa mga anak na may kusang palo. 4. Iprisinta ang sarili. Sabihin sa nanay o sa tatay na wla kang importanteng gagawin at pwede mo silang tulungan. 5. Ibahagi ang iyong buhay. Paminsan-minsa isara mo ang computer, alisin ang earphone, walkman, huwag magtext, patayin ang TV at DVD. Makipagkwentuhan sa lahat ng miyembro ng pamilya. Ang sama-samang pag-uusap at pagbibiruan ay nakatutulong sa pagpapatatag ng samahan ng pamilya. 6. Maging maalalahanin. Hindi kailangan ang mamahaling regalo, ang pagbibigay ng isang basong tubig kay tatay, pagtitimpla ng kape para kay nanay, pagsunod sa utos ni kuay at pagtulong kay ate na bumuhat ng kasangkapng bahay kapag siya y naglilinis ay malaking katuwaan sa kanila. Ang pagbibigay ng pasalubong na kendi kay bunso ay lubos na kagalakan ang dulot. Hindi masama na mangarap tayo ng maginhawang buhay. Ang Banal na Kasulatan ay nagtuturong unahin ang iba... Ano ang kasudulan ng pagsasakripisyong ito, ang magutom upang ang kapatid ay makakain... ang mahirapan upang ang pamilya y guminhawa... ang mamatay upang mailigtas ang isang mahal sa buhay. Hindi ba ito ay ginawa ng Panginoon sa atin? Halaw sa Daily Living Guides ni Harold Sala at sa Pocketful of Virtues Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalag II, Modyul Blg. 3, ph. 8/11

VI. Pagnilayan at Isabuhay Mo Ipaliwanag kung paanong ang mga sumusunod na gawain para sa pamilya ay nangangailangan ng pagsasakripisyo. 1. Pag-aalaga sa may sakit na kapamilya (kapatid, magulang) 2. Paglalaba 3. Hindi paggastos ng allowance para mabili ang regalo para sa nanay 4. Pagbebenta ng bike upang maibili ng gamit ang tatay na maysakit 5. Pagbabantay sa bahay upang makapunta ang pamilya sa namatay na kamag-anak sa probinsiya. VII. Gaano Ka Natuto? A. Isulat kung Tama o Mali ang mga pangungusap. 1. Blood is thicker than water. Mas matimbang ang dugo kaysa tubig. 2. Pananaagutan natin sa Diyosa ang ating kapwa. 3. Tungkulin ng magulang na paaralin at arugain ang mga anak. 4. Tungkulin ng anak na igalang ang mga magulang at nakatatandang kapatid. 5. Mas malaki at mas marami dapat ang kaparteng ulam ng mas matandang anak kaysa sa mga batang kapatid. 6. May karapatan ang anak na mangatwiran sa magulang kapag mali ang mga ito. 7. Kay nanay ang tungkuling mangaral sa anak. 8. Ang tatay ay padre de familia kaya t okey lang kung mangibang-bansa o mangibang bayan siya. 9. Ang bunso ay hindi dapat bigyan ng tungkulin sa tahanan. 10. Karapatan ng bawa t isang miyembro ng pamily na magkaroon ng privacy. Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalag II, Modyul Blg. 3, ph. 9/11

B. Sagutin ang mga sumusunod. Piliin ang titik ng tamang sagot. 1. Ang tawag sa pagpapakita ng pagsasaalang-alang at pagbibigay halaga sa miyembro ng pamilya ay: e. dedikasyon (dedication) f. pagtitipid (frugality) g. pagmamalasakit (concern) h. dignidad (dignity) 2. Ang sama-samang pagsisikap ng mga miyembro ng pamily upang makamit ang minimithi ay tinatawag na: a. pagkakaisa (cooperation) b. dignidad (dignity) c. pag-aasahan (dependency) d. dedikasyon (dedication) 3. Ang kalidad ng paghahanap ng dangal, halaga at pagmamalaki sa anumang uri ng trabahong iniatas ng pamilya sa atin, a. dignidad (dignity) b. pagtitipid (frugality) c. dedikasyon (dedication) d. pagmamalasakit (concern) 4. Ano sa mga sumusunod ang utos ng Diyos para sa tungkulin ng pamilya sa isa t isa? a. Ibigin mo ang Diyos ng higit sa lahat. b. Mangilin ka kung Sabbath o araw ng pangilin. c. Igalang mo ang iyong mga magulang. d. Huwag mong pag-imbutan ang anumang bagay na hindi sa iyo. 5. Isa lamang ang kinabibilangan mong pamilya. Kapag tinalikuran mo sila, magiging mahirap ang lahat sa iyo. Maipakikita mo ang pagwawalang bahala mo sa kanila sa pamamagitan ng: a. Pagbibigay ng lahat nilang naisin b. Pagkilala sa kanilang kalakasan c. Pag-unawa sa kanilang kahinaan d. Pagtulong sa kanilang pangangailangang personal Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalag II, Modyul Blg. 3, ph. 10/11

VIII. Mga Sanggunian Bennet, William J. The Book of Virtues. USA: Phoenix. Sala, Harold. 355 Daily Guides for Living. USA: McGraw. University of Asia and the Pacific. (200). I am. - For Others. Pasig City: Author. Five Signs of a Happy Family Susi sa Pagwawasto Handa Ka Na Ba? Gaano Ka Natuto A. A. 1. Tama 1. Tama 2. Tama 2. Tama 3. Tama 3. Tama 4. Tama 4. Tama 5. Mali 5. Mali 6. Tama 6. Tama 7. Mali 7. Mali 8. Mali 8. Mali 9. Mali 9. Mali 10. Tama 10. Tama B. B. 1. c 1. c 2. a 2. a 3. a 3. a 4. c 4. c 5. a 5. a Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalag II, Modyul Blg. 3, ph. 11/11