Walang anumang pakinabang sa mamamayang

Similar documents
Ipagdiriwang ng sambayanang Pilipino ang ika-40 anibersaryo ng

Tagalog NATIONAL STANDARDS. sa pagbabasa, pagsusulat at matematika. Gaano kahusay ang aking anak sa paaralan?

Zangle Parent Connect Gabay sa Tagagamit. Paaralang Pampurok ng Anchorage

Sinasaluduhan namin ang lahat ng Pulang kumander

Nitong nakaraang ilang linggo, tuloy-tuloy na ipinahayag ng

Isasagawa ng naghaharing sistemang pampulitika sa Mayo 2016

Doble-kara at bantay-salakay. Ito ang tunay na katangian ng

SUUNTO GUIDING STAR PAG-IINGAT AT WARRANTY

Binabatikos ng Partido Komunista ng Pilipinas at lahat ng rebolusyonaryong

Sa harap ng nalalapit na reaksyunaryong eleksyon, pagtatapos ng

Pahayagan ng Partido Komunista ng Pilipinas Pinapatnubayan ng Marxismo-Leninismo-Maoismo

Halimbawa ng talumpati tungkol sa edukasyon Elastrator self castration Explicit movies on amazon 2017 Fidio porno abg perawan indo yg dapat di tonton

Pahayagan ng Partido Komunista ng Pilipinas Pinapatnubayan ng Marxismo-Leninismo-Maoismo

HF Markets Ltd HOTFOREX PHILIPPINES CONTEST

Idinideklara ng Partido Komunista ng Pilipinas (PKP), kasama ng

Sa masayang okasyon ng Ika-46 na anibersaryo

Larawan ng sukdulang pang-aapi at pagsasamantala ang malawak

Ang nalalapit na pulong ng mga lider ng mga kasapi ng Asia-

I-reboot ang Iyong X1 TV Box

Atlantic Health System

1. Ano ang nasa likod ng paglago ng GDP?

Matapos ang ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Rodrigo Duterte, ganap ng

PART A. LINGGUHANG ISKEDYUL SA TRABAHO

Ang Marso 8 ay ipinagdiriwang sa buong mundo upang pahalagahan

Dapat yanigin ng protesta ang rehimeng US-Aquino sa buong

Pahayagan ng Partido Komunista ng Pilipinas Pinapatnubayan ng Marxismo-Leninismo-Maoismo

Sa kabila ng malawakang pandaraya at pagmaniobra ng magkasabwat na

Niyayanig ngayon ng masidhing krisis sa pulitika ang naghaharing

Ika-13 Aralin IYONG KA- UGNAYAN SA IBA" ~ Kinakailangang ibigin, igalang at sundin natin sila.

ANG PATAKARAN NG NEOLIBERAL NA GLOBALISASYON AT ANG LUMALALANG KRISIS SA EKONOMYA SA PILIPINAS

Pahayagan ng Partido Komunista ng Pilipinas Pinapatnubayan ng Marxismo-Leninismo-Maoismo. at dumedepensa sa kanilang mga karapatan.

Pahayagan ng Partido Komunista ng Pilipinas Pinapatnubayan ng Marxismo-Leninismo-Maoismo

Ang Makisig at Hangal na Hari

Pansamantalang itinigil ang

Sa isang operasyong komando na tumagal lamang

Ipagdiwang ang ika-50 anibersaryo ng Partido at pamunuan ang rebolusyong Pilipino sa mas malalaking tagumpay

Lahatang-panig na magpalakas sa pagharap sa rehimeng Duterte

Habang lahat ng reaksyunaryong partido at kandidato ay nagpapaganda

Pahayagan ng Partido Komunista ng Pilipinas Pinapatnubayan ng Marxismo-Leninismo-Maoismo

Labanan ang lumalakas na tunguhing kanan ng rehimeng Duterte! Isulong ang digmang bayan!

Sawang-sawa na ang mamamayang Pilipino

Ipinoproklama ng NDFP itong ANG. Deklarasyon at Programa ng Pagkilos ng NDFP para sa mga Karapatan, Proteksyon at Kagalingan ng mga Bata.

Pahayagan ng Partido Komunista ng Pilipinas Pinapatnubayan ng Marxismo-Leninismo-Maoismo. Walang renda ang kanyang bibig sa pagbabanta at pagmumura

Pahayagan ng Partido Komunista ng Pilipinas Pinapatnubayan ng Marxismo-Leninismo-Maoismo. gitna ng mga sibilyang komunidad sa kanayunan.

Ayos na Gamot sa Abot-kayang Presyo -- Ang Tunay na Sigaw ng Sambayanan!

Deklarasyon at Programa ng Pagkilos ng NDFP para sa mga Karapatan, Proteksyon at Kagalingan ng mga Bata

Lugmok sa krisis sa pinansya at pananalapi ang rehimeng Macapagal-Arroyo. Desperado itong makalikom

Praymer sa Fiscal Crisis ng Rehimeng US-Arroyo. Inihanda ng Kilusang Mayo Uno (KMU) 5 September 2004

1. Ano ang teknolohiyang pantulong (assistive technology) sa espesyal na edukasyon?

GABAY SA PAG GAMIT NG ADMIN CONSOLE (ADMIN CONSOLE QUICK GUIDE)

Pahayagan ng Partido Komunista ng Pilipinas Pinapatnubayan ng Marxismo-Leninismo-Maoismo

Hulyo 2016, Lat # Tagalog. Sistema ng proteksyon at pagtataguyod ng California Walang Bayad (800)

a-39 anibersaryo ng Kabataang Makabayan! Mapulang pagbati sa lahat ng mga

Sa kaibuturan, ang Oplan Bayanihan ay isang masaklaw at malawig

Pahayagan ng Partido Komunista ng Pilipinas Pinapatnubayan ng Marxismo-Leninismo-Maoismo

Mga Nalalapit na Pagbabago sa Santa Clara Family Health Plan Cal MediConnect Plan (Medicare-Medicaid Plan) 2018 na Listahan ng Gamot

SUMA TOTAL: Pagsahol ng krisis

GRADE VI GAMIT NG GRID

Ikampanya at ipanalo ang mga kinatawan ng kabataan at bayan!

NOYNOY RESIGN! Sigaw ng kabataan at bayan: Bakit dapat puspusang kumilos para itulak ang pagbibitiw ni Aquino?

Hindi nilutas ng proklamasyon kay Gloria

Impormasyon tungkol sa Pamumuhay sa Iba't-ibang Wika

H E K A S I KABABAIHAN SA PANAHON NG IKATLONG REPUBLIKA SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools

Dapat tumindig ang sambayanang Pilipino at salubungin ng

Walang kasingsahol ang krisis ng edukasyon sa ilalim ng rehimeng US-Aquino

Music. Talaan ng mga Gawain. (Unang Kwarter) Department of Education June 2016

Pahayagan ng Partido Komunista ng Pilipinas Pinapatnubayan ng Marxismo-Leninismo-Maoismo. ni Duterte

Plano tungkol sa mga bata at tulong para sa pag-aalaga ng mga bata sa Yokohama (Pansamantalang Pangalan) Plano [Pansamantala]

Sa loob ng ilang araw, haharap sa unang pagkakataon si Rodrigo

Praymer hinggil sa Pork Barrel

Huling taon na ni Pangulong Benigno

SCFHP Cal MediConnect Plan (Medicare-Medicaid Plan) 2019 Listahan ng Matibay na Kagamitang Medikal (Listahan ng Durable Medical Equipment o DME)

2010 Gabay sa Pagbibigay Kahulugan

Dapat magkaisa ang lahat ng sektor para panagutin ang gubyernong

Ibayong paglaban ng mga magbubukid sa mga patakarang neoliberal

tagumpay sa maraming lugar sa lalawigan na magpahanggang sa pinakikinabangan ng mamamayan.

Saligang Batas ng Migrante International

Aplikasyon para sa Segurong Pangkalusugan (Health Insurance)

From left, Dingdong Dantes, Jennylyn Mercado, Dennis Trillo, Lovi Poe, Alden Richards and Betong Sumaya.

Mga Account ng mga Pasyente/Daanan ng Pasyente MANUAL NG MGA PATAKARAN

Alamat ng Kawayan. Anthony Pascua SAILN, Tier III

Mga katanungang madalas itanong(q&a) tungkol sa Electronic Notification System ng Kawanihan ng Imigrasyon

UNANG SEMESTRENG SILABUS SA FILIPINO PAGBASA AT PAGSUURI NG IBA T-IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

Ang Pangprobinsiyang Kard ng Ulat (Report Card) ng Manitoba. Impormasyon para sa. Mga Magulang

Kapag Ang Mga Bata Ay Nagsasalita Ng Higit Sa Isang Wika

LEGAL NETWORK FOR TRUTHFUL ELECTIONS. Mga impormasyon tungkol sa pagrerehistro ng botante Gabay sa pambansa at lokal na halalan para sa mayo 2016

NEWS. Kasalukuyan hanggang Dis. 31, Ene. 1, 2018 hanggang Dis. 31, Mga Kategorya ng Pinakamababang Sahod

E P P TALAAN NG GASTOS AT KINITA SA PAGHAHALAMANG ORNAMENTAL SELF INSTRUCTIONAL MATERIALS

Pagsasanay sa Filipino

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

aklat biblia ang mga LECTIO DIVINA PARA SA AKING PAMILYANG MGA PAGPAPAHALAGA PARA SA AKING PAMILYANG MAY MAGANDANG UGALI CLARET PUBLISHING GROUP

2018 Aplikasyon para sa Neighbourhood Small Grants

ANG PAG-SETUP NG ISANG SISTEMA NG PAGBABAYAD NG SUWELDO

Third Quarter 2018 Social Weather Survey: Pinoys maintain anti-chinese stance on West Philippine Sea issue

Orihinal na Epektibong Petsa: Pahina Enero 2006 Huling Petsa ng. Numero ng Patakaran (Policy Number)

HIGANTENG TUBO PARA SA MGA DAYUHAN AT LOKAL NA KAPITALISTA, PINSALA SA KALIKASAN AT BUHAY NG MGA MAGSASAKA AT PAMBANSANG MINORYA

3.1 Paano ito Gumagana 3.2 Resolusyon sa Hindi Pagkakaunawaan 3.3 Insentibo sa Paglutas ng Hindi Pagkakaunawaan

Isang Guide para sa Naturalisasyon

ANG GOBYERNONG GMA AT ANG MGA SUNDALONG BATA. MAPAIT man sa panlasa lalo na sa mga

Transcription:

ANG Pahayagan ng Partido Komunista ng Pilipinas Pinapatnubayan ng Marxismo-Leninismo-Maoismo Tomo XLIV Blg. 10 Mayo 21, 2013 www.philippinerevolution.net Editoryal Walang pakinabang ang bayan sa eleksyong 2013 Walang anumang pakinabang sa mamamayang Pilipino ang katatapos pa lamang na eleksyong 2013. Malinaw na wala itong pinagkaiba sa mga eleksyon sa nagdaang mahigit kalahating siglo ng neokolonyal na paghaharing reaksyunaryo. Tulad sa nakaraan, ang eleksyon ay pinagharian ng malalaking partidong pampulitika na pinopondohan ng malalaking burgesya kumprador at panginoong maylupa at kumakatawan sa interes nila at ng dayong malaking negosyo. Mahigit 75% ng bagong halal na mga kinatawan ng reaksyunaryong kongreso ay kabilang sa mga tradisyunal na pamilyang pam- pulitika o mga dinastiya. Dinudugtungan nila ang karerang pampulitika ng kanilang mga pamilya. Halos wala sa kanila ang nagmula at kumakatawan sa masang anakpawis. Walang makabuluhang pakinabang ang sambayanang Pilipino sa eleksyong 2013. Lumilikha lamang ito ng ilusyon ng demokrasya, kahit pa ang kahulugan lamang nito'y ang "demokratikong" pagpili ng mamamayan sa mga kinatawan ng naghaharing uri at pagboto sa mga bubuo at magpapatupad ng mga batas na aapi at magsasamantala sa kanila. Muli lamang pinalakas ng nagdaang eleksyon ang kontrol ng mga reaksyunaryong naghaharing uri sa kanilang gubyerno at burukrasya. Sa kabilang panig, ang malawakang pandaraya at manipulasyon ng resulta ay lalo lamang naglalantad sa kabulukan ng naghaharing sistemang pampulitika at kawalan ng tunay na demokrasya. Taliwas sa pangako ng "automated elections" o de-makinang pagbibilang at pagkukwenta ng Sa isyung ito... Patuloy na paghahari ng mga angkan ng pulitiko 3 Elektronikong pandaraya sa eleksyon 5 Mga opensiba sa Bicol 7

ANG Taon XLIV Blg. 10 Mayo 21, 2013 Ang Ang Bayan ay inilalabas sa wikang Pilipino, Bisaya, Iloko, Hiligaynon, Waray at Ingles. Maaari itong i-download mula sa Philippine Revolution Web Central na matatagpuan sa: www.philippinerevolution.net Tumatanggap ang Ang Bayan ng mga kontribusyon sa anyo ng mga artikulo at balita. Hinihikayat din ang mga mambabasa na magpaabot ng mga puna at rekomendasyon sa ikauunlad ng ating pahayagan. Maaabot kami sa pamamagitan ng email sa: angbayan@yahoo.com mga boto, lalo pang naging talamak, laganap at malakihan ang pandaraya sa eleksyon. Malawakan ang naging pagduda ng mamamayan sa eleksyon kapwa dahil sa paglilihim ng teknolohiya sa likod ng pagbibilang ng mga boto, pagpalya ng mga kagamitan at iba pang lantad na mga anyo ng pandaraya. Ipinagmamalaki ni Aquino na ang 9-3 resulta ng eleksyon sa Senado at mayoryang panalo nito sa mababang kapulungan ng reaksyunaryong kongreso ay patunay umano na suportado ng bayan ang kanyang islogang "matuwid na daan." Subalit walang nagbubunyi, kahit pa sa hanay ng panggitnang mga uri. Alam na alam ng bayan ang katotohanang napakalaking rekurso ng gubyerno at malalaking negosyong sumusuporta kay Aquino ang ginamit ng kanyang Team PNoy para makuha ang katapatan at suporta ng mga lokal na pulitiko at maglunsad ng napakamahal na kampanya sa radyo at telebisyon. Isang malawakang planong pampublisidad kaakibat ng manipulasyon ng resulta ng eleksyon ang inilunsad ng naghaharing rehimeng Aquino. Laganap ang pagdududa at pagtatakwil sa resulta ng eleksyon. Ang nakamit na mayoryang kontrol ni Aquino sa senado at kongreso ay tiyak na gagamitin ng naghaharing rehimen para lalo pang patatagin ang kanyang mapang-api at mapaniil na paghahari. Karamihan ng bagong halal na mga senador ay mga alyado ni Aquino. Aasahan sila ni Aquino na susuporta sa pagbubuo ng mga batas alinsunod sa mga patakaran at programang dikta ng IMF-World Bank at dayuhang malalaking negosyante. Sa tulak ng mga imperyalistang amo ni Aquino at ng malalaking negosyanteng dayuhan, nakatuon ang susunod na tatlong taon ng rehimeng Aquino Nilalaman Editoryal: Walang pakinabang ang bayan sa nagdaang eleksyon 1 Paghahari ng mga angkan sa pulitika 3 Elektronikong pandaraya 4 Dinukot na lider, inilitaw 5 Mga pakikibakang manggagawa 6 Mga sibilyan, nagbakwit sa Negros 5 Mga opensiba sa Bicol 5 Magkasunod na ambus sa Kalinga 7 Bt corn: Salot sa magsasaka 8 Lokal na usapan, itinakwil 9 Pakikiisa ng CPI(Maoist) 9 Ang Ang Bayan ay inilalathala dalawang beses bawat buwan ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Pilipinas para sa higit na liberalisasyon ng mga patakaran sa pamumuhunan at kalakalan sa Pilipinas. Itinutulak nila ang pag-aalis ng mga probisyon sa reaksyunaryong konstitusyong 1987 na nagbabawal sa dayuhang pagaari ng lupa at pagpapatakbo ng mga susing empresa at serbisyo sa Pilipinas. Maisasagawa ito sa pagpapatawag ng komisyon o kumbensyong konstitusyunal o pagbubuo ng bagong mga batas na magpapawalambisa sa naturang mga probisyon, tulad ng nais ni Aquino. Alinsunod sa ninanais ng kanyang among US, itinutulak din ni Aquino ang pagbubuo ng bagong mga batas para bigyang-matwid ang lumalaki at dumadalas na presensya at pagbabase ng mga pwersang militar ng US sa Pilipinas at ikutan ang mga limitasyon at pagbabawal na itinakda ng reaksyunaryong konstitusyong 1987 laban sa dayong mga base at pasilidad-militar. Iginigiit din ng dayong malalaking negosyo na alisin ang pagbabawal na mahalal lagpas sa isang anim na taong termino ang presidente. Sa pagkakaroon ng matatag na kontrol sa Kongreso, balak ni Aquino na itulak ang ibayong liberalisasyon ng Mining Act of 1995 upang umakit ng mas malaking pamumuhunan sa pagmimina. Binabalewala ni Aquino ang malawakang pagtutol ng sambayanan sa dayuhang pandarambong sa patrimonya ng bansa at sa malawakang pagkasira ng kapaligirang dulot ng malakihang komersyal na operasyon sa pagmimina, plantasyon at pagtotroso. Lalo pang itutulak ni Aquino 2 ANG BAYAN Mayo 21, 2013

sa Kongreso ang kanyang programa sa badyet para igiit ang mga hakbanging pagtitipid sa pamamagitan ng lalong pagkaltas ng alokasyon sa mga serbisyong pampubliko at todo-largang pribatisasyon ng mga pampublikong ospital at mga paaralan sa mga darating na taon. Mas malakas din ang loob ni Aquino na itulak ang panibagong mga buwis upang itaas ang kita ng gubyerno sa harap ng nagpapatuloy na krisis sa ekonomya. Dahil walang malaking blokeng oposisyon sa Kongreso, umaasa si Aquino na maitutulak niya ang pagpirma ng bagong mga kontrata ng gubyerno para sa kanyang mga kroni. Pinaglalawayan na ng mga kroni ni Aquino ang planong ekstensyon ng LRT, ang pagtataas sa pamasahe at pribatisasyon ng MRT at ang proyektong paghuhukay sa Laguna Lake. Tulad ng ginawa sa proyektong Daang Hari, nais ni Aquino na mapunta ang mga kontratang ito sa kanyang mga kroni, kahit pa may ibang mag-aalok ng mas mababang gastos sa gubyerno. Lalo ring lalakas ang loob ni Aquino na paigtingin ang todo-largang gerang panunupil na Oplan Bayanihan. Nais ni Aquino na tumulong ang reaksyunaryong kongreso sa pagpapalaki ng pondo ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP). Lalo pang magiging malupit ang mga paglabag sa karapatang-tao sa susunod na tatlong taon sa desperasyon ni Aquino na lupigin ang mga demokratikong pakikibaka at armadong paglaban ng bayan. Nais din ni Aquino na palawakin pa ang pondo para sa mapanlinlang na mga programang "pantawid-pamilya, Pamana at Kalahi na ibinubulsa ng mga kumander ng militar at mga lokal na burukrata kapitalista. Ang pinakamabibigat na suliranin at usaping kinakaharap ng mamamayang Pilipino ay hindi binigyang-pansin noong nagdaang eleksyon. Liban sa pagsisikap ng ilang progresibong partidong lumahok sa eleksyon, ang mga debate at diskusyon noong panahon ng kampanya ay hindi sumentro sa mga hinihingi ng mamamayan na reporma sa lupa at pambansang industriyalisasyon, mas mataas na sahod, mas mababang presyo, trabaho, paghinto sa mga demolisyon at abot-kayang pabahay at iba pang demokratikong kahilingan. Dahil hindi inaasahang maghahatid ng saligang mga pagbabago ang nagdaang eleksyon sa mamamayang Pilipino, wala silang ibang mapagpipilian kundi ang paigtingin ang kanilang mga pakikibaka laban sa maka-imperyalista at anti-mamamayang rehimeng Aquino. Dapat buuin ang malawak na pagkakaisa ng bayan at ihiwalay ang rehimeng US-Aquino. Dapat puspusan nilang itulak ang kanilang interes at maglunsad ng papatindi at papalawak na mga pakikibakang masa at armadong paglaban para sa kanilang pambansa at panlipunang paglaya. ~ Mga angkan ng pulitiko, patuloy ang paghahari Patuloy ang paghahari ng mga angkan ng mga reaksyunaryong pulitiko matapos ang eleksyon nitong Mayo 13. Ang dati nang mga makapangyarihang pamilya sa pulitika ang nagdomina ng eleksyon at naluklok sa mga pwesto sa reaksyunaryong gubyerno, mula pambansa hanggang lokal na antas. Naluklok bilang mga senador ang kinatawan ng dati nang mga dinastiya sa pulitika, kabilang sina Francis Escudero, Alan Peter Cayetano, Nancy Binay, Edgardo Angara Jr, Benigno Bam Aquino IV, Aquilino Koko Pimentel III, Cynthia Villar at JV Ejercito Estrada. Muli namang nahalal ang dati nang mga pulitikong sina Loren Legarda, Antonio Trillanes IV at Gregorio Honasan. Nahalal naman bilang nangungunang senador si Grace Poe sa lakas ng pangalan ng kanyang namatay na ama na si Fernando Poe, Jr., sikat na artista at dating kumandidato sa pagkapangulo noong 2004. Sa mga prubinsya, muling naluklok sa iba't ibang pwesto ang angkan ng mga Marcos, Singson at Ortega sa Ilocos Region; Dy sa Cagayan; Remulla at Revilla sa Cavite; Romualdez at Petilla sa Leyte; Villafuerte at Fuentebella sa Camarines Sur; Ong sa Samar; Rama at Garcia sa Cebu; Marañon at Lacson sa Negros; Defensor at Garin sa Iloilo; at Dimaporo, Ampatuan, at Mangudadatu sa ARMM. Kung mayroon mang mga dinastiyang hindi nakaupo sa poder, hinalinhan naman sila ng iba pang mga makapangyarihan ding pamilya o mga pulitikong sinuportahan ng mga ito. Malinaw na walang binago ang eleksyong 2013 sa paghahari ng mga dinastiyang ito sa reaksyunaryong pulitika sa Pilipinas. Sa pag-aaral noong 2010 ng Center for People Empowerment in Government (CenPEG), natukoy na mayroon lamang 178 angkan ng mga pulitiko (bukod sa mga lokalidad) na kumokontrol sa buong burukrasya. Tina- ANG BAYAN Mayo 21, 2013 3

guriang mga lumang elitista ang 100 o 56% sa mga angkang ito at 78 o 44% ay mga bagong elitista na sumibol mula 1986. Ang mababang kapulungan ng reaksyunaryong kongreso ay pinaghaharian ng 115 pampulitikang angkan. Maging ang sistemang partylist, na diumano'y nagbibigay-puwang sa mga kinatawan ng mga inaaping sektor, ay kontrolado ng malalaking angkan sa pulitika: 91% o 56 na kinatawan mula sa mga ito ay mga milyunaryo. Sa senado, 23 sa 24 na kagawad nito ay mula sa mga makapangyarihang angkan sa pulitika. Samantala, 94% o 73 sa kabuuang mga gubyernong panlalawigan ay pinaghaharian ng mga pampulitikang dinastiya sa pinakamenos, 2.31 pamilya kada prubinsya. Nitong nagdaang 25 taon, iisang pamilya ang nagdomina sa Rizal (pamilyang Ynares), La Union (Ortega), Lanao del Norte (Dimaporo), Camarines Sur (Villafuerte), Leyte (Petilla at Romualdez) at Agusan del Sur (Plaza). Sa panahon ding ito, 19 na pamilya lamang ang lubusang may kontrol sa mga eleksyon para sa Kongreso; 17 prubinsya ang may mga angkan na humahawak sa mga pusisyon ng gubernador at kongresman at iba pang kaugnay na pusisyon sa gubyerno. Para naman sa masang anakpawis, malinaw na walang magaganap na batayang pagbabago sa kanilang buhay bunga ng eleksyong 2013. Muli lamang pinagtibay ang nagpapatuloy na paghahari ng mga dinastiya sa pulitika. Habang ang mayorya ng mamamayang Pilipino ay nasasadlak sa kumunoy ng karalitaan at kaapihan, nagpapakasasa naman sa pwesto ang mga angkan ng pulitiko at mga alyado nilang malalaking negosyante, malalaking panginoong maylupa at amo nilang mga imperyalista. ~ Laganap ang elektronikong pandaraya noong nagdaang eleksyon Mula sa botohan hanggang sa bilangan, magulo at batbat ng anomalya ang nagdaang eleksyon. Laganap ang paniniwala na nagkaroon ng malawakang manipulasyon sa resulta ng eleksyon. Umaabot sa 60% ng mga problemang iniulat sa panahon ng eleksyon ay kaugnay sa mga precinct count optical scan (PCOS) machine. Maraming makina ang depektibo at hindi gumana. Mas marami ang nasira habang nagbobotohan at hindi na magamit dahil sa labis na pag-init at samutsaring mekanikal na problema. Marami ang di nakaboto dahil sa pagkaantala ng pagkukumpuni ng mga makina. Nagkaubusan ng suplay ng pangmarka, tinta at iba pang mga kagamitang pang-eleksyon. Nawalan ng kuryente sa ibang lugar. Maraming presinto ang bumalik sa manwal na pagbibilang ng mga boto. Maraming kasong naantala ang pagpapadala ng mga resulta ng mga PCOS. Maraming botante ang nawala sa listahan at nailipat ng ibang presinto. Dagdag ito sa mga tradisyunal na pambabraso at pandaraya tulad ng laganap na pamimili ng boto, paggamit ng mga flying voter at iba't ibang paraan para manipulahin ang resulta ng halalan. Lalo ring tumindi ang panggigipit ng militar sa mga sumusuporta sa mga progresibong partido laluna sa mga itinuturing nilang balwarte. Bago pa man ang eleksyon, binatikos na ng mga independyenteng organisasyon tulad ng AES Watch at Kontradaya ang pagtanggi ng Commission on Elections (COMELEC) na isapubliko ang source code o batayan ng programang ginamit sa pagpapagana ng mga PCOS. Anila, dahil hindi isinapubliko ang source code, walang paraan para malaman ng publiko kung paano binibilang ng PCOS ang kanilang mga boto o kung mga boto nga nila ang binibilang sa pambansang saklaw. Walang paraan ang publiko o 4 ANG BAYAN Mayo 21, 2013

mga partido para malaman na ang mga resultang ipinapadala mula sa mga presinto ang siyang binibilang ng COMELEC. Walang mekanismo para suriin at tiyakin ang bilang ng mga boto. Dahil dito, maraming madaling kaparaanan para malawakan at lihim na manipulahin ang elektronikong resulta ng nagdaang eleksyon basta't may akses sa mga PCOS o sa mga isinasaksak ditong compact flash card na naglalaman ng programang nagpapatakbo nito. Lumitaw ang mga anomalya sa bilangan ng boto. Isang oras matapos ang botohan, napilitan ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV), ang katuwang ng CO- MELEC sa pagbibilang, na pansamantalang itigil ang kanilang pagbibilang nang mapansing doble ang laki ng naitatalang boto kumpara sa bilang ng mga botanteng iniuulat ng saklaw na mga presinto. Ang anomalyang ito ay kaagad na itinuwid ng Smartmatic, ang dayuhang kumpanyang nagbenta ng ginagamit na mga PCOS machine, nang ora-oradang baguhin ng dayuhang eksperto nito ang source code ng mga kompyuter na ginagamit sa pagbibilang ng boto. Dagdag dito, arbitraryong ipinagpaliban ng COMELEC ang upisyal na bilangan kinabukasan, Mayo 14, dahil pagod na diumano ang mga upisyal nito. Ito ay sa kabila ng tuluy-tuloy nang pagpasok ng resulta mula sa mga presinto. Ayon sa dating direktor sa teknolohiya ng COMELEC, makikita ang malawakang dayaan sa bilang ng mga botong nakuha ng mga nanalong senador. Mula simula, hindi nagbago ang agwat ng mga boto sa pagitan ng una hanggang ika-15 senador. Imposible itong mangyari, ayon pa sa mga eksperto ng AES. Hindi nito sinalamin ang pagkakaibaiba ng mga padron ng pagboto ng iba't ibang prubinsya. Noong nakaraang mga eleksyon, may tendensyang mas malaki ang nakukuha ng isang kandidato mula sa itinuturing niyang mga balwarte. Habang pumapasok ang mga boto at depende kung saan nagmula, pana-panahong magbabago ang mga ranggo at agwat ng mga kandidato sa isa't isa. Pero mula sa unang labas ng mga bilang ng PPCRV hanggang katapusan ay hindi halos nagbago ang distansya at ranggo ng nangungunang 15 kandidato sa pagkasenador. Animo'y isinunod sa mga sarbey na may prediksyong 9-3 (siyam mula sa Team PNoy at tatlo mula sa UNA) ang upisyal na resulta ng mananalong mga senador. Lumilitaw sa padron ng bilangan na dati nang itinakda ang pagkakasunud-sunod ng mananalong senador at dati na ring nailaan ang bilang ng mga botong makukuha ng bawat isa sa pambansang saklaw. Dagdag dito, natuklasan na ang mga kinuha ng COMELEC na teknisyan para pangasiwaan ang mga PCOS machine ay mga tauhan ng Placewell Manpower. Ang kumpanyang ito ay pinamumunuan ni Juan Revilla, ang pangalawang nominado ng OFW Family Club, isang partidong tumatakbo sa sistemang partylist. Nasa ikawalong pwesto ngayon sa bilangan ang OFW Party Club. ~ Dinukot na lider ng magbubukid, inilitaw ng militar Inilitaw ng AFP si Estelita T. Tacalan, 60 anyos, isang lidermagbubukid, sampung araw matapos siya dukutin sa Cagayan de Oro City noong Abril 27. Ito ay matapos iprotesta ng mga grupong tagapagtaguyod ng karapatang-tao sa loob at labas ng bansa ang pag-aresto sa kanya. Nakumpirma ng KARAPATAN-Northern Mindanao na nakakulong ngayon si Tacalan sa Zamboanga del Norte Provincial Jail sa Dipolog City. Si Tacalan, na mas kilala bilang Nanay Neneng, ay myembro ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) at partidong Anakpawis. Ayon sa KMP, galing siya sa panrehiyong tanggapan ng koalisyong Makabayan sa Camaman-an, Cagayan de Oro City nang dukutin siya ng mga ahenteng militar. Papunta sana si Tacalan sa Misamis Oriental East. Hinanap siya ng kanyang mga kamag-anak nang malamang hindi siya nakarating doon at hindi siya makontak sa kanyang cellphone. Samantala, tinangkang patayin ng limang nakamotorsiklong lalaki si Redentor Alog, 41 anyos, sa Libmanan, Camarines Sur noong araw ng eleksyon. Si Alog ay kagawad ng Barangay Mambulo, Nuevo at kasapi ng partidong Anakpawis. Tumakbo si Alog patungo sa gubat malapit sa kanyang bahay. Palabas sa kanyang bahay noon si Alog para bumoto nang paputukan siya ng mga salarin. ~ ANG BAYAN Mayo 21, 2013 5

Panggigipit sa manggagawa, nilalabanan Walang patid ang paglaban ng mga manggagawa sa pang-aatake ng rehimeng US-Aquino sa kanilang mga karapatan. Sa iba't ibang panig ng bansa, naglulunsad ang mga unyon at organisasyong manggagawa ng mga pakikibaka upang labanan ang tuluytuloy na tanggalan sa mga regular na manggagawa para buwagin ang kanilang mga unyon at patahimikin ang kanilang mga protesta. Agusan Palmoil Plantation. Isang araw matapos ang Internasyunal na Araw ng Paggawa, iligal na sinisante ng Agusan Palmoil Plantation Inc. (API) sa Trento, Agusan del Sur ang 104 manggagawa nito. Ito ay matapos maghapag ng pabatid ang kumpanya sa Department of Labor and Employment na magsasara na ito. Hindi ipinaalam ng API ang pagsasara ng mga operasyon ng plantasyon sa mga manggagawa at hindi rin nito binigyan ng abiso ang kanilang unyon, ang Pinagbuklod na Lakas ng Manggagawa sa Plantasyon ng API (PLMPA). Pinabulaanan ng unyon ang pagdadahilan ng API na nalulugi diumano ang kumpanya dahil sa pinsalang idinulot ng bagyong Pablo sa plantasyon. Taun-taon, milyun-milyon ang kinikita ng API sa produksyon ng palm oil. Nagwelga noong Nobyembre 2012 ang PLMPA para iprotesta ang pagsisisante ng maneydsment sa 293 kaswal na mga manggagawa at iba pang di-makatarungang kalakaran sa paggawa ng kumpanya. Malaon nang nilalabanan ng unyon ang mga paglabag ng kumpanya sa kanilang mga karapatan, tulad ng mababang pasahod, kawalan ng benepisyo at malawakang kontraktwalisasyon. Nabuo ang bagong collective bargaining agreement (CBA) sa pagitan ng unyon at kumpanya noong Marso 15. Binalewala ito ng API nang sisantehin ang natitira pang mga manggagawa. Brokenshire College. Nagwelga ang mga guro at istap ng Brokenshire College sa Davao City matapos iligal na tanggalin 300 sibilyan, nagbakwit sa Negros Nagbakwit noong Mayo 16 ang tinatayang 300 sibilyan sa Negros Oriental bunsod ng tuluy-tuloy na malaking operasyong militar ng 302nd Brigade ng Philippine Army laban sa Bagong Hukbong Bayan (BHB). Karamihan sa mga lumikas ay kababaihan at mga bata mula sa Sityo Lamabuanon, Barangay Fatima at Sityo Naupao, Barangay San Pedro, kapwa sa bayan ng Sta. Catalina. Napilitang magbakwit ang mga residente dahil sa matinding takot at perwisyong dulot ng operasyong militar sa kanilang lugar. Bago ito, sumiklab sa dalawang barangay ang mga labanan sa pagitan ng mga tropa ng 79th IB at ng mga Pulang mandirigma ng BHB noong hapon ng Mayo 15. ~ sa trabaho ang 11 clinical instructor na myembro ng Brokenshire College Faculty and Staff Union. Ayon sa mga instruktor, maayos ang katayuang pinansyal ng paaralan kaya walang batayan ang pagtatanggal sa kanila batay sa tantya ng maneydsment na bababa ang bilang ng mga estudyanteng mageenrol sa pasukan. Kabilang sa mga sinisante ang bise presidente ng unyon. Pentagon Steel Corporation. Naglunsad ng serye ng mga piket-protesta ang mga manggagawa ng Pentagon Steel Corporation noong Abril sa harap ng kanilang pabrika sa Quezon City para igiit ang kanilang kaligtasan sa pabrika at hilingin sa maneydsment na muling makipagnegosasyon para sa bagong CBA. Bahagi rin sa ipinoprotesta ng mga manggagawa ang hindi pagkilala sa inihalal nilang mga lider ng unyon noong 2010. Sa halip, patuloy na nakikipagsabwatan ang maneydsment sa dating mga lider ng unyon na nakapailalim sa dilawang Trade Union Congress of the Philippines. Tuluy-tuloy ding nilalabag ng kumpanya ang mga probisyon ng kanilang CBA. Ginipit nito ang mga manggagawang nangahas bumatikos sa di makatarungang mga kalakaran ng kumpanya. Noong Abril 12, sinisante ng PSC ang 129 manggagawang lumahok sa isang kilos-protesta sa loob ng pabrika. Bilang tugon, pinaigting ng mga manggagawa ang kanilang sama-samang pagkilos at naglunsad ng serye ng mga protesta sa labas ng pabrika para igiit ang reinstatement ng sinisanteng mga manggagawa. Noong Abril 15, marahas na inatake ng mga pulis ang kanilang protesta at iligal na inaresto ang anim na manggagawa. ~ 6 ANG BAYAN Mayo 21, 2013

Matatagumpay na aksyong militar sa Bicol Matatagumpay na aksyong militar ang nailunsad ng mga Pulang mandirigma ng Bicol nitong nakaraang mga linggo. Anim na riple ang nakumpiska sa magkakahiwalay na reyd. Limang tropa ng Special Weapons and Tactics (SWAT)- PNP-Sorsogon City ang nasugatan nang tambangan ng mga Pulang mandirigma ng Celso Minguez Command (CMC)-Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa Barangay Bato, Bacon District noong Mayo 10. Sa Camarines Sur, matagumpay na inatake ng mga kasapi ng Eduardo Olbara Command ang 15 sundalo ng 49th IB na nakahimpil sa Barangay Agao-ao, Ragay noong Mayo 9. Nagsitakbuhan ang mga sundalo pagkatapos ng sampung minutong labanan. Nasamsam ng BHB ang isang M16, isang karbin at isang garan. Nakumpiska rin ang isang Harris VHF Radio, daan-daang mga bala, 12 bakpak, 11 pares ng bota at 13 unipormeng militar. Isang elemento ng CAFGU ang napatay at nasugatan ang isang sundalo at tatlong CAFGU. Walang kaswalti sa panig ng mga Pulang mandirigma. Noong araw ding iyon, tinambangan ng mga Pulang mandirigma ng BHB-Masbate ang isang trak ng militar na bahagi ng walong trak na komboy ng 80th IB na bagong pakat para dagdagan ang isang batalyon sa prubinsya. Ayon sa panimulang ulat, nagtamo ng maraming kaswalti ang mga sundalo. Bago ito, nireyd ng isang tim ng BHB ang bahay ng pinuno ng Barangay Defense System (BDS) sa Barangay Gumahang, Aroroy, Masbate noong Mayo 5. Dinisarmahan si Roel Morales, dating pulis na sangkot sa pananakot at panggigipit sa mamamayan. Nakuha sa kanya ang ripleng M16, isang ripleng AR 15, isang karbin, isang kal.45 pistola, isang kal.22, isang 9 mm na pistola, dalawang radyong VHF at maraming bala. Noong Abril 28, hinaras ng isang tim ng BHB ang detatsment ng PNP Community Police Assistance Center (CPAC) sa Barangay Imalmod, Legazpi City. Samantala, isinagawa ng isang yunit ng Santos Binamera Command ang operasyong harasment laban sa Peace and Development Team (PDT) ng 2nd IB sa Barangay Bautista, Jovellar, Albay. ~ Magkasunod na ambus, inilunsad sa Kalinga Isang linggo lamang ang pagitan ng dalawang ambus na inilunsad ng mga Pulang mandirigma sa Kalinga nitong Mayo. Sampung sundalo ang napatay at walo ang nasugatan sa magkasunod na mga aksyong militar na ito. Noong Mayo 15, bandang alas-5 ng umaga, binigwasan ng mga gerilya ng Marcial Daggay Front (MDF) ang bagong lipat at bagong sanay na 17th IB sa Sityo Sidog, Barangay Limos, Pinukpuk. Walong sundalo ang napatay at dalawa ang nasugatan sa ambus na ito. Pero tatlong sugatan lamang ang inamin ng 17th IB. Bago ito, dalawang sundalo ng 17th IB ang napatay at anim na iba pa ang nasugatan nang tambangan sila ng mga Pulang mandirigma ng Abraham Bannawagan Front. Lulan ang mga sundalo ng isang trak-militar sa Sityo Patiking, Bagumbayan, Tabuk, bandang alas-9:30 ng umaga noong Mayo 9. Nakasamsam ng isang ripleng M16 at iba pang mga gamit-militar ang mga Pulang mandirigma sa nasabing labanan. Kabilang sa mga napatay ang isang upisyal paniktik ng 5th ID. Walang kaswalti ang BHB sa dalawang taktikal na opensibang ito. Nilinaw ng BHB-Kalinga na ang ambus ay bahagi ng pagpapaigting ng digmang bayan at hindi bunsod ng mga labanan ng mga tribo, tulad ng gustong palabasin ng militar. Pinabulaanan ni Ka Tipon Gil-ayab, tagapagsalita ng BHB-Kalinga na ang ipinagkakalat sa midya ng mga propagandista ng 50Ist Brigade na ang unang pananambang ay pag-atake sa demokrasya dahil nagdadala umano ng mga PCOS machine ang mga sundalo. Katawa-tawa namang ipinagkalat ng 5th ID na ang pangalawang ambus ay isinagawa dahil natalo raw ang mga "kandidato at partylist ng BHB" noong nakaraang eleksyon. ~ ANG BAYAN Mayo 21, 2013 7

Bt corn: Salot sa mga magsasaka Taliwas sa ipinangangalandakan kamakailan ng Department of Agriculture, hindi umunlad ang kabuhayan ng maliliit na magsasaka na nagtatanim ng Bt (Bacillus thuringiensis) corn sa bansa. Noong 2002, ipinangako ng reaksyunaryong gubyerno na bababa ang gastos sa produksyon at tataas ang kita ng mga magsasaka sa Bt corn. Sa halip, nabangkrap lamang at lalo pang nalubog sa utang ang mga magsasaka dahil sa tuluy-tuloy na pagtaas ng presyo ng mga binhi, abono at pestisidyong kailangan sa pagtatanim nito. Masahol pa, nagdala ng masasamang epekto sa kalusugan at kapaligiran ang Bt corn. Mais ang pangalawang pinakamalaking produktong pangagrikultura ng Pilipinas. Ang Bt corn ay mais na binago ang komposisyong genetiko para kontrahin ang Asian corn borer, isang pesteng umaatake sa mga maisan. Nagpapakawala ang Bt corn ng lason sa lupa na kontrapeste. Kabilang ang Bt corn sa mga organismong binago ang komposisyong genetiko (genetically modified organism o GMO) na pinalalaganap ng malalaking kumpanyang gumagawa ng mga binhi. Bt corn ang bumubuo ng 60% ng kabuuang produksyon ng mais noong unang anim na buwan ng 2012 o mahigit dalawang milyong metriko tonelada sa kabuuang ani na mahigit tatlong milyong metriko tonelada. Ayon sa pananaliksik ng Ibon Foundation, tumaas nang 282% ang halaga ng binhi ng mais mula nang ito'y unang ibenta sa bansa. Nasa P4,400-P5,000 ang halaga ng bawat sako (18 kilo) o halos sampung ulit na mas malaki kumpara sa P460 bawat sako ng ordinaryong binhing mais. Kinakain nito ang 18-21% ng kabuuang gastos sa produksyon ng mga magsasaka. Tumaas din ang gastos sa pataba nang hanggang 23% ng kabuuang gastos sa pagtatanim. Hiwalay nang ibinebenta ang mga pestisidyo tulad ng Roundup, na dati-rati'y isinasama sa pakete ng binhi. Ang kabuuang gastos sa produksyon ng organikong mais sa isang ektaryang lupa ay GMO para sa tubo P3,570 samantalang ang gastos sa pagtatanim ng Bt corn ay P18,400. Dagdag dito ang 26% na interes sa inuutang na perang panggastos sa pagtatanim. Sa simula lamang nagkaroon ng magandang ani. Habang tumatagal, kinailangan ng mas mataas na bolyum ng pataba at agro-kemikal dahil liban sa corn borer, hindi napuksa at lalo pang dumami ang ibang mga peste sa sakahan. Sa kabilang banda, pinatay ng lason mula sa Bt corn ang mga insektong walang masamang epekto sa mais tulad ng paruparo, lady bug, bubuyog at rootworm. Nangangailangan din ng papataas na bolyum ng mga kemikal ang pagtatanim ng Bt corn tulad ng glyphosate, isang pamatay ng damo na ibinebenta ng Monsanto. Kabilang ang Monsanto, gayundin ang kumpanyang Syngenta, sa pinakamasusugid na tagatulak ng pagtatanim Kontrolado ng malalaking korporasyon sa pagmamanupaktura ng binhi, pestisidyo, kemikal, at mga gamot ang industriya ng mga GMO. Monopolyo nito ang produksyon ng mga GMO at ang mga kaakibat na pestisidyong dapat gamitin. Malinaw na pagkakamal ng limpak-limpak na tubo ang layunin ng industriyang GMO at hindi pagtulong na malutas ang kahirapan at kagutuman ng nakararaming magsasaka. Isa rito ang Monsanto, isang korporasyong agro-kemikal na nagpoprodyus ng mga pestisidyo, herbisidyo at binhing Bt corn, gayundin ng iba pang GMO na produktong agrikultural tulad ng bulak, soybeans at mani. Binili ito kamakailan ng DuPont, isang higanteng multinasyunal na gumagawa ng mga armas, gamot, bomba, kemikal at mga GMO. Gumagawa rin ito ng mga sandatang nukleyar at kemikal. Ang Monsanto ang nasa likod ng Agent Orange, isang sandatang kemikal na ginamit ng US sa mapanghimasok na digma nito sa Vietnam noong dekada 1960. ~ 8 ANG BAYAN Mayo 21, 2013

ng Bt corn sa bansa. Sa mahigit sampung taon ng Bt corn sa Pilipinas, may mga naiulat nang masasamang epekto sa kalusugan ng mga residenteng nakatira sa mga komunidad na malapit o nasa mga sakahang tinatamnan ng Bt corn. Noong 2003, limampu't isang residente, na may edad na limang buwan hanggang 49 taong gulang sa South Cotabato ang inubo, sinipon, nilagnat, nagsuka, sumakit ang tiyan, sumakit ang ulo at nahirapang huminga. Ang kanilang baryo ay 100 metro lamang ang layo sa dalawang ektaryang taniman ng Bt corn na nagsimula nang mamunga. Sa isinagawang pagsusuri sa dugo ng 38 residente, natuklasan ang mga nakalalasong kemikal mula sa Bt corn. Nagkasakit ang 96 na residente at lima ang namatay. Hindi rin naging ligtas sa lason ang kanilang mga alagang hayop. ~ Pakikiisa ng CPI (M) sa rebolusyong Pilipino Sa loob ng isang linggo mula Abril 22-29, ipinagdiriwang ng kasapian ng Communist Party of India (Maoist) o CPI (M) ang Linggo ng Pakikiisa sa Rebolusyong Pilipino. Ipinaabot ng mga rebolusyonaryong Indian ang kanilang mahigpit na suporta sa rebolusyon at mamamayang Pilipino. Ipinahayag din nila ang kanilang kundenasyon at pagtutol sa Oplan Bayanihan ng rehimeng Aquino. Ayon sa pahayag ng Komite Sentral ng CPI (M), "dakila ang pakikipaglaban ng mamamayang Pilipino at ng Bagong Hukbong Bayan laban sa isang di makatarungan at brutal na digma." Sa okasyon ng isang linggong pakikiisa, inilathala ng CPI (M) ang isang maliit na libro (booklet) bilang introduksyon sa rebolusyonaryong kilusang Pilipino. Nilalaman ng librong ito ang kalagayan, kasaysayan at impormasyon tungkol sa kasalukuyang yugto ng rebolusyon sa Pilipinas. ~ Lokalisadong usapan, itinakwil Itinakwil ng mga rebolusyonaryong pwersa ang ipinapanukalang lokalisadong usapang pangkapayapaan na itinutulak ngayon ng rehimeng Aquino bilang "bagong paraan" sa pagharap nito sa umiigting na digmang sibil sa bansa. Binatikos kapwa ng Cordillera People's Democratic Front (CPDF) at ng National Democratic Front of the Philippines-Southern Tagalog (NDF-ST) ang rehimeng US- Aquino sa makaisang panig na pagwawakas nito sa pormal na pakikipag-usapang pangkapayapaan sa Negotiating Panel ng NDFP. Kapwa nila itinakwil ang "lokalisadong paguusap" at iginiit na mabibigo lamang ang pakanang ito na hatiin ang mga rebolusyonaryong pwersa. "Kung may ilusyon ang rehimeng US-Aquino na mabibitag ang rebolusyonaryong kilusan sa mga lokalisadong usapang pangkapayapaan, nakatakdang magising ito sa bangungot ng nag-aalimpuyong digmang bayan sa buong kapuluan," ani Patnubay de Guia, tagapagsalita ng NDFP- ST. Ayon naman kay Simeon "Ka Filiw" Naogsan, tagapagsalita ng CPDF, lumilitaw na "ang tanging nais makamit ng gubyerno ni Aquino sa pakikipagnegosasyong pangkapayapaan sa NDFP ay hindi ang paglutas sa armadong tunggalian kundi ang pagsuko ng mga rebolusyonaryong armadong yunit." Noong katapusan ng Abril ay ipinahayag ng mga upisyal ni Aquino sa negosasyong pangkapayapaan na hindi na sila makikipag-usap sa NDFP at sisimulan na ang "bagong paraan" sa pagharap sa rebolusyonaryong kilusan. Ang "bagong paraan" ay binubuo ng lokalisadong pakikipag-usap sa mga grupong palalabasing mga rebolusyonaryo, pagpapakana ng mga huwad na pagpapasurender at pamimigay ng pondo ng mga programang Conditional Cash Transfer at Pamana, na kalakha'y ibinubulsa rin ng mga tiwaling upisyal at mga kumander-militar. Ipinahayag nina Naogsan at De Guia ang kanilang pakikipagkaisa sa buong rebolusyonaryong kilusan sa pagkilala sa mga upisyal ng Negotiating Panel ng NDFP at sa paggigiit na ang negosasyon ay dapat isagawa sa pambansang antas upang lutasin ang mga ugat ng digmang sibil sa bansa. Nanawagan ang CPDF sa lahat ng minoryang mamamayan na "magpunyagi at palakasin ang mga pakikibakang masa para ipagtanggol ang kanilang lupaing ninuno, kabuhayan, mga karapatan at yaman." Iginiit naman ng NDFP-ST na "walang ibang natitirang landas kundi ang magpunyagi sa armadong rebolusyon, tuluy-tuloy na magpalakas at dalhin ang digmang bayan sa estratehikong pagkapatas hanggang sa ganap na tagumpay". ~ ANG BAYAN Mayo 21, 2013 9

ANG Pahayagan ng Partido Komunista ng Pilipinas Pinapatnubayan ng Marxismo-Leninismo-Maoismo Tomo XLIV Blg. 10 Mayo 21, 2013 www.philippinerevolution.net Editoryal Walang pakinabang ang bayan sa eleksyong 2013 Walang anumang pakinabang sa mamamayang Pilipino ang katatapos pa lamang na eleksyong 2013. Malinaw na wala itong pinagkaiba sa mga eleksyon sa nagdaang mahigit kalahating siglo ng neokolonyal na paghaharing reaksyunaryo. Tulad sa nakaraan, ang eleksyon ay pinagharian ng malalaking partidong pampulitika na pinopondohan ng malalaking burgesya kumprador at panginoong maylupa at kumakatawan sa interes nila at ng dayong malaking negosyo. Mahigit 75% ng bagong halal na mga kinatawan ng reaksyunaryong kongreso ay kabilang sa mga tradisyunal na pamilyang pam- pulitika o mga dinastiya. Dinudugtungan nila ang karerang pampulitika ng kanilang mga pamilya. Halos wala sa kanila ang nagmula at kumakatawan sa masang anakpawis. Walang makabuluhang pakinabang ang sambayanang Pilipino sa eleksyong 2013. Lumilikha lamang ito ng ilusyon ng demokrasya, kahit pa ang kahulugan lamang nito'y ang "demokratikong" pagpili ng mamamayan sa mga kinatawan ng naghaharing uri at pagboto sa mga bubuo at magpapatupad ng mga batas na aapi at magsasamantala sa kanila. Muli lamang pinalakas ng nagdaang eleksyon ang kontrol ng mga reaksyunaryong naghaharing uri sa kanilang gubyerno at burukrasya. Sa kabilang panig, ang malawakang pandaraya at manipulasyon ng resulta ay lalo lamang naglalantad sa kabulukan ng naghaharing sistemang pampulitika at kawalan ng tunay na demokrasya. Taliwas sa pangako ng "automated elections" o de-makinang pagbibilang at pagkukwenta ng Sa isyung ito... Patuloy na paghahari ng mga angkan ng pulitiko 3 Elektronikong pandaraya sa eleksyon 5 Mga opensiba sa Bicol 7

Mga tuntunin sa paglilimbag 1. Ang sinundang pahina, na eksaktong kopya ng pahina 1 maliban sa mas mapusyaw ang masthead o logo ay para sa mga gumagamit ng mimeo machine o naglilimbag sa paraang v-type. Idinisenyo ito para hindi madaling makasira ng istensil. 2. Pag-print sa istensil: a) Sa print dialog, i-check ang Print as image b) Alisin ang check sa Shrink oversized pages to paper size k) I-click ang Properties d) I-click ang Advanced e) Tiyaking naka-set sa 100% ang Scaling d) Ituloy ang pag-print 3. Hinihikayat ang mga kasama na ipaabot sa patnugutan ng AB ang anumang problema kaugnay ng paglilimbag sa pamamagitan ng v-type. Magpadala ng email sa angbayan@yahoo.com