Wennielyn F. Fajilan Unibersidad ng Santo Tomas, Maynila

Similar documents
UNANG SEMESTRENG SILABUS SA FILIPINO PAGBASA AT PAGSUURI NG IBA T-IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK

Tagalog NATIONAL STANDARDS. sa pagbabasa, pagsusulat at matematika. Gaano kahusay ang aking anak sa paaralan?

K to 12 BASIC EDUCATION CURRICULUM SENIOR HIGH SCHOOL APPLIED TRACK SUBJECT

POINTERS FOR REVIEW ARALING PANLIPUNAN - GRADE 1 Ikalawang Markahan

Halimbawa ng talumpati tungkol sa edukasyon Elastrator self castration Explicit movies on amazon 2017 Fidio porno abg perawan indo yg dapat di tonton

POINTERS FOR REVIEW ARALING PANLIPUNAN - GRADE 1 Unang Markahan

Ika-13 Aralin IYONG KA- UGNAYAN SA IBA" ~ Kinakailangang ibigin, igalang at sundin natin sila.

Ang Karapatan Ng Mga Bingi Na Lumaking Bilingwal

GRADE VI GAMIT NG GRID

ARALING PANLIPUNAN 10 MGA KONTEMPORARYONG ISYU

Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga konsepto sa pananagutang pansarili, pamilya,

EPEKTO SA PAGGAMIT NG SOCIAL NETWORKING SITE SA PAGKATUTO NG ASIGNATURANG FILIPINO. by: Laurince Pantaleon

Music. Talaan ng mga Gawain. (Unang Kwarter) Department of Education June 2016

H E K A S I EDUKASYON: SAAN PATUTUNGO SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools

Zangle Parent Connect Gabay sa Tagagamit. Paaralang Pampurok ng Anchorage

aklat biblia ang mga LECTIO DIVINA PARA SA AKING PAMILYANG MGA PAGPAPAHALAGA PARA SA AKING PAMILYANG MAY MAGANDANG UGALI CLARET PUBLISHING GROUP

Ang Kasaysayan at Araling Panlipunan sa K to 12 Curriculum. Lorina Y. Calingasan

POINTERS FOR REVIEW ARALING PANLIPUNAN - GRADE 1 Ikatlong Markahan

Ang Makisig at Hangal na Hari

Special Filipino Curriculum (SFC): Isang mungkahing kurikulum sa Filipino para sa Dayuhang mag-aaral

2010 Gabay sa Pagbibigay Kahulugan

I-reboot ang Iyong X1 TV Box

Ika-14 na Aralin. Pag-aralan ayon sa mga tuntunin nasa pasimula ng unang aralin. 1. Ang Cristiano ba ang may-ari ng kanyang sariling buhay?

Makabayang Pedagohiya sa Pagpapatupad ng OBTEC (Outcomes-Based Curriculum) Filipino sa Pamantasang Normal ng Pilipinas-Maynila

H E K A S I KABABAIHAN SA PANAHON NG IKATLONG REPUBLIKA SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools

Ang Pangprobinsiyang Kard ng Ulat (Report Card) ng Manitoba. Impormasyon para sa. Mga Magulang

Chapter 6 Tagalog Verbs

Republic of the Philippines Department of Education DepEd Complex, Meralco Avenue Pasig City. K to 12 Curriculum Guide ARALING PANLIPUNAN.

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

ARALING PANLIPUNAN 10 ISYU AT HAMONG PANLIPUNAN

Doctrinal Mastery Material para sa Titser ng Aklat ni Mormon

Edukasyon bilang Tagpuan ng Katwirang Lungsod at Katwirang Lalawigan

Pagtuturo ng Pananaliksik sa Iba t ibang Antas

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Islam at pambansang identidadsa Malaysia,Indonesiaat Pilipinas. Elsa Clavé Goethe universität Frankfurt BAKAS seminar 6 Abril2017

Republic of the Philippines Department of Education Negros Island Region DIVISION OF SILAY CITY City of Silay

Impormasyon tungkol sa Pamumuhay sa Iba't-ibang Wika

Pagbasa at Pagsusuri ng Teksto Tungo sa Pananaliksik: Ambag sa Transpormatibo at Makabayang Edukasyon

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Third Quarter 2018 Social Weather Survey: Pinoys maintain anti-chinese stance on West Philippine Sea issue

SILABUS NG KURSO DESKRIPYON NG KURSO:

Ang Pagtuturo ng Wika at Kulturang Filipino sa Disiplinang Filipino (Konteksto ng K-12)

Kapag Ang Mga Bata Ay Nagsasalita Ng Higit Sa Isang Wika

KULTURA AT TRADISYON BILANG SALAMIN NG ETNISIDAD

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Pagsasanay ng mga guro sa programa ng K to 12 Baitang 8

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

H E K A S I ANG EDUKASYON SA PANAHON NG ESPAÑOL SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools

2018 Aplikasyon para sa Neighbourhood Small Grants

TIME FRAME PAKSA KASANAYANG PAMPAGKATUTO PAGTATAYA Lingo 1 Ang kahalagahan ng Pagsulat

AWIT 16:2-3 SINO ANG NAKIKINABANG SA MABUBUTI NATING GAWA? NI REV RODNEY KLEYN

The K to 12 Araling Panlipunan Curriculum. Scope and Expected Competencies

EDUKASYON SA PAGPAPAHALAGA I

Sino ba talaga si Jesus? Ano ang tunay na Cristiano?

GABAY SA PAG GAMIT NG ADMIN CONSOLE (ADMIN CONSOLE QUICK GUIDE)

School Year (Akademikong Taon) English. learner. Gabay ng Programa ng. English Learner Program Guide 1

Alamat ng Kawayan. Anthony Pascua SAILN, Tier III

HF Markets Ltd HOTFOREX PHILIPPINES CONTEST

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Sino ba talaga si Jesus? Ano ang tunay na Cristiano?

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

SCFHP Cal MediConnect Plan (Medicare-Medicaid Plan) 2019 Listahan ng Matibay na Kagamitang Medikal (Listahan ng Durable Medical Equipment o DME)

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Ang Bautismo: Pakikipag-isa kay Cristo sa Kamatayan at Bagong Buhay (Unang Bahagi)

Iyong patnubay sa kalayaang pampananalapi

ISANG GABAY SA NG BALANGKAS NG KOMPETENSIYA NG PAGKAKAWANGGAWA SINUSUPORTAHAN ANG NAGKAKAWANGGAWA UPANG EPEKTIBONG MAKAPAGTRABAHO

Stake Audit Committee

Our Father in Heaven. Series: Prayer Rocks the World. By Derick Parfan. July 5, Matthew 6:9-13 (ESV) 1

MODYUL SA PAGKATUTO. Pangkalahatang Ideya

PANIMULA. Ang maging isang babae o lalaki ay isang mahalagang kaganapan para sa tao sa mundo.

GABAY NG GURO. Populasyon at Pag- unlad, Sekswalidad at Mapanagutang Pagmamagulang (Population and Development, Sexuality and Responsible Parenthood)

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

MISYONG PAHAYAG. Isang masagana at inklusibong Canada na nakabatay sa tagumpay ng bawat indibidwal.

Mga Nalalapit na Pagbabago sa Santa Clara Family Health Plan Cal MediConnect Plan (Medicare-Medicaid Plan) 2018 na Listahan ng Gamot

Nutri-bingo! Gabay para sa game master o facilitators. Ano ang nutri-bingo?

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Pitong Sulyap sa Pilosopiya ng Wika ni Padre Ferriols

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Sustainable (Maaaring Mapangalagaan) na Pangingisda

Mga katanungang madalas itanong(q&a) tungkol sa Electronic Notification System ng Kawanihan ng Imigrasyon

Ang mga Dialohikal na Hermenyutika nina Heidegger, Bultmann, at Gadamer Bilang Batayang Teoretikal sa Araling Filipino

SUUNTO GUIDING STAR PAG-IINGAT AT WARRANTY

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Pamagat ng Pag-aaral (o IRB Approval Number kung maaaring labagin ng pamagat ng pag-aaral ang privacy ng subject):

ULIRANG GURO SA FILIPINO 2017 NG KOMISYON SA WIKANG FILIPI

MAY KAAGAPAY KA NA BA?

The Normal Lights Volume 10, No. 2 (2016) Niña Christina Lazaro-Zamora Philippine Normal Univesrity.

GABAY NG PROGRAMA NG ENGLISH

KASAKLAWAN NG MGA LARANGAN SA BAGONG KASAYSAYAN: BUHAY, BAYAN, AT KABANWAHAN

Ang Bangis ng Kaisipang Postmodernismo sa Kultura ng Kabataan: Pagsasakultura ng Ebanghelyo sa Pamamagitan ng Media

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

ANG PAG-SETUP NG ISANG SISTEMA NG PAGBABAYAD NG SUWELDO

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

EDUKASYON SA PAGPAPAHALAGA II Yunit II Modyul Blg. 1

DRAFT. MODYUL 1: Heograpiya at mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig PANIMULA

MGA NILALAMAN. Panimula Maikling Talambuhay ni Supreme Master Ching Hai..8. Ang Hiwaga Ng Kabilang Daigdig...11

Sibika Baitang 2 Ikatlong Markahan

Transcription:

Mula sa Hispanismo tungo sa Filipinismo: Ang Interkultural na Pagtuturo ng Filipino sa mga mag-aaral na Hispaniko Bilang Lunsaran ng Pagpapalaganap ng Kulturang Filipino Wennielyn F. Fajilan Unibersidad ng Santo Tomas, Maynila the past offers not only lessons, but also opportunities. - Fernando N. Zialcita Ang lahing Filipino ay nahubog ng pagtatagpo ng lahing Austronesyano at mga impluwensyang Kanluran. Kadugo natin ang mga bansang Malaysia at Indonesia, malaya tayong nakipagugnayan sa mga Hindu, Arabe at Tsino at apat na dantaong sinakop ng mga Kastila at Amerikano. Sa kasalukuyan, katulad ng iba pang mga bansa sa mundo, hamon para sa atin na mapaunlad ang ating bansa habang kinikilala ang ating kultura at iginagalang ang ating kalayaan. Upang magawa ito, mahalagang mapahalagahan at matimbang ang ating kasaysayan at ang ating wika. Magkakatuwang ang kasaysayan, wika at kultura. Sa wika naipahahayag ang kultura at kasaysayan habang hinuhubog naman ng mga ito ang mga salita. Kung kaya sa pagiimbentaryo ng bokabularyong Filipino, masisipat sa mga salita ang kulturang katutubo maging ang impluwensyang banyaga na iniangkop at inangkin na natin. Bitbit ng Filipino bilang pambansang lingua franca at pambansang wika ang danas ng pagka- Filipino. Hindi lamang ito simbolo ng identidad ng ating lahi kundi instrumento rin ng pagunawa sa mga bagay na Filipino. Pangunahin itong tulay sa pagkakaunawaan ng mga Filipino sa loob at labas ng bansa. Sa pagdami ng mga Filipinong manggagawa at migrante sa iba t ibang bahagi ng mundo, lumalawak ang pag-iral ng Filipino bilang isa sa mga magiging pangunahing wika ng mundo sa hinaharap. Bukod pa rito, patuloy na itinuturo ang wika at kulturang Filipino sa iba t ibang mga bansa. Aktibong itinuturo ito sa Unibersidad ng Moscow at St. Petersburg sa Rusya, Unibersidad ng Tokyo, Osaka at Waseda sa Hapon, Unibersidad ng Hawaii sa Manoa bilang mga halimbawa. Kung kaya may mga Ruso, Hapon, Aleman, Pranses at Amerikano na mahuhusay na rin sa paggamit ng ating wika. Sa ganitong paraan, higit na mapapadali ang kanilang pakikipagugnayan sa ating bansa at maisusulong ang pagpapalawak ng ugnayan ng Filpino sa iba t ibang mga wika sa mundo. Hindi na bagong paksa ang pagtuturo ng Filipino sa mga banyaga. Ngunit, kapansin-pansin na nakakaligtaan ang pakikiugnay nito sa wikang Espanyol at sa mga mananalita nito bilang target na mag-aaral ng wikang Filipino. Kung susuriin ang ating wika, makikita na ang mga Kastila ang isa sa may pinakamalawak na impluwensyang banyaga sa ating kultura. Sa loob ng higit tatlong daantaon ng kanilang 1

pananakop napalaganap nila ang Hispanisasyon sa ating kultura. Napasok ng mga Kastila ang iba t ibang aspekto ng ating kultura gaya ng ating mga paniniwala, mga ugali, ugnayang panlipunan, tradisyong pampolitika, maging sa sining, panitikan at sa wika. Ang hispanisasyon ay masusukat din sa lawak ng impluwensya ng mga Kastila sa ating wika. Tiyak itong inilalarawan ng mga hispanismo o mga salitang Kastila na bahagi na ng ating kultura. Kahit hindi malawak na itinuro at pinagamit ang wikang Espanyol, naiangkop ito ng ating mga ninuno sa kani-kanilang mga wika upang magdala at maging daluyan ng tradisyong Hispaniko sa kulturang Filipino. Tatlumpung porsyento ng bokabularyong Filipino ay nakabatay sa Espanyol. (Veneracion, 2008) Kaya, ang mga hispanismo sa ating wika ay patunay ng ating historikal na ugnayan sa kulturang Hispaniko. Subalit sa kabila nito, hindi pa mayabong ang mga pagkilos at pag-aaral upang patatagin ang ugnayang ito. Ang laki, lawak at kakayahan ng kulturang Hispaniko sa kasalukuyang panahon ay hindi na maikakaila kaya ang pakikipagtulungan sa kanila ay maaaring makapagpasigla ng pagkilala sa ating kultura at sa pagsusulong ng ating ekonomiya. Espanyol ang ikalawang pinakamalawak na wika sa mundo. Ito ang kasalukuyang pangunahing wika ng 21 bansa sa Europa at Amerika Latina. Sa Estados Unidos, 25% ng populasyon ay may lahing Hispaniko at mayorya sa kanila y may kamalayan sa wikang Espanyol. Gayundin, naimpluwensyahan ng Espanyol ang Filipino at ang mga wika sa Pilipinas bilang resulta ng karanasang kolonyal. Subalit, halos wala pang pananaliksik na nakatuon sa pagsusuri sa mga epektibong prinsipyo at paraan ng pagtuturo ng Filipino sa mga Espanyol. Hangarin ng papel na ito na maglatag ng mga mungkahi kung paano maituturo ang Filipino sa mga mag-aaral na Hispaniko. Nakasandig ito sa prinsipyo ng paggamit ng interkultural na lapit sa pagtuturo ng banyagang wika. Sa pagtuturo ng Filipino sa mga mag-aaral na Hispaniko, susi ang mga hispanismo sa Filipino sa paglalapat ng historikal at kultural na ugnayan ng dalawang kultura tungo sa higit na pagkatuto at pagpapahalaga sa wika at kultura ng bawat isa. Ilalahad ng pag-aaral ang halaga ng ugnayan ng mga kulturang Filipino-Hispaniko sa pagsusulong sa wikang Filipino. Pahapyaw na tatalakayin ang katangian ng Filipino bilang wika na nakapokus sa mga hispanismo. Kasunod nito hihimayin ang mga prinsipyo ng interkultural na lapit sa pagtuturo wikang banyaga at ilalapat ito sa pagtuturo ng Filipino sa mga mag-aaral na Hispaniko. Sa huli, hinahangad ng pagtalakay na ito na maipakita ang kakayahan ng interkultural na lapit sa pangkahalahatan at ang hispanismo sa partikular, upang epektibong maituro ang Filipino bilang banyagang wika at mapalakas bilang wika ng mundo. Kabuluhan ng Pokus sa Pakikipag-ugnayan sa Kulturang Hispaniko Malawak ang mundong Hispaniko, malaki ang oportunidad na binubuksan ng mahusay na pakikipag-ugnayan dito. Mula sa Espanya lumaganap sa higit na 20 bansa sa Timog Amerika ang wika at kulturang Espanyol nang mamayagpag ang kaharian nito noong ika-16 na dantaon. Sa kasalukuyan, mayaman sa kultura at masigla ang ekonomiya ng mga bansa sa Amerika Latina. Bahagi ng G-20, ang grupo ng mga pinakamalalaking ekonomiya sa mundo ang mga bansang Brazil, Mexico at Argentina. Aktibong produser ng langis ang Venezuela samantalang 2

may malawak na industriyang pandagat ang Panama. Bukod pa rito, patuloy na malaki ang naiaambag ng Cuba sa larangan ng biyolohiya at sining. Katulad ng mga bansang nabanggit, naging kolonya rin ang Filipinas ng imperyong Espanya. Ang karanasang ito ay nag-iwan ng hispanisasyon sa ating kultura na makikita sa iba t ibang aspekto ng ating pamumuhay (Veneracion, 2008). Noon, tinutuya ang ating bansa sa Asya na higit na angkop sa Amerika Latina kaysa Asyano. Ang katangiang ito ng ating kultura ay itinatakwil sapagkat may konotasyong kolonyal. Subalit, mismong ang ating mga kasamahan sa Asya tulad ng mga bansang Korea, Hapon at Tsina ay matagal nang may programa para sa pagpapalalim ng kanilang ugnayan sa Amerika Latina dahil nakita nila ang kakayahan ng rehiyon upang matulungan sila sa kani-kanilang mga pambansang interes.tayo pa na may malawak na ugnayang pangkultura at pangkasaysayan sa rehiyong nabanggit ang nagpagiiwanan sa aspektong ito. (Zialcita, 2008) Sa halip na tingnan bilang kawalan at pagkalugi ng ating kultura ang pananatili ng kulturang hispaniko, maaaring sipatin rin ito bilang puhunan sa mas mahusay na ugnayang pandaigdig. Sa pagbabalik-tanaw sa kasaysayan hindi lang dapat suriin kung paano nakipagtunggali ang ating katutubong kultura sa opresyong banyaga subalit dapat ring limiin ang ambag ng kulturang banyaga upang mapayaman ang ugnayan natin sa mga kahawig natin ng kasaysayan at kultura sa daigdig. Ang kamalayang ito ang nagbunsod sa ating gobyerno na isulong ang muling pagtuturo ng Espanyol sa ating bansa. Maaari rin itong magsilbing inspirasyon upang isulong ang pagiging pandaigdig ng Filipino sa pagtuturo nito sa mga mag-aaral na Hispaniko. Sulyap sa Hispanismo sa Filipino Sa kaso ng mga mag-aaral na Hispaniko, mahalagang bigyang-pansin ang Hispanisasyon ng ating kultura bilang pundasyon sa pagtuturo ng Filipino. Sa pagbabalik sa nakaraan, mapapatatag ang ugnayan ng dalawang kultura. Habang kinikilala nila ang ating kultura, napapalawak din ang kaalaman at pang-unawa nila sa kanilang sariling nakaraan bilang mga Hispaniko. Humigit kumulang sa 5,000-8,000 salitang Kastila ang ginagamit natin sa pang-araw-araw na buhay. Marami sa mga ito ay inangkop na natin kaya marami ang hindi nakakaalam na ang mga ginagamit nilang salita ay hiram pala sa Kastila. Bilang halimbawa ginagamit natin ang mga salitang diksyunaryo, unibersidad, instruktor, propesor, klase,estudyante, papel, libro, teksto, bibliya at pisara sa larangan ng edukasyon. Nauunawaan natin ang mga salitang Iglesia Katolika, Papa, sacristan, altar, imahen,krus, kasal, kumpisal, kumonyon, punerarya kapag mga konseptong pansimbahan ang pinag-uusapan. Ang mga salitang sapatos, palda, medyas, panyo, kamisa, kamisadentro, blusa, manggas, pantalon, butones, sombrero, kamison, takong at suwelas ay ilan lang sa napakaraming hispanismo sa larangan ng ating pananamit. Mula sa loob ng tahanan hanggang sa kabukiran, malawak ang hispanismo. Nasa kuwarto ang kama na may kubrekama at muskitero. Sa kusina may kaldero, kusinilya, hurno, bandehado, plato, kutsara, tinidor, baso, platito. Sa banyo, may sabon, tuwalya at sepilyo. Nasa salas ang 3

silyon at mga aparador. Gumagamit rin tayo ng bombilya.maging ang mga salitang kampo, araro, kariton, karitela, asarol na pawang ginagamit sa kabukiran ay hango rin sa wikang Kastila. Maging sa larangan ng sugal hispanisado rin ang ating wika na pinatutunayan ng mga salitang karakrus, pusta, lotto,liyamado, dehado,at bisyo. Ang pagdiriwang ng piyesta sa bawat bayan ay pinaghahandaan ng lechon, menudo, apritada, sarsiyado, eskabetse, maja blanca, ensaymada, biskotso na pinamumunuan ng alkalde, gobernador o kaya cabeza de baranggay. Bukod sa bokabularyo, may hispanismo rin sa ating alpabeto kaya t naimpluwensyahan nito ang pagbabaybay at ponolohiya ng Filipino. Ang paraan ng pagsulat at ang alpabetong katutubo ay binago ng mga Kastila. Mula sa baybayin pinalitan ito ng alpabetong Romano. Gayundin ang 17 katutubong titik na binubuo ng 14 na katinig at 3 patinig ay nadagdagan. Nagkaroon ng pagbibihis ng mga tunog mula sa alpabetong Kastila at itinumbas ito sa mga tunog na katutubo. C + a, o, u = k (cajon kahon) N = ny C + e, i = s (centro-sentro) Ch = ts (cheque-tseke) Q = k (parque-parke) = s F = p (frito- prito) RR = r (carrera-karera) J = h (jamon-hamon) V = b (vaso-baso) = s LL = ly (calle-kalye) X = ks = y Z = s (zapatos-sapatos) Ang pamantayang namayani sa pag-aangkop ng hispanismo sa ortograpiya ay ang pagbibihis nito ayon sa anyo at bigkas sa ating wika na halos hindi na makilala ang orihinal na anyo at tunog na Espanyol. Ibig sabihin, aktibong iniangkop ang mga tunog at titik na Espanyol upang mapayaman ang wikang Filipino. Batay sa mga nabanggit, masasabing tunay na malaki ang ugnayan ng wikang Filipino at ng wikang Espanyol. Pahapyaw lamang ang talakay ko sa konseptong ito dahil masinsinan na itong tinalakay ni Dr. Teresita Alcantara ng Departamento ng mga WIkang Europeo ng Unibersidad ng Pilipinas. Sinuri niya ang proseso ng Hispanismo sa Filipino ayon sa antas ng ortograpiya, ponolohiya, morpolohiya at maging semantika. Ang kanyang pananaliksik ay mahusay na batayan sa tiyak na pagtalakay ng konseptong ito bilang sandigan sa pagtuturo ng Filipino sa mga mag-aaral na Hispaniko. Ang Hispanismo ay tulay ng mga Filipino sa pag-aaral ng wikang Espanyol. Maaari rin ang tulay ng mga Espanyol sa pag-aaral ng Filipino. Sa pagtukoy sa mga katangiang hawig sa dalawang wika, napapagaan ang proseso ng pagtanggap dito. Habang sinasanay ng mag-aaral ang kanyang sarili na mag-isip at magpahayag sa Filipino, napapalawak at napapatatag ang kanyang pagkilala sa kanyang sariling wika at kultura.kung kaya maituturing na higit na madali ang proseso ng pagkatuto kung ihahambing para sa mga mag-aaral na Espanyol kung 4

ihahambing sa ibang banyagang mag-aaral na mula sa mga kulturang walang kaugnayan sa Filipinas. Sa susunod na bahagi, imumungkahi ko kung paano maaaring higit na mabigyang kabuluhan ang ugnayang ito kung ituturo ang Filipino sa mga mag-aaral na Hispaniko. Interkultural na Pagtuturo na Lapit sa Pagtuturo ng Wikang Banyaga Ang pag-aaral ng wika ay pag-aaral ng kultura. Sa interkultural na lapit, pundasyon sa pagkatuto ang pag-unawa sa kultura ng banyagang wika. Iniuugnay ito ng mag-aaral sa kanyang kinamulatang kultura upang higit niyang maunawaan ang kanyang pinagmulan at maging mas malay siyang makitungo sa iba. Ang kultura ang balangkas ng wika. Hinuhubog nito kung ano ang ating sinasabi, kung kailan at paano natin ito sabihin. Batayan ito ng paraan ng ating pagsasalita, pagsulat, pakikinig at pagbasa. (Liddicoat) Ipinahihiwatig ng mga prinsipyo ng aktibong paglikha, pagbuo ng mga ugnayan, interaksyong panlipunan, pagmumuni at responsibilidad ang interkultural na lapit. Ano ang kahulugan ng mga prinsipyong ito at paano ito maaaring mailapat sa pagtuturo ng wikang banyaga? Sa Aktibong Paglikha, binibigyang pagkakataon ang mag-aaral na tingnan ang wika at kultura sa pamamagitan ng aktibong pakikilahok at pagdebelop ng pansarili at panlahatang espasyo ng pagkatuto. Inaasahan na ang pagtuturo ay task-oriented na may diin sa mga linggwistikal at sosyokultural na kaalaman. Binibigyang pansin dito ang taglay na kaalaman ng mag-aaral upang mahinuha ang kanyang maaaring matutuhan sa pamamagitan ng pagbuo ng mga graphic organizer gaya ng mga mind maps na mag-uugnay ng sariling kaalaman sa panibagong matutuhan. Sa prinsipyo ng Pagbuo ng mga Ugnayan, hinihikayat ang mga mag-aaral na magtanong at magpaliwanag ukol sa konteksto ng kanilang mga natutuhang kaalamang pangwika kaugnay ng kanilang sariling karanasan at sa iba pang mga umiiral na teksto. Layunin nito na matukoy nila ang mga hangganan ng mga linggwistikal at sosyokultural na kaalaman at masuri ang pagkakabuo ng mga nasabing hangganan. Sa Interaksyong Panlipunan, nakikilahok ang mga mag-aaral sa mga gawaing kailangan ng interaksyon lalo na ang pagsasalita. Sa pamamagitan ng paghango ng iba t ibang halimbawa mula sa iba t ibang konteksto, pinagyayaman ang pagkatuto upang mapalawak ang mga ugnayang interkultural na nabubuo ng mga estudyante. Nakapokus naman sa mapanuring pagtingin sa sariling asal, gawi at paniniwala ang prinsipyong Pagmumuni. Kinakailangan na maihambing at maitulad ng mag-aaral ang banyagang wika at kultura sa kanyang sariling paniniwala at matukoy ang kanyang sariling identidad upang higit na maiugnay ang dalawa. 5

Sa Responsibilidad, hinihikayat ang mga mag-aaral na tanggapin ang responsibilidad na magambag para sa matagumpay na komunikasyon sa pagitan ng mga wika at kultura at upang mapaunlad ang mga interkultural na perspektibo. Kung kaya bumubuo ng pansariling layunin ang mga estudyante kaugnay ng pagkatuto nila ng banyagang wika. Sa proseso, hinihikayat na maging positibo ang pagtingin nila sa pagkakaiba-iba ng mga kultura at maging malay sila sa mga sariling pagtingin upang makadebelop ng kamalayan sa tamang gamit ng kaalaman. Paano mailalapat ang mga prinsipyo at estratehiyang interkultural sa pagtuturo ng Filipino sa mga mag-aaral na Hispaniko? Bago simulan ang pagtuturo ng wikang Filipino, maglaan ng panahon upang matalakay sa klase ang pangkalahatang katangian ng kulturang Filipino sa pamamagitan ng pagtalakay sa ilang mahahalagang puntong pangkasaysayan at pangkultura. Maaaring saliksikin ng mga mag-aaral ang mga impormasyong ito at ibahagi sa klase gamit ang kanilang sariling wika. Aktibong Paglikha Alamin ang inaasahan ng estudyante sa pag-aaral niya ng Filipino. Bukod sa maaaring praktikal na pagtugon ito sa kahingian ng kanyang kurso o propesyon, magandang malinaw rin sa kanya kung ano ang maaaring maidulot sa kanyang pagkatao ng pakikiugnay niya sa wika at kulturang Filipino. Ilarawan ang taglay na kaalaman o schema ng mag-aaral sa wika, kasaysayan at kulturang Filipino. Maaaring magpalista sa pamamagitan ng brainstorming ng mga konseptong Filipino na alam na niya. Ipahanay sa kanya ang lalim at lawak ng mga kanyang kaalaman sa mga bagay na ito at bigyan siya ng pagkakatataon na ibahagi rin ang mga konseptong pangwika at pangkulturang prayoridad niyang matutuhan. Kaugnay ng mga nabanggit, makatutulong din kung makilala ang pinagmulang mga kultura ng bawat isa. Marami ang uri ng mga lahi ng mga mag-aaral na Hispaniko. Iba-iba ang kanilang mga interes maging ang kanilang mga katayuang panlipunan at ang hangarin sa buhay. Bigyang-pagkakataon ang mga mag-aaral na makinig at magsalita sa Filipino sa pamamagitan ng mga maiikling dayalogo. Maaaring ang kultural na tema ng gawaing ito ay may kaugnayan sa hispanisasyon ng Filipinas at ang mga dayalogo ay kapalolooban ng mga hispanismo sa Filipino. Matapos tukuyin ang literal na mga kahulugan ng mga sitwasyong pangwika, pahapyaw na talakayin ang konteksto ng paggamit nito ayon sa karanasang Filipino. Hikayatin ang mga estudyanteng Hispanilko na ihambing sa kanyang sariling kultura ang sitwasyong pinag-usapan ayon sa kontekstong kanyang pinagmulan. Sa proseso, mahalagang matukoy kung paano nabuo ang mga kontekstong ito. Halimbawa, maaaring ipasaliksik sa mga estudyante ang mga hispanismo sa pagkaing Filipino at ang mga putaheng katutubo na tanging sa Filipino lang maipahahayag. Hamunin sila na palawakin ang kanilang mga bokabularyo ukol sa mga pagkaing Filipino. Maaaring magpabasa ng maikling artikulo ukol sa kaugalian sa pagkain ng mga Filipino at pagkatapos ay maihambing ito sa kanilang sariling kaugalian. Hayaang bumuo ng mga tanong ang mga estudyante upang matalakay ang pagpapakahulugan ng kanilang kultura sa pagkain kaugnay ng 6

pagpapakahulugan naman ng ating kultura dito. Interesanteng paksa rito ang yaman ng ating bokabularyo sa mga terminong bigas samantalang wala tayong katutubong termino sa yelo. Pagbuo ng mga Ugnayan Magsagawa ng mga gawain na nakabatay sa nakasanayang gawi ng mga estudyanteng Hispaniko. Ipalarawan sa kanila ang sarili nilang pag-unawa ukol sa kahulugan ng gawing ito pagkatapos maaaring magparinig o magpapanood ng magkatulad na gawi sa wikang Filipino. Hikayatin ang mga mag-aaral na magmatyag, manghula, maghambing, magpaliwanag, magugnay at magtanong ukol sa mga tekstong napag-usapan. Sa proseso ng talakayan, pagtuunan hindi lang kung paano nagkakaugnay ang kulturang Filipino sa kultura ng mga mag-aaral, kilalanin din ang pagkakatulad kaugnayan ng ugnayang ito sa iba pang kultura sa mundo. Bilang halimbawa, kung babalikan natin ang kaugalian sa pagkain, maaaring maihambing ang tradisyonal na konsepto ng sabayang pagkain ng pamilyang Filipino sa paraan ng pagkain ng mga pamilyang Hispaniko. Maaaring ipasaliksik kung anong mga kaugalian ang natatangi sa dalawang kultura at ang kontekstong historikal at kultural ng mga katangiang ito. Pagkatapos ay ipasaliksik ang iba pang mga kaugalian sa pagkain ng iba pang lahi gaya ng mga Amerikano, Hapon at iba pa upang mapalawak ang pagtingin ng mga mag-aaral ukol sa pagkakaiba-iba ng mga kultura. Interaksyong Panlipunan Laging bigyan ng pagkakataon ang mag-aaral na makapagsalita, makinig, magbasa at magsulat. Hikayatin sila na makipagkomunika sa kanilang mga kaklase sa pamamagitan ng mga gawaing nangangailangan ng interaksyon.hayaan silang magpahayag sa kanilang sariling wika sa simula habang unti-unti nilang kinikilala ang angkop na gamit ng Filipino. Maaaring gamitin ang teknolohiya lalo na ang internet upang bigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral na makipag-usap sa mga Filipino sa pamamagitan ng chat, email at social networking sites. Pagmumuni Pasubaybayan sa mga estudyante ang kanilang paraan ng pagkatuto. Maaaring maglaan ng ilang minuto sa bawat pagkikita upang sulatin o sabihin nila ang mga palagay nila ukol sa pagkatuto ng wika sa pangkalahatan, pagkatuto ng wika at kulturang Filipino at paggamit ng kanilang sariling wika at kultura upang maunawaan ito. Makatutulong kung may diary o journal ang estudyante ukol sa kanyang interkultural na pagkatuto upang masuri niya ang proseso ng kanyang pagkatuto ng wika at kulturang Filipino bago, habang at matapos ang kurso. Sa pagmumuni, ipatanto sa mag-aaral na hindi lamang wika at kulturang Filipino ang kanyang pinag-aaralan kundi kasama rito ang pagpapalalim ng kanyang pag-unawa sa kanyang kulturang Hispaniko. Kasama rin dito ang pagdebelop ng kanyang kamalayan sa kanyang sariling kakayahang umunawa at ang mga proseso kung paano niya ito isinasagawa upang higit siyang magkaroon ng kamalayan sa iba t ibang paraan ng pag-unawa ng iba t ibang kultura sa mundo. Responsibilidad 7

Mahalaga na maipahayag ng mag-aaral ang kanyang mga personal na layunin sa pag-aaral niya ng Filipino. Sa pagtakbo ng mga tiyak na aralin at mga gawain, mahalagang matutuhan ng mag-aaral na makisalamuha sa kapwa upang mahasa ang kanyang kasanayag pangkomunikasyon habang pinapatanto sa kanya ang pagkakaiba-iba ng paraan ng pag-unawa ng mga tao batay sa kulturang kanilang pinagmulan. Upang malaman kung natatanto ito ng estudyante, hingin ang kanyang personal na mga plano sa hinaharap upang mapalawak ang kaisipang interkultural sa pagkatuto ng Filipino. Maaaring magmungkahi siya ng mga proyektong higit na magpapakilala ng kultura at wikang Filipino sa kanyang komunidad. Bigyang pansin rin ang kakayahan ng mga mag-aaral na kilalanin ang mga natatanging paraan ng paglikha ng kahulugan ng ating kultura na ipinahihiwatig ng ating wika. Ilan lamang iyan sa mga mungkahi kung paano maaaring maituro ang Filipino sa mga magaaral na Hispaniko. Mapapansin na may apat na salik ang pinag-ugnay-ugnay ng interkultural na lapit: ang kultura/wikang Filipino, kultura/wikang Hispaniko, kultura/wika ng mag-aaral, paglikha ng kaalaman. Sa interaksyon ng apat na salik na ito inaasahang higit na mapapalalim ang pag-unawa ng mga mag-aaral hindi lamang ukol sa wika at kulturang Filipino at Hispaniko kundi lalo na sa kanyang sariling paraan ng pag-unawa, pagkatuto at pagkilos. Ang tagumpay ng lapit na ito ay nakasalalay sa pagpapalawak ng kakayahan ng mag-aaral na kilalanin ang iba t ibang paraan ng paglikha ng kaalaman na may implikasyon sa paglikha rin ng reyalidad. Ano ang implikasyon sa Filipinismo ng pagtuturong interkultural? Ang pagtuturo ng wika ay pagtuturo ng kultura. Sapagkat daluyan at hanguan ng kultura ang wika, ito ang kalamnan ang pedagohiyang pangwika. Kapatid ng pagpapalaganap ng mga tunog, salita at pahayag na Filipino ang mga materyal na kulturang ipinahihiwatig nito. Hindi mapapahalagahan ang wika kung salat sa pagpapahalaga sa kultura. Ang pagtuturo ng wikang Filipino ay kakambal ng pagsusulong ng Filipinismo o pagtataguyod ng pagpapahalag sa mga bagay na Filipino. Puhunan ng mga mag-aaral na Hispaniko ang wikang Espanyol upang magkaroon ng pamilyaridad sa wikang Filipino. Bago pa man nila makilala ang ating wika dalawa o tatlo sa bawat sampung salitang Filipino ay maaari na nilang mahinuha dahil sa lawak ng hispanismo sa Filipino. Sa pagpasok nila sa interkultural na pagkatuto ng Filipino, mabubuksan ang kanilang kamalayan ukol sa kanilang sariling pagkatuto at sa kanilang pag-unawa sa kulturang Hispaniko.Sa gitna nito, hinahamon ng interkultural na lapit na higit na pahalagahan ng mga mag-aaral ang wikang Filipino. Integral na bahagi nito ang pagbabalik sa ating kasaysayan upang malinaw ang konteksto ng paglikha natin ng ating wika. Sa proseso, malilinaw ang mga pagkakahon at mga pagkiling sa ating kultura. Mahihimay ang natatanging paraan ng ating pamumuhay na ipinahihiwatig ng ating wika. Kaya kung mapapalawak ang pagtuturo ng Filipino sa rehiyong Hispaniko, napakalaki ng oportunidad upang mapaunawa sa mundo ang ating kultura tungo sa mas epektibong dayalogo sa iba pang mga wika at kultura sa mundo. 8

Sanggunian: Alcantara, Teresita. Hispanismo sa Filipino at ang Makabagong Filipino Papel na binasa sa 9 th Philippine Linguistics Congress, Unibersidad ng Pilipinas, Diliman, Enero 25-27, 2006. Encabo-Alvarez,Evangeline. Ang Pagtuturo ng Filipino bilang Pangalawang Wika Presentasyon sa Pagpapalakas Pangguro, Unibersidad ng Santo Tomas, Maynila, Mayo 18, 2009. Ganzon, Luzviminda. Ang Pagpapahusay ng Pagtuturo ng Wikang Filipino sa mga Di-Filipino Santos, Benilda. Ed. Ang Wikang Filipino sa Loob at Labas ng Akademya t Bansa, Unang Sourcebook ng Sangfil 1994-2001. UP-SWF at NCCA, 2003. Getting Started with Intercultural Language Learning. Asian Languages Professional Learning Project.www.asiaeducation.edu.au/alplp/pdf/alplp.pdfNobyembre6,2009 Javanilla-Villar at Tiamzon-Mendoza. Abreganas: espanol basico para universitarios filipinos. UP Diliman: 2003. Liwanag, Lydia B. Ang Pagtuturo ng Wikang Filipino, Lokal at Global nasa Santos, Benilda. Ed. Ang Wikang Filipino sa Loob at Labas ng Akademya t Bansa, Unang Sourcebook ng Sangfil 1994-2001. UP-SWF at NCCA, 2003. Saunders, Sherryl. Intercultural Language Learning www.jpf.org.au/06_newsletter/intercultural_lang_omusubi_02.pdf Nobyembre6,2009 Veneracion, Jaime. Hispanization of the Philippines. Papel na binasa sa The First Philippine Latin American Studies Conference, Unibersidad ng Pilipinas, Diliman at Pamantasan ng Lungsod ng Maynila, Disyembre 15-17, 2008. Zialcita, Fernando N. The Case for Latin American Studies: A Filipino Perspective. Papel na binasa sa The First Philippine Latin American Studies Conference, Unibersidad ng Pilipinas, Diliman at Pamantasan ng Lungsod ng Maynila, Disyembre 15-17, 2008. 9