Pagbasa at Pagsusuri ng Teksto Tungo sa Pananaliksik: Ambag sa Transpormatibo at Makabayang Edukasyon

Similar documents
UNANG SEMESTRENG SILABUS SA FILIPINO PAGBASA AT PAGSUURI NG IBA T-IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK

Pagtuturo ng Pananaliksik sa Iba t ibang Antas

K to 12 BASIC EDUCATION CURRICULUM SENIOR HIGH SCHOOL APPLIED TRACK SUBJECT

Halimbawa ng talumpati tungkol sa edukasyon Elastrator self castration Explicit movies on amazon 2017 Fidio porno abg perawan indo yg dapat di tonton

Tagalog NATIONAL STANDARDS. sa pagbabasa, pagsusulat at matematika. Gaano kahusay ang aking anak sa paaralan?

Ang Kasaysayan at Araling Panlipunan sa K to 12 Curriculum. Lorina Y. Calingasan

ARALING PANLIPUNAN 10 MGA KONTEMPORARYONG ISYU

Zangle Parent Connect Gabay sa Tagagamit. Paaralang Pampurok ng Anchorage

SILABUS NG KURSO DESKRIPYON NG KURSO:

POINTERS FOR REVIEW ARALING PANLIPUNAN - GRADE 1 Unang Markahan

Makabayang Pedagohiya sa Pagpapatupad ng OBTEC (Outcomes-Based Curriculum) Filipino sa Pamantasang Normal ng Pilipinas-Maynila

Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga konsepto sa pananagutang pansarili, pamilya,

The Normal Lights Volume 10, No. 2 (2016) Niña Christina Lazaro-Zamora Philippine Normal Univesrity.

EPEKTO SA PAGGAMIT NG SOCIAL NETWORKING SITE SA PAGKATUTO NG ASIGNATURANG FILIPINO. by: Laurince Pantaleon

2010 Gabay sa Pagbibigay Kahulugan

POINTERS FOR REVIEW ARALING PANLIPUNAN - GRADE 1 Ikatlong Markahan

POINTERS FOR REVIEW ARALING PANLIPUNAN - GRADE 1 Ikalawang Markahan

The K to 12 Araling Panlipunan Curriculum. Scope and Expected Competencies

TIME FRAME PAKSA KASANAYANG PAMPAGKATUTO PAGTATAYA Lingo 1 Ang kahalagahan ng Pagsulat

Ika-13 Aralin IYONG KA- UGNAYAN SA IBA" ~ Kinakailangang ibigin, igalang at sundin natin sila.

Araling Panlipunan I

H E K A S I EDUKASYON: SAAN PATUTUNGO SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools

Music. Talaan ng mga Gawain. (Unang Kwarter) Department of Education June 2016

H E K A S I KABABAIHAN SA PANAHON NG IKATLONG REPUBLIKA SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools

Special Filipino Curriculum (SFC): Isang mungkahing kurikulum sa Filipino para sa Dayuhang mag-aaral

Integrasyon ng Teknolohiya sa Pagtuturo ng Filipino

Ang Pangprobinsiyang Kard ng Ulat (Report Card) ng Manitoba. Impormasyon para sa. Mga Magulang

Ang Karapatan Ng Mga Bingi Na Lumaking Bilingwal

BUDGET OUTLAY ON 180 DAYS LEARNING COMPETENCIES FOR CLASSROOM INSTRUCTION IN HEKASI GRADES7&8

GABAY SA PAG GAMIT NG ADMIN CONSOLE (ADMIN CONSOLE QUICK GUIDE)

Pagsasanay ng mga guro sa programa ng K to 12 Baitang 8

KILOS na, KAS! Pangkalahatang Programa para sa Kolehiyo ng Agham at Sining, UP Manila. Carl Marc Lazaro Ramota Oktubre 2015

GRADE VI GAMIT NG GRID

Third Quarter 2018 Social Weather Survey: Pinoys maintain anti-chinese stance on West Philippine Sea issue

Wennielyn F. Fajilan Unibersidad ng Santo Tomas, Maynila

I-reboot ang Iyong X1 TV Box

Republic of the Philippines Department of Education DepEd Complex, Meralco Avenue Pasig City. K to 12 Curriculum Guide ARALING PANLIPUNAN.

CURRICULUM AND INSTRUCTION: ANG PAGTUTURO NG ARALING PANLIPUNAN

ISANG GABAY SA NG BALANGKAS NG KOMPETENSIYA NG PAGKAKAWANGGAWA SINUSUPORTAHAN ANG NAGKAKAWANGGAWA UPANG EPEKTIBONG MAKAPAGTRABAHO

Republika ng Pilipinas Kagawaran ng Edukasyon DepEd Complex, Meralco Avenue Lungsod ng Pasig. K to12 Gabay Pangkurikulum ARALING PANLIPUNAN

K to 12 BASIC EDUCATION CURRICULUM SENIOR HIGH SCHOOL APPLIED SUBJECT

CURRICULUM AND INSTRUCTION: ANG PAGTUTURO NG FILIPINO

Bayshore Elementary School District Local Control Accountability Plan Year 1 Summary

Baitang 7 Baitang 8 Baitang 9 Baitang 10. Naisasaayos ang mga ideya o impormasyon mula sa narinig na teksto o diskurso

GABAY NG GURO. Populasyon at Pag- unlad, Sekswalidad at Mapanagutang Pagmamagulang (Population and Development, Sexuality and Responsible Parenthood)

aklat biblia ang mga LECTIO DIVINA PARA SA AKING PAMILYANG MGA PAGPAPAHALAGA PARA SA AKING PAMILYANG MAY MAGANDANG UGALI CLARET PUBLISHING GROUP

Impormasyon tungkol sa Pamumuhay sa Iba't-ibang Wika

Pamagat ng Pag-aaral (o IRB Approval Number kung maaaring labagin ng pamagat ng pag-aaral ang privacy ng subject):

1. Center of top breaking headlines and current events related to Department of Education. 2. Offers free K-12 Materials you can use and share.

Pag-alalay sa Pag-aaral ng inyong Anak sa pamamagitan ng Pagtatasa, Pagsusuri at Pag-uulat

MISYONG PAHAYAG. Isang masagana at inklusibong Canada na nakabatay sa tagumpay ng bawat indibidwal.

TAGALOG. PATNUBAY SA PAG AARAl NG. «an

EKONOMIKS. Araling Panlipunan Modyul para sa Mag-aaral Yunit I

REPUBLIKA NG PILIPINAS TANGGAPAN NG PANGULO NG FILIPINAS KOMISYON SA MAS MATAAS NA EDUKASYON

Filipino Baitang 2 Ikaapat na Markahan

Sibika Baitang 2 Ikatlong Markahan

Ika-14 na Aralin. Pag-aralan ayon sa mga tuntunin nasa pasimula ng unang aralin. 1. Ang Cristiano ba ang may-ari ng kanyang sariling buhay?

School Year (Akademikong Taon) English. learner. Gabay ng Programa ng. English Learner Program Guide 1

ROBERT B. POLLOCK ELEMENTARY SCHOOL 2875 Welsh Road Philadelphia, PA

Republika ng Pilipinas Kagawaran ng Edukasyon DepEd Complex, Meralco Avenue Lungsod ng Pasig. K to12 Gabay Pangkurikulum ARALING PANLIPUNAN

English. learner. Gabay ng Programa ng School Year (Akademikong Taon) SFUSD Multilingual Pathways Department

Pangkat II, Magsasadula ng bahagi ng nobela/kung ano ang gusting mangyari ng guro sa palabas ng nobela. Maaaring sundin ang dayagram sa p163

ARALING PANLIPUNAN 10 ISYU AT HAMONG PANLIPUNAN

Filipino Baitang 1 Ikaapat na Markahan

HF Markets Ltd HOTFOREX PHILIPPINES CONTEST

Technology Responsible Use Guidelines (Mga Alituntunin sa Responsableng Paggamit ng Teknolohiya)

Alamat ng Kawayan. Anthony Pascua SAILN, Tier III

ULIRANG GURO SA FILIPINO 2017 NG KOMISYON SA WIKANG FILIPI

GRADE VI PAUNLARIN ANG EDUKASYON, KALUSUGAN AT TEKNOLOHIYA

Positibong Pagtatasa ng Pag-uugali at Pagpaplano sa mga Paaralan: Fact Sheet

ANG PAG-SETUP NG ISANG SISTEMA NG PAGBABAYAD NG SUWELDO

Ang Pilosopiya ni Emerita S. Quito

Epekto ng Paglalaro ng Defense of the Ancients (DotA) sa. Mga Piling mag-aaral ng STI College Global City

SUUNTO GUIDING STAR PAG-IINGAT AT WARRANTY

BUOD ng Consolidated Plan ng ESSA ng Washington

DRAFT. MODYUL 1: Heograpiya at mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig PANIMULA

Estilo ng Pagsasalin sa Wikang Filipino ng mga Teksbuk sa Araling Makabayan

Edisyong Pang-edukasyon

Pananaw ng mga kalalakihan sa Konsepto ng Seenzone Laput, Jethro Bullecer, Ma. Fatima

H E K A S I EDUKASYON NG MGA UNANG PILIPINO, NAIIBA BA? SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools

PILOSOPIYANG PANG-EDUKASYON NI RIZAL: ISANG PILOSOPIYANG PILIPINO SA EDUKASYON

BANAL NA PAGBABASA PARA SA PAMILYA

Ang Rex K to 12 Pointers para sa Pagbabago ng Kurikulum

Core Humanitarian STANDARD. Batayang Pamantayang Humanitarian sa Kalidad at Pananagutan

Mensahe sa PAKSA Hinggil sa mga Tungkulin ng mga Kadre sa Larangan ng Kultura 20 December 1971 Prof. Jose Maria Sison

Mga Pananggalang na Pamamaraan Mga Karapatan ng Magulang

PANIMULANG ARALIN TUNGKOL SA SANTUARYONG- DAGAT

Kard sa Pag-ulat ng Pananagutan ng Paaralan Iniulat para sa Pasukang

Ang Pagtuturo ng Wika at Kulturang Filipino sa Disiplinang Filipino (Konteksto ng K-12)

MENSAHE SA PAKSA HINGGIL SA MGA TUNGKULIN NG MGA KADRE SA LARANGAN NG KULTURA Jose Maria Sison

Stake Audit Committee

Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan Patnubay ng Guro

MODYUL SA PAGKATUTO. Pangkalahatang Ideya

KALAKASAN AT KAANGKUPAN

Pondong Ipinagkatiwala para sa Inyong Anak (Your Child s Trust Fund) Mga Madalas na Katanungan

TAGALOG Online na Buklet ng Impormasyon ng Magulang Smarter Balanced Assessments at Hawai i State Science Assessments

GRADE VI SAMAHANG PANREHIYON AT PANDAIGDIG NA KASAPI NG PILIPINAS

Ang Pagbabasa at Pagsusulat kasama ang Iyong Anak

GLOSARYO NG MGA TERMINO SA PANITIKAN

EQUAL. Whitepaper v2.0. February 2018

Transcription:

Pagbasa at Pagsusuri ng Teksto Tungo sa Pananaliksik: Ambag sa Transpormatibo at Makabayang Edukasyon CRIZEL P. SICAT-DE LAZA University of Santo Tomas crizel_sicat@yahoo.com.ph 09173147851

Gabay sa Repleksyon 2 1.Bakit kadalasang inaayawan ang pananaliksik sa Filipino ng mga magaaral? 2.Ano sa tingin mo ang kinabukasan ng pananaliksik sa Filipino sa Pilipinas?

Daloy ng Talakayan Pananaliksik sa Filipino sa Senior High School Mga Gabay na Teorya at Kaisipan sa Pagtuturo ng Pananaliksik Ilang Suhestiyon sa Pagtuturo ng Pananaliksik Halimbawang Aralin Hamon sa mga Guro at Mananaliksik sa Filipino

Pananaliksik sa Filipino sa Senior High School Ituturo bilang core course sa Senior High School (Grade 11) ang pananaliksik sa Filipino na may titulong Pagbasa ng Iba t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik. Asignatura sa Senior High School 1. Oral Communication 2. Reading and Writing 3. English for Academic and Professional Purposes 4. Research in Daily Life 1 5. Research in Daily Life 2 1. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino 2. Pagbasa at Pagsusuri ng Iba t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik 3. Pagsulat sa Iba t Ibang Larangan Purposive Communication WALA Asignatura sa Kolehiyo (ayon sa bagong GEC) 1. Contemporary Philippine Arts from the Regions Art Appreciation 1. Understanding Culture, Society, and Politics The Contemporary World 1 1. General Mathematics 2. Statistics and Probability 1. Earth and Life Science 2. Physical Science 3. Earth Science 4. Disaster Readiness and Risk Reduction Mathematics in the Modern World Science, Technology and Society

Pananaliksik sa Filipino sa Senior High School Deskripsyon ng Kurso: Pag-aaral sa proseso ng pagbasa at pagsusuri ng iba t ibang anyo at uri ng teksto na nakatutulong sa pagbuo at pagsulat ng sistematikong pananaliksik. Pamantayang Pangnilalaman: Nasusuri ang iba t ibang uri ng binasang teksto ayon sa kaugnayan nito sa sarili, pamilya, komunidad, bansa at daigdig Pamantayan sa Pagganap: Nakasusulat ng isang panimulang pananaliksik sa mga penomenang kultural at panlipunan sa bansa Panitikang Kontemporaryo/Popular: Napapanahong sanaysay, talumpati, panitikang popular (awitin, komiks, iba t ibang paraan ng komunikasyon sa social media) Gramatika: Paggamit ng kasanayang komunikatibo (linggwistik, sosyolinggwistik,diskorsal at istratedyik)

Ang Konstruktibong Hulmahan ng K-12 Mula sa Contructivist Principle in Education, naniniwala ang prinsipyo sa disenyo na ang mga estudyante dapat ang nasa sentro ng pagkatuto at ang guro ay tatayo bilang facilitator. Ito rin ang tinatawag na Learner Centered-Learning Environment. Ipinapanukala rin lagi ng Constructivist Approach ang pagsasagawa ng aktibidad para sa layuning maisa-kongkreto sa pang-unawa ng mga mag-aaral ang paksang pinapag-aralan. Gayundin ang paggamit ng Rubrics para sa mas obhektibong pagmamarka sa Pagtataya.

Mga Kakayahan ng Ika-21 Siglo (21 st Century Skills) 8 Kabilang sa mga Kasama rito ang kakayahang ito ang Kahusayan sa pagiging malikhain, ang pagiging pleksible makabagong inobatibo, kakayahang sa mabilis na teknolohiya ng magbigay-solusyon sa pagbabago ng impormasyon at mga suliranin, panahon, responsible, komunikasyon (ICT) komunikatibo, at at malay sa nagaganap kolaboratibo sa lipunan (sociallyaware). Holistikong Pag-unlad ng mga Mag-aaral na Responsableng Mamamayan ng Daigdig

Dale s Cone of Experience 9

Pagkatutong Nakabatay sa Paggawa ng Proyekto (Project-Based Learning) 10 Ang PBL ay isang pagdulog sa pagkatuto kung saan ipinapasok ang mga mag-aaral sa mga kompleks na aktibidad na binubuo ng iba t ibang proseso, mas matagal na panahon ng implementasyon at kooperatibong pag-aaral. Pinalalakas nito ang kolaborasyon sa halip na kompetisyon. Binibigyang-kapangyarihan ang mga mag-aaral na tumuklas ng kaalaman at dinedesentralisa ang kapangyarihan ng guro sa loob ng klasrum. Pinapaunlad ang iba t ibang kakayahan ng mga mag-aaral na magagamit sa praktikal na buhay.

Pagdulog na Patanong (Inquiry Approach) Pagtatanong na may Ang pagdulog na patanong estruktura ay isang proseso ng pagtuturo at pagkatuto na nakabatay sa interes ng mag-aaral na sa sariling pagtatangka ay tuklasin ang kaalaman (Alberts, 1996, sa pagbanggit ni Ginagabayang Penick, 2000). pagtatanong 11 Aktibong kalahok ang mga mag-aaral sa iba t ibang aktibidad at eksperimento. Pagtatanong Sa proseso sa pangunguna pagkatutong ito, hinahasa ang kanilang ng mag-aaral kritikal at pamprosesong mga kakayahan, sa pamamagitan ng mga serye ng tanong.

Pagdulog na Patanong (Inquiry Approach) 12 Matataas na Kakayahang Pangkaisipan interpretasyon ng mga datos, talahanayan at dayagram pagbuo ng mga sintesis mula sa iba t ibang ideya at konsepto pagdidisenyo ng mga eksperimento at pagbuo ng modelo pagbibigay-solusyon sa mga suliranin pagbuo ng mga rasyonal na desisyon at pagtatasa kung sapat ang mga datos na nakalap Matataas na Kakayahang Pamproseso pagsukat pangangalap ng datos, paghahanay o klasipikasyon pagdidisenyo ng iba t ibang uri ng operasyon at imbestigasyon

Transpormatibong Edukasyon ni Mezirow 13 Bilang isang pagdulog, nakatutok ito sa mga mag-aaral na kinakailangang armasan ng mga pagpapahalaga at kakayahan na lilinang sa matalas na pananaw sa konkretong kalagayan ng daigdig at manghihikayat sa kanilang kumilos, indibidwal man o kolektibo upang paunlarin ang panlipunang kondisyon. (Mezirow, 1965) Pagbibigaykahulugan sa sariling karanasan Transpormasyon ng karanasan at kaalaman Muling pagkatuto

Ilang Suhestiyon sa Pagtuturo ng Maka-Pilipinong Pananaliksik 1. Isakonteksto sa kabuuang kalagayan ng disiplinan sa kalagayang pangekonomiya at pampolitika ng bansa ang pananaliksik. Talakayin ang mga hamon sa maka-pilipinong pananaliksik. 2. Mahalagang gabayan ng guro ang mga mag-aaral sa pamimili ng paksa. Ginagabayan dapat ito ng mga katangian ng maka-pilipino at transpormatibong pananaliksik. 3. Mas madali at praktikal kung isasaalang-alang ang pagdulog na Project Based Learning (PBL). Ang buong semestre ay pagbuo ng pananaliksik. 4. Bigyang-diin ang ilang mahahalagang bahagi ng pananaliksik na hindi gaanong nabigyang-tuon sa curriculum guide ng DepEd (hal. pagtalakay ng etika ng pananaliksik, presentasyon at publikasyon ng pananaliksik).

Mga Hamon sa Maka-Pilipinong Pananaliksik Patakarang pangwika sa Edukasyon Ingles bilang lehitimong wika Internasyonalisasyon ng pananaliksik Maka-Ingles na pananaliksik sa iba t ibang larang at disiplina

Kahulugan at Kabuluhan ng Maka-Pilipinong Pananaliksik Ang maka-pilipinong pananaliksik ay gumagamit ng wikang Filipino at/o mga katutubong wika sa Pilipinas at tumatalakay sa mga paksang mas malapit sa puso at isip ng mga mamamayan. Mahalagang idagdag sa katangiang ito na kung hindi man maiiwasan na nasa wikang Ingles o iba pang wika ang isang pananaliksik dahil may pangangailangang ibahagi ito sa internasyonal na mambabasa, kailangan pa ring isalin ito sa Filipino o iba pang wika sa Pilipinas upang mas mapakinabangan. Ang mahusay na pamimili ng wika at paksa ang nagtatakda sa bigat at halaga ng gagawing pananaliksik.

Kahulugan at Kabuluhan ng Maka-Pilipinong Pananaliksik Pangunahing isinasaalang-alang sa maka-pilipinong pananaliksik ang pagpili ng paksang naaayon sa interes at kapaki-pakinabang sa sambayanang Pilipino. Bago magdesisyon sa paksa, mahalagang tanungin muna ng isang mananaliksik ang bigat at halaga ng pananaliksik para sa mga kalahok nito o pinatutungkulan ng pananaliksik. Kanino ba ito magsisilbi? Ayon kay Virgilio Enriquez (1976), proponente ng Sikolohiyang Pilipino, kailangang ibatay sa interes ng mga kalahok ang pagpili ng paksang sasaliksikin.

Kahulugan at Kabuluhan ng Maka-Pilipinong Pananaliksik Komunidad ang laboratoryo ng maka-pilipinong pananaliksik. Dahil sa lumalawak ang agwat o pagkakahiwalay ng karaniwang mamamayang Pilipino sa akademya at mga edukado, mahalagang tungkulin din ng pananaliksik na pawiin ang pagkakahiwalay na ito. Mahalagang tungkulin ng mga mag-aaral, sa gabay ng kanilang mga guro, na lumabas at tumungo sa mga komunidad bilang lunsaran ng maka-pilipinong pananaliksik. Sa pamamagitan ng pagpapalakas sa mga pag-aaral sa komunidad, nakakakuha ng tunay na karanasan at kaalaman ang mga magaaral mula sa masa.

Latag ng Nilalaman batay sa DepEd Batayang balangkas lamang ang makikita sa curriculum guide ng DepEd kung kaya t flexible at madaling dagdagan ng iba pang mahahalagang aralin. Walang pagtalakay sa mga dulog at metodolohiya sa pananaliksik, at iba pang mahahalagang paksa gaya ng etika ng pananaliksik, publikasyon at presentasyon nito.

Halimbawang Latag ng Aralin YUNIT I Kaalaman at Kasanayan sa Pagbasa: Pagsusuri at Pagsulat ng Teksto YUNIT II Iba t Ibang Uri ng Teksto: Pagbasa, Pagsusuri at Pagsulat Aralin 1 - Batayang Kaalaman sa Mapanuring Pagbasa ng Teksto Aralin 2 - Mga Kasanayan sa Mapanuring Pagbasa ng Teksto Aralin 3 - Tekstong Impormatibo: Para sa Iyong Kaalaman Aralin 4 - Tekstong Deskriptibo: Makulay na Paglalarawan Aralin 5 - Tekstong Persuweysib: Paano Kita Mahihikayat Aralin 6 - Tekstong Naratibo: Mahusay na Pagkukuwento Aralin 7 - Tekstong Argumentatibo: Ipaglaban ang Katuwiran Aralin 8 - Tekstong Prosidyural: Alamin ang mga Hakbang

Halimbawang Latag ng Aralin YUNIT III Mga Batayang Kaaalaman sa Pananaliksik YUNIT IV Mga Kasanayan sa Pananaliksik Aralin 9 - Ang Maka-Pilipinong Pananaliksik Aralin 10 - Etika ng Pananaliksik at mga Responsibilidad ng Mananaliksik Aralin 11 - Mga Bahagi at Proseso ng Pananaliksik Aralin 12 - Disenyo at Pamamaraan ng Pananaliksik Aralin 13 Paglalahad ng Resulta ng Pananaliksik Aralin 14 Pagsisinop ng mga Tala at Bibliograpiya Aralin 15 Rebisyon ng Papel-Pananaliksik Aralin 16 Presentasyon at Paglalathala ng Pananaliksik

PAGHAHANDA (I do it) PAG-UNAWA AT PAGDANAS (We do it) PAGHAHASA NG KASANAYAN (You do it) Elicit Engage Explore Explain Elaborate Evaluate Extend Balik-Tanaw Lusong-Kaalaman Gaod-Kaisipan Layag-Diwa Lambat-Likha Salok-Dunong Daong-Kamalayan

Ilang Suhestiyon sa Pagtuturo ng Maka-Pilipinong Pananaliksik 5. Gumamit ng epektibong paraan sa pagpapasa ng kaalaman: Modelong 7 E (Elicit, Engage, Explore, Explain, Elaborate, Evaluate, Extend) at GRR (Gradual Release of Responsibility). 6. Gumamit ng mga napapanahong teksto sa iba t ibang disiplina at larang na hahasa sa kritikal na pag-iisip ng mga mag-aaral sa napapanahong isyu at gagabay sa kanila sa pagpili ng tatahaking disiplina o propesyon.

Pagpapalakas ng Pananaliksik sa Iba t ibang Disiplina 24 Ang hamon ay lumagpas pa sa wika, panitikan, kultura, agham panlipunan at humanidades ang mga pananaliksik sa Filipino. Mahalaga ang papel ng Filipino 11B upang ipalaganap ang halaga ng maka-pilipinong pananaliksik sa lahat ng disiplina. Mahalagang gumamit ng wikang Filipino at paksaing nakaugat sa karanasan ng mga Pilipino na nakaugnay sa iba t ibang disiplina.

Mga Mungkahing Babasahin sa Pagtuturo ng Pananaliksik Mga journal mula sa Malay, Humanities Diliman, Daluyan, Hasaan, Saliksik, Dalumat atbp. Ipakilala sa mga mag-aaral na umuunlad na ang mga pananaliksik sa iba t ibang disiplina. Unang Tomo ng Hasaan Journal Intelektuwalisasyon ng Filipino sa iba t ibang larangan Proyekto ng Panayam Pang-Agham sa UST

Wika, Lipunan at Kasaysayan 26 Prudente, Nemesio. Ang Agham Panlipunan at Kaunlarang Pambansa nasa PUP Anthology of Social and Cultural Criticisms na pinamatnugutan nina Romeo Peña, Jeffrey Bartilet at Virgilio Rivas. Lungsod Maynila: PUP Center for Social History, Institute for Cultural Studies, 2016. Lumbera, Bienvenido. Ang Usapin ng Wika para sa mga Filipino at ang Pagbabago ng Lipunang Filipino nasa Writing the Nation/Pag-akda ng Bansa. Lungsod ng Quezon: University of the Philippines Press, 2000. Jacob, Ave Perez. Sibilisaduhin ang Pilipino sa Kulata ng Ripleng Krag nasa PUP Anthology of Social and Cultural Criticisms na pinamatnugutan nina Romeo Peña, Jeffrey Bartilet at Virgilio Rivas. Lungsod Maynila: PUP Center for Social History, Institute for Cultural Studies, 2016.

Wika, Midya at Komunikasyon 27 Mirasol, Dominador. Peryodismo sa Filipino: Paglikha ng Isang Makapangyarihang Pagbuwelo na Magtutuwid sa Takbo ng Kasaysayan nasa PUP Anthology of Social and Cultural Criticisms na pinamatnugutan nina Romeo Peña, Jeffrey Bartilet at Virgilio Rivas. Lungsod Maynila: PUP Center for Social History, Institute for Cultural Studies, 2016. Olvidado, Gilda. Ang Wikang Filipino sa Media nasa Ang Wikang Filipino sa Loob at Labas ng Akademya t Bansa na pinamatnugutan ni Benilda S. Santos. Lungsod ng Quezon: UP Sentro ng Wikang Filipino, 2003. Maggay, Melba Padilla. Pahiwatig: Kagawiang Pangkomunikasyon ng Filipino. Lungsod ng Quezon: Ateneo De Manila University Press, 2002.

Wika, Negosyo at Ekonomiya 28 Bermejo, Ramon. Ang Wikang Filipino sa Negosyo at Industriya nasa Ang Wikang Filipino sa Loob at Labas ng Akademya t Bansa na pinamatnugutan ni Benilda S. Santos. Lungsod ng Quezon: UP Sentro ng Wikang Filipino, 2003. Rivera, John Paolo R. at Paolo O. Reyes Mga Padalang Salapi Bilang Salik sa Pagsulong ng Pagnenegosyo ng mga Sambahayang Filipino nasa Malay. Lungsod ng Maynila: De La Salle University Publishing House, 2011. Tullao, Jr. Tereso S. Ekonomiks sa Diwang Pilipino: Halo-Halo, Tingi-Tingi at Sari-Sari nasa Malay. Lungsod ng Maynila: De La Salle University Publishing House, 2009.

Wika at Iba t ibang Napapanahong Usapin 29 Bayanihan o Kanya-kanyang Lutas? Pag-unawa at Pagplano sa Bakas ng Bagyong Yolanda sa Tacloban ni Jose Edgardo Gomez, Jr. (Nasa Daluyan: Journal ng Wikang Filipino Espesyal na Isyu, No. 2, 2015) (Ini)lihim sa Dagat: Mga Salaysay ng Pagsubok at Pakikibaka ng mga Pilipinong Seaman ni Joanne Visaya Manzano (Nasa Daluyan: Journal ng Wikang Filipino, Vol. 20, 2014) Ang Pelikulang Rural sa Sineng Indie noong 2005-2008 ni Patrick F. Campos (Nasa Daluyan: Journal ng Wikang Filipino, Vol. 17, No. 1-2, 2011) Ang Kasalukuyang Pagkakakilanlan ng mga Iraya Mangyan ni Aleli Bawagan (Nasa Daluyan: Journal ng Wikang Filipino, Vol. 15, No. 1-2, 2009) Diskurso ng Siyensiya: Kolonyal na Diskurso ng mga Sakuna Mula sa Panahon ng Instrumentasyon Tungo sa Panahon ng mga Amerikano ni Alvin Jason A. Camba (Nasa Daluyan: Journal ng Wikang Filipino, Vol. 16, 2010)

Panayam Pang-Agham sa UST (Dr. Fortunato Sevilla) Bayolohikal na Pagsusuri ng mga Halamang Gamot at Katas ng Prutas laban sa Nakakalasong Free Radical, Pagpapababa ng Asukal, Taba t Sebo ni Librado Santiago, Ph.D. Balatkahoy ng Kaimito: Pampalubay ng Daluyan ng Dugo ni Albert Quentela Inkjet Printing sa Paggawa o Paglinang ng Sensors ni Karen Santiago, M.Sc. Kemikal na pag-aaral sa Genus Pandamus ni Mario Tan, Ph.D. Paglilinang ng Tisyu ng Halamang Ipomoea muricata ni Edison Dela Cruz, Ph.D.

Kritiko ng Lipunan ang Isang Mananaliksik 31 Kailangan ang talas at pagiging kritikal ng mananaliksik. Nagsisimula sa mga matatapang na tanong at palagay sa iba t ibang usapin ang isang mahusay na pananaliksik. Kailangang lumalagpas ito sa tanggap at nakagawian nang mga pagtingin. Kailangang matalas na naisasakonteksto ng mananaliksik ang anumang pagsusuri at hindi nagpapakupot sa mga personal na pagtingin at palagay. Susi ang mas malawak na pagbabasa at imbestigasyon. Kailangang magsiwalat at maging kritiko ng katotohanan ang pananaliksik.

32

33

34 jose marie viceral @vicegandako Follow Hindi lahat ng nagpoprotesta totoong nag aaklas. Yung iba dyan nabayaran lang at sinuhulan ng pambili ng bigas. 3:07 AM - 28 Jul 2014 2,196 RETWEETS 3

Isang Semyolohikal na Pagsusuri sa mga Kontradiksiyong Nakapaloob sa Panlipunang Kritisismo ni Gloc-9 Feorillo Petronilo A. Demeterio III 35 Gamit ang semyolohiya ni Roland Barthes, sinuri ng papel na ito ang labintatlong kanta ni Aristotle Pollisco, o Gloc-9, na may kinalaman sa politika at lipunan at mula sa kanyang tatlong pinakabagong album. Ipinakita ng pagsusuri na ilan sa mga imaheng ginamit ni Pollisco sa kanyang sariling panlipunan at politikal na kritisismo ay may mga nakakubling kontradiksiyon bunsod ng kanyang kakulangan sa kahandaan sa ideolohikal na usapin. Ang mga imaheng napili mula sa labintatlong kanta ay pinagbuklod sa ilalim ng limang tema: korapsiyon at politika, pagkamakabayan, kahirapan at buhay-manggagawa, krimen at kaguluhan, at homopobya.

Halimbawang Pagtalakay ng Aralin Aralin 16: Presentasyon at Paglalathala ng Pananaliksik

Hamon sa mga Guro at Mananaliksik sa Filipino Gamitin at ipagamit sa mga mag-aaral ang wika at paksaing maka-pilipino sa iba t ibang larang at disiplina. Magbasa, mag-imbestiga at kritikal na magsuri ng iba t ibang pangyayaring panlipunan, kasama ng mga magaaral, na maaaaring pagmulan ng makabuluhang paksa ng pananaliksik. Gawing laboratoryo ng pananaliksik ang pamayanan at palakasin ang mga community-based research. Magsulat, maglimbag ng pananaliksik at mag-ambag sa karanasan at kaalamang maka-pilipino.

Maraming salamat sa pakikinig! Para sa katanungan: crizel_sicat@yahoo.com.ph https://www.facebook.com/crizel.sicat 09173147851