Filipino Baitang 1 Ikaapat na Markahan

Similar documents
UNANG SEMESTRENG SILABUS SA FILIPINO PAGBASA AT PAGSUURI NG IBA T-IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK

Tagalog NATIONAL STANDARDS. sa pagbabasa, pagsusulat at matematika. Gaano kahusay ang aking anak sa paaralan?

Zangle Parent Connect Gabay sa Tagagamit. Paaralang Pampurok ng Anchorage

K to 12 BASIC EDUCATION CURRICULUM SENIOR HIGH SCHOOL APPLIED TRACK SUBJECT

Ika-13 Aralin IYONG KA- UGNAYAN SA IBA" ~ Kinakailangang ibigin, igalang at sundin natin sila.

GRADE VI GAMIT NG GRID

Music. Talaan ng mga Gawain. (Unang Kwarter) Department of Education June 2016

Filipino Baitang 2 Ikaapat na Markahan

GABAY SA PAG GAMIT NG ADMIN CONSOLE (ADMIN CONSOLE QUICK GUIDE)

1. Center of top breaking headlines and current events related to Department of Education. 2. Offers free K-12 Materials you can use and share.

Halimbawa ng talumpati tungkol sa edukasyon Elastrator self castration Explicit movies on amazon 2017 Fidio porno abg perawan indo yg dapat di tonton

Republic of the Philippines Department of Education Negros Island Region DIVISION OF SILAY CITY City of Silay

Sibika Baitang 2 Ikatlong Markahan

Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga konsepto sa pananagutang pansarili, pamilya,

2010 Gabay sa Pagbibigay Kahulugan

Republic of the Philippines Department of Education DepEd Complex, Meralco Avenue Pasig City. K to 12 Curriculum Guide ARALING PANLIPUNAN.

Kapag Ang Mga Bata Ay Nagsasalita Ng Higit Sa Isang Wika

SCFHP Cal MediConnect Plan (Medicare-Medicaid Plan) 2019 Listahan ng Matibay na Kagamitang Medikal (Listahan ng Durable Medical Equipment o DME)

Impormasyon tungkol sa Pamumuhay sa Iba't-ibang Wika

I-reboot ang Iyong X1 TV Box

Ang Pangprobinsiyang Kard ng Ulat (Report Card) ng Manitoba. Impormasyon para sa. Mga Magulang

Unang Markahan Baitang 1 Supplemental Lesson Plan

Mga Nalalapit na Pagbabago sa Santa Clara Family Health Plan Cal MediConnect Plan (Medicare-Medicaid Plan) 2018 na Listahan ng Gamot

Ika-14 na Aralin. Pag-aralan ayon sa mga tuntunin nasa pasimula ng unang aralin. 1. Ang Cristiano ba ang may-ari ng kanyang sariling buhay?

Republic of the Philippines Department of Education DepEd Complex, Meralco Avenue Pasig City. K to 12 Gabay Pangkurikulum FILIPINO.

Ang Rex K to 12 Pointers para sa Pagbabago ng Kurikulum

Ang Pagbabasa at Pagsusulat kasama ang Iyong Anak

Mga Bumuo ng Patnubay ng Guro

Pagsasanay sa Filipino

Pamagat ng Pag-aaral (o IRB Approval Number kung maaaring labagin ng pamagat ng pag-aaral ang privacy ng subject):

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

aklat biblia ang mga LECTIO DIVINA PARA SA AKING PAMILYANG MGA PAGPAPAHALAGA PARA SA AKING PAMILYANG MAY MAGANDANG UGALI CLARET PUBLISHING GROUP

Ang Kasaysayan at Araling Panlipunan sa K to 12 Curriculum. Lorina Y. Calingasan

H E K A S I EDUKASYON NG MGA UNANG PILIPINO, NAIIBA BA? SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools

Chapter 6 Tagalog Verbs

H E K A S I EDUKASYON: SAAN PATUTUNGO SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools

Ang Inyong Anak ay Naglalaro... Tumutuklas Natututo

Technology Responsible Use Guidelines (Mga Alituntunin sa Responsableng Paggamit ng Teknolohiya)

Baitang 7 Baitang 8 Baitang 9 Baitang 10. Naisasaayos ang mga ideya o impormasyon mula sa narinig na teksto o diskurso

Ako at ang Aking Pamayanan

Pagtuturo ng Pananaliksik sa Iba t ibang Antas

Basic Literacy Learning Material

TIME FRAME PAKSA KASANAYANG PAMPAGKATUTO PAGTATAYA Lingo 1 Ang kahalagahan ng Pagsulat

Pangkat II, Magsasadula ng bahagi ng nobela/kung ano ang gusting mangyari ng guro sa palabas ng nobela. Maaaring sundin ang dayagram sa p163

TAGALOG Online na Buklet ng Impormasyon ng Magulang Smarter Balanced Assessments at Hawai i State Science Assessments

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Doctrinal Mastery Material para sa Titser ng Aklat ni Mormon

Pagsasanay ng mga guro sa programa ng K to 12 Baitang 8

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

SUUNTO GUIDING STAR PAG-IINGAT AT WARRANTY

EPEKTO SA PAGGAMIT NG SOCIAL NETWORKING SITE SA PAGKATUTO NG ASIGNATURANG FILIPINO. by: Laurince Pantaleon

TAGALOG. 0 hanggang 4 na taon MATUTO SA BAHAY

ARALING PANLIPUNAN 10 MGA KONTEMPORARYONG ISYU

Gabay para sa mga Lider

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Atlantic Health System

Ang Karapatan Ng Mga Bingi Na Lumaking Bilingwal

PANIMULA. Ang maging isang babae o lalaki ay isang mahalagang kaganapan para sa tao sa mundo.

Ang Bautismo: Pakikipag-isa kay Cristo sa Kamatayan at Bagong Buhay (Unang Bahagi)

Mahal na Punong Guro, Guro o Kasama sa Trabaho

Pagbubuntis, Panganganak, Pagpapalaki ng Anak at Edukasyon

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Aplikasyon para sa Segurong Pangkalusugan (Health Insurance)

TEMA: Kabuhayang Pampamayanan/Trabaho, Industriya ng Pakikipagkalakalan (hal. One Town One Product o OTOP, industriyang lokal, tiangge, atbp)

PART A. LINGGUHANG ISKEDYUL SA TRABAHO

Ang Rex K to 12 Pointers para sa Pagbabago ng Kurikulum

Ota City Board of Education

1. Ano ang teknolohiyang pantulong (assistive technology) sa espesyal na edukasyon?

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

EDUKASYON SA PAGPAPAHALAGA II Yunit II Modyul Blg. 1

H E K A S I KABABAIHAN SA PANAHON NG IKATLONG REPUBLIKA SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools

Pondong Ipinagkatiwala para sa Inyong Anak (Your Child s Trust Fund) Mga Madalas na Katanungan

ACTIVITY SHEETS IN FILIPINO 4

AWIT 16:2-3 SINO ANG NAKIKINABANG SA MABUBUTI NATING GAWA? NI REV RODNEY KLEYN

ARALING PANLIPUNAN 10 ISYU AT HAMONG PANLIPUNAN

Filipino. Modyul para sa Mag-aaral

DLA in EPP/ Computer 6 Third Quarter

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

GABAY NG GURO. Populasyon at Pag- unlad, Sekswalidad at Mapanagutang Pagmamagulang (Population and Development, Sexuality and Responsible Parenthood)

I.~ lc "AN<17PAG-AASAWA AT ANG

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Epekto ng Paglalaro ng Defense of the Ancients (DotA) sa. Mga Piling mag-aaral ng STI College Global City

Nutri-bingo! Gabay para sa game master o facilitators. Ano ang nutri-bingo?

Sa mga magulang na babiyahe dala ang kanilang mga anak patungo sa ibang bansa Sa mga magulang na pabalik ng Japan dala ang kanilang mga anak

GRADE VI PAUNLARIN ANG EDUKASYON, KALUSUGAN AT TEKNOLOHIYA

Araling Panlipunan. Patnubay ng Guro. Tagalog

BANGHAY ARALIN sa ARALING PANLIPUNAN 3 IKATLONG MARKAHAN - Isinulat ni Cecelia G. Buta, MTB Regional Trainer, Region XI

Third Quarter 2018 Social Weather Survey: Pinoys maintain anti-chinese stance on West Philippine Sea issue

Sino ba talaga si Jesus? Ano ang tunay na Cristiano?

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

ROBERT B. POLLOCK ELEMENTARY SCHOOL 2875 Welsh Road Philadelphia, PA

Araling Panlipunan I

Positibong Pagtatasa ng Pag-uugali at Pagpaplano sa mga Paaralan: Fact Sheet

Sino ba talaga si Jesus? Ano ang tunay na Cristiano?

Ang Makisig at Hangal na Hari

Sustainable (Maaaring Mapangalagaan) na Pangingisda

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Transcription:

Filipino Baitang 1 Ikaapat na Markahan 1

2

Aralin 1: Kaalaman Susi sa Kaligtasan A. Panimula Iparinig sa mga mag-aaral ang isang balita o tekstong pang-impormasyon. Panoorin ito sa link na: https://www.youtube.com/watch?v=dr01fcosaxe& hd=1 Ipasagot ang mga tanong pagkatapos. Mga Tanong: 1. Tungkol saan ang napanood o napakinggan? 2. Paano maiiwasan ang dengue? 3. Ilan ang nagkasakit ng dengue sa Pilipinas noong 2009? 4. Saan nabubuhay ang lamok na nagdadala ng dengue? 5. Ano ang sintomas ng dengue fever? B. Katawan 1. Kasanayang Pampanitikan Ipabasa sa mga mag-aaral ang akda na kanilang kopya. Garantisadong Pambata (GP) Upang matugunan ang Millenium Development Goals, umapela si Pangulong Benigno Noynoy Aquino III o PNoy sa mga lokal na pamahalaan at pribadong sektor na makiisa para maabot ang nasabing layunin. Sa pangunguna ng Department of Health (DOH), inilunsad nito ang bagong Garantisadong Pambata: Kalusugan ng bata sigurado. BASTA i-gp MO! Isang programa o kampanya ng DOH na mas pinaigting para sa mga batang edad 0-14. Tampok dito ang araw-araw na pagsasanay sa mga bata sa mga gawaing pangkalusugan, sa tahanan, paaralan, komunidad at maging sa health centers. Ito y tungkulin ng lahat lalo na ang mga magulang at guro. Unang inilunsad ang GP noong 1999. Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita sa pagpapahayag ng sariling ideya, kaisipan, karanasan at damdamin Pamantayang Pagganap: Nagagamit ang malawak na kasanayan sa wika upang masagot ang mga tanong sa tekstong binasa Mga Kasanayang Pampagkatuto: 1. Nasasagot ang mga tanong tungkol sa napakinggang tekstong pangimpormasyon 2. Nakapagtatanong tungkol sa isang napakinggang balita 3. Natutukoy ang kahulugan ng salita batay sa kasalungat 4. Nabibigyangkahulugan ang mga simpleng pictograph 3

When we say i-gp mo, we mean healthy behaviors that anyone can do to protect child health. Essentially, this translates to giving children their right to universal access to quality health care, services, and information, paliwanag ni Health Secretary Dr. Enrique Ona sa paglulunsad ng GP na ginanap sa Manila Diamond Hotel, Malate, Manila. Kasama rito ang pagsusulong ng breastfeeding lalo na sa mga sanggol na nasa evacuation centers o lugar na walang maayos na sanitasyon, pagkompleto sa bakuna, regular Vitamin A supplementation at pagpupurga, wastong paghuhugas ng kamay, pagsisipilyo, wastong paggamit ng palikuran, at pagiwas sa usok ng sigarilyo sa mga tahanan. Magugunita na sa mga nakalipas na taon, nakasentro lamang ang lumang GP sa kalusugan at nutrisyon ng bata. Naniniwala si Sec. Ona na nakasalalay sa mga bata ngayon ang kinabukasan ng bayan sa hinaharap. Kaya dapat lamang na maging puhunan nila ang wastong kalusugan mula sa pagkabata. http://www.remate.ph/2010/10/kalusugan-ngbata-sigurado-basta-i-gp-mo/ 5. Naibabahagi ang karanasan sa pagbasa upang makahikayat ng pagmamahal sa pagbasa 2. Pag-unawa sa Binasa Ang pag-unawa sa binasa ay hindi lamang matitiyak sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong tungkol dito. Maaari ring malaman kung naunawaan ng mag-aaral ang binasa kung makabubuo sila ng tanong tungkol sa teksto. Sabihin sa mga mag-aaral na bumuo ng tanong tungkol sa binasang balita. Ipagamit ang sumusunod na mga salita: a. Ano b. Saan c. Kailan d. Bakit e. Paano 4

Talasalitaan Ibigay ang kasalungat ng mga salitang may salungguhit. 1 Makiisa para maabot ang nasabing layunin. 2. Kalusugan ng bata ay sigurado. 3. Unang inilunsad ang GP noong 1999. 4. Magugunita na noon nakasentro lamang ito sa kalusugan at nutrisyon ng bata. 5. Gawing puhunan ang wastong kalusugan ng mga bata. 3. Kasanayang Panggramatika Piktograp Isang paraan ng pagrerepresenta ng isang bagay sa pamamagitan ng mga larawan. Halimbawa: 4. Pagpapayaman Pagawain ang mga mag-aaral ng sariling piktograp ang sumusunod na mga impormasyon: Bilang ng mag-aaral ng Antas 1 na nagkaroon ng dengue mula taong 2005 hanggang 2009: 2005 : 5 babae at 7 lalake 2006 : 7 babae at 6 na lalake 2007 : 3 babae at 5 lalake 2008 : 2 babae at 2 lalake 2009 : 5 babae at 3 lalake 5

C. Kongklusyon 1. Paglalahat Ang pagkakaroon ng kaalaman ay maaaring makapagdulot ng kaligtasan sa atin. 2. Pagpapahalaga Pag-usapan sa klase kung bakit at paanong nagiging mahalaga ang nagbabasa ng tekstong pang-impormasyon. Tanungin din sa mga mag-aaral kung ano ang kanilang karanasan na siyang naging sanhi ng kanilang kaligtasan. Ipabahagi ito sa klase. 6

Aralin 2: Ang Aklatan A. Panimula Ipanood sa mga mag-aaral ang episode ng My First Lesson with Jollibee sa link na https:// www.youtube.com/watch?v=qqsdzqfwpvo at pagkatapos ay ipasagot ang sumusunod: 1. Saan nagsimula ang kuwento bago sila pumunta sa ibang mundo? 2. Ano ang nagagawa ng aklatan sa imahinasyon ng mga bata? 3. Saan pa kaya maaaring dalhin ng silid-aklatan ang mga batang nagbabasa ng mga aklat dito? 4. Pagkagaling sa mundo ng mga kulay, saan pa kaya dadalhin ng mahiwagang aklatan ang mga bata? Bakit? B. Katawan 1. Kasanayang Pampanitikan Basahin sa klase ng mga mag-aaral ang akda na kanilang kopya. Ang aklatan o library (bigkas /láy bra rí/) ay isang silid o gusaling may koleksiyon ng mga aklat. Madalas itong puntahan ng mga taong ninanais na huwag bumili o hindi kaya ay walang pambili ng aklat. Karaniwan ay may mga koleksiyon din ng pahayagan at mga magazine sa mga aklatan. Ang koleksiyon ng aklatan ay maaari din namang kapalooban ng mga produkto ng makabagong teknolohiya gaya ng mga CD, DVD, audio tapes, video tapes, at iba pang multimedia. Sa makabagong panahon, ang mga modernong aklatan ay nakapaghahandog na rin ng serbisyo ng Internet sa kanilang mga kliyente. Ang mga silid-aklatan at sentrong pangimpormasyon (information centers) ay hindi lamang bukal ng impormasyon at karunungan Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ang iba t ibang kasanayan upang maunawaan ang teksto Pamantayang Pagganap: Nakasusunod sa panutong ibinibigay ng guro sa lahat ng gawaing pampagkatuto Mga Kasanayang Pampagkatuto: 1. Nakapagbibigay ng sariling hinuha sa napakinggang kuwento 2. Natutukoy ang tamang ugnayan ng simuno at panag-uri sa pakikipag-usap 3. Nakapagpapalit at nakapagdaragdag ng mga tunog upang makabuo ng bagong salita 4. Nababasa ang mga salitang natutuhan sa aralin at sa ibang asignatura 7

kundi tagapag-ingat ng ating mayamang kasaysayan, kultura, tradisyon, at ang ating ambisyon at mga pagsisikap na maitatag ang isang maunlad, malaya, at mapayapang bansa. Mababasa ang mga salita tungkol sa agham tulad ng biyolohiya at pisika. Mababasa din ang mga paksa tungkol sa matematika tulad ng biluhaba at parisukat. Dito rin maaaring mabasa ang mga salitang may kaugnayan sa araling panlipunan tulad ng ekonomiya at politika. Sa kabila ng laganap na paggamit ng computers at iba pang makabagong kagamitan at teknolohiya, hindi pa rin maisasantabi ang kahalagahan ng mga silid-aklatan na libreng napagkukunan ng mga impormasyon para sa pag-aaral at pagsasaliksik. Sipi mula sa: http://tl.wikipedia.org/wiki/aklatan http://www.camarinesnorte.gov.ph/cnblog/?p=277 5. Nagagamit nang wasto at maayos ang silid-aklatan at pangangalaga sa mga kagamitang makikikita sa silid-aklatan 6. Naibabahagi ang karanasan sa pagbasa upang makahikayat ng pagmamahal sa pagbasa 2. Pagpapalawak ng Talasalitaan Ipagawa: Palitan ng tunog ang may salungguhit na letra upang mabago ang kahulugan ng salita. a. pag-aaral b. kaya c. bukal d. malaya e. bansa 3. Pag-unawa sa Binasa a. Upang matiyak ang pagkaunawa ng mga mag-aaral sa binasang teksto, ipasagot ang mga tanong. 1) Ano ang aklatan? 2) Ano-ano ang nakikita sa aklatan? 8

3) Sino ang madalas na pumupunta sa aklatan? 4) Ano ang benepisyong makukuha sa pagpunta sa aklatan? 5) Madalas ka bang pumupunta sa aklatan? Bakit? b. Basahin ang sumusunod na mga salita kaugnay ng iba t ibang asignatura. Hatiin ito sa pantig upang madaling basahin. 1) biyolohiya 2) pisika 3) biluhaba 4) parisukat 5) ekonomiya 4. Kasanayang Panggramatika Ang Bahagi ng Pangungusap May dalawang bahagi ang pangungusap. Simuno ang tawag sa paksa ng pangungusap o ang pinag-uusapan. Panaguri naman ang tawag sa bahagi ng pangungusap na nagsasaad ng tungkol sa simuno tulad ng kung ano ang ginagawa ng simuno o kung ano ang nangyari sa simuno Mga halimbawa: Ang aklatan ay isang silid o gusali na may koleksiyon simuno ng maraming aklat. panaguri Isang silid o gusali na may koleksiyon ng maraming aklat ang aklatan. simuno panaguri 9

5. Pagpapalawig Ipagawa: Guhitan nang isang beses ang simuno at dalawang beses naman ang panaguri. 1) Sa aklatan pumupunta ang mga taong mahilig magbasa. 2) Mahalaga ang silid aklatan. 3) Maraming makukuhang impormasyon sa aklatan. 4) Ang kompyuter ay makikita din sa aklatan. 5) Ang atlas, globo, at diksiyonaryo ay nasa aklatan. C. Kongklusyon 1. Paglalahat Ipaliwanag ang mga bentahe ng pagpunta sa aklatan upang magbasa. Maraming impormasyong makukuha sa aklatan. Ang mga impormasyong ito ay magagamit natin sa maraming bagay dahil mas mabuti ang taong maraming alam. Sa pagbabasa ng mga aklat, maraming bagay tayong maaaring mapuntahan. Gagabayan ng aklat ang ating imahinasyon patungo sa iba t ibang lugar upang makita ang maraming bagay. 2. Pagpapahalaga Pag-usapan sa klase ang tamang paguugali at tamang kilos sa loob ng aklatan. a. Matahimik na pumasok sa aklatan. b. Ilagay ang bag sa locker o sa lagayan ng mga bag. c. Puntahan ang shelf kung saan matatagpuan ang aklat na hinahanap. d. Humingi ng tulong sa librarian kung hindi makita ang hinahanap na aklat o iba pang babasahin. e. Huwag kumain sa loob ng aklatan. 10

f. Makipag-usap nang tahimik. g. Ipakita ang borrower s ID kung nais humiram ng aklat. h. Huwag ilabas sa aklatan ang libro, magasin, o pahayagan nang walang paalam. i. Umupo nang maayos sa pagbasa at pagsulat. j. Ingatan ang mga babasahin at iba pang gamit sa loob ng aklatan. k. Gamitin ang basurahan kapag may ibig itapon. l. Ibalik ang upuang ginamit nang matahimik. 11

Aralin 3: Tekstong Pang-impormasyon A. Panimula Ipapanood o ipakinig sa mga mag-aaral ang infomercial tungkol sa Pantawid Pamilya sa link na https://www.youtube.com/watch?v=p8nt4mzt1nu at pagkatapos ay ipasagot sa mga mag-aaral ang mga tanong. 1. Ano ang paksa ng inyong pinanood o pinakinggan? 2. Ano-ano ang suliraning pampabata ang binanggit? 3. Ano ang mungkahing solusyon na binanggit sa infomercial? B. Katawan Basahin ang balita habang nakikinig at sinusundan ng mga mag-aaral gamit ang kanilang sariling kopya. Pagdami ng Child Labor, Sintomas ng Lumalalang Kahirapan IGINIIT ng isang opisyal ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) na ang pagdami ng mga child labor ay isang malinaw na sintomas ng lumalalang kahirapan sa bansa. Reaksiyon ito ni Father Conegundo Garganta, Executive Secretary ng CBCP-Episcopal Commission on Youth, kasunod ng ulat ng National Statistic Office (NSO) na umaabot sa 5.5-milyon ang mga menor-deedad na nasasadlak sa child labor sa bansa. Sinabi ni Garganta sa halip na malayang nakapaglalaro at nakapag-aaral ang mga bata ay mas pinili nilang magtrabaho para tulungan ang mga magulang sa paghahanapbuhay. Ayon kay Garganta, sa murang edad ay nasaksihan at naranasan mismo ng mga bata ang kahirapang pinagdaanan ng kanilang mga magulang at pamilya. Pamantayang Pangnilalaman: Naisasagawa ang mapanuring pagbasa upang mapalawak ang talasalitaan Pamantayang Pagganap: Nagagamit ng wasto ang mga kasanayan sa paggamit ng wika sa pagbasa Mga Kasanayang Pampagkatuto: 1. Naibibigay ang paksa ng napakinggang tekstong pangimpormasyon at paliwanag 2. Nakabubuo nang wasto at payak na pangungusap na may tamang ugnayan ng simuno at panaguri 3. Napagyayaman ang talasalitaan sa pamamagitan ng pagbubuo ng mga salita/ paghahanap ng mga salita sa isang salita 12

Kaugnay nito, hinimok ni Garganta ang pamahalaan na gumawa ng mga kongkretong solusyon sa naturang problema kung ayaw nitong lumala ang kalagayan ng child labor sa bansa. Hinimok din naman ng pari ang mga tagapayo ni PNoy na gumawa ng mga panukala na tutugon sa problema ng mga mahihirap at pakikinabangan ng maraming Pinoy at hindi lamang ng iilan. Samantala, sa panig naman ni Borongan Bishop Crispin Varquez, sinabi nito na bukod sa kahirapan, ang pagdami ng child labor sa bansa ay patunay lamang nang pagiging iresponsable rin ng mga magulang. Ayon kay Varquez, maraming bata ang napipilitang magtrabaho dahil may mga magulang na ayaw magtrabaho at lulong sa bisyo at sugal. Maraming magulang rin, aniya, ang kulang sa income kaya napipilitan sila na isama sa kanilang trabaho ang kanilang mga anak gaya ng pagsasaka, pangingisda, at iba pa. Sipi mula sa http://www.remate.ph/2013/06/pagdami-ngchild-labor-sintomas-ng-lumalalang-kahirapan/ 4. Nakasusulat nang may wastong baybay, bantas, gamit ng malaki at maliit na letra upang maipahayag ang ideya, damdamin, o reaksyon sa isang paksa o isyu ng pangungusap 5. Nagagamit ang wika bilang tugon sa sariling pangangailangan at sitwasyon Talasalitaan: Ipahanap sa mga mag-aaral ang mga salitang maaaring mabuo mula sa isang mahabang salita na ginamit sa binasang teksto. 1. lumalala 2. paghahanapbuhay 3. kalagayan 4. napipilitan 5. pakikinabangan 13

1. Kasanayang Panggramatika Balikan ang aralin tungkol sa simuno at panag-uri. Magpasulat ng payak na pangungusap at pasalungguhitan nang isang beses ang simuno at nang dalawang beses ang panag-uri. Ibigay ang mga paksa sa mga magaaral upang maging gabay sa pagbuo ng payak na pangungusap. a. child labor b. kahirapan c. bata d. magulang e. paglalaro at pag-aaral 2. Pagpapalawig Ipasulat sa mga mag-aaral ang payak na pangungusap na nagpapahayag ng kanilang ideya, damdamin, o reaksiyon sa binabanggit sa isyu. a. Ano ang nararamdaman mo tungkol sa mga batang kailangang magtrabaho para may makain? b. Ano ang masasabi mo sa mga magulang na hindi nagtatrabaho para sa mga anak? c. Bakit dapat mag-aral ang mga bata? 14

C. Kongklusyon 1. Paglalahat Sabihin na ang kahirapan ang isa sa pangunahing problema ng bansa. Itanong sa mga mag-aaral kung ano-anong uri ng kahirapan ang nakikita o naoobserbahan nila sa paligid. Sabihin naman na may mga solusyon sa kahirapan tulad ng patuloy na pag-aaral at pagsisipag ng mga bata sa iba pang gawain na makatutulong sa pamilya. Tanungin din ang mga mag-aaral ng alam nilang paraan kung paano masusugpo ang kahirapan. 2. Pagpapahalaga Muling ipasulat sa mga mag-aaral ang pahayag o salaysay tungkol sa kahirapan upang maitama ang baybay at bantas. may karapatan ang mga bata na mag- Aral? ang Pag-aaral ang makatutulong upang masugpo ang kahirapan 15