PILIPINAS. pangha-harass at karahasan laban sa mga mamamahayag. Wala pang napaparusahan sa JANUARY 2013
|
|
- Barbra Whitehead
- 5 years ago
- Views:
Transcription
1 JANUARY 2013 COUNTRY SUMMARY PILIPINAS Isang multiparty democracy ang Pilipinas na may inihalal na pangulo at lehislatura, may aktibong sektor ng civil society at masiglang midya. Dalawang taon nang nasa kapangyarihan, patuloy na nagtatamasa si Pangulong Benigno S. Aquino III ng malawakang pampolitikang kapital at mabuting pagtuturing. Bahagyang dahilan nito ang mas mabuting lagay ng ekonomiya sa nakaraang dalawang taon hambing sa panahon ng administrasyon ni Gloria Macapagal-Arroyo. Ipinahayag ni Aquino ang kanyang pangako para mapabuti ang sitwasyon ng karapatang pantao at maisaayos ang kakulangang ginawa sa batayang karapatan ng kaniyang sinundan. Noong 2012, itinaguyod ng gobyerno ang mga panukalang batas sa pagpapabuti ng kalusugang reproduktibo at karapatan ng mga kasambahay, at aktibong lumahok sa mga institusyong internasyonal sa layuning mapahusay ang sistemang panghustisya. Noong Oktubre, nagpasa ang Kongreso ng batas na nagturing na krimen sa sapilitang pagkawala o pagdukot, ang kauna-unahang gayong batas sa Asya. Nangako ang administrasyong Aquino na pabilisin ang mga imbestigasyon sa karapatang pantao at pagbutihin ang kakayahan ng mga imbestigador, prosekyutor, at mga korte. Nagsagawa ito ng ilang aksiyon laban sa mga kilalang opisyal na sangkot sa mga pangaabuso, kabilang ang atas na sampahan ng kaso ang isang opisyal na may mataas na katungkulan sa militar, at isang dating gobernador na sangkot sa pagpatay sa isang mamamahayag. Bumaba na ang bilang ng mga kaso ng extrajudicial killings at sapilitang pagkawala mula nang umupo sa puwesto si Aquino noong Ngunit nagpapatuloy ang pangha-harass at karahasan laban sa mga mamamahayag. Wala pang napaparusahan sa kaso ng extrajudicial killings mula nang maging pangulo si Aquino. Madalas seryosong manlabag ng karapatang pantao ang militar at kasapi ng kapulisan. Madalas seryosong mang-abuso ng sibilyan ang mga armadong grupo, kabilang ang komunistang New People's Army (NPA), ang separatistang Moro Islamic Liberation Front, at 1
2 ang teroristang grupong Abbu Sayyaf. Lumagda ang gobyerno ng Pilipinas at ang Moro Islamic Liberation Front sa framework agreement noong Oktubre, na nangakong magtatapos sa mahigit apat n -dekadang hidwaan sa katimugang rehiyon ng Mindanao. Umurong ang lagay ng malayang ekspresyon nang aprobahan ng Kongreso ang isang batas na nagpapahintulot ng mabigat na parusa sa mga paninirang sa Internet. Kriminal na Paninira at Kalayaan sa Midya Bagamat matagal nang isa ang Pilipinas sa may pinakamalayang cyberspace sa mundo, ipinasa ng Kongreso noong 2012 ang Cybercrime Prevention Act, na inaprobahang maging batas ni Aquino noong Setyembre 12. Ang mga kaparusahan sa ilalim ng batas laban sa online libel (paninira) at iba pang restriksiyon ay mga seryosong banta sa malayang pagpapahayag sa Pilipinas. Mas pinabigat ng batas ang parusa sa mga na paninira na gamit ang computer o Internet, na naitaas ang pinakamababang parusa mula sa anim na buwan tungo sa anim na taon. Noong Oktubre, nagsumite sa Korte Suprema ng ilang petisyon laban dito ang mga abogado, mamamahayag, at bloggers. Noong Oktubre 9, naglabas ang korte ng temporary restraining order na nagpapaliban sa pagpapatupad nito sa loob ng 120 araw. Matagal nang hinihikayat ng midya at ng mga grupong pang-karapatang pantao ang gobyerno na ipahayag na hindi krimen ang libelo, na itinuturing ng United Nation Human Rights Committee (UNHRC) na paglabag sa International Covenant on Civil and Political Rights (ICCPR), ngunit ang panukalang batas sa mungkahing ito ay nakabinbin lamang sa loob ng maraming taon sa Kongreso. Noong Oktubre, sinabi ni Aquino na sumasang-ayon siya sa ideya na hindi na gawing krimen ang libelo. Hanggang ngayon, nasa Kongreso pa rin ang mga panukalang batas. Nagpatuloy noong 2012 ang pagpatay at pangha-harass sa mga mamamahayag. Sangayon sa mga grupo sa midya, tatlong mamamahayag ang pinatay noong 2012 dahil sa kanilang gawain, kaya umabot ang kabuuang bilang na 10 mula nang umupo sa puwesto si Aquino. Nagreklamo din ang mga mamamahayag ng pisikal na pag-atake ng kalalakihang sinasabing nagtatrabaho para sa mga lokal na politiko at nililigalig sa pamamagitan ng mga mensahe sa text. 2
3 Extrajudicial Killings at Sapilitang Pagkawala o Pagdukot Nabigo ang administrasyong Aquino na tuparin ang pangako nitong panagutin ang mga responsable sa pagsasagawa ng mga extrajudicial killings. Mula noong 2001, daan-daang makakaliwang aktibista, mamamahayag, environmentalists, at klerigo ang pinatay ng sinasabing miyembro ng mga puwersang panseguridad ng gobyerno. Inireport ng mga lokal na organisasyon sa karapatang pantao ang humigit-kumulang 114 kaso ng pagpatay mula nang umupo sa kapangyarihan si Aquino, at 13 sa panahon ng pagkasulat nito. Sa kabila ng malakas na ebidensiyang kasangkot ang mga kawaning militar, naudlot ang mga imbestigasyon. Walang naparusahan kaugnay ng mga politikal na pagpatay noong Sinubok ng gobyernong panagutin ang mga suspek na may mataas na posisyon. Si Maj. Gen Jovito Palparan, na sinampahan ng kaso ng kidnaping at ilegal na detensiyon dahil sa pagdukot noong 2006 sa mga aktibistang sina Sherlyn Cadapan at Karen Empeño, ay nagtago nang ipahayag ng gobyerno ang pag-aresto sa kaniya noong Disyembre Si Joel Reyes, dating gobernador ng probinsiya ng Palawan at diumano'y utak ng pagpatay noong Enero 2011 sa isang mamamahayag at makakalikasan na si Gerry Ortega, ay nagawang tumakas palabas ng bansa. Pang-aabuso ng mga Puwersang Paramilitar Habang sinasabi ng gobyerno na napababa nito ang bilang ng mga pribadong armadong grupo o private army na kontrolado ng mga politiko, iwinaksi nito ang pagtugon sa pagbaklas sa mga puwersang paramilitar na may pagtataguyod ng gobyerno. May ilang extrajudicial killings ang naiugnay sa mga kasapi ng Citizen Armed Force Geographical Units (CAFGU), na kontrolado at pinangangasiwaan ng militar, gayundin ang Special CAFGU Active Auxiliary, na sinasanay ng sandatahang lakas ngunit binabayaran ng mga kompanya para protektahan ang kanilang operasyon. Noong Oktubre 2011, binigyang kapangyarihan ni Aquino ang mga puwersang paramilitar para protektahan ang mga kompanyang nagmimina. Hanggang ngayon, hindi pa rin tinutupad ni Aquino ang pangakong binitiwan niya noong kampanya sa eleksiyong 2010 na pawalang bisa ang Executive Order 546, na sinisipi ng mga lokal na opisyal para bigyang katwiran ang kanilang pamimigay ng mga armas sa kanilang mga personal na puwersa. Kasama sa mga nabenepisyuhan nitong order ang politikang lipi ng Ampatuan sa Maguindanao, na ang mga nakatatandang kasapi ay 3
4 naakusahan ng masaker sa Nobyembre 23, 2009 ng 58 tagasuporta ng kalabang partido at mga taga- midya sa probinsiya ng Maguindanao. Nagpatuloy noong 2012 ang paglilitis. Bagamat natukoy ng mga awtoridad ang 197 suspek sa masaker, 99 lamang ang naaresto (namatay ang isa sa kulungan at hindi itinuloy ng korte ang paglitis sa isa pang kaso). Sa mga akusado, 78 lamang ang idinemanda. Apat sa 98 suspek na hindi pa nadarakip ay mga sundalo; ang iba pa ay kasapi ng Ampatuan militia. Pinatay ang ilang saksi, samantalang ang mga kamag-anak ng mga biktima ay iniulat na niligalig at pinagbantaan noong Atake sa mga Aktibistang Makakalikasan Patuloy na dumadanas ng pag-atake noong 2012 ang mga aktibistang bumabatikos sa operasyon ng pagminina at enerhiya na sinasabing nakakasira ng kapaligiran at nagpapaalis sa mga tribu sa kanilang lupain. Nasa mga lugar na malaki ang katutubong populasyon o kontrolado ng tribu ang maraming pamumuhunan sa pagmimina sa Pilipinas. Noong Mayo 9, binaril si Margarito J. Cabal, 47, organisador ng isang grupong tumututol sa pagtatayo ng hydroelectric dam sa porobinsiya ng Bukidnon. Wala pang nahuhuli sa pagpatay noong Oktubre 2011 sa paring Italyanong si Father Fausto Tentorio sa probinsiya ng Hilagang Cotabato, naiulat na ginawa ng Bagani ( tribung mandirigma ) na grupong paramillitar na kontrolado ng militar. Matagal nang tagapagtaguyod si Tentorio ng karapatang pangkatutubo at nilabanan ang pagmimina sa lugar. Mga Pagpatay ng mga Death Squads Nagpatuloy noong 2012 ang tinatawag na pagpatay ng mga death squads sa lungsod ng Davao, sa katimugang Pilipinas, at sa iba pang lungsod. Noong Agosto, naglabas ang Komisyon sa Karapatang Pantao ng isang resolusyon hinggil sa imbestigasyon nito kaugnay ng tinatawag na Davao Death Squad. Kinumpirma nito ang mga report tungkol sa sistematikong pagpatay ng mga tinatawag na Davao Death Squad, sa madalas na pinagsususpetsahang mga kriminal, karamihan ay mga kabataan. Sinabi ng komisyan na napatunayan nitong 206 sa sinasabing 375 pagpatay sa pagitan ng 2005 at 2009 na nauna na nitong nailista. Hinikayat ng komisyon ang pag-imbestiga sa mga lokal na opisyal at mga pulis, na hindi pa nagsisimula hanggan ngayon. 4
5 Mga Pang-aabuso ng New People's Army Patuloy na naglalaban ang militar at ang komunistang New People's Army sa iba t ibang dako ng Pilipinas, partikular sa katimugang Mindanao. Hindi umusad noong 2012 ang usapang kapayapaan na nagsimula noong 1986 sa pagitan ng gobyerno at National Democratic Front, ang pampolitikal sangay ng Communist Party of the Philippines. Madalas na nakakagawa ang NPA ng pang-aabuso sa mga sibilyan. Noong Setyembre 1, naghagis ang mga NPA ng granada sa isang estasyon ng militar sa Paquibato, Lungsod Davao, pero tinamaan at nasugatan sa halip ang mga sibilyang dumadalo sa kalapit na peryang bayan. Nagpatuloy ang NPA sa pagpatay sa mga indibidwal na inaakala nitong nakagawa ng krimen laban sa taumbayan o sa kilusang komunista, kabilang ang puno ng tribu na si Abantas Ansabo, na binaril noong Hulyo sa probinsiya ng Hilagang Cotabato. Sinabi ng NPA na lider na paramilitar si Ansabo na nakagawa ng pang-aabuso laban sa mga lokal na residente. Noong Marso, pinatay ng NPA si Patrick Wineger, isang negosyanteng Swiss-Filipino sa Hilagang Cotabato, diumano'y kalahok sa mga gawaing kontra-komunista ang biktima. Kabataan at Armadong Labanan Diumano'y patuloy sa pagrekrut at paggamit ng mga bata sa kanilang puwersa ang NPA, Moro Islamic Liberation Front at Abu Sayyaf. Kung minsan, ginagamit ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas ang mga paaralan para sa layuning militar, tulad ng pagkakampo sa bakuran ng paaralan at pqggamit sa mga pasilidad ng paaralan sa panahon ng mga operasyong sibil-militar, sa kabila ng pagbabawal ng isang batas ng Pilipinas laban sa gayong gawain. Ang pinakahuling report ng insidente ng ganitong paglabag ang nangyari sa Lungsod Davao noong Oktubre. Mga Kasambahay Ang ratipikasyon ng Pilipinas sa Domestic Workers Convention noong Setyembre ay magbibigay-bisa sa mahalagang internasyonal na tratadong ito na nangangako ng mas mainam na kondisyon sa paggawa at pangunahing proteksiyon sa paggawa sa milyonmilyong kasambahay sa buong daigdig. Sa panahong nitong pagkasulat, hindi pa napipirmahan ni Aquino ang mungkahing batas na nangangako ng mas mabuting pasahod at benepisyo, at higit na proteksiyon sa tinatayang 2 milyong kasambahay ng bansa. 5
6 Mga Pangunahing Internasyonal Aktor Noong Hulyo, pinalakas ng European Union at ng Pilipinas ang kanilang relasyon sa pamamagitan ng paglagda sa isang Kasunduang sa Partnership at Kooperasyon na nangangako, kasama ng iba pang bagay, ng mas mabuting pagtutulungan sa mga usapin tulad ng karapatang pantao, seguridad, migrasyon, at enerhiya. Nanatili ang Estados Unidos bilang pinakamaimpluwensiyang kakampi ng Pilipinas, at kasama ng Australia at Japan, ang pinakamalaking bilateral na donor ng bansa. May akses ang militar ng US sa teritoryo at karagatan ng Pilipinas sa ilalim ng Visiting Forces Agreement, at isinagawa ng dalawang sandatahang lakas noong Oktube ang isa sa mga taunang joint exercises nito. Noong Agosto, idineliber ng US ang mga gamit pangmilitar bilang bahagi ng pagsisikap ng Pilipinas na isamoderno ang militar nito. Gumawa ng ilang pagsisikap ang US para matugunan ang problema sa extrajudicial killings sa Pilipinas sa pamamagitan ng pagtulong sa Commission on Human Rights, nagsanay ng mga imbestigador at prosekyutor, at sumuporta sa repormang panghustisya. Sa kabila ng pagsisikap ng gobyerno ng Pilipinas na tanggalin ang restriksiyon, nagpatuloy ang Kongreso ng US noong 2012 na hindi ibigay ang $3 milyon sa taunang tulong nito sa militar ng Pilipinas dahil sa mga usapin sa karapatang pantao. Noong Hunyo, inilabas ng Parliyamentong Europeo ang isang resolusyon na humihiling sa gobyerno ng Pilipinas na tapusin na ang impunidad sa mga pagpatay, tortyur, at pagkawala/pagdukot. Kasapi ang Pilipinas ng UN Human Rights Council (HRC), ngunit noong 2012, tulad ng mga nakaraang taon, hindi nito nagawang malakas o maprinsipyong maninidigan para sa mga pangunahing boto. Halimbawa, paulit-ulit itong hindi bumoto sa mga hakbang na magpapaunlad sa sitwasyon ng karapatang pantao sa Syria. Noong Marso, bumoto ang Pilipinas laban sa resolusyong HRC na humihikayat sa gobyerno ng Sri Lanka na gumawa ng aksiyon para matiyak ang hustisya at maitaguyod ang pambansang rekonsilyasyon pagkaraan ng internal na armadong hidwaan ng bansa. 6
Ang Pilipinas. Mga Pagpatay na Hindi Ipinag-utos ng Hukuman at Mga Sapilitang Pagkawala
Enero 2010 buod ng bansa Ang Pilipinas Si Benigno Aquino III, anak ng nasirang pangulong Corazon Aquino, ay nanalo sa halalan noong nakaraang Mayo sa platapormang lalabanan ang katiwalian at itataguyod
More informationAng walang katarungan ay dagdag lamang sa Pasakit
Ang walang katarungan ay dagdag lamang sa Pasakit Pagpatay, Pagkawala at Kalayaan sa Batas sa Pilipinas Lagom Mga armadong kalalakihan (naka unipormeng pang-militar) ang pumasok sa kanilang bahay at agarang
More informationThird Quarter 2018 Social Weather Survey: Pinoys maintain anti-chinese stance on West Philippine Sea issue
20 November 2018, page 1 of 18 52 Malingap St., Sikatuna Village, Quezon City Website: www.sws.org.ph Tel: 924-4456, 924-4465 Fax: 920-2181 Erratum, 20 November 2018: In Table 5, page 18, the June 2018
More informationANG GOBYERNONG GMA AT ANG MGA SUNDALONG BATA. MAPAIT man sa panlasa lalo na sa mga
bang kaugnay ng kampanya laban sa terorismo. Mahaba pa po ang listahan at marami sa mga paglabag sa karapatang pantao ay may kaugnayan sa kabuhayan at mga panlipunang usapin ngunit hindi na natin idedetalye
More informationHF Markets Ltd HOTFOREX PHILIPPINES CONTEST
HF Markets Ltd HOTFOREX PHILIPPINES CONTEST Mayo 2015 Mga Tuntunin at Kundisyon para sa Paligsahan ng HotForex Pilipinas Ang Paligsahan ng HotForex Pilipinas ay isang Live trading Contest, na naghahandog
More informationPagpanaw ng Tagapagtanggol ng Karapatang Pantao Deolito Julie Empas
Hamburg, August 2 nd 2009 Kinalabasan ng Pagmamatyag sa Kalagayan ng mga kaganapan sa Karapatang Pantao sa Pilipinas Pagpanaw ng Tagapagtanggol ng Karapatang Pantao Deolito Julie Empas San Vicente, Pilipinas;
More informationPang-aabusong Sekswal sa Kulungan: Isang Pandaigdigang Krisis sa Karapatang Pantao
Pang-aabusong Sekswal sa Kulungan: Isang Pandaigdigang Krisis sa Karapatang Pantao Isang pandaigdigang krisis sa karapatang pantao ang pang-aabusang sekswal (sexual abuse) sa kulungan i. Sa maraming pagkakataon,
More informationSUUNTO GUIDING STAR PAG-IINGAT AT WARRANTY
SUUNTO GUIDING STAR PAG-IINGAT AT WARRANTY 2 1 Tungkol sa Suunto Guiding Star... 3 2 Pangangalaga at pag-iingat... 4 3 Limitadong Lifetime Warranty... 5 1 TUNGKOL SA SUUNTO GUIDING STAR Sa isang maaliwalas
More informationGRADE VI GAMIT NG GRID
GRADE VI GAMIT NG GRID ALAMIN MO Ito ang mundo. Matutukoy mo ba kung saan dito matatagpuan ang ating bansa? Halika, hanapin mo! Sa modyul na ito, matututuhan mo ang paggamit ng grid sa paghahanap ng tiyak
More informationZangle Parent Connect Gabay sa Tagagamit. Paaralang Pampurok ng Anchorage
Zangle Parent Connect Gabay sa Tagagamit Paaralang Pampurok ng Anchorage Talaan ng Nilalaman Paano Makapag-akses sa ParentConnection... 2 Tuloy Po Mga Magulang!... 2 Mga Rekisito sa Computer... 2 Paghahanap
More informationkalagayan at karapatan ng kababaihan: CEDAW primer CEDAW convention on the elimination of all forms of discrimination against women NCRFW UNIFEM CIDA
kalagayan at karapatan ng kababaihan: CEDAW primer CEDAW convention on the elimination of all forms of discrimination against women NCRFW UNIFEM CIDA Original CEDAW brief in English written by Olivia H.
More informationTagalog NATIONAL STANDARDS. sa pagbabasa, pagsusulat at matematika. Gaano kahusay ang aking anak sa paaralan?
Tagalog NATIONAL STANDARDS sa pagbabasa, pagsusulat at matematika Gaano kahusay ang aking anak sa paaralan? The New Zealand Curriculum Ano ang National Standards? Simula 2010, ang lahat ng mga paaralan
More informationPOINTERS FOR REVIEW ARALING PANLIPUNAN - GRADE 1 Ikatlong Markahan
ARALING PANLIPUNAN - GRADE 1 Mga Batayang Impormasyon tungkol sa Sariling Paaralan Ang Pisikal na Kapaligiran ng Paaralan Epekto ng Pisikal na Kapaligiran ng Paaralan sa Sariling Pag-aaral Ang mga Taong
More informationaklat biblia ang mga LECTIO DIVINA PARA SA AKING PAMILYANG MGA PAGPAPAHALAGA PARA SA AKING PAMILYANG MAY MAGANDANG UGALI CLARET PUBLISHING GROUP
ang mga aklat ng biblia MGA PAGPAPAHALAGA MAY MAGANDANG UGALI A N G B A G O N G T I PA N CLARET PUBLISHING GROUP ISBN 978-1-62337-143-2 9 781623 371432 ang mga ng aklat biblia A N G B A G O N G T I PA
More informationMusic. Talaan ng mga Gawain. (Unang Kwarter) Department of Education June 2016
5 Music Talaan ng mga Gawain (Unang Kwarter) Department of Education June 2016 identifies visually and aurally the kinds of notes and rests in a song / MU5RH-Ia-b-1 RHYTHM Aralin 1 MGA NOTE AT REST Layunin
More informationViolence Against Women and Children
Violence Against Women and Children Saklaw ba ng POEA ang mga reklamo na patungkol sa pinansyal (hal.allotment, suporta o sustento) laban sa ligal na asawa, dating nakarelasyon, boyfriend, o sa ka live-in
More informationThird Quarter 2017 Social Weather Survey: Net satisfaction rating of the Duterte National Administration at "Very Good" +58
19 October 2017, page 1 of 20 52 Malingap St., Sikatuna Village, Quezon City Website: www.sws.org.ph Tel: 924-4456, 924-4465 Fax: 920-2181 Third Quarter 2017 Social Weather Survey: Net satisfaction rating
More informationHalimbawa ng talumpati tungkol sa edukasyon Elastrator self castration Explicit movies on amazon 2017 Fidio porno abg perawan indo yg dapat di tonton
Halimbawa ng talumpati tungkol sa edukasyon Elastrator self castration Explicit movies on amazon 2017 Fidio porno abg perawan indo yg dapat di tonton 16 Mar 2012. Talumpati ito tungkol sa edukasyon entitled:
More informationImpormasyon tungkol sa Pamumuhay sa Iba't-ibang Wika
4 Batas-trapiko 4-1 Batas-trapiko sa Japan May mga batas-trapiko para sa mga taong naglalakad, sasakyan, motorsiklo, bisikleta at iba pa sa Japan. Tandaan ang mga batas-trapikong ito sa pinakamadaling
More informationPART A. LINGGUHANG ISKEDYUL SA TRABAHO
PROVIDER NUMBER PROGRAMA NG MGA SERBISYO NG SUPORTA SA BAHAY (IN-HOME SUPPORTIVE SERVICES PROGRAM, IHSS) KASUNDUAN SA LINGGUHANG TRABAHO & PAGBIBIYAHE NG TAGABIGAY (Dapat itong makumpleto ng isang provider
More informationToolkit upang Labanan ang Transnasyunal na Pang-aabusong Sekswal sa mga Bata. Sama-samang. tiyakin ang kaligtasan ng lahat ng bata sa buong mundo!
Toolkit upang Labanan ang Transnasyunal na Pang-aabusong Sekswal sa mga Bata Sama-samang tiyakin ang kaligtasan ng lahat ng bata sa buong mundo! Mga Nilalaman Pambungad 1. Pinaiigting ng pamahalaan ng
More informationAng Makisig at Hangal na Hari
Inihahandog ng Bibliya Para sa mga Bata Ang Makisig at Hangal na Hari Isinulat ni: Edward Hughes Inilarawan nila: Janie Forest Isinalin ni: Dulia Penalber Ibinagay nila: Lyn Doerksen Kuwento Bilang 18
More informationPagsasanay sa Filipino
Pagsasanay sa Filipino Pangalan Petsa Marka Paggamit ng Pang-angkop Kakayahan: Naipagsasama ang mga salita gamit ang pang-angkop A. Bumuo ng parirala mula sa dalawang salitang ibinigay sa pamamagitan ng
More informationIka-13 Aralin IYONG KA- UGNAYAN SA IBA" ~ Kinakailangang ibigin, igalang at sundin natin sila.
Naniniwala Kami Ika-13 Aralin II ANG IYONG KA- UGNAYAN SA IBA" 'I Paq-eralen ayon sa I11gatuntunin na nasa pasimula ng unang aralin. 1. Paano natin dapat pakitunguhan ang ating mga magulang? ~ Kinakailangang
More informationAtlantic Health System
MORRISTOWN MEDICAL CENTER OVERLOOK MEDICAL CENTER NEWTON MEDICAL CENTER CHILTON MEDICAL CENTER HACKETTSTOWN MEDICAL CENTER 100 Madison Avenue Interoffice Box 111 99 Beauvoir Avenue Interoffice Box 237
More informationARALING PANLIPUNAN 10 MGA KONTEMPORARYONG ISYU
ARALING PANLIPUNAN 10 MGA KONTEMPORARYONG ISYU Pamantayang sa Pagkatuto: Naipamamalas ang malalim na pag-unawa sa mga isyu at hamong panlipunan, partikular ang isyung, mga isyung pag-ekonomiya tulad ng
More informationPahayagan ng Partido Komunista ng Pilipinas Pinapatnubayan ng Marxismo-Leninismo-Maoismo. at dumedepensa sa kanilang mga karapatan.
ANG Pahayagan ng Partido Komunista ng Pilipinas Pinapatnubayan ng Marxismo-Leninismo-Maoismo Tomo XLIX Blg. 2 www.philippinerevolution.info Kumpanya ng mina, pinarusahan NIREYD NG MGA Pulang mandirigma
More informationPahayagan ng Partido Komunista ng Pilipinas Pinapatnubayan ng Marxismo-Leninismo-Maoismo
ANG Pahayagan ng Partido Komunista ng Pilipinas Pinapatnubayan ng Marxismo-Leninismo-Maoismo Tomo XLVIII Blg. 24 www.philippinerevolution.info Pagdiriwang sa ika-50 anibersaryo ng PKP, sisimulan na IPAGDIRIWANG
More informationPlano tungkol sa mga bata at tulong para sa pag-aalaga ng mga bata sa Yokohama (Pansamantalang Pangalan) Plano [Pansamantala]
Plano tungkol sa mga bata at tulong para sa pag-aalaga ng mga bata sa Yokohama (Pansamantalang Pangalan) Plano [Pansamantala] Ipadala ang inyong opinyon (Panahon ng suskripsyon: mula November 8, Heisei
More informationIsasagawa ng naghaharing sistemang pampulitika sa Mayo 2016
ANG Pahayagan ng Partido Komunista ng Pilipinas Pinapatnubayan ng Marxismo-Leninismo-Maoismo Tomo XLVI Blg. 17 Disyembre 21, 2015 www. philippinerevolution. net Tigil-putukan, idineklara ng PKP IDINEKLARA
More informationNEWS. Kasalukuyan hanggang Dis. 31, Ene. 1, 2018 hanggang Dis. 31, Mga Kategorya ng Pinakamababang Sahod
NEWS Ministry of Labour Pagsasapanahon sa Mga Batas sa Pagtatrabaho ng Ontario upang Maging Patas at Makapagbigay ng Oportunidad: Ang Batas sa Patas na Lugar na Pinagtatrabahuan at Mas Mahuhusay na Trabaho
More informationSa isang operasyong komando na tumagal lamang
Rebolusyonaryong Pahayagan ng Gitnang Luzon Taon XXIX ESPESYAL NA ISYU Hulyo 10, 2003 PNP, Dinisarmahan sa Zambales! Sa isang operasyong komando na tumagal lamang ng ilang minuto, matagumpay na dinisarmahan
More informationAlamat ng Kawayan. Anthony Pascua SAILN, Tier III
Alamat ng Kawayan Anthony Pascua SAILN, Tier III Noong unang panahon ang puno ng Kawayan ay hindi yumuyuko. Mayabamg ito at taas-noo. Ipinagmamalaki nito ang kanyang makinis na katawan. Berdeng-berde ang
More informationPantay na Pagk ak ataon sa mga Ex tr acur r icular na Gawain par a sa mga Estudyanteng may K apansanan Mayo 2014, Paglalathala #CM45.
Pantay na Pagk ak ataon sa mga Ex tr acur r icular na Gawain par a sa mga Estudyanteng may K apansanan Mayo 2014, Paglalathala #CM45.08 1. Ang mga estudyanteng may kapansanan ba ay may karapatan sa pantay
More informationH E K A S I KABABAIHAN SA PANAHON NG IKATLONG REPUBLIKA SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools
Modified In-School Off-School Approach Modules (MISOSA) H E K A S I Distance Education for Elementary Schools SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS KABABAIHAN SA PANAHON NG IKATLONG REPUBLIKA 5 Department of Education
More informationStake Audit Committee
Ibinubuod ng dokumentong ito ang layunin, organisasyon, mga responsibilidad, at pananagutan ng stake audit committee. Paalala: Sa dokumentong ito, ang mga terminong stake president, stake auditor, at stake
More informationGABAY SA PAG GAMIT NG ADMIN CONSOLE (ADMIN CONSOLE QUICK GUIDE)
Page 1 of 16 A CLOUD INFORMATION SYSTEM FOR DISASTER PREPAREDNESS GABAY SA PAG GAMIT NG ADMIN CONSOLE (ADMIN CONSOLE QUICK GUIDE) UPDATED: NOVEMBER 2016 No pa r t of this publica tio n m ay be re pro duce
More informationHulyo 2016, Lat # Tagalog. Sistema ng proteksyon at pagtataguyod ng California Walang Bayad (800)
Sistema ng proteksyon at pagtataguyod ng California Walang Bayad (800) 776-5746 Mga Panuntunan ng Segurong Panlipunan para sa Pagtuturing ng Kita mula sa mga Magulang sa isang Anak na may Kapansanan upang
More informationBADYET 2018 NAGTATRABAHO PARA SA IYO
Ang British Columbia ay umuunlad. Malakas ang ating ekonomiya at nakita natin ang paglago ng pagtatrabaho sa antas ng rekord. Nguni t ang malakas na panukat ng ekonomiya ay hindi nagsasalaysay ang buong
More informationIsang Guide para sa Naturalisasyon
U.S. Department of Justice OMB No. 1115-0009 Immigration and Naturalization Service Isang Guide para sa Naturalisasyon Form M-476-TG (12/00) NOTE: This document is certified by a contractor to be a true
More informationReformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores
Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Efeso 6:5-9 Ang Awtoridad Na Saklaw Sa Paggawa ni Rev. Wilbur G Bruinsma Ang buhay ay maraming
More informationMahal na Punong Guro, Guro o Kasama sa Trabaho
Mahal na Punong Guro, Guro o Kasama sa Trabaho Paksa: Ang Global na Kampanya ng UNGEI para sa Edukasyon - Big Story Lesson 2011 Linggo ng Global na Aksyon: Isa syang karapatan, gawin nating tama! Edukasyon
More informationLAHAT NG SANGKOT DAPAT MANAGOT
ng p o g o Ba nak nas a lipi n paa Pi s 3 w w w. p i n o y w e e k l y. o r g ESPESYAL NA ISYU M ATA PAT, M A PA N U R I, M A K A B AYA N 1 2 H U N YO 2 0 1 4 S A PUNTONG ito, hindi na maitatanggi: Sangkot
More information3.1 Paano ito Gumagana 3.2 Resolusyon sa Hindi Pagkakaunawaan 3.3 Insentibo sa Paglutas ng Hindi Pagkakaunawaan
LibertyLance LibertyLance Where Kung Freelancing Saan Nagkikita Meets ang Blockchain Freelancing at Blockchain 1 TALAAN NG NILALAMAN 1.0 FREELANCE MARKET 1.1 Istatistika ng Market 2.0 MGA PROBLEMA SA FREELANCE
More informationNiyayanig ngayon ng masidhing krisis sa pulitika ang naghaharing
ANG Pahayagan ng Partido Komunista ng Pilipinas Pinapatnubayan ng Marxismo-Leninismo-Maoismo Taon XLVI Blg. 4 Pebrero 21, 2015 www.philippinerevolution.net Editoryal Paigtingin ang mga pakikibakangbayan
More informationPagtatanggol ng mga mamamayan sa komisyong kontra-katiwalian: Indonesia
Pagtatanggol ng mga mamamayan sa komisyong kontra-katiwalian: Indonesia Citizens Protect an Anticorruption Commission: Indonesia Shaazka Beyerle Chapter 5 from Curtailing Corruption Lynne Rienner Publishers
More informationUlat mula sa Ombuds Office
Ulat mula sa Ombuds Office 1 1 Ang Office of the Ombuds: Isang Independiyente at Kompidensiyal na Pinagkukuhanan ng Impormasyon at Tulong Mensahe mula sa Director, Office of the Ombuds Nilikha namin ang
More informationAyos na Gamot sa Abot-kayang Presyo -- Ang Tunay na Sigaw ng Sambayanan!
F AIR T RADE A LLIANCE (FTA) Welcome Remarks F AIR T RADE A LLIANCE Ayos na Gamot sa Abot-kayang Presyo -- Ang Tunay na Sigaw ng Sambayanan! Wigberto E. Tañada Lead Convenor Fair Trade Alliance Isang maalab
More informationSa mga magulang na babiyahe dala ang kanilang mga anak patungo sa ibang bansa Sa mga magulang na pabalik ng Japan dala ang kanilang mga anak
Sa mga magulang na babiyahe dala ang kanilang mga anak patungo sa ibang bansa Sa mga magulang na pabalik ng Japan dala ang kanilang mga anak Mga suliraning maaaring harapin kapag inalis ang mga anak mula
More informationAgriculture Secretary MANNY PIÑOL
14 Balita Volume 1 Issue Number 3 Pilipinas papasok na sa SAMPUNG PINAKAMAHIHIRAP NA PROBINSYA Age of Infrastructure TUTUTUKAN NG DEPARTMENT OF AGRICULTURE Golden Ni MICH NABRE Photo by Rico Ibarra Ni
More informationKABANATA 4 ELEKTRONIKONG PAKIKIBAKA (DIGITAL RESISTANCE) PARA SA TAPAT NA MGA POLITIKO: BRASIL
KABANATA 4 ELEKTRONIKONG PAKIKIBAKA (DIGITAL RESISTANCE) PARA SA TAPAT NA MGA POLITIKO: BRASIL (isinalin ni Xavier Roel Alvaran) Nagdulot ang isang kudeta noong 1964 ng dalawang dekada ng inhustisya at
More informationPahayagan ng Partido Komunista ng Pilipinas Pinapatnubayan ng Marxismo-Leninismo-Maoismo. Walang renda ang kanyang bibig sa pagbabanta at pagmumura
ANG Pahayagan ng Partido Komunista ng Pilipinas Pinapatnubayan ng Marxismo-Leninismo-Maoismo Tomo XLIX Blg. 3 www.philippinerevolution.info Mga opensiba, sagot sa terorismo ng estado SINAGOT NG MGA aksyong
More information2010 Gabay sa Pagbibigay Kahulugan
2010 Gabay sa Pagbibigay Kahulugan 2005, 2010 ng AccountabilityWorks. Lahat ng mga karapatan ay nakareserba Nilikha ng Educational Testing Service Ang Layunin ng CELLA CELLA 2010 Gabay sa Pagbibigay Kahulugan
More informationPahayagan ng Partido Komunista ng Pilipinas Pinapatnubayan ng Marxismo-Leninismo-Maoismo
ANG Pahayagan ng Partido Komunista ng Pilipinas Pinapatnubayan ng Marxismo-Leninismo-Maoismo Tomo XLIX Blg. 22 www.philippinerevolution.info EDITORYAL Iniipit ni Duterte ang Pilipinas sa nag-uumpugang
More informationPAGSISIWALAT SA PAARALAN AT DAYCARE
Nabubuhay nang may HIV: Alamin ang Iyong mga Karapatan 1 PAGSISIWALAT SA PAARALAN AT DAYCARE Mga Tanong at Sagot 1. Kailan ko dapat isiwalat ang katayuan ng aking anak sa isang paaralan o daycare? Sa karamihan
More informationDapat magkaisa ang lahat ng sektor para panagutin ang gubyernong
ANG Pahayagan ng Partido Komunista ng Pilipinas Pinapatnubayan ng Marxismo-Leninismo-Maoismo Taon XLVI Blg. 3 Pebrero 7, 2015 www.philippinerevolution.net Editoryal Panagutin ang US at rehimeng Aquino
More informationGRADE V Mga Programa ng mga Pangulo matapos ang People Power 1
GRADE V Mga Programa ng mga Pangulo matapos ang People Power 1 ALAMIN MO Malaking tagumpay ng People Power 1 ang pagpapatalsik kay Pangulong Ferdinand Marcos matapos ang mahigit 20 taong paniniil at pagpapahirap
More informationThe 2017 SWS Survey Review
The 2017 SWS Survey Review 17 March 2017 PSSC Annual General Membership Meeting PSSCenter, Diliman, Quezon City This 2017 Survey Review is based on the four quarterly Social Weather Surveys of 2016; the
More informationNitong nakaraang ilang linggo, tuloy-tuloy na ipinahayag ng
ANG Pahayagan ng Partido Komunista ng Pilipinas Pinapatnubayan ng Marxismo-Leninismo-Maoismo Tomo XLIV Blg. 19 Oktubre 7, 2013 www.philippinerevolution.net Editoryal Ituon kay Aquino ang protesta laban
More informationBayshore Elementary School District Local Control Accountability Plan Year 1 Summary
Bayshore Elementary School District Local Control Accountability Plan 2015-2018 Year 1 Summary Pasimula: Ang Bayshore Elementary School District ay isang maliit na school district na matatagpuan sa border
More informationEPEKTO SA PAGGAMIT NG SOCIAL NETWORKING SITE SA PAGKATUTO NG ASIGNATURANG FILIPINO. by: Laurince Pantaleon
EPEKTO SA PAGGAMIT NG SOCIAL NETWORKING SITE SA PAGKATUTO NG ASIGNATURANG FILIPINO by: Laurince Pantaleon Abstrak Isa sa kinahuhumalingan ng mga mag-aaral sa kasalukuyan ay ang Social Networking Sites
More informationAng Pampatakarang Gabay sa Pagkilala ng mga Biktima ng Trafficking
Ang Pampatakarang Gabay sa Pagkilala ng mga Biktima ng Trafficking Ang Bali Process ukol sa Pagpapalusot ng mga Tao, Trafficking ng mga Tao at Kaugnay na Krimeng Transnasyonal Isang panimulang gabay para
More informationTungkol Saan ang Modyul Na Ito? Anu-ano ang Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?
Tungkol Saan ang Modyul Na Ito? Ang modyul na ito ay tungkol sa Mindanao at ang kasalukuyang paghahanap ng mga taga-mindanao at ng ating pamahalaan ng kapayapaan para sa islang ito. Sa mga nakaraang halos
More informationTungkol Saan ang Modyul na Ito?
Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Ang modyul na ito ay tungkol sa kapayapaang pandaigdig. Umpisahan natin ito sa pag-aaral ng tanyag na pangungusap na ito: Yaman din lamang na ang digmaan ay nagsimula sa
More informationSawang-sawa na ang mamamayang Pilipino
ANG Pahayagan ng Partido Komunista ng Pilipinas Pinapatnubayan ng Marxismo-Leninismo-Maoismo Tomo XLIV Blg. 2 Enero 21, 2013 www.philippinerevolution.net Editoryal Paigtingin ang mga pampulitikang pakikibaka
More informationPahayagan ng Partido Komunista ng Pilipinas Pinapatnubayan ng Marxismo-Leninismo-Maoismo
ANG Pahayagan ng Partido Komunista ng Pilipinas Pinapatnubayan ng Marxismo-Leninismo-Maoismo Tomo XLVIII Blg.6 www.philippinerevolution.info 29 armas nasamsam Matatagumpay na opensiba, nagsagutan NAGSAGUTAN
More informationHinggil sa Karapatan ng mga Katutubo at Kahalagahan ng Pagsalin ng Katutubong Kaalaman at Kultura
Hinggil sa Karapatan ng mga Katutubo at Kahalagahan ng Pagsalin ng Katutubong Kaalaman at Kultura (Input para sa Luzon-wide Youth Gathering) I. SINO ANG MGA KATUTUBONG MAMAMAYAN? Ang mga katutubong mamamayan
More informationa - r 4. Sino ang namuno sa isang corregimiento? r g o 5. Ano ang tawag sa tanggapan ng namuno ng isang pueblo? b n r i
GRADE V PROYEKTO: ANG PAMAMAHALA NG MGA AMERIKANO ALAMIN MO Ang mga Amerikano ay nagpakilala ng maraming pagbabago sa Pilipinas lalonglalo na sa pamamahala ng pamahalaan. Mapag-aaralan mo sa modyul na
More informationAnchorage School District MAHALAGANG MGA KARAPATAN PARA SA MGA MAGULANG NA MAY KINALAMAN SA MGA SURVEY SA ESTUDYANTE
Zangle Default is Denied Anchorage School District MAHALAGANG MGA KARAPATAN PARA SA MGA MAGULANG NA MAY KINALAMAN SA MGA SURVEY SA ESTUDYANTE 5530 E. Northern Lights Blvd. Anchorage, AK 99504-3135 (907)
More informationLEGAL NETWORK FOR TRUTHFUL ELECTIONS. Mga impormasyon tungkol sa pagrerehistro ng botante Gabay sa pambansa at lokal na halalan para sa mayo 2016
LEGAL NETWORK FOR TRUTHFUL ELECTIONS SINO SI LENTE? Ang Legal Network for Truthful Elections (LENTE) ay itinatag noong 2007 bilang pagtugon sa malawakan at sistematikong pandaraya sa mga nakalipas na eleksyon.
More informationPlano na mga Serbisyo para sa Suporta ng Bata/Pag-papalaki ng Bata sa Lungsod ng Yokohama. [Pinaikling Salin] Tagalog
Plano na mga Serbisyo para sa Suporta ng Bata/Pag-papalaki ng Bata sa Lungsod ng Yokohama - Bawa t Bata at Bawa t isa ay Gumaganap ng Mahalagang Tungkulin! Ang Yokohama Waku-waku Plan - [Pinaikling Salin]
More informationI-reboot ang Iyong X1 TV Box
I-reboot ang Iyong X1 TV Box Kapag nagto-troubleshoot ng problema sa iyong XFINITY X1 TV box, maaari kang madirekta upang i-reboot ang device. Alamin ang tungkol sa tatlong opsyon na mayroon ka para sa
More informationPASIG CATHOLIC COLLEGE Grade School Department S.Y ARALING PANLIPUNAN 6 Ikatlong Markahan. Gawain Blg.1
Concept Notes KABUUAN Gawain Blg.1 Pangalan: Pangkat : Class No: Petsa: Layunin : Pamahalaan...Kahalagahan at Tungkulin : Maipaliliwanag kung ano ang pamahalaan,kahalagahan at tungkulin. Nasasabi kung
More informationKongreso ng Pilipinas Kalakhang Maynila
Republika ng Pilipinas Kongreso ng Pilipinas Kalakhang Maynila Ikalabing-apat na Kongreso Ikalawang Regular na Sesyon Sinimulan at idinaos sa Kalakhang Maynila, noong Lunes, ika-dalawampu t walong araw
More informationHindi nilutas ng proklamasyon kay Gloria
OPISYAL NA PAHAYAGAN NG MAKIBAKA IKALAWANG ISYU HULYO 2004 Hindi nilutas ng proklamasyon kay Gloria Macapagal-Arroyo bilang bagong pangulo ang nakaambang pagsambulat ng kumukulong krisis sa pulitika sa
More informationLathalain. Opisyal na lingguhang pahayagan ng mga mag-aaral ng Unibersidad ng Pilipinas - Diliman. Tomo 90, Blg. 03 Hunyo 27, 2012 BALITA
Opisyal na lingguhang pahayagan ng mga mag-aaral ng Unibersidad ng Pilipinas - Diliman Tomo 90, Blg. 03 Hunyo 27, Lathalain KINALIGTAANG ARAL Punong Patnugot Kapatnugot Panauhing Patnugot Patnugot sa Lathalain
More informationAng 1987 Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas
Ang 1987 Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas PANIMULA (Preamble) Kami, ang nakapangyayaring sambayanang Pilipino, na humihingi ng tulong sa Makapangyarihang Diyos, upang bumuo ng isang makatarungan
More informationNanganganib ba ako sa Hepatitis B?
Nanganganib ba ako sa Hepatitis B? Ano ito? Ang Hepatitis B ay isang virus na nakakahawa sa atay at maaaring humantong sa malubhang sakit sa atay. Ang atay ay isang mahalagang organo at responsable sa
More informationPANGKALAHATANG ABISO SA PRIVACY NG PERSONAL NA IMPORMASYON NG EMPLEYADO
PANGKALAHATANG ABISO SA PRIVACY NG PERSONAL NA IMPORMASYON NG EMPLEYADO Pinapahalagahan ng Johnson Controls International plc at ng mga kasosyo nitong kompanya (pinagsama-samang, Johnson Controls) ang
More informationPositibong Pagtatasa ng Pag-uugali at Pagpaplano sa mga Paaralan: Fact Sheet
Positibong Pagtatasa ng Pag-uugali at Pagpaplano sa mga Paaralan: Fact Sheet Hunyo 2015, Publikasyon #CM60.08 Tagalog Panimula Parehong inilatag ng batas ng estado at pederal ang mga kinakailangan para
More informationAng Iyong Karapatan sa Medikal na Pagkapribado sa ilalim ng Batas Federal at ng California
Ang Iyong Karapatan sa Medikal na Pagkapribado sa ilalim ng Batas Federal at ng California Mayo 2014, Publication #CM47.08 1. May karapatan ba ako ng pagkapribado para sa impormasyon ng aking kalusugan?
More informationANG NATIONAL HOCKEY LEAGUE
ANG NATIONAL HOCKEY LEAGUE Ang National Hockey League o NHL ay itinatag sa Canada noong 1917. Ilang koponan ang sumali at nawala, ngunit anim na koponan ang nanatiling aktibo mula pa sa mga unang araw
More informationReformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores
Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Roma 9:21 "Ang Banal Nating Magpapalayok ni Rev. Wilbur Bruinsma Ang katotohanan ng soberanong
More informationKoleksiyon ng mga kailangan at
at pagmamahal Koleksiyon ng mga kailangan at Landas sa MAPAGKUKUNAN NG PANTULONG para bigyan pansin ang mga isyu ng matinding galit, pagkiling & diskriminasyon TUNGKOL SA Ang koleksiyon ng mga kailangan
More informationARALING PANLIPUNAN I
(Effective and Alternative Secondary Education) ARALING PANLIPUNAN I MODYUL 13 ANG PAGHAHANDA PARA SA PAGSASARILI BUREAU OF SECONDARY EDUCATION Department of Education DepEd Complex, Meralco Avenue Pasig
More information1. Ano ang nasa likod ng paglago ng GDP?
Panimula Patuloy ang pagbibida ng administrasyong Aquino sa lumalago raw na ekonomya ng Pilipinas. Sa pinakahuling ulat nito, lumago ang gross domes c product (GDP) nang 6.8% noong huling kwarto ng 2012.
More informationHabang lahat ng reaksyunaryong partido at kandidato ay nagpapaganda
ANG Pahayagan ng Partido Komunista ng Pilipinas Pinapatnubayan ng Marxismo-Leninismo-Maoismo Tomo XLVII Blg. 2 Enero 21, 2016 www. philippinerevolution. net Editoryal Lalong pag-alabin ang poot ng bayan
More informationIpagdiriwang ng sambayanang Pilipino ang ika-40 anibersaryo ng
ANG Pahayagan ng Partido Komunista ng Pilipinas Pinapatnubayan ng Marxismo-Leninismo-Maoismo Tomo XLIV Blg. 8 Abril 21, 2013 www.philippinerevolution.net Editoryal Palawakin at palakasin ang NDFP at ang
More informationSa loob ng ilang araw, haharap sa unang pagkakataon si Rodrigo
ANG Pahayagan ng Partido Komunista ng Pilipinas Pinapatnubayan ng Marxismo-Leninismo-Maoismo Tomo XLVII Blg. 12 Hulyo 21, 2016 www. philippinerevolution. net Editoryal Unahin at agad na tugunan ang mga
More informationReformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores
Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Genesis 42:1-25 Ang Landas Ng Pagkakasundo ni Rev Rodney Kleyn Ating ipagpapatuloy ngayon ang
More informationReformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores
Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Mga Roma 8:2 Kalayaan ni Rev. Carl Haak Ikaw ba ay malaya? Hindi ko tinatanong ang iyong katayuang
More informationMga Nalalapit na Pagbabago sa Santa Clara Family Health Plan Cal MediConnect Plan (Medicare-Medicaid Plan) 2018 na Listahan ng Gamot
Mga Nalalapit na Pagbabago sa Santa Clara Family Health Plan Cal MediConnect Plan (Medicare-Medicaid Plan) 2018 na Listahan ng Gamot Petsa ng pagbabago 8/1/2018 Ang Santa Clara Family Health Plan (SCFHP)
More informationTABLE OF CONTENTS. By Farah Sevilla. Ni Emmanuel Drewery. Editorial Board NYMIA PIMENTEL-SIMBULAN DR. P.H. SONNY MELENCIO GINA DELA CRUZ
TABLE OF CONTENTS JM VILLERIO 4 9 13 15 17 20 21 24 26 26 27 State of the Indigenous Peoples Address (SIPA) 2011 By Ang IP Agenda sa Administrasyong PNoy By ALAMIN ANG INYONG MGA KARAPATAN Bagsak sa unang
More informationItinalakay ni Ministro Oliver ang Balanseng Budget, Low-Tax Plan para sa mga Trabaho, Paglago ng Ekonomiya, at Kaligtasan
Kagawaran ng Pananalapi Bagong Balita Itinalakay ni Ministro Oliver ang Balanseng Budget, Low-Tax Plan para sa mga Trabaho, Paglago ng Ekonomiya, at Kaligtasan Ang Economic Action Plan 2015 ay sumusuporta
More informationNOYNOY RESIGN! Sigaw ng kabataan at bayan: Bakit dapat puspusang kumilos para itulak ang pagbibitiw ni Aquino?
MARSO 2015 4 5 5 6 8 Ang pakikibaka ng Bangsamoro para sa pagpapasya-sa-sarili Candle-lighting protest ikinasa laban sa all-out war sa Mindanao Oil price hike pa rin sa kabila ng mababang presyo sa pandaigdigang
More informationDoble-kara at bantay-salakay. Ito ang tunay na katangian ng
ANG Pahayagan ng Partido Komunista ng Pilipinas Pinapatnubayan ng Marxismo-Leninismo-Maoismo Tomo XLIV Blg. 1 Enero 7, 2013 www.philippinerevolution.net Editoryal Ang hinaharap ng usapang pangkapayapaan
More informationPahayagan ng Partido Komunista ng Pilipinas Pinapatnubayan ng Marxismo-Leninismo-Maoismo
ANG Pahayagan ng Partido Komunista ng Pilipinas Pinapatnubayan ng Marxismo-Leninismo-Maoismo Tomo XLVIII Blg.10 www.philippinerevolution.info 22 armas, nasamsam ng BHB ANIM NA KUMAND ng Bagong Hukbong
More informationH E K A S I EDUKASYON SA PANAHON NG EDSA REVOLUTION HANGGAN SA KASALUKUYAN SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools
Modified In-School Off-School Approach Modules (MISOSA) H E K A S I Distance Education for Elementary Schools SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS EDUKASYON SA PANAHON NG EDSA REVOLUTION HANGGAN SA KASALUKUYAN
More informationAng Kasaysayan at Araling Panlipunan sa K to 12 Curriculum. Lorina Y. Calingasan
Ang Kasaysayan at Araling Panlipunan sa K to 12 Curriculum Lorina Y. Calingasan Curriculum working group Eksperto mula sa DepEd Curriculum Development Division DepEd Master Teachers Propesor ng Edukasyon
More informationPOINTERS FOR REVIEW ARALING PANLIPUNAN - GRADE 1 Unang Markahan
ARALING PANLIPUNAN - GRADE 1 Mga Batayang Kaalaman Tungkol sa Sarili Ang Aking Pisikal na Katangian Mga Pangangailangan ng Bata Mga Mithiin para sa Pilipinas Mga Pansariling Kagustuhan Mahahalagang Pangyayari
More information